Chapter 5

1054 Words
FIVE: NEW ENCOUNTER ("Out of all the words I can say, I need a friend right now.") After a few minutes, someone entered the office. "What the F*ck!" mahina kong sambit. Paulit ulit ko pang kinusot ang mga mata ko to confirm what I am seeing. Is this true? Wow! "Sh*t. Ang gwapong CEO naman neto!" Utas ng kasamahan kong si Kate. Kung si Kate sobrang namangha sa mala-Lee Min Ho'ng postura ng CEO, ako naman ay... N A H I H I W A G A A N!!! This was the first time I saw this kind of soul. DARK BLUE??? Ngayon pa lang nafefeel ko nang may iba sa kanya. I'm sure na kanina pa ako super tulala sa CEO. Kung paano kong unang nakita ang kulay ng katauhan ng mga tao ay ganoon ang naging reaksyon ko sa kanya. Is it a spell or a jinx? "I'm the CEO of this company, Evan Yi. Welcome to my company." matipid niyang pagbati sa'min. Sobra pa rin akong napapatitig sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako tumingin,pero nagulat ako ng... TUMINGIN SIYA SA'KIN!!! Sobrang tagal. Hindi ko nakayanan ang mga titig niya. "What's the matter with you?" tanong niya sa'kin na nagsalubong na ang kilay. "Ahhhhhh. Uhmmmmm. Wala po Sir." Napayuko ako. "Weird." mahinang utas niya pero rinig na rinig ko, naglakad na siya palayo. What? Ako weird? E ikaw nga 'tong weird. Naiwan kami with the marketing director. Kasi kailangan ni Miss Hana sumunod kay Sir Evan. First day namin sa trabaho ngayon kaya kailangan muna namin malaman ang lahat tungkol dito lalong lalo na ang bawat appliance na mayroon ang company. Kaya nga dapat ay - MAG FOCUS KA DANA!!! Hindi pa rin kasi ako nakaka get-over sa nakita ko. Sabi sa'min, we need to be aware of the sales and consumer satisfaction too to come up with a better way to increase the sales. So, the first thing we do today is to study, especially the manual. Kaya ako naman ay sinubsob ang sarili sa manual. ARAL ARAL ARAL ARAL ARAL ARAL ARAL ARAL ARAL ARAL ARAL ARAL I have read that as a marketing officer, I should create and deliver marketing strategies and campaigns for our company. So, the key skills needed are writing skills, management, and delegation skills, and networking and communication skills. I'm sure that I have the former ones, but there will be problems with the latter. Pero, kaya nga ako nandito I have to prove that I can do better and that I'll be successful. "Dana, kita mo kanina? Di ba sobrang seryoso niya? At ang gwapo teh!" biglang awat sa'kin ni Kate na sobrang kinikilig pa. "Gwapo ba?" "Ano?! Hindi mo ba nakita 'yon? E halos matumba na ako ng makita ko siya. Tapos ikaw wala lang?" "Nakita ko naman. Kaso, gwapo ba 'yon?" "Ay ibaaa siyaaa. Iba rin ang standard ng gwapo sa'yo ha. Ano ba'ng gwapo sa'yo?" "Hmmmmm... si EMPOY?" Tumawa siya ng malakas dahilan kung bakit tiningnan kami ng lahat. DU BUANG!!! (Parang baliw) Hindi ko alam kung bakit siya napatawa. E gwapo naman talaga si EMPOY para sa'kin ah. Kasi naman lahat binabase sa panlabas na kaanyuan. Hayyy. Mabilis lumipas ang oras. Wala gaanong nagpapansinan sa team dahil super busy ang lahat. It's already 12:00 pm. Lunch break na kaya nagsilabasan na ang lahat. Nagpahuli ako at tiningnan ko ang office ng CEO, made of glasses ito kaya makikita mo siya sa loob. "Wala siyang balak lumabas at kumain?" LABOT KO? (Pakialam ko?) Hayyyy. Wala kang karapatang makialam DANA!!! "Bakit nandito ka pa Kate?" nagtataka kong tanong sa kanya, ng makalabas ako at makita siyang nakasandal sa pader. "Ano ka ba Dana? Syempre I'm waiting for you. Sabay na tayo mag lunch ha." Mabilis niyang sabi sa'kin sabay lapit at hawak sa braso ko sabay hakbang ng mabilis. Hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya. We don't even know each other that well and she's acting like this? My goodness. FEELING CLOSE KAAGAD? "Bakit ba ang tagal mo kanina? Ano bang ginawa mo doon sa loob?" pagtatanong niya habang patuloy lang kami sa paglalakad. "Wala naman, may tinapos lang akong basahin." Naging reason ko sa kanya kahit na ang totoo, I don't feel like joining them. "Ganoon ba, sobrang seryoso mo naman sa trabaho. Dapat ako rin." sagot niyang nakangiti pa rin. Nakakainis din 'tong si Kate. Palagi na lang nakangiti para bang walang problema sa buhay. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay hila hila niya pa rin ako sa braso. "Sa cafeteria of course. Mag lulunch tayo di ba?" "Oo." Pwede namang sumama na lang siya kay Richard at Harry. Kaya ko naman ang sarili ko. "We're here." Mabilis kaming pumasok sa loob at nag-order. We immediately start eating our food. "Ilang taon ka na Dana?" "25." "Twenty-five ka pa lang Dana? Paano ba 'yan mas matanda ako sa'yo." "Bakit? Ilang taon ka na ba Kate?" "27." "Really? Pang-ilang job mo na 'to?" pagtatanong ko na ikinagulat din mismo ng sarili ko. Bakit parang biglang nagagawa akong mapasalita ni Kate? Haist. "It's my 3rd job. Nag resign ako sa nauna kong trabaho kasi hindi ko gusto ang environment. Masyadong competitive ang mga ka trabaho ko kaya nagkakasiraan na sa isa't isa." "Ganoon ba." Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Natahimik ako sandali ng bigla siyang nagsalita ulit. "Dana, sana kahit may competition din sa trabaho natin dahil 2 lang ang pwedeng matanggap after 1 month, we can still be friends." Biglang seryoso niyang sabi. Mabuting tao talaga 'tong si Kate. Wala akong masabi kasi di ko naman talaga alam kung ano ang magiging response ko. Ngumiti na lang ako sabay tango. Pagkatapos naming kumain ay bumaba muna kami ni Kate at tumambay sa bench na nasa ilalim ng puno sa harapan ng company. Bigla siyang umalis sandali at ng bumalik siya ay may bitbit na itong ice cream stick. Saan niya naman 'to kinuha? "Chocolate flavor ang pinili ko coz I don't know what you like." Pag aabot niya sa'kin ng isang piraso. Well, she made the right choice. I like chocolate. "Thanks." "You're welcome. I hope we can be good friends." sambit niya at tuluyan ng umupo sa tabi ko. FRIENDS??? May kaibigan na ako? END OF CHAPTER 5
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD