Chapter 15

1229 Words
Hey, do you want to go with me?" "Saan?" I smiled at her. "Basta." Niyaya ko si Kate na dumalaw kay lola. Yes. I'm ready to show her my life... Na hindi lang siya ang may problema at hindi siya nag-iisa. We all have struggles, but we must always be strong to face them. Hindi tayo dapat magpatalo lang. "Dana, bakit andito tayo ngayon." Pangingilatis ni Kate dahil nagtataka siya kung bakit andito kami ngayon sa hospital. "I want you to meet someone." "Sino?" "Pasok ka." Ani ko sabay bukas ng pintuan ng kwarto ni Lola. Naglakad siya papasok at nakita ko siyang lumingon sa'kin ng makita si lola. Nakasunod lang ako sa kanya. Mabuti at gising ngayon si lola. Nauna ako kay Kate at sabik na lumapit kay lola. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Dana, sino siya?" Pautal-utal na winika ng lola ko. Ngumiti ako at sinabing: "Lola, kaibigan ko siya." KAIBIGAN??? Eto ang unang pagkakataon na may ipinakilala akong kaibigan sa lola ko. It feels GREAT! Lumapit si Kate sa kanya. "She's Kate lola." Nagmano naman si Kate. Nakita ko ang pagkatuwa sa mga mata ni Lola. Naaalala ko pa noon na kinukulit niya akong magdala ng kaibigan sa bahay, pero hindi ko 'yon nagawa. At ngayon, I made her smile because of a friend. Nakipagkuwentuhan sa'min si Kate at nakitawa kahit na may pinagdadaanan din siya. I'm glad to see both of them laughing. Nang makalabas kami sa kwarto ni Lola para ihatid si Kate ay nagtanong na siya sa'kin. "Anong nangyari sa lola mo Dana?" "She's sick at mag-iisang taon na siyang pabalik balik sa hospital. I'm just glad that she's staying strong." "Asan ba parents mo?" Aniya. "I don't know. Hindi ko na sila nakita pa. I only have lola with me." Nasabi ko 'yon lahat kay Kate nang bukal sa loob ko. Wala ng anumang pagpipigil. "I'm sorry to hear that Dana.Pasensya ka na masyado akong matanong at makulit." Ngumiti ako sa kanya. "Don't mind it. We're friends after all." Nakita ko rin siyang ngumiti sa sinabi ko. Sa isang iglap lang nag-iba ang pagtanaw ko kay Kate. She is different from what I known before. Hindi lang pala siya ang palaging nakatawa at masayang si Kate. She has burdens too. Nagpaalam na si Kate sa'kin. I reminded her to take care of her self for her child. Naglakad na ako pabalik sa kwarto ni Lola. Para bang may isang napakalaking pader na natibag at nagpalaya sa'kin. I feel free right now. Ngayon ko lang nalaman na mabuti pala ang pagkakaroon ng taong mapagsasabihan ng problema.  Habang naglalakad pabalik ay hindi ko inaakalang magkakasalubong kami ni Chan at SIR EVAN??? AGAIN!!! "Dana! You're here again? Bibisitahin mo kaibigan mo?" Pakikipag-usap sa'kin ni Chan nang makalapit na kami sa isa't isa.  Nakita ko ang pagtigil ni Sir Evan sa paglalakad habang nakasunod sa kanya si Chan. Wala ang atensyon ko kay Chan kundi kay Sir Evan. Gusto kong lumingon para tingnan siya, pero parang may pumipigil sa'king gawin 'yon. Hanggang sa marinig ko ang boses niya. "Hurry up Chan." malamig niyang pagkakasabi. Dahil doon ay nagpaalam na si Chan sa'kin. Nang makahakbang si Chan papalayo ay lumingon na ako. Ang tangi ko lamang nasilayan ay ang matingkad na pagkakatayo ni Sir Evan mula sa likuran. Bakit kahit nakatalikod siya ay ramdam ko ang lungkot sa kanya? Bakit ganito na lamang ako ka interesado sa kanya? Nagbuntong hininga ako at naglakad na nang tuluyan. Naiisip ko pa rin si Sir Evan. He's someone that keeps coming into my mind. I can't control myself not to think about him... Therefore... NABABALIW NA AKO! • • • Kinaumagahan ay pinilit kong bumangon kahit may pagod pa akong nararamdaman. TODAY IS OUR PRESENTATION!!! Damn! I need to set my mind now! I know na we did our best, so everything will be fine. I'm just worried about Kate. Makakapag-focus kaya siya? Hopefully, yes. "Hey! Are you ready for the presentation?" - me I texted her. "Yes baby." - Kate Baby??? "Baby?" - Me "You keep calling me hey! So, tinawag na lang kitang baby para sweet... HAHAHAHAH." - Kate "Ewwwww. HAHAHAHAH. You're giving me goosebumps. I'm assuming you're fine now?" - me "Yup! Thanks to you." - Kate "Thanks God. You're welcome! You're my friend after all.^^"- me "Yieeeee. I thought u don't like me as ur friend." - Kate "When did I ever say that???" - me "Gosh. Ur not saying it, instead ur showing it. Hehe." - Kate "HAHAHAHAH. SORRY!" - me "You're already forgiven. Where are you now?" - Kate "Hmmmm. Almost there. Ikaw?" - me "Outside the company." - Kate "Kaagad? Bilis ha."- me "Yeah. Hurry up! Waiting for u."- Kate "Sige2. I'll see you there." - me "See you." - Kate WOAH! This is the first time I have this long convo. I guess I'm liking it so far. Sabay kaming pumasok ni Kate ng office. I still can't believe I already have a friend. I'm happy. The moment we arrived, we immediately start our preparations for the presentation. Habang abala ang lahat ay biglang dumating si Sir Evan. GRABE TALAGA ANG PRESENSYA NIYA! Tumayo kaming lahat at bumati sa kanya, pero wala man lang kaming natanggap na anumang response mula sa kanya. Walang ipinagbago ang timpla ng kanyang mukha. Simula ng una ko siyang makita hanggang sa araw na 'to, he's still... HIDING THE SMILE. Tumungo kaagad 'to sa pwesto niya, habang nakasunod naman si Miss Hana sa kanya. Siya ang bumati sa'min sa halip na si Sir Evan. Kung gaano ka cold and uptight 'tong si Sir Evan ay ganoon naman ka warm and cheerful si Miss Hana. She's awesome! Bumalik na kami lahat sa ginagawa namin at ilang minuto pa ay dumating si Harry. Hindi naman siya late kasi 7:30am pa lang naman ng umaga. Kaagad niyang inilagay ang gamit niya sa kanyang desk  at pumunta sa'kin. He immediately discussed something about the presentation. I can see a bit of nervousness on him. Kahit pala ang galing galing mo na sa paningin ng iba ay  hindi pa rin. Maiiwasan na kabahan. Simula nang maihatid ako ni Harry sa hospital ay di na siya nagtanong ng tungkol doon sa'kin. I'm kinda disturbed about him knowing I have someone na pinupuntahan sa hospital. "Dana, are you ready?" bigla niyang tanong sa'kin habang sandali akong tumititig sa kanya. "Uhmmm. I'll do my best. Don't worry." baka kasi nag-aalala siyang masira ko ang presentation namin. Masasayang lang ang effort niya kung magkaganoon. Lumipas ang isang oras at pinatawag na kaming lahat sa conference room. Pagkatapos ay sumunod na sa loob si Sir Evan. Nakaupo siya sa dulong upuan ng mahabang table na humahalukipkip while we're preparing to start. Mauuna si Kate at Richard sa pagpepresent na susundan naman namin. Sinadyang walang nag supervise sa'min to test how good and competent we are. Mabilis natapos silang dalawa at nakita ko ang kumbinsidong mga mata ni Sir Evan at mga kasamahan namin. IT'S NOW OUR TURN!!! Gosh! I'm so nervous. Si Harry ang magsisimulang mag present na susundan ko. Nakaramdam na ako ng kaba nang magsimulang magsalita si Harry. Hindi ako kinakabahan dahil hindi siya magaling, bagkus ay dahil na pepressure ako sa kanya. HE'S DAMN GOOD!!! Bakit ang galing-galing niya??? Natapos niya ang part na kailangan niyang e present and now... IT'S MY f*****g TURN!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD