Chapter 13

1192 Words
"Kung andito lang sana si mama lola..." Sambit ko habang hawak-hawak ang kamay ni Lola. Pinagmamasdan ko siya habang nagpapahinga. BUHAY PA KAYA SIYA??? Alam niya bang may sakit ka? Minsan ba naisip niya na bumalik? Minsan ba sumagi man lang sa isipan niya na may anak siyang iniwan? Patuloy ang pag-agos ng mga luhang ilang beses kong pinigilan na dumaloy habang iniisip ang mama ko. "Dana..." "LOLA!" Sigaw ko at saka siya kinulong ng tuluyan sa mga yakap ko. HUHUHUHUHU "Sobra po akong kinabahan lola..." "Husssshhhh. Taha na Dana. Buhay pa ang lola mo..." "Lola!!!" "E ikaw kasi apo... Huwag kana kasing umiyak... Baka isipin ng iba PATAY NA AKO!" "Lola naman e.... Kumusta na po pakiramdam niyo?" "Ayos na ako ngayon. Huwag ka na mag-alala." "Salamat naman kung ganoon. Magpahinga na lang po kayo ulit." "Kakagising ko lang... Papatulugin mo ako ulit???" Tss. Ang lola talaga masyadong makulit... "Sige na nga po. Basta huwag kayong masyadong gumalaw ha..." "Oo na. Kumusta pala ang trabaho?" "Ayon po okay naman." MAY MGA SIRA-ULO LANG NAMAN DO'N LOLA... "Anong okay???" "Maayos naman po ang trabaho. Kaya ko naman." "Ay mabuti... Paano naman 'yong boss mo???" ANG BOSS KO??? HMMM! ANG SAMA NG UGALI!!! "Ahhhhhh. Sobrang BAIT niya po lola. Palagi nga po siyang nakangiti e...Tapos palabiro rin pala siya lola..." Sorry po Lord sa MGA KASINUNGALINGAN KO!!! "Aba't mabuti 'yan... Gwapo ba apo???" 'Gwapo ba apo?' 'Gwapo ba apo?' 'Gwapo ba apo?" Hmmmm. GWAPO NGA BA??? "Mabait po siya tapos matalino." "Ayyy. Sabi ko gwapo ba???" "Hmmmmm. Mabuti po siyang tao." "DANA!!!" "ARAYYY!!!" "Sumagot ka kasi ng maayos..." "Lola naman... Ang tanda ko na para pingotin niyo po sa taenga... At saka mahina pa kayo oh... Baka mabinat kayo niyan..." "Kung ayaw mo akong mabinat... Sumagot ka ng MAAYOS!" HAYYYY... ANG TIGAS NG ULO! "Sige na nga po." "Ano na???" "Hmmmm.opo." "Gwapo?" "Opo." "Yieeee. Kung ganoon may CRASSS ka sa kanya???" Panunukso ng lola kong makulit. NEVER LOLA!!! "Ako lola??? Yuck..." "Ano yuck do'n??? Sabi mo gwapo tapos mabait pa." "Basta lola. AYOKO SA KANYA!" "Ang ARTE MO NAMAN!!! Paano pa ako magkakaapo niyan..." WHAT???? APO KAAGAD LOLA??? "Lola naman... Ang bata ko pa para magka-anak!" "E kelan mo gusto??? Pag sinkwenta ka na???" "Wala pa sa isip ko 'yan lola..." "Ay bahala ka nga diyan!!! NAKAKAINIS KA!!! Makatulog na nga!" "Ay salamat naman kung ganoon lola... Sige, magpahinga na kayo." GRABE KA NAMAN KASI LOLA! Paano naman ako magkaka-anak e wala nga akong boypren...Tss. Matapos makatulog ang lola ay umuwi na ako... Patuloy lang ako sa paghakbang habang pasulyap-sulyap sa mga bituin sa itaas. I'm wondering if she's looking at the same star.... I will f*****g admit that I'm still having the desire to see her. I miss her. I miss her hugs and kisses. Damn it! Bakit di ko siya kayang kamuhian ng tuluyan?! Mama... Sana magkita tayo ulit. • • • Malapit na ako sa apartment ko ng may marinig akong pamilyar na boses. Inilibot ko ang paningin ko upang mahanap ang taong tumatawag sa'kin. Tumambad sa'kin ang nakangiting mukha ni Chan??? ANONG GINAGAWA NIYA RITO??? Kumakaway 'to mula sa labas ng isang restaurant na hindi kalayuan. Nang makita niya ako ay tumakbo 'to papalapit sa'kin. WHY??? Nakaramdam ako ng kakaibang emosyon habang papalapit siya sa'kin. Mas lalong tumingkad ang mga ngiti niya habang patuloy ang pagtakbo nito... "DANA!" "Oh Chan? Bakit?" "Saan ka nanggaling?" "Sa company." Sagot ko sa kanya dahil hindi ko maaaring sabihin na nanggaling ako sa hospital. "Really? Kaya pala hindi kita mahanap kanina pa. I went to your place and check , but you're not there." "Huh? Ano bang kailangan mo? Why did you go to my place?" Naka kunot noo kong tanong sa kanya kasi wala talaga akong ideya kung bakit niya ako hinahanap. "May problema ba?" Dagdag ko. "Ano ka ba? Wala...Hmmmmm. I just want to have dinner with you. Medyo malungkot kasi kumain ng mag-isa." DINNER WITH ME??? Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Seryoso ka ba Chan? Anong pumasok sa utak mo at gusto mong kumain kasama ako? "I'm sorry Chan nag dinner na kasi ako." Pagsisinungaling ko sa kanya kasi ayoko talagang makipagkaibigan at 'yon ang gustong mangyari ni Chan. "Ay sayang naman. May ikukuwento sana ako sa'yo tungkol kay Sir Evan." SIR EVAN??? Nang marinig ko ang pangalan ni Sir Evan ay bigla na namang nabuhay ang curiosity ko para sa kanya. Haist. Ano ba naman kasi 'tong si Chan? WHY DID HE NEED TO MENTION HIS NAME???!!! "Well, UHMMMM... SIGE NA NGA....medyo nagutom na ako sa paglalakad." HEHEHEHE Nakita ko ang pagbago ng expression ni Chan. Bumalik ito sa isang masiglang mukha. Para siyang bata. Tss. "Yes! Let's go now! Mabuti na lang nakita kaagad kita bago ako tuluyang makapasok sa restaurant. Anong gusto mong kainin? It's my treat, don't worry." Patuloy lang ang pagbula ng bibig ni Chan habang naglalakad kami patungo sa restaurant. Isa lang ang masasabi ko sa araw na 'to, ang daming libre... Sinong tatanggi sa libre? Kung ganito lang araw araw ay kaya kong lunukin ng paulit ulit ang pinakamamahal kong pride. Habang kumakain na kami ni Chan ay sinubukan ko na siyang tanungin sa kung ano ang gusto niyang sabihin tungkol kay Sir Evan. "Chan, ano ba ang tungkol kay Sir Evan?" Pasimple kong pagtatanong sa kanya para hindi niya mahalatang sobrang curious ako. "Ay oo nga pala. I almost forgot. Eto 'yon.. sabi ni Sir kailangan ko raw siyang sunduin bukas sa bahay niya kasi pupunta siya sa hospital." Natigilan ako sa narinig ko mula sa kanya. Isa sa mga dahilan ang salitang hospital. Bakit kailangan niyang bumisita? Biglang sumagi sa isipan ko ang araw na nakita ko siya sa hospital ng lola ko. "Sa St. John Hospital ba 'yan?" mabilis kong pagtapon ng tanong sa kanya. "Yes." "May sakit ba si Sir Evan?" Seryoso kong pangingilatis. "Hmmmmm. Honestly, I don't know. Well,  pwede rin namang regular check up lang." Pagbibigay niya ng sariling opinion. May punto din naman siya. "Wait, maiba tayo. Ano bang ginawa mo rati sa hospital kung saan ka namin nakita?" Napahinto ako sa question na 'yon ni Chan. I DON'T KNOW WHAT TO SAY! Ilang segundo akong nag-isip ng maisasagot at kitang kita ko rin ang mukha ni Chan na naghihintay sa maaari kong maging kasagutan. "Uhmmm. I'm visiting a friend there." Ang pinaka naging safe kong answer. "Ah ganoon ba. I see. Okay na ba ang kaibigan mo?" "Uhmmm. Not yet. She's still recovering." "Really? That's bad. I hope your friend will be better soon." Pansisimpatya niya sa'kin. Maraming naikwento si Chan pero nanatili na naman sa isip ko si ang condition ni Sir Evan... BAKIT BA KASI AKO NACUCURIOUS NANG GANITO!!! WALA NAMAN AKONG PAKIALAM SA KANYA AH! HAYYYYSSSSS. Sino ba talaga siya? Malakas kasi ang pakiramdam ko na may kakaiba talaga sa kanya, hindi lang sa kulay ng soul niya.  "Chan, thank you sa pa dinner ngayon ha." Sabi ko bago kami tuluyang maghiwalay ni Chan. "Wala 'yon. I should be the one to say thank you." Agaran niyang sinabi sabay yuko ng konti at paghawak sa likurang bahagi ng kanyang leeg. Pansin ko ang pagkahiya nito sa sinabi. NAHIYA PA...TSS. "Sige Dana good night." Aniya na may ganoong reaksyon pa rin ang mukha. May PA GOOD NIGHT GOOD NIGHT PANG NALALAMAN... "Sige." Sagot ko sabay lakad na rin papalayo sa kanya. Bago lang kami nagkakilala nitong si Chan at alam ko namang mabuti siyang tao kahit papaano. Eh si Sir Evan kaya??? DAMN!!! BAKIT BA DI KA MAALIS SA ISIPAN KONG LINTEK KA!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD