BAGO pa makalabas si Lovely, isang katok mula sa pinto at pagbukas niya ay si Mr. Diaz—ang team leader ng asawa niya.
“Good morning, Sir. May urgent meeting daw po,” anunsyo nito.
Napatingin si Tommy, halatang nagulat.
“Now?”
“Yes, sir. It’s regarding the high-rise project.”
Tumango si Tommy, bilang isang project manager ay kailangan niyang pumunta sa meeting.
“Fine. Lovely, bring the documents.”
Mabilis siyang tumango at kinuha ang mga kinakailangang files. Naunang naglakad si Tommy at nakasunod lang siya. Habang naglalakad patungo sa conference room, ramdam niya ang kaba sa dibdib niya.
Pagkarating sa elevator ay agad siyang binalaan ni Tommy.
“Posibleng kasama ang chairman kaya ayos-ayosin mo ang trabaho mo, Lovely! ‘wag mo akong ipapahiya!” mahinang wika lang ni Tommy pero bakas ang pagbabanta sa sinabi nito. Hindi siya kumibo hanggang bumukas na ang elevator.
Maingay ang bulungan ng mga empleyado habang isa-isang pumapasok sa silid. Lahat ay abala sa paghahanda. Binubuksan ang laptops, inaayos ang files, at tinatapos ang mga huling detalye bago magsimula ang meeting.
Si Lovely, nakatayo sa gilid ni Tommy, hawak ang tablet kung saan nakalista ang agenda ng meeting. Hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan. Sanay siya sa ganitong set-up—pero may kakaiba ngayon.
“Take notes properly,” bulong ni Tommy habang inaayos ang kurbata niya.
“I don’t want any mistakes this time.”
Tumango siya, mabilis na nag-type ng ilang detalye sa tablet.
Nagbukas ang pinto, at parang bumagal ang oras sa paningin ni Lovely.
Pumasok ang isang grupo ng executives—pormal, may dating, at halatang may mataas na posisyon sa kumpanya. At sa gitna nila… isang lalaking hindi niya inakalang makikita niya ulit.
Anong ginagawa niya dito?
Halos hindi kumukurap si Lovely dahil kahit madilim no’ng gabing ‘yon at lango siya ng alak hindi siya maaring magkamali. Ang lalaking palaging laman ng panaginip niya, hinahanap-hanap niya ay biglang nagpagkita.
Palihim siyang siniko ni Tommy.
“Nandiyan ang chairman, ngumiti ka!”
Mas lalo siyang nagulat sa sinabi ng asawa. Nang tumayo ito ay tumayo rin siya at bahagyang yumuko.
Maliban sa kanya, walang sinuman sa silid ang tila nagulat sa pagdating ng Chairman. Sanay na silang makita ito. Pero para kay Lovely, biglang nagbalik sa isip niya ang isang gabing pilit niyang kinalimutan.
Lahat ay bumati maliban sa kanya na siya lang yata ang nakarinig sa pagbati niya. Naupo na ang chairman kaya naupo na rin sila pero nasa likod lang siya ni Tommy.
“Good morning, everyone.” Malalim at kalmado ang boses ni Braxton habang umupo sa harapan.
“Let’s begin.”
Agad siyang tumungo, kunwari’y nakatutok sa tablet. Hindi siya pwedeng magpahalata.
Nagsimula ang meeting. Dire-diretsong paliwanagan tungkol sa bagong proyekto—isang luxury building sa Makati. Palitan ng ideya. Diskusyon ng budget, timeline, at plano. Lumingon si Braxton kay Tommy.
“Mr. Salvador, since your department is handling the initial phases, I assume you have the updated reports?”
“Of course, sir,” mabilis na sagot ni Tommy. Tinapik niya si Lovely nang hindi tumitingin dito.
“Lovely, do you have the list?”
Tumikhim siya, kinuha ang printed report, at iniabot kay Tommy.
Braxton leaned back on his chair, his fingers tapping lightly on the table. His eyes, cold and unreadable, flickered toward her.
“Is she your secretary?” tanong ni Braxton kay Tommy pero sa kanya nakatingin.
Nanlamig ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Pinilit niyang iangat ang tingin at ngumiti nang bahagya.
“Yes, sir.” Sagot ni Tommy.
Tumingin na siya kay Braxton, bumuka ang labi niya pero wala siyang mahagilap na sasabihin. Nagtagpo ang mga mata nila.
“What’s your name?” muling tanong ni Braxton.
“L—Lovely Bel I’m Lovely Bel” Nauutal niyang sagot. Tiyak mamaya ay pagagalitan na naman siya ng asawa dahil para siyang hindi professional kung sumagot.
“You’ve been working under Mr. Salvador for how long?”
Bakit ganito ang mga tanungan niya?
“Almost a year, sir.” Sa wakas ay nakasagot siya nang diretso.
“Impressive. And your background?”
“I graduated with a degree in Business Administration, major in Marketing, sir.”
Braxton tilted his head slightly. “Marketing, yet you work as a secretary?”
Napahigpit ang hawak niya sa tablet. Alam niyang may ibig sabihin ang tanong niya, parang sinasadya niyang ipaalala sa kanya na hindi siya nababagay sa trabaho niya.
“It was an opportunity given to me,” sagot niya nang mahinahon.
“Hmm,” he hummed, nodding slowly. Bigla siyang bumaling kay Tommy.
“I need the revised draft of the financial projection by tomorrow morning.”
“Understood, sir,” sagot ni Tommy.
“And make sure it’s properly formatted. I don’t want to see unnecessary errors again.”
“Of course, sir.” Kumpyansang sagot ni Tommy.
“Good.”
Nagpatuloy ang meeting. Ngunit sa buong oras, ramdam ni Lovely ang tingin ni Braxton sa kanya. Hindi niya alam kung napapansin rin ba ito ng mga katabi niya lalo na ng asawa niya.
Pagkatapos ng isang oras, natapos ang meeting. Isa-isang nagligpit ng gamit ang mga empleyado at lumabas.
Marami pang inutos si Tommy sa kanya kaya dali-dali niyang tinype sa laptop.
Habang nagta-type, hindi niya napansin na unti-unti nang nauubos ang mga tao sa silid, hanggang sa huli, siya na lang ang natira… maliban kay Braxton, na nanatiling nakaupo tas pinagmamasdan pala siya.
Napahiya siya agad at agad rin niligpit ang gamit at tumayo. Nagmamadali siyang nagpaalam bahagyang yumuko at lalabas na sana ngunit hindi bumubukas ang pinto.
“Paano ba ‘to?” nangungunot na ang noo niya nang may nagsalita sa kanyang likuran.
“Need help, Miss. Secretary?”
Sunod-sunod ang paglunok niya. Napahigpit ang hawan niya sa laptop pero hindi niya magawang lumingon hanggang sa naramdaman niya ang mainit na hininga sa kanyang batok.
Napapikit siya nang mariin. Pilit nilalabanan ang kabog ng dibdib. Ngunit sadyang pinaglalaruan siya ng pagkakataon.
Hinapit siya sa baywang at pinaharap ni Braxton. Muling nagtagpo ang mga mata nila.
Ang kaninang seryoso at diktador nitong awra ngayon ay sobrang maamo. Sumilay ang matamis nitong ngiti at mas lalo pa siyang hinapit kaya nagdikit na talaga ang mga katawan nila. Halos marinig niya na ang t***k ng kanyang puso. Hindi siya makapagsalita lalo nang halikan siya bigla ni Braxton. Namilog ang kanyang mata, kumalas rin agad ito nang hindi niya magawang tumugon.
“We meet again, baby.”
*****
Pagkatapos ng meeting, bumalik si Braxton sa kanyang opisina, ngunit sa halip na ituon ang sarili sa iba pang mga gawain, isang babae ang patuloy na gumugulo sa kanyang isipan.
Si Lovely!
Napatingin siya sa kanyang kamay, sa mismong palad na ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay mahigpit na nakahawak sa malambot nitong baywang. Ang amoy ng pabango nito ay tila nananatili pa rin sa kanyang ilong. Tumatawa siya mag-isa, matagal niyang pinapahanap ang babae, gabi-gabi rin siyang pumupunta sa bar na ‘yon nagbabakasali na muli silang magkikita pero hindi na ito pumupunta sa bar. Kaya hindi niya talaga sukat akalain na dito sila magkikita, ang nakakatawa, empleyado niya pala ang babae ng isang taon na.
Noong gabing iyon, hindi man lang niya nakuha ang pangalan nito. At ngayon, nagkunwari itong hindi siya kilala? Muli siyang tumawa.
“Mr. Fuentebella?”
Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig niya ang boses ng kanyang secretary.
“What is it?” malamig niyang tanong.
“The HR manager is on the line,” Sagot ng secretary. Nakalimutan niyang inutusan niya pala ang secretary na tawagan ang HR
“Put her through.”
Isang mabilis na tunog ang narinig niya bago nagsalita ang babae sa kabilang linya.
“Good afternoon, Mr. Fuentebella. How can I assist you?”
“Send me the complete employee profile of Lovely bel, now.”
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa linya bago sumagot ang HR manager, halatang nag-aalinlangan.
“Sir, do you need any specific—”
“I don’t like repeating myself,” malamig niyang putol.
“Understood, sir. I’ll send it to you right away.”
Ilang minuto lang ang lumipas, dumating na ang email. Mabilis niyang binuksan ang file at sinimulang basahin ang impormasyon.
Name: Lovely Monteverde Bel
Position: Executive Secretary
Department: Engineering & Construction
Supervisor: Tommy Salvador
Marital Status: Married
Humigpit ang hawak niya sa mouse. Sabay laglag panga niya habang paulit-ulit na binabasa ang isang salita.
Married.
At ang pangalan ng asawa?
Tommy Salvador.
“f**k!”
Napaatras siya sa kanyang upuan, mariing pinisil ang tulay ng kanyang ilong. Hindi siya madaling gulatin ng impormasyon, pero hindi niya inasahan ito.
Ang babaeng pinagnasaan niya sa loob ng isang buwan. Ang babaeng nag-iwan sa kanya sa kama ng isang hotel, hindi man lang nagpaalam.
Asawa ng sarili niyang empleyado?
Muli niyang naalala ang paraan ng paghawak sa kanya ni Tommy kanina. Ang bahagyang pagiging protective nito.
Shit.
Tumawa siya, isang mapait na tawa.
“So, that bastard married her?”
Hindi niya alam kung maiinis siya o matatawa sa sarili. Para siyang tangang naglaan ng oras para alamin ang impormasyon nito, nag-expect na baka may ibang dahilan kung bakit siya iniwan nang gabing iyon—only to find out she was already someone else’s wife.
Mabigat siyang napabuntong-hininga at napahawak sa sintido.
Well, that was… disappointing.