Chapter 17

1168 Words
Evan: "Sir, out po muna ako. Maglulunch..." "Alright. Be back on time." "Yes sir. Gusto niyo po sumabay?" "No thanks. I'm fine." "Sige po Sir." I Don't understand why he keeps asking me that question. He already knew I would say 'No." "I have a lot of stuffs to finish, so I don't have enough time for lunch." That's the usual reason I give, but honestly... Being like this is f*****g hard!!! I wanted to do all things just like before. NO LIMITATIONS! I'm just so sorry to all the persons I've hurt because of this temper. It's killing me too. How I wish I could be that Evan before. If only I could turn back time I'll do it for God's sake. Let's just be more patient. I know I'll get over this. If that time comes... I promise to eat lunch with you Chan, together with the other employees. But, right now I have to be like this. I have to keep this damn distance with all of you. "Sir???" Hana entered my office. She's the only one who knew why I am like this. "Why?" "I already ordered your lunch." She said while showing me what she ordered. "Just put them on the table. Thank you. Are you sure your Hana?" I really need to ask her that question. "Yes sir... It's me. Don't worry. Eat your lunch now Sir. I'll leave now." "Alright. Thanks again." She smiled back at me. In times like this, Hana is the only person I can trust. She's the only person I can lean right now. Dana: "Hi Dana!" naka taas kamay nitong bati sa'kin. "Dito rin pala kayo kumakain? Paupo ako dito, pwede?" Tanong niya sabay muwestra sa isang upuan na katabi ko. "Sino siya Dana?" pang-uusyuso naman ni Kate. "I'm Chan." Iniabot niya ang kanyang kamay matapos umupo nang tuluyan sa tabi ko. Tinitigan muna ako ni Kate bago niya abutin 'to kaya tinanguan ko siya as sign na it's alright. "I'm Kate. Dan's friend." Pagtanggap niya ng pagpapakilala nito at ngayon naman ay na kay Harry ang attention ni Chan. "And you are?" Pagtatanong nito sa kanya. "Harry." maiksing sagot nito kay Chan. "Nice to meet you Harry and Kate." Nakangiting pagbati nito sa dalawa. Hindi ko alam kong ano ba ang magiging reaksyon ko ngayon. Goodness. Bakit naman nagkasabay sabay pa kami ngayon dito? Ayoko pa naman ng masyadong maingay sa pagkain. "Mga katrabaho ba kayo ni Dana?" Nagsimula nang makipagkuwentuhan 'tong si Chan. "Oo, ikaw? Paano kayo nagkakilala nitong si Dan?" Ngayon ko lang napansin na Dan na pala ang tawag sa'kin ni Kate. Naging mas comfortable na nga siya sa'kin. "Driver kasi ako ni Sir Evan." Utas ni Chan na nag dulot ng amazement sa mukha ni Kate. "Really? So, palagi kayong magkasama ni Sir Evan?" Nagsimula na ring mag-ingay ang isang 'to. "Hmmmmm. Hindi naman. Teka. Bakit parang napapansin ko marami ang interested kay Sir Evan." May paghihinalang pahayag ni Chan. "Talaga? Sino ba?" Sambit ni Kate. "Hmmmmm. Marami e, pero isa na do'n si Dana." Tumingin si Chan sa'kin at bigla ring napunta ang atensyon ni Kate at Harry sa'kin. "Really Dana?" May pagtatakang sabi ni Kate na patuloy pa rin akong tinitingnan na akala mo naman may ginawa akong mali. Paano ba naman? Napaka daldal nitong si Chan. Tss. Nag mukha pa tuloy akong interesado kay Sir Evan. "Ah wala 'yon. Sabi mo kasi masyadong cold, strict and distant si Sir Evan. Kaya nagtanong na lang din ako kay Chan kung ganoon ba talaga siya." Pasimple kong pagpapaliwanag sa kanila. "Hmmmm. Ganoon ba." Sagot ni Kate, pero maaaninagan mo pa rin ang panunukso sa mga mata niya, habang si Harry naman ay walang imik na nakikinig lang sa usapan. "So, kung ganoon pwede bang malaman kung bakit ganoon si Sir?" Pag-iiba niya ng usapan na ipinasalamat ko naman dahil nawala na ang focus ng usapan sa'kin. "Well, sa totoo lang wala rin akong idea. Ipinasa lang sa'kin ni papa ang trabaho niyang 'to kagaya ng ikinuwento ko kay Dana noong nakaraan." "Hmmmmm. Sayang naman. May girlfriend ba si Sir Evan?" Biglaang tanong ni Kate na nagpabilog ng mata ko. Ano ba naman kasing klaseng tanong 'yan? Masyadong personal na ata 'yan. "Hmmmm. Teka lang.... Oo. Siguro?" "Di ka rin sure?" "Sigurado namang may girlfriend 'yan si Sir Evan." "Paano mo nasabi? E halos nga di 'yan nagsasalita. Nakakapag-usap pa kaya sila ng girlfriend niyan." Hindi pagsang-ayon ni Kate kay Chan. Sa totoo lang wala naman kaming karapatang pag-usapan ang bagay na 'yan, masyado na kaming nakikialam sa buhay ni Sir Evan. Pero, in my own view, my girlfriend 'yon. Ang gwapo, competent at ang yaman niya kaya marami ang magkakandarapa na maging boyfriend siya. "Nasabi ko lang naman 'yon kasi minsan narinig kong may kausap siya sa phone niya at may I love you siyang sinabi sa huli, kaya sure akong girlfriend niya 'yon." "Woah. Talaga? Na-iinlove rin pala si Sir na malamig pa sa yelo." Nakatawang reaksyon ni Kate sa sinabi niya. Ang dalawang 'to ay super magkasundo talaga. Pareho kasing mga usyusero't usyusera. Tss. Kawawang Sir Evan. Mabilis naming natapos ang lunch na 'yon at isa lang ang masasabi ko... Sobrang napuno talaga ang taenga ko sa ingay ng dalawang madaldal. Hayyy... I'm hoping na hindi na 'to maulit pa. Natatawa rin ako kay Kate. Akala mo kasi kung makapagdaldal ay walang problemang kinakaharap. Well, sa kabilang banda naman ay it's a good thing. Siguro she's just doing that to free herself from stress. Nang maka log in na kami sa afternoon schedule namin ay tahimik akong nakaupo nang tinawag ako ni Miss Hana. That was unexpected. "Dana, can you please accompany Sir Evan again?" Pakiusap sa'kin ni Miss Hana matapos niya akong ipatawag. WHATTT?! Bakit na naman? I'm still not over about how I get myself embarrassed in front of him? This is crazy. "I'm really sorry to ask you this favor Dana, but among all the trainees right now ikaw 'yong sa tingin ko ang mapagkakatiwalaan." After sabihin 'yon ni Miss Hana ay hindi ko alam kung ma ooverwhelm ba ako ng happiness o ng kaba. E kasi hindi madaling responsibility ang nakaatas sa'kin ngayon. I'm f*****g worried about being able to reach her expectations. I've tried this before, kaya alam kung it's not easy at ang mas malaking problema pa ay isa 'tong business trip! I must go crazy after this. "Uhmmm. I don't really know what to say Miss, but I'm worried I can't make it." Sinubukan kong ipaliwanag ang side ko sa kanya. "Please Dana." Bigla siyang napatigil sandali habang tinitingnan ako sa mga mata. "I'm really sorry Miss. I think Richard is better." Dagdag ko pa para lang makumbinsi siyang huwag na lang ako ang isama. I guess she saw how serious I am sa decision kong 'yon, so she suddenly move backwards. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa noo. Halatang malaking problema talaga ang pagtanggi ko. Bakit ba kasi ako? E hindi naman kami magkasundo ni Sir Evan?! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD