CHAPTER 2
IRITABLENG NAPASABUNOT sa sariling buhok si Ziamber. Taas-baba ang dibdib niya sa sobrang paghinga. Galit na galit siya. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa sobrang poot na nararamdaman. Malakas niyang hinawi ang lahat ng bagay na makita.
"Mga inutil! Mga walang silbi!" sigaw niya habang naglalabas ng galit sa pamamagitan ng pagbasag at pagwawala. Lahat binuhos nya sa ganoong paraan. Wala na siyang pakialam sa halaga ng mga bagay na nasisira niya.
"Zia? A-anong ginaga—Zia! Enough!" wika ng Auntie Mila niya. Hindi malaman kung paano siya pakakalmahin o patitigilin.
"Mga hayop sila! Anong case closed ang pinagsasasabi nila? Hindi pa na nahuhuli ang pumatay sa ate ko tapos case closed? No!" Tinuro niya ang gawing pintuan animo nandoon ang pumatay sa kaniyang kapatid. Nanlabo na naman at nag-init ang sulok ng mga mata niya. Ayan na naman. Palagi na lang siya umiiyak. Hindi pa rin niya matanggap na wala na ang taong nag-alaga sa kaniya. "Wala silang silbi!" sigaw na naman niya. Napahilamos siya sa sariling luha. Hilam na hilam na ang kaniyang mga mata.
"A-anak, alam ko naman na nasasaktan ka pa sa pagkamatay ng ate mo. It's been three years—"
"Iyon na nga, Auntie. It's been three f*****g long years but there's no lead! Wala man lang silang binibigay na update sa atin! Kung 'di pa sila sadyain doon, wala silang balak na magsabi! Napakawalang silbi!"
Taas-baba ang kaniyang dibdib sa sobrang galit na nararamdaman. Ginawa niya ang lahat upang malaman kung sino ang nasa likod ng kademonyohang dinanas ng kapatid.
"Tumawag nga pala ang daddy mo—"
"Anong sabi?" Mas dumoble ang galit sa puso niya. "Na lubayan na? Kailangan na nating itigil? Well, pakisabi na lang sa kaniya na hinding-hindi ako susuko!" Galit niyang dinampot sling bag saka tinungo ni Ziamber ang pinto palabas ng sariling silid. Dumiretso siya sa sariling kotse at kaagad na pinaandar iyon.
Kinapa niya sa loob ng bag ang phone pati earphone at inayos sa tainga. Maya-maya pa, kausap na niya ang matalik na kaibigan na si Elijah.
"Are you okay?"
"No, I'm not! Ba't ba napakadali para sa kanila ang sumuko? The hell!" Gigil niyang tanong. Nagngangalit ang kaniyang mga ngipin.
"Are you driving, Berber?" Bakas sa boses nito ang pag-aalala.
"Y-yes," aniya habang mahigpit ang hawak sa manibela. Huminga siya nang malalim. Parang sasabog sa sobrang galit na emosyon ang puso niya.
"Oh, my goodness! Saan ka pupunta?"
"I don't know," aniya sabay hawi sa buhok niyang kulay burgandy. Mahaba ito at medyo naka-curl sa bandang dulo.
Hindi siya makapag-isip nang matino. Pakiramdam niya ay pinagdadamutan siya ng buong mundo at ng lahat ng tao.
She gritted her teeth.
"Ber, I think you should stop driving. Baka maaksidente ka niyan." Alalang-alala ang tinig nito habang sinasabi iyon sa kaniya.
Sa sinabi ng kaibigan, doon lang siya nakaramdam na may tao pa palang nag-aalala sa lagay niya. Mabilis na nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Natawa siya nang mahina. "Don't worry, Eli. I can drive even when I am mad," malambing niyang sabi.
"Saan ka ba pupunta?"
Hindi agad siya nakasagot. Lahat ng mga naiisip niyang pwedeng mapuntahan ay nagpapaalala lang sa kapatid niya. Ayaw din niya sa bahay ng ama. Sawa na siya sa mga sermon at pangaral nito.
Paniguradong mag-aaway lang sila kapag umuwi siya roon.
Biglang tumunog ang kaniyang notification tone at agad na sinilip kung ano iyon—Isang email.
Itinigil niya ang kotse sa gilid ng kalsada at binasa ang mensaheng nilalaman noon.
Wala sa sariling tumaas ang isang sulok ng labi niya bago sumagot, "Sa Sagada."
"BERBER! Bakit mo naman ako pinatayan kanina ng phone? Alam mo bang nag-aalala ako sa iyo rito!" Halata sa boses ni Elijah na sobra nga itong nag-aalala para sa kaniya.
Pinatayan niya kasi ito ng phone pagkatapos niyang sabihin na sa Sagada na siya magtutungo. Alam niyang maghihisterikal ito.
"I'm so sorry, Eli. May importante lang akong pupuntahan dito. I'll call you later. Love you, bye!"
Pagkaraan ng halos labing apat na oras, nakarating din siya sa bukana ng Rancho Olympus, Savalle, Sagada.
Maganda ang lugar na ito. Payapa at halatang payak lang ang pamumuhay ng mga taong naninirahan dito. May mga hayop din kagaya ng baka, kalabaw, kambing at kung ano-ano pa.
Tumunog ang kaniyang cellphone. Kinabit niya ang earpiece sa saka sinagot ang tawag. "Hello?"
"Welcome back, Agent Hyacinth. It's been three years since the last time you visited Sagada," boses iyon ng lalaking kahit kailan, hindi pa niya nakikita.
"Yeah—"
"Are you interested this time?" Seryosong tanong nito sa kaniya.
Napalunok siya. Kasabay ng malamig at preskong hangin na dumadampi sa kaniyang balat ay ang siyang pagdagundong ng dibdib. Kinakabahan siya pero sa tuwing maaalala niya ang sinapit ng kaniyang kapatid, nagpupuyos ang galit sa pagkatao niya.
At ito ang magandang daan upang makaganti siya sa pamilya ng pumatay rito.
"Where's Mrs. D?"
Narinig niyang tumawa ito sa kabilang linya.
"Alright," anito saka nawala sa linya.
Wala sa sariling hinawi niya ang buhok na tinatangay at sinasayaw ng hangin. It's almost 6 o' clock in the evening. Gutom na siya pero wala siyang pakialam. On a diet naman talaga siya at sanay na siya.
Maya-maya pa, nakatanggap siya ng email mula kay Calix. Isang passcode upang makapasok siya sa Head Quarters na pupuntahan niya.