Chapter 11

884 Words
Umabot ng kalahating oras ang pagkakape namin ni Chan. Marami kaming pinag-usapan. MALI! Ang DAMI NIYA PA LANG NA SHARE! Nakabalik na ako sa apartment ko pero... HINDI PA RIN MAALIS SA ISIPAN KO SI SIR EVAN!!! Masyado na niyang ginagambala ang isipan ko... Hayyyy. KAKASTRESS NG BEAUTY! Matapos akong mag-ayos ng sarili ko ay naglakad na ako papuntang highway para makapag-abang ng taxi. Papunta na ako ng opisina. Mas pinili kong magsuot ngayon ng black loose shirt ko at tucked in sa blue jeans with my favorite white sneakers.  Hindi naman ngayon work days kaya ayos lang mag suot ng ganito. Kung araw kasi ng trabaho hindi talaga allowed ang shirt and jeans. Medyo comfortable 'to sa'kin. Habang naglalakad ay naisipan ko nang dumeretso kay lola after naming mag meeting ni Harry. Sigurado akong matutuwa 'yon pag may dumalaw ako sa kanya. AFTER FEW MINUTES Nasa company na ako at wala gaanong tao, may mga natatanaw lang akong naglilinis... Nag text na rin ako kay Harry para naman hindi ako mahirapan maghintay sa kanya. "Asan ka na?" - me "Malapit na. Ikaw?" - Harry "Andito na sa ground floor ng company. Hintayin na lang kita sa office natin." - me "Ok. See you there." - Harry 'See you there...' 'See you there???' 'See you there!!!' ETO NA NAMAN!!! Anong ISASAGOT KO??? 'Okay???' 'Sige???' 'Fine???' 'See you too???' 'Take care???' WAHHHHHHHH! Magreply lang NAHIHIRAPAN NA AKO???!!! Sheeeetttt. HMMMMMMMM.... Ano ba??? Compose message Sige. Hintayin kita sa office. Sent 'Yon! Ayos na siguro... "Sige. Don't worry... I'll be there after few minutes." - Harry Tss. Hindi naman ako nagwo-worry Noh... Naglakad na ako papunta sa elevator upang makarating na rin sa office namin. Sobrang lapit ko na sa elevator nang... "AHHHHHHHH!!!" SHEETTTT!!! Hindi ko man lang napansin ang basang floor dahil sa nag mop pala ang ale kanina... Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at naramdaman ko ang unti unti kong PAGHULOG at PAGBAGSAK!!! Nang makabagsak na ako ay nabigla ako nang.... WALA MAN LANG SAKIT??? Ang sakit na inexpect ko kapag kusang ibabalik sa'kin ng sahig ang pwersang pinakawalan ko... BAKIT WALA MAN LANG SAKIT??? Idinilat ko ang aking mga mata, at dahil nga patalikod akong natumba hindi ko nakita ang ang nasa likuran ko, but I can feel it. I'm sure na hindi 'to sahig, pero di rin naman gumagalaw. HMMMM???? Medyo nahihilo pa ako sa impact ng pagkahulog ko, kaya ilang ulit ko pang ipinikit at dinilat ang mga mata ko. Ilang saglit lang ay naramdaman kong... GUMAGALAW ITO!!!!???? Doon ko na napagtantong tao pala ang binagsakan ko! WHAT THE F*CK?! Kaagad akong tumayo at ng humarap ako sa taong naipit ko at magkahalong... GULAT! TAKOT! HIYA! KABA! Ang naramdaman ko... PATAY!!!!!!!! Si SIR EVANNNNN!!! "Sir, sorry po." Kaagad akong yumuko sa kanya dahil sa sobrang hiya. Ano ba naman 'tong araw na 'to. Napakamalas ko pang si Sir Evan ang nakasalo sa'kin. Nasalo niya nga ba ako? O nabagsakan ko lang talaga siya? Wala akong narinig mula sa kanya. Nakita ko ang dahan dahan niyang pagtayo. "Sorry po talaga sir. Sorry po." Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Nararamdaman ko ang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. BAKA MASESANTE NA NGA AKO NG TULUYAN DAHIL SA KALAMPAHAN KO!!! Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko. Wala pa rin siyang imik... HUHUHUHUHU SORRY SIRRRR!!! "Sir..." Tiningnan ko siya at Nagtama na ang aming mga mata... DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG His eyes are piercing... They made me feel breathless. Hindi ko alam kung bakit parang nawawalan na ako ng HININGA!!! Wala naman akong naalalang may sakit ako sa lungs or heart. Bakit ganito na lang ang epekto ng tingin niya sa'kin??? "Clumsy." Ang nag-iisang salitang lumabas sa bibig niya sabay lakad papalayo sa'kin. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko... TAMA SIYA!!! Sana kasi sa sahig na lang ako tuluyang nahulog... OKEY LANG KAHIT MASAKIT!!! Sumulyap ako sa elevator at tuluyan na 'tong nagsara, sakay si Sir Evan. Naglakad na rin ako papunta sa elevator at nang makapasok na ako ay paulit ulit kong inuntog ang ulo ko sa loob. "Sheet. Ang clumsy mo Dana." Tumigil na ang elevator sa 20th floor kung saan ang office namin at kay Sir Evan. Naglakad ako papunta sa office. HINDI KO KAYANG PUMASOK! Baka andoon na siya sa loob? Hintayin ko na lang kaya si Harry dito? Pwede? Malapit na lang din naman 'yon...   Nakatayo lang ako malapit sa doorway hindi ko rin magawang tanawin kung andoon nga ba si Sir Evan sa loob. Hindi pa rin ako mapakali at nakaharap pa rin sa doorway nang biglang... "Tabi." Baritonong boses ang pumailanlang na nagmula sa likuran ko. Sobrang pamilyar ang COLDNESS NG BOSES NIYA!!! BAKIT BA PALAGI KANG NASA LIKURAN KO HA????!!! Tumabi ako ng hindi man lang siya muling tiningnan... Naglakad na siya papasok sa loob at ako ay naiwang naghuhuramentado... "Anong ginagawa mo Dana? Bakit di ka pa pumapasok?" Narinig ko ang boses ni Harry... Thanks goodness. Andito na siya. "Uhm... I'm waiting for you." ani ko. "Here? Pwede ka namang maghintay sa loob?" "No! Gusto ko rito." Pa singhal ko nang sagot sa kanya. Halatang naipon ang lahat ng emosyon na kanina pang gumugulo sa'kin. "Ok fine. Calm down Dana." Ngumisi siyang tumapik sa balikat ko. Muli na naman akong NAPAHIYA!!! Biglang nag-init ang taenga at pisngi ko... Bakit nila inilalabas lahat ng mga itinago kong katangian dati pa? Ang Danang matagal nang ibinaon sa kailaliman ang tunay na sarili, bakit nila aksidenteng ibinabalik? N A K A K A I N I S ! ! !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD