Chapter 6

1189 Words
SIX: THREE STEPS BEHIND (I have to maintain the distance between you and me.) "Kayong apat dapat may ma e present na kayong output by next week. You'll have to make presentations for that and show your plan sa team. I am assigning you to make two possible ideas." mariing pagkakasabi ni Mr. Rey sa'ming apat. Kaming apat ang naka assign na mag device ng marketing campaigns. Si Kate palang ang nakakasundo ko sa mga kasama ko. Mas lalo pa siyang naging makulit at pala kausap. Hayys. After niyang sabihin 'yon ay kaagad kaming nag conduct ng meeting, just the four of us. Napagkasunduan namin na gawin ang trabaho by partner. Magkasama si Richard at Harry. Kami naman ni Kate. "Dana, pwede mo ba 'tong e explain sa'kin. Di ko kasi masyadong maunawaan ang point dito na gusto mong sabihin." biglang pag-awat sa'kin ni Kate sa kasalukuyan kong pinagkakaabalahan. Mabilis kong ipinaliwanag kay Kate ang part ng plan ko na itinatanong niya kasi nga matalino ako. Meanwhile, nakita ko ang muli na namang pagtingin ni Richard sa'min ni Kate. Anong problema niya? May gusto ba siyang sabihin? Kanina ko pa kasi napapansin na napapatingin siya sa'min. Hmmmm. May gusto ba siya sa'kin? "GET OUT!!!" Malutong na sigaw ang pumailanlang. Napatingin kaming lahat sa pinanggagalingan nito. Bakit naman kaya napapasigaw 'tong si Sir??? Scary. "STUPID!!!" Isang sigaw na naman, alam mo 'yong tipong marinig mo lang sigaw niya ay mapapatayo ka na sa kinauupuan mo, hayyyys, feeling ko di ako tatagal dito ah. Lumabas na ang pinapagalitan ni Sir. "All of you! Proceed to the conference NOW!!!" Sigaw niya saming lahat.Hayyyy. Scary talaga siya, animo'y may kidlat na tatama sa'min at ganoon na lang ang pagmamadali naming pumasok sa conference. "Psst. Akala ko oppa si Sir 'yon pala TIGRE! Eh? Nangangain te." bulong sa'kin ni Kate bago pumasok."Empoy na lang tayo Dan." Dagdag pa niya. BUANG GID. (Baliw talaga.) Nasa conference room na kaming lahat ng nasa marketing team. Walang nagsasalita sa'min dahil lahat ay kabado sa sasabihin ni Sir Evan. Baka naman 'you're fired!' kaagad??? Ngeeee. Huwag naman sana. K A T A H I M I K A N "We have a big problem. Ayon sa production team nagkaroon ng problema sa mga equipment at parts na kakailanganin ng bago nating product. I want you to make some adjustments about our calendar of marketing events and product launch." Baritonong boses ang pumailanlang dahil nga sa sobrang tahimik lang namin. Paano ka naman magkakaroon ng lakas ng loob na magsalita dito? Magkasalubong na kilay ang makikita mo kay Sir. Bakit ba lahat ng boss masungit!? Pwede naman maging mabait ah? Since natapos na nilang ma organize ang plan sa product launching kailangan ulit ibahin ang mga schedules. May mga events na rin na set for the promotion of the product. I'm sure mahihirapan ulit ang marketing team.Wala na kaming ibang magawa sabi pa niya, since natagalan ang product launching dapat daw naming siguraduhin na mas magiging effective ang mga plans para sa promotion ng product. "I want you to present the new schedule by tomorrow. Marketing Director, I am hoping you'll get this DONE! I have to go today to talk sa mga suppliers." Dagdag niya pa na wala man lang pimagbago ang mukha. "Yes sir. I'll show them to you ASAP." "Alright." Naglakad na siya palabas at kami naman ay nakahinga na. Ang sikip pala sa dibdib, baka magkasakit ako sa puso dito. Tsk. SUNGIT kasi. "You've already heard what Sir Evan said, right? So, this time I want you to do your best to follow his instructions. I know it will be difficult, but let's do it!" Pahayag naman ni Sir Rey sa'ming lahat. "YES SIR!" sabay-sabay nilang sigaw. Woah. They have this strong sense of duty. Very goal-oriented din. Bongga! Bumalik na kami sa kanya kanya naming desks at nagsimulang gawin ang mga maaaring iutos sa'min, since wala pa namang naka assign sa'min maliban sa marketing campaigns na next week pa naman kakailanganin. Habang abala ang lahat ay lumabas si Miss Hana sa office ni Sir Evan at lumapit sa'ming apat. Tiningnan niya kami isa isa na akala mo naman may itatanong. Biglang tumigil sa'kin ang paningin niya at nagsalita. "Dana, follow me." Gulat man ako sa sinabi niya ay sumunod na lang ako. "Bakit po Miss?" "I need you to accompany Sir Evan." "WHAT?!" Hindi ko namalayang sambit na mukhang ikinagulat niya. "Any problem with that?" "Uhmmm. Wala po Miss." Sagot ko, pero ang katotohanan ay MERON! MERON! MERON! Sinong hindi magkakaroon ng problema kung kasama mo ang TIGRE! Hayyyy. Very SCARY! Baka pagbalik ko sa opisina, pulos BONES na lang 'tong ganda ko! TRAGIC! May iniabot siya sa'king tablet. I looked at it and as what she has said I started reading. Noong una nagtataka talaga ako, pero wala pa akong time ngayon maging curious sa mga bagay na 'yon. What I need to do right now is this task. Kailangan kong gawin ng maayos 'to. Kundi baka anong mangyari sa'kin mamaya. "Where's the place?" malamig na tanong ni Sir, pagkapasok pa lang ng sasakyan. "Ahhhhhh.Sa may FK building po." May bakas ng kaba kong tugon. Ganoon pa rin ang reaction ng mukha niya. Seryoso na parang pasan niya ang mundo. Si ATLAS ka ba Sir? Dahil nga tahimik lang kaming tatlo ay hindi ako comfortable. Kinakabahan ako sa tuwing naririnig ko ang mga tikhim ni Sir. May ibig sabihin ba siya don? Baka naman kasi may problema? Tapos hinihintay niya lang mapansin ko. Pagkatapos kapag hindi ko mapansin ay sasabihan akong STUPID!!! Ayoko pa namang marinig 'yon kasi nga MATALINO AKO!!! "Sir, andito na po tayo." Sambit ng driver na siyang bumasag sa silence. "Thanks goodness." sabi ko sa isipan ko kasi nga makakahinga na ako ng maayos. Lumabas na siya ng sasakyan at sumunod naman ako sa kanya. Sinisigurado kong three steps behind ako palagi. Kasi nga dapat DUMISTANSYA! Isa 'yon sa bilin ni Miss Hana. Siguro alam niyang nasa binit ako ng kamatayan kapag malapit ako kay Sir. "Where are the documents?" matalim na tingin sa'kin ni Sir ng makaupo kami kaharap ang ka meeting niya. Nakaligtaan ko kasing kunin kaagad. Sorry naman Sir. Eto na nga po oh kukunin na. "Eto na po Sir." sambit ko sa pinakamaamo kong boses. Baka nemen madala siya sa kagandahan ko di ba? Kaso di naman nabibighani ang TIGRE sa tao, pwede siguro sa mga mukhang tigre? Hihi. Patuloy lang sila sa pag-uusap habang ako ay nag-aabang ng pwedeng ma take down lalong lalo na ang mga oras at lugar ng soon to be meet ups nila. Hayyy. Naging instant Secretary ako. Okay lang naman. Okay lang talaga. Sabing okay lang e!!! "WHAT???" Sh*t. Napabagsak ko ang kamay ko sa mesa! KABUANG GID SAKON!!! LORD!!! SAVE ME!!! "Sir?" tanga kong tanong kay Sir. Aish. Matalino ka Dana huwag kang bobo! Siguro napansin ni Sir na nagdedeydream ako kaya tiningnan niya na lamang ako ng matalim. "Wake up. You're so weird." Mahina niyang sabi pero rinig na rin ko naman. Bakit ba hindi ko maaalis sa buhay ko ang tawaging WEIRD???!!! END OF CHAPTER 6
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD