Chapter 4

997 Words
FOUR: STARTING OVER (I want to show that my life is miserable without you. So, I wish you were in pain.") "Ma, huwag ka nang umalis. Huwag mo akong iwan." Patuloy lang ako sa pag-iyak habang patuloy na tinatawag si mama. "Mama! Ma! Mama!" Pero bakit hindi niya ako naririnig? Bakit hindi niya man lang ako kayang tingnan? Mabilis kong iginalaw ang mga paa ko sa pagtakbo para sana habulin siya, pero unti unti na siyang naglalaho. "Mama!" Bigla akong napadilat sa masamang panaginip na 'yon. Ilang weeks ko rin itong hindi napapanaginipan, pero ngayon ay bumabalik na naman ito. Paulit ulit nitong ipinapaalala sa'kin ang pag-iwan sa'kin ni mama. Ang naging dahilan kung bakit nagbago si papa. Nawala bigla lahat ng antok ko. Ayoko na muling ipikit ang mga mata ko, pero bukas na ang simula ng bago kong trabaho kaya't hindi pwedeng malate lalong lalo na if bago ka pa lang. Ilang beses na akong nagpapalit palit ng posisyon sa pagtulog pero wala pa ring nangyari. "Haist. Ano ba naman 'to oh?!" Bumangon ako at kumuha ng isang can ng beer at ininom 'yon ng mabilis at saka bumalik na ulit sa pagtulog. Mabuti na lang mahina ang tolerance ko sa alcohol kaya medyo tinamaan ako sa isang can. Nakadama na ako ng antok. Matapos akong kunin ni lola kay papa ay wala na akong naging balita sa kanya. Sobrang sinisisi ko si mama kung bakit nagkaganoon si papa. I miss the old him. Sinubukan ko siyang hanapin nang bumalik ako sa maynila, pero wala na siya sa dati naming bahay. Kaya ngayon mag-isa na lang ako. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong 3 am pa lang. I need to sleep more to have much energy tomorrow for my first day at Yi Feng. Pinilit kong ipinikit ang mga mata ko sabay bilang ng mga tupa para makatulog. I do this because napanood ko 'to dati sa isang drama. I have tried it before and it's quite effective, so I'm doing it again just to get some more sleep. Sheep ang ginagamit kasi pareho sila ng tunog ng salitang sleep. Sheep-sleep. "1 sheep...2 sheep...3 sheep...4 sheep... 5 sheep...6 sheep...7 sheep...8 sheep...9 sheep...10 sheep...11 sheep... 12 sheep...13 sheep...14 sheep... 15 sheep..." Narinig ko ang sobrang ingay na tunog ng alarm ko. Sinet ko kasi 'yon sa 6:20 para may 10 minutes pa ako bago tuluyang bumangon. Naghintay pa ako ng ilang minuto kaya humiga na lamang ako sa kama ko, pero gising na naman ang isipan ko. Nagmumuni muni na lang kung ano ba ang mangyayari mamaya. Kinakabahan na ako. Sana kayanin ko at sana mapaligiran lang ako ng mga good souls. Please. Pagpatak ng 6:30 am ay nagsimula na akong mag-ayos. Naligo, nagbihis at nag kape na lang muna. Nasanay kasi akong hindi kumakain ng almusal kaya deretso alis na lang after. Pero dahil first day ko sa trabaho I need to eat, so I'll just drop by at a fast-food later. Habang naglalakad papunta sa highway ay may natanggap akong text mula kay Miss Hana. Good morning to all! See you at the company this morning. Make sure not to be late. ^^ Dahil doon ay mas lalo kung binilisan ang paglalakad. Natutuwa talaga ako kay Miss Hana. Sobrang napakabait niya talaga. She's really beautiful too. If given a chance I want to be like her. Siya 'yong unang taong nakagaanan ko ng loob sa company. Nakasakay na ako ng taxi at 7:12 am. "Hi! Dana right?" masiglang pagbati sa'kin ng isang babae na hindi ko naman kilala pero pamilyar sa'kin. Hmmmmm. Pilit kong inalala kung saan ko siya nakita. "Hi, yes." maiksi ko namang sagot sa kanya matapos kong maalala na isa siya sa mga trainees. "Dito na lang ako mauupo ha. Pwede ba?" "Of course." Nakita kong mabilis niyang hinila ang upuan mula sa pagkakaayos nito. "Thanks. Naka received ka ba ng text kay Miss Hana?" "Yes. Ikaw?" "Oo. I'm sure na may important instruction siya sa'tin ngayon." "Siguro nga." I really feel awkward talking and eating with other people. Nasanay kasi ako mag-isa, kaya sobra akong walang kwentang kausap. Very short responses lang talaga. Sorry Kate. "Are you nervous mamaya Dana? Kasi ako super, sabi kasi ng isang trainee di na si Harry super strict daw ang boss natin. Wala daw 'yong close sa company, kahit secretary niya very distant siya. Halos lahat sa company hindi niya masyadong pinapansin maliban lang ko trabaho na ang pinag-uusapan." halatang kabado niyang paliwanag sa'kin. Inalala ko ang hitsura ni Harry na trainee din at 'yon I remember na siya pala 'yong may black soul. "Kabado din naman ako Kate. Pero I'm sure naman na makakaadjust rin tayo." seryoso ko pa ring sagot sa kanya. Malimit lang talaga ako ngumiti sa kausap ko. "Sana nga Dana. I hope we get along too. Wala kasi akong kakilala sa company." I don't know what to say coz I'm not sure if I can be a good companion for her. Wala pa akong naging close after ng mga naging ex friends ko noong high school. I just nodded to show her my response. After noon ay nagpatuloy na kaming kumain at sabay na rin kaming pumasok sa company. Kaagad kaming dumeretso kay Miss Hana at andoon na rin naman ang dalawa pang trainees. I checked my watch, I'm sure we're not late coz it's 7:41 am pa lang naman. Kinabahan lang ako ng konti ng nandoon na ang dalawa naghihintay with Miss Hana. Binati kami kaagad ni Miss Hana at pinaupo na muna. Ngayon ko lang nalaman na siya pala ang secretary ng CEO. Involved talaga siya sa paghahire ng mga marketing officers kasi strict ang CEO sa performance ng marketing team ayon sa explanation niya. After ng mabilis na introduction niya ay dinala na niya kami sa office namin. She gave us our own desk to be used. Naghihintay na lamang kami sa pagdating ng CEO para ma introduce niya kami. END OF CHAPTER 4
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD