Chapter 16

1067 Words
Dahan-dahan akong humakbang papunta sa gitna at dinig na dinig ko ang kabog ng dibdib ko.  Hindi ako pwedeng magpadala sa kaba ko. I saw Sir Evan looking at me... Tinititigan niya ako. SERIOUSLY? Walang kakurap-kurap??? WAHHHHHHHH!!! Mas lalong bumilis at lumakas ang kabog nito. Dammit Dana! Please calm down. Nabitawan ko ang unang salita na kailangan ko para makabuwelo sa presentation. Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita nang naaayon sa plano. Malapit na ako matapos, pero sa tuwing nahahagip ko ang tingin si Sir Evan ay parang nanghihina ang mga tuhod ko. Parang matutumba ako sa bawat titig niya. BAKIT??? Hindi ko maunawaan kung ano ang nangyayari sa'kin. Masyado na niya akong nagagambala. Pinilit kong ilayo ang tingin ko sa kanya at ibinaling 'yon sa mga kasamahan ko sa trabaho at kay Kate, maging kay Harry ay kumuha ako ng lakas ng loob. FOCUS DANA!!! Hanggang sa dumating na ako sa last slide ng presentation. Thanks GOD! Nakahinga na ako dahil malapit na lang din naman. Ilang pangungusap pa ang aking nasabi at sa wakas ay natapos na!!! Pumunta na sa harap si Harry upang samahan ako sa pagtatapos ng presentation namin. After no'n ay nagbigay ang lahat ng applause para sa'min ni Harry. Nang dahil doon ay naging kampante na ako. Pinaupo na kami ni Sir Rey at nagsabing si Sir Evan ang magdedesisyon kung ano ang gagamiting campaign. Ibinaling namin ang atensyon kay Sir Evan at ngayon ay makikita ko sa kanyang expression ang pag-iisip ng malalim. Lumipas ang ilang segundo at nagawa na niyang makapagsalita. "I want the latter presentation." Maaikli niyang winika. Nagtinginan kaming lahat sa sinabi niya. Hanggang sa nagtanong si Sir Rey para makasigurado. "Do you mean Harry and Dana's presentation sir?" aniya. "Yes." Pagkatapos niyang masabi 'yon ay kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya at naglakad papalabas ng conference room. Habang kaming dalawa ni Harry ay naiwan pa ring nakatayo sa harapan na may bahid ng kaba. "Congratulations Dana and Harry!" Sambit ng mga kasamahan namin sa'ming dalawa sabay hakbang papalapit. Natanaw ko ang sobrang kasiyahan sa mukha ni Harry kaya parang nabunutan din ako ng tinik. Nang idapo ko ang aking paningin sa kinauupuan ni Richard at Kate ay nangibabaw ang kulay itim na shade na nagmumula kay Richard. Goodness. What happened to him??? Ito na nga ba ang sinasabi kong pag change ng soul? Ilang araw lang ay white soul ang meron si Richard, ngunit bakit ngayon ay biglang nagbago 'to? Ganoon ka bilis siyang nagbago? Maaaring ang pagkatalo niya Ang naging sanhi nito. Ang mas lalong pinagtataka ko ay sa kabila ng pagbabago ng kulay ng kanyang soul ay ang nakaukit pa ring ngiti sa kanyang mga labi. Tsk. What is he thinking? "Ngayong presentation niyo ang napili Dana at Harry ay e-aasign ko kayong tumulong. Kailangan niyong mag coordinate kay Sir Evan about this, alright?" "Yes sir." sabay naming sambit ni Harry. "Good. So, everyone let's go back to our work now!" Utos ni Sir Rey matapos niya kaming kausapin ni Harry after ng presentation. Naging dahilan naman ito ng pagbalik naming lahat sa kanya-kanya naming mga desks. Sa kabila ng success ng presentation namin ay binabagabag pa rin ako nang pag-iba ng soul ni Richard. Natatakot kasi ako. Kung ano man ang ikinatatakot ko ay hindi ko mawari. I know he's up to something because of his smirk. • • • "Dana, sabay tayong mag lunch ha." wika ni Kate na animoy nanlalambing kung magsalita. Okay na nga siya... Kahapon lamang ay may mabigat siyang sekretong isiniwalat sa'kin. Ngayon, bumalik na ang masiglang ngiti niya. I'm glad. "Sure Kate." Utas ko. Regarding naman sa sekreto niya... I prefer not to talk about here. Maaari kasi niya 'tong ipahamak. Hindi rin namin kilala at mapagkakatiwalaan ang mga tao dito. "Yey! Saan tayo kakain?" Pagtatanong niya habang inililigpit na ang mga kagamitan. "Hmmmmm. Gusto mo sa labas?" suggestion ko naman. "Sige! Eksakto I'm craving for sisig right now." "Sige, tapos ka na? Let's go." Please letag-anyaya ko sa kanya dahil tapos na rin ako sa aking pagliligpit. "Yes. Let's go." Utas niya sabay kapit sa braso ko at naglakad na kami papalabas ng office. Nasa elevator na kami at akma na 'tong sasara ng biglang may pumigil dito. Nang idinako ko ang aking paningin para malaman kung sino 'to ay mukha ni Harry ang bumungad sa'kin. "Uhmmm. Sa labas kayo kakain?" tanong niya na halatang hinabol talaga kami. Nagkatinginan kami ni Kate. "Oo. Bakit?" pagtatanong sa kanya ni Kate. Pumewesto naman si Harry sa tabi ko. "Pwede ba akong sumabay?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumingin naman si Kate sa'kin dahil siya mismo ay nagulat. Hindi kasi si Harry mahilig makipag-usap sa office at palagi namin siyang nakikitang kumakain mag-isa sa cafeteria. At ngayon ay gusto niyang mag-lunch with us? SERIOUSLY??? "Seryoso ka Harry?" Pagtatakang utas ni Kate. "Uhmmm. Yes." nahihiya pang sagot ni Harry. "Is that fine Dana?" "Uhmmm. Oo naman." Nang masabi ko 'yon ay bigla akong kinurot ni Kate sa tagiliran. "Ouch." Nagulat ako sa ginawa niya dahilan kung bakit ako nawalan ng balanse at napapunta pa lalo sa posisyon ni Harry na naging rason din para humawak ako sa kanyang braso. SHEET. That was awkward. Mabilis kong itinayo ang sarili ko... naramdaman ko ang pag-init ng taenga at pisngi ko ng magdikit ang balat namin ni Harry. Haist. Bigla ko tuloy naalala ang pagkahulog ko noon kay SIR EVAN... "Ok ka lang Dana?" Tanong ni Kate. Sa halip na sumagot ay pinandilatan ko siya dahil sa ginawa niya. Bigla naman siyang ngumiti at nagbigay ng peace sign sa'kin. Okay ka na nga... Wala naman talagang problema sa'kin na makasabay si Harry na mag lunch. Kaya lang... Masyadong MALISYOSA 'tong si Kate. Talagang bakas sa mga titig niya ang PANUNUKSO... Nang makarating na kami sa isang restaurant at kumakain na ay may biglang... NANUNDOY mula sa likuran ko??? Nang iangat ko ang tingin ko mula sa pagkakayuko habang kumakain ay naaninagan ko ang confusion mula sa mukha ni Harry at Kate. SINO BA 'TO??? Magkatabi kasi silang dalawa habang kaharap ko naman si Kate. Dahil sa reaksyon nila ay idinapo ko na ang paningin ko sa likuran. "Hi Dana!" naka taas kamay nitong bati sa'kin. "Dito rin pala kayo kumakain? Paupo ako dito, pwede?" Tanong niya sabay muwestra sa isang upuan na katabi ko. "Sino siya Dana?" pang-uusyuso naman ni Kate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD