Chapter 18

1552 Words
"Dana, please..."  Sobrang pagpapakiusap na sa'kin ni Miss Hana. I think I don't really have a choice, but to help him. "Well, I'm not sure if I'll do better Miss." A smile has carved on Miss Hana's lips after I said that. Kung hindi ka lang mabait sa'kin...Hinding-hindi ako sasama sa supladong 'yon! "Hmmmm... Okay po Miss." "REALLY???" Tumango ako tanda ng pagsang-ayon. "Don't worry. I will help you in anything possible." Naglakad siya papalapit sa'kin at niyakap ako ng sobrang higpit. Woah! I was flustered. Ganoon ba talaga 'to ka big deal para yakapin niya ako?! Sa totoo lang ay hindi naman kami friends nitong si Miss Hana, but I really respect her. What's her relationship with Sir Evan that she's willing to do anything for him? Kahit na ang sama-sama ng ugali no'n... "Thank you so much Dana. I hope you'll understand why I'm doing this." Utas niya at tinuluyan na akong ikinawala sa yakap niya. Hindi ko nga maintindihan e...Tss. Ang tangi ko na lamang nagawa ay ngumiti sa kanya. Hana: Hindi ko maaaring sabihin kay Dana ang totong kalagayan ni Sir Evan. It's hard to explain. I chose her because I knew that  she's just new in the company,so hindi siya familiar kay Sir Evan. Isa 'yon sa mga kailangan kong siguraduhin. Then, she's also good at her job compared to other interns. So, siya ang pinili ko. I also have this feeling na mabuti siyang tao kaya kung ano man ang mangyayari sa Beijing na magkasama sila ni Sir Evan ay mauunawaan niya. Importanteng tao sa'kin si Evan. I owe him my life. I won't leave him no matter what happens. "Hana, have you already found someone who can accompany me in Beijing?" Sambit ni Evan nang makalabas 'to sa opisina niya. Naka puwesto kasi ako malapit sa pinto niya. "It's already settled, so don't worry." "Alright. Just prepare anything that I will need on the business trip." "Yes sir. I will just bring the documents tomorrow at the airport." "Okay. Thanks." Akma na sana siyang aalis... "Uhmmmm. Sir..." Napalingon siya. "What is it?" Sa totoo lang sobrang naninibago ako sa kanya. The way he looks at me feels so strange now. It's different from before. I can't blame him... Kung hindi lang sana nangyari 'yon... Kung hindi lang sana siya pumunta sa Japan... "Uhmmmm...Sir, are you sure you can do this now?" May pag-alalang tanong ko sa kanya. "I have to, Hana." "I'm worried coz it's the first time you go again to business trips after ng sa Japan." Ngumiti siya pero bakas ang kalungkutan sa mga mata nito. How I wish I could make you smile again Evan... "I will be fine. Thanks." "You know that I'll do anything for you, right? So, please call me whenever you need help." "I know. That's why I'm always grateful Hana." Dana: After ng trabaho namin ng araw na 'yon ay dumeretso na ako sa hospital kung saan si lola naka confine. Mabuti na lang at sumama si Kate sa'kin para masabi ko na rin sa kanya ang about sa business trip. "Dana, sino ba 'yong bago nating investor?" Pagtatanong ni Kate habang nasa taxi kami papuntang hospital. Ang bago naming investor ang dahilan kung bakit kailangan kong sumama kay Sir Evan sa Beijing. "I don't know, but he's from Beijing." "Woah! Really? Kaya pala medyo busy ang karamihan kanina." Pagkukuwento niya habang ako naman ay bumubuwelo lang para masabi sa kanya na aalis ako bukas papuntang Beijing. "You know what Dana? I have a really strong feeling na may problema 'yang si Sir Evan e. Minsan kasi noong ako na ang naka assign na sumama sa kanya sa isang meeting ay may nakasalubong kami---" Pagpuputol niya ng kuwento niya dahil may tumawag sa kanya na ikinadismaya ko naman kasi deep inside I'm really curious. Tuluyan niya nang kinausap ang tumatawag. "Oh Ma? Napatawag po kayo?" Bakas sa mga mata ni Kate ang kaba habang kausap niya ang mama niya. Tahimik lang akong nakikinig. "Huwag na po kayong mag-alala sa'kin dito sa Maynila. Kaya ko na po ang sarili ko. Kayo po ang mag-ingat ni papa diyan. Pakisabi sa kanya huwag masyadong uminom at alagaan ang sarili." Oo nga pala at nasa probinsya ang pamilya ni Kate at dayo lang siya dito sa Maynila. Ayon sa kanya mahigit isang taon na siya dito at hindi pa nakakauwi sa kanila. Ang ikinababahala niya ay kung paano niya sasabihin sa mga magulang niya na buntis siya ganoong siya ang inaasahan ng mga ito. "Magpapadala po ako sa inyo sa sabado. Bumili po kayo ng vitamins niyo ni papa ha at kasama na rin po diyan ang pang allowance ng mga kapatid ko." Habang nakikipag-usap si Kate sa pamilya niya sa probinsya ay sinasariwa ko naman ang ala-ala ko noong nakatira rin ako sa probinsya. Ilang taon na rin akong hindi na bumabalik doon at ilang beses na rin akong pinakiusapan ni Lola na umuwi na kami doon dahil gusto niya doon siya pumanaw. Kaya isa 'yan sa mga reasons ko kung bakit ayoko bumalik doon baka kasi tuluyan na akong iwan ni Lola. Kumusta na kaya ang mga tao doon? Kumusta na kaya ang nag-iisang tao na nakipag-usap at pilit nakipagkaibigan sa'kin sa kabila ng pagtatanggi ko? Ganoon pa rin kaya Jao? Hindi man kami tuluyang naging magkaibigan dahil nga ayaw ko talaga, hindi ko naman maiwaglit sa isipan ko ang pangalang Jao. Masyado akong nagpakababad sa mga ala-ala ko sa probinsya at hindi ko na napansing nasa harap na kami ng hospital hanggang sa tinapik na lamang ako ni Kate. "Oy Dana. Hindi ka pa bababa?" Pagtatakang pahayag niya kasi para akong lutang na lutang. "Ay sorry. Sandali lang." At tuluyan ko nang binuksan ang pintuan ng sasakyan at iniabot sa driver ang bayad. "May problema ka ba Dana?" "Huh? Ako? Wala naman, pero may sasabihin ako mamaya." "Talaga? Ano 'yon?" "Mamaya na." "Ay ano ba 'yan? Pabitin naman 'to." Hindi na lamang ako sumagot sa kanya kasi ayoko talagang may masabi pa. "Dana?..." Mahinang sambit ni Lola ng makapasok kami nakahiga siya ngayon sa kama at halatang malalim ang iniisip bago kami makapasok. "Lola... Wala po bang may masakit sa inyo? Bakit po parang nanghihina kayo." Kaagad kong nasabi nang marinig at makita siya. "Oo nga lola. May masakit po ba sa inyo?" dagdag naman ni Kate. Dahan-dahang pinilit ni lolang umupo, pero nahihirapan na siya kaya mabilis ko siyang inalalayan. "Ano ba naman kayo? Matagal na akong mahina... Matanda na ako apo. Ilang buwan na lamang ang ikakatagal ko..." "Lola naman e. Ayan ka na naman sa ganyang topiko. Alam mo namang ayaw kong pag-usapan 'yan di ba?" May pagtatampo kong pagsagot sa sinabi niya. "Alam ko naman 'yon apo kaya lang e hindi natin 'yan mapipigilan. Darating at darating tayo diyan kaya kailangan lagi tayong handang masaktan apo." "Kahit na lola... Hindi pa talaga ako handa." Pag-nguso ko para lamang tumigil na siya. "O siya sige. Hindi ko na ulit babanggitin 'yan. Maiba tayo, bakit nga pala kayo napadalaw ha?" Paputol putol nang pagsasalita ni Lola kasi nga parang may masakit sa kanya. Nagdadalawang isip tuloy ako kung aalis pa ba ako bukas? Tatlong araw din kasi kami doon sa Beijing. Hindi ko madadalaw si lola. "Uhmmm..." Tumingin ako ng ilang sandali kay Kate bilang paghudyat na sasabihin ko na rin sa kanya. Kaya naman biglang nag-iba ang reaksyon niya na animoy kanina pa atat malaman ang nais kong sabihin. "Uhmmmm. Kasi... Lola... Kate..." "Kasi...Pupunta ako ng Beijing bukas." Pautal-utal ko ring sabi kasi hindi ko kayang sabihin sa kanila nang deretso dahil sa ayaw ko naman talaga. "WHATTTT???!!!" "OO." "So... Ibig sabihin ikaw ang sasama kay Sir Evan for three days?" May halong excitement na reaksyon ni Kate sa sinabi ko. "Sinong Sir Evan?" Kunot noong tanong niya sa'min. "Uhmmm. Boss po namin si Sir Evan Lola. Siya po ang may-ari ng company." Biglang nanlaki ang mga ni Lola. GRABE 'TO! "SO, IBIG SABIHIN SIYA ANG GWAPONG BOSS NA IKINUWENTO MO SA'KIN APO???" Lola naman kailangan talagang e emphasize... "Ano 'yon lola??? GWAPONG BOSS???" Tiningnan ako ni Kate nang may bahid ng panunukso. "OO!" "Yieeeee. Ikaw Dana ha... Di mo naman sinasabi sa'kin na gwapo pala si Sir sa mga mata mo... Yieeeee." YIEEE..YIEEE... KA DIYAN!!! ISA PANG YIEEE... SASABUNUTAN KITA KATE HA!!! "Apo, dapat ka nang umuwi... Magprepare ka na sa apartment mo... Magpaganda ka ha..." "LOLA!!!" "Tama 'yan lola. Bongga ka talaga lola!!!" "Sige na apo... Malay mo si Boss mo pala ang nakatadhana sa'yo." Tss. Baka ill-fated relationship lola??? "Bahala nga kayo diyan! Pupunta ako don para magtrabaho no..." "Oo nga... Wala naman kaming sinabi ah. Di ba lola??? Hehe." "Oo nga e..." Nagtawanan silang dalawa. Kayo na lang kaya mag lola! Parang magkasundo naman kayo e.... K aya lang bigla ko namang naalala kung sino dadalaw kay lola... "Oh bakit ganyang reaksyon mo?" T anong ni Kate. "E kasi walang dadalaw kay lola kapag wala ako." Utas ko habang ipinako ang atensyon ko kay lola. Nakita ko naman ang bahagyang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. "Ano ka ba naman apo? Hindi mo dapat palampasin ang opportunity na 'yan. Huwag mo akong alalahanin." "Anong hindi kita aalahanin Lola? Hindi ko 'yon magagawa." medyo defensive ko ng sagot kay lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD