Chapter 12

1383 Words
"Oh? Andito pala si Sir Evan?" Kaagad na tanong sa'kin ni Harry matapos niyang makita 'to sa loob. DI BA OBVIOUS??? nakita mo na nga di ba??? Nagtatanong ka pa... "Oo." "Halika...bumati tayo sa kanya." WHATTTT???? TAMA NA PLEASE! Punong puno na ang araw ko ngayon ng kahihiyan.... AYOKO NA!!! "HA? Sige... Ikaw na lang. Nahihiya ako e." "What? Ang tanda mo na nahihiya ka pa... Babati lang naman tayo e... Di tayo sasayaw sa harap ni Sir...." Nakatawang sagot ni Harry. May pagkagago din pala ang isang 'to! SARAP MO PEKTUSAN!!! "Ah basta ayoko. Ikaw na lang..." Mahina kong sagot sa kanya... Patunay na hindi ako GALIT! hehe. "Sige na nga... Ako na lang. Nahiya naman ako sa'yo." HAHAHAHAH. SOBRANG NAKAKATAWA HARRY!!! "Sige... Salamat ha. Hayaan mo sa susunod magpapractice muna ako..." Tumawa siya ng MALAKAS!!! BUANG??? Tss. Weird mo rin pala Harry... Naglakad na siya papunta sa office ni Sir. "SIR! GOOD MORNING PO!" 'ayan na... Tingnan ko nga kung  papansinin siya ng TIGRE! KATAHIMIKAN "Good morning." Bati ni Sir pabalik kay Harry. UY... Pinansin siya... Natagalan nga lang... "SIGE SIR! MAY TATAPUSIN LANG KAMI DITO." Tiningnan siya ni Sir Evan... MATAGAL!!! "Sige... But, make sure not to disturb me." malamig niyang sagot. AT LEAST SUMAGOT... "YES PO SIR! THANK YOU." Matapos sabihin 'yon ni Harry ay tumango naman si Sir Evan kaya't naglakad na rin si Harry pabalik sa desk namin... "Anong sabi???" "Sabi niya... Bakit di ka raw bumati sa kanya???" SINUNGALING!!! NARINIG KO LAHAT UY... "Anong sabi mo?" Sige. Sakyan natin trip ng abnoy na'to... "Sabi ko naman sa kanya... Nahihiya ka." "Then?" "Sabi niya... Wala ka raw dapat ikahiya kasi maganda ka!" 'kasi maganda ka' 'kasi maganda ka' 'kasi maganda ka' ANO BA HARRY??? ALAM KO NA 'YON NO... HEHE "Uy... Kinilig siya..." "Hahahahah. Hindi no..." "Biro lang 'yon... Ano ka ba???" Nakatawa pa rin siya hanggang ngayon... ALAM KO GAGO!!! DI YATA NA GETS ANG BILIN NI SIR na DON'T DISTURB HIM!!! "Hindi ako kinilig... Alam ko namang nagbibiro ka lang. At isa pa... Mukha ba akobg nakikipagbiruan sa'yo???" Matalim ko na siyang tinitigan dahilan para tumigil na siya kakatawa. HMM! Akala mo mabait ako ha... "Sige na nga, mag start na tayo." "Buti naman..." Ang focus ng marketing campaign namin ni Harry ay gamitin ang sariling emosyon o feelings ng consumers para nang sa ganoon ay makuha namin ang loob nila. Since, innovative vacuum cleaner ang bagong product namin ay dapat e highlight din ang mga bagong features nito at kung paano nito mapapadali ang paglilinis ng bahay. Alam kong magiging successful ang presentation namin ni Harry kasi confident siya sa lahat ng sinasabi niya. He really knows what approach to be used for the campaign. And for that reason, ay naging mabilis ang pag-memeeting namin. Pero habang nagdidiscuss kami ay hindi ko napigilan ang sarili kong tumingin sa office ni Sir Evan, makikita kasi siya mula sa kinauupuan namin ni Harry. Habang sadsad siya sa mga ginagawa niya ay pansin ko ang di maitangging kagwapuhan niya. DAMN DANA DAMN!!! I already know na half Chinese si Sir Evan at dahil siguro doon ay may maganda siyang kutis lalong lalo na ang pisngi nito. Given na rin ang medyo singkit nitong mga mata at maninipis na bibig. Mas lalo siyang nag mukhang attractive dahil sa salamin na suot niya. He's absolutely handsome! Kahit naman kasi ikulong ko ang sarili ko at umiwas sa pakikipagkaibigan ay hindi ko rin kayang pigilan ang sarili kong  maappreciate ang mga magagandang bagay sa paligid especially ang mga magagandang lalake.   HIHIHIHI "Uy Dana... Lunch tayo?" Sambit ni Harry habang nagliligpit ng mga gamit. HMM! Matapos mo akong pagtripan ang magyayaya ka ng lunch sa MAGANDANG TULAD KO??? ASA KA PA!!! "Ay sorry... May lakad pa ako e." "Ay ganoon ba." BAGAY NGA SA'YO!!! "Next time pwede?" "Ha?" "Sabi ko pwede ba tayong mag lunch next time?" NEXT TIME MO MUKHA MO!!! "Hmmmm. Bakit?" "Kailangan ba ng ibang reason mag lunch maliban sa nagugutom ka?" PILOSOPO! "No... What I'm trying to ask is... Bakit mo ako niyaya mag lunch NEXT TIME???" Seryoso ko na namang tugon sa kanya. "Are you flirting with me?" "WHATTTT??? HAHAHAHAHAHAHAHAHA." SOBRANG LAKAS TALAGA NG TAWA NIYA!!! Akala mo siguro di ko kayang makapagsalita ng ganoon ha... "Grabe ka naman Dana..." Nakita ko kung paano nagmukhang kamatis ang buong mukha niya... Ngayon mo sabihin sa'kin na hindi mo ako NILALANDI!!! "Gusto ko lang naman mag lunch na kasama ka e. Alam mo kasi... I'm enjoying things like this." NAG-EENJOY KANG MAKIPAGLANDIAN??? "Ewan ko sa'yo Harry. Bahala ka na nga diyan... Aalis na ako." Kung alam ko lang na ganito pa la 'to si Harry ay hindi na ako pumayag makipagpalit ng partner... Hayyy... palaging nasa huli ang pagsisisi. "Uy... Sandali hintayin mo ako! Ihahatid na lang kita kung ayaw mo ng lunch!!!" Pasigaw nito habang patakbong humabol sa'kin... Patuloy lang ako sa paglalakad  hanggang sa may natanggap akong tawag... "Hello?" "Miss Dana, ang lola niyo po!" "Wait! Pupunta na ako diyan!" I'm sure something bad happened again sa condition ng lola ko... Tumakbo na ako palabas... "DANA! SANDALI!" Narinig ko ang pagtawag ni Harry sa'kin, pero hindi ko na 'yon nagawang pansinin at tumakbo na lamang... Naghintay ako sa labas ng taxi at hindi mapakaling nagpapabalik-balik kasi wala akong makitang taxi. Hanggang sa huminto sa harap ko si Harry sakay ng motorsiklo niya. "Hatid na kita Dana." wika niya sa'kin sabay abot ng helmet. Natigilan ako noong una, kasi bakit niya 'yon gagawin? Hindi kami ganoon ka close para tulungan niya ako at isa pa hindi pa ako handang magtiwala sa kanya kasi ganoon pa rin ang kulay ng soul niya. Pero, dahil kailangan ko talagang makapunta kaagad sa hospital ay ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mga tumatakbo sa isipan ko. Kinuha ko sa kanya ang helmet at sumakay ng mabilis.  Hindi ko alam kung saan hahawak para maging safe, sa balikat ba niya o sa beywang? Haist. I really feel uncomfortable. Dahil hindi ko masagot ang sarili kong mga katanungan ay sa likod na parte na lamang ako ng motor niya humawak. Pwede naman dito, bakit pa ako pipili sa dalawa? Tsk. Pinahihirapan ko na lamang ang sarili ko. "Saan ba ang punta mo?" tanong niya ng papaalis na kami. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya. Haist. Muntik ko ng makalimutan. "Sa St. John Hospital." Mabilis kong nasagot sa kanya kasabay ang kaba at takot sa dibdib ko. Hindi ito ang unang beses na nangyari sa lola ko 'to, pero sobrang natatakot pa rin ako. I'm f*****g scared to be left alone. I don't want to let her go. "Ganoon ba. Sige. Uhmmm." Bigla siyang natigilan. "Bakit? Ano 'yon?" Tanong ko naman sa kanya. "Uhmmm. Sino ba ang pupuntahan mo doon?" Alinlangan niyang pagtatanong. Hindi pa ako sigurado kung kaya ko bang sagutin ang tanong niya. Kagaya nga ng sinabi ko noong una, I'm not yet ready to share who really I am. Paano kung gamitin niya lang 'to para siraan ako sa trabaho? I can't trust him. "I'm sorry Harry I can't answer that." Ang tangi kong nasagot sa kanya. "It's fine. I understand Dana." Seryoso niyang sagot sa'kin. Pagkatapos no'n ay napuno na kaming dalawa ng katahimikan. Ang tangi ko na lamang naririnig ay ang hanging humahampas sa'kin at ang mga tunog ng sasakyan sa kalsada. BAKIT NAGSERYOSO 'TO??? AWKWARD TULOY! Ilang minuto pa ang dumaan at nakarating na kami sa harap ng St. John Hospital. Bumaba kaagad ako at tinanggal ang helmet sa ulo ko at iniabot 'to kay Harry. "Thank you Harry." Kinuha niya ang helmet mula sa'kin at ngumiti sabay sabing: "Walang anuman Dana." Nakita ko ang sincerity sa mukha ni Harry. I don't know if he really meant to help me, but I'm sure na ang expression sa mga mata niya ay totoo. Tumakbo na ako papasok sa hospital at mabilis na pumaroon sa kwarto ni Lola. Tumambad sa'kin ang mahimbing na nagpapahinga kong lola at sa tabi niya ay ang nurse na si Seb. Siya ang nurse na naka assign sa lola ko at siya ring tumawag sa'kin kanina. "Okay na siya ngayon Dana." Mahinahon niyang sabi sa'kin. "Salamat Seb." pagkarinig ko ng mga salita niyang 'yon ay kumalma na ako. Isang malalim na paghinga ang kumawala sa'kin. Lumapit sa'kin si Seb at tinapik ang balikat ko. "She's a fighter like you." maikli niyang winika bago tuluyang lumabas sa kwarto ng lola ko. Pagkatapos ng sinabi niya ay nakaramdam ako ng mga patak ng luha na dumadaloy sa mga pisngi ko. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang kanina pang pigil na pigil kong pag-iyak. Lumapit ako kay lola at hinawakan ang kamay nito at iniabot malapit sa'king bibig. "Thank you for staying. I love you so much lola."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD