Kabanata 3

1268 Words
Maagang pumasok si Lovely sa opisina, dala ang matinding kaba sa dibdib. Hindi niya inaasahan ang tawag mula sa sekretarya ng Chairman, sinasabing pinapatawag siya ni Braxton Fuentebella. Tungkol ito sa design ng asawa niya, pinasa niya kahapon sa secretary ni Braxton. Dahan-dahang lumakad si Lovely papasok sa opisina, pinapanatili ang mahinhing tindig kahit na bumibilis ang t***k ng puso niya. Pakiramdam niya ay masyadong tahimik ang paligid, at ang bawat hakbang niya ay parang tumatama sa sahig nang masyadong malakas. Sa harapan niya, nakaupo si Braxton sa kanyang swivel chair, ang isang braso ay naka-relax sa gilid habang iniikot niya ang isang fountain pen sa pagitan ng mga daliri. Ang matalim nitong titig ay nakatuon sa kanya, tila hinuhubaran siya ng tingin. Tumapik ito sa folder na nasa harap niya. “I reviewed the design. I must say, it has potential.” Napalunok siya, naghihintay sa susunod nitong sasabihin. “But it needs minor revisions,” patuloy nito. “However, … I decided to approve it.” Napasinghap siya sa hindi inaasahang balita. “S-seryoso po kayo, Sir?” “Yes,” anito, saka tumayo at lumapit sa kanya. Habang papalapit ito, mas lalo niyang napansin kung gaano ito katangkad at kung paanong tila nangingibabaw ang presensya nito sa kwarto. Malalim ang titig nito, may bahid ng amusement sa mga mata, at ang bawat kilos ay puno ng kumpiyansa. “But” ani Braxton, tumigil ito sa harapan niya, sobrang lapit na halos maramdaman niya ang init ng katawan nito. “I have one condition.” Napalunok siya. “Ano po iyon?” Mabagal na ngumiti si Braxton, ang isang sulok ng labi ay bahagyang umangat, at may kung anong kakaibang ningning sa mga mata nito. “Have dinner with me.” Napapitlag siya sa narinig, nagulat sa hinihinging kapalit. “P-Po?” “A dinner,” ulit nito, bahagyang yumuko upang mas makita ang reaksyon niya. “I want to get to know you more, Miss Bel Just one night.” Nanuyo ang lalamunan niya. Bakit? Ano ang dahilan nito para gustuhin siyang makilala? Tila binabasa ni Braxton ang kanyang iniisip kaya nagpatuloy ito. “Consider it as a friendly dinner, nothing else.” Napatingin siya sa papel na may pirma nito. Kahit anong reklamo ang gawin niya sa isip niya, alam niyang hindi niya ito matatanggihan. Siya ang Chairman—ang pinakamakapangyarihang tao sa kumpanyang ito. “Okay,” sagot niya sa mahinang tinig. “Miss Bel” anitong may mababang tono, ang boses ay may bahagyang pang-aakit. “Sir,” magalang niyang sagot, pinipilit na manatiling composed kahit ramdam niyang sinusuri nito ang bawat galaw niya. Hindi agad ito sumagot. Bagkus, nagtagal ang mga mata nito sa kanya—mula sa mapulang labi niyang tila inaakit ito kahit hindi sinasadya, pababa sa fit na blouse na bahagyang nagbigay ng silip sa kanyang collarbone, hanggang sa mahahabang binti niyang kitang-kita sa pencil skirt na suot niya. Napakagat siya ng labi, nakaramdam ng kakaibang init sa titig nito. “Gusto mo bang umupo?” tanong nito, ngunit sa halip na ituro ang upuang nasa harap ng mesa nito, itinapik ni Braxton ang gilid ng kanyang sariling desk. Nagtaas siya ng kilay. “Dito po?” “Yes,” anitong may mabagal na ngiti. “I want you closer.” Nanuyo ang lalamunan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang kilos ni Braxton—tila sinusubukan nitong bawasan ang distansya sa pagitan nila. At kung hindi niya kilala ang sarili niya, iisipin niyang may kung anong matinding interest ito sa kanya. Hindi sigurado kung dapat siyang sumunod, marahan siyang lumapit at umupo sa silyang nakalaan para sa mga bisita. Ngunit tila hindi ito nagustuhan ni Braxton. “You used to be bolder than that,” anito, ang boses ay halos pabulong. Napatigil siya. Napakunot ang noo. “Sir?” Isang mapang-akit na ngiti ang sumilay sa labi ni Braxton. Tumayo ito mula sa kanyang upuan at marahang lumapit sa kanya. Hindi mabilis, hindi mabagal—tamang-tama lang para maramdaman niya ang tensyon sa pagitan nila. Hanggang sa nakatayo na ito sa harapan niya. “Do you really think I wouldn’t recognize you, Lovely?” anitong mahina ang tono ngunit punong-puno ng kumpiyansa. Muntik nang mahulog ang puso niya sa kaba. Napaatras siya nang bahagya sa upuan, ngunit hindi siya makaiwas sa matatalim na matang nakatitig sa kanya. “I… Napalunok siya, hindi alam kung paano tatanggi. “Sir, hindi ko po—” “Don’t,” putol nito, yumuko nang bahagya upang mas lumapit pa sa kanya. “Huwag mo akong gawing tanga.” Nag-init ang pisngi niya sa paraan ng pananalita nito. “Alam mong matagal kitang hinanap,” patuloy ni Braxton, marahang itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng upuan niya, unti-unting inilalapit ang mukha sa kanya. “You left without saying a word, and now here you are… working under my company, pretending you don’t know me.” Napalunok siya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga. “Tell me, Lovely,” anitong halos nakadikit na ang labi sa tenga niya, was that night really nothing to you?” Nakapikit siya, pilit nilalabanan ang epekto ng presensya nito. “Wala na po akong maisasagot, Sir,” mahina niyang bulong, ngunit alam niyang hindi sapat iyon para palayuin ito. Braxton chuckled, ang mainit na hininga nito ay dumampi sa kanyang leeg. “Fine. Then prove it to me.” Napasinghap siya nang dahan-dahan nitong hinawakan ang kanyang baba, iniangat ito upang mapaharap sa kanya. “Come to dinner with me,” utos nito, ngunit ang tono ay parang hindi siya binibigyan ng pagpipilian. Nagtagpo ang kanilang mga mata—may apoy sa titig ni Braxton, isang pagnanasang hindi nito ikinukubli. At kahit anong gawin niyang pag-iwas, hindi niya maitanggi ang isang bagay. Hinahanap-hanap rin niya ito. Pagbalik ni Lovely sa opisina Pagkaupo pa lang niya sa kanyang desk, mabilis niyang hinila ang cellphone at tinawagan ang asawa niya. “Hello?” malamig ang boses ni Tommy. “Tommy… in-approve ng Chairman ang design mo,” aniya, hindi sigurado kung dapat ba siyang matuwa o hindi. Saglit na katahimikan. “Talaga?” Sa wakas, may bahagyang sigla sa boses nito. “Paanong nangyari ’yon?” “May… kondisyon siya,” aniya, hindi sigurado kung paano ito ipapaliwanag. “Ano?” Napakagat siya ng labi. “Dinner. Gusto niya akong maka-dinner.” Sa isip niya, aasahan niyang magagalit ang asawa niya—magdududa, magseselos, o kahit papaano ay kokontrahin ito. Pero kabaligtaran ang nangyari. Sa halip na magalit, napatawa si Tommy. “Well, well… mukhang interesado si Mr. Fuentebella sa’yo, huh?” Napakunot ang noo niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Walang masama, Lovely,” anito sa mahinahong tinig. “This could be good for us. The closer you get to him, the better. Think about it—may direct access tayo sa Chairman.” Nanlalamig siya sa narinig. “Tommy, asawa mo ako.” “And that’s exactly why I trust you,” anito. “Huwag mong sayangin ang pagkakataon. Just keep him interested enough.” Napapikit siya, hindi makapaniwala sa sinasabi ng asawa niya. Iniisip ba talaga nitong gamitin siya para sa trabaho nito? “Ano ang gusto mong gawin ko, kung gayon?” tanong niya, pilit pinapanatiling kalmado ang boses. “Just go with it. Be close to him. Makipaglapit ka sa kanya—make him trust you,” sagot ni Tommy, puno ng kasiguraduhan. “Kapag malapit na tayo sa Chairman, magiging madali ang lahat para sa akin.” Napalunok siya. Wala siyang magagawa—kailangan niyang sundin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD