Mia’s POV
Nakaupo ako ngayon sa terrace ng manisyon. Hinihintay ko ang pagdating ni Giyo. Kagabi, um-attend ako ng birthday party sa kabilang bayan. Nandoon ang mortal kong kaaway na si Marineth. Sa circle of friends ko, pinagmamalaki niya na nakipagpalitan siya ng phone number kay Giyo. Si Giyo na palaging bukangbibig ng mga kaibigan ko, lalo na ng ibang kababaihan sa iba’t ibang bayan. Yes, sikat si Giyo kasi guwapo nga talaga ito. Dati ko na rin talagang naririnig ang pangalan niya, sadyang nung una ay wala lang akong ganang makipagkilala sa kaniya at hindi ko rin hilig na makipag-agawan ng crush sa kanila. Pero nung ma-meet ko si Giyo dito sa mansiyon namin at nang matikman ko pa siya sa kama, doon ko na siya gustong ipagdamot sa iba.
Oo, sinabi ko agad kina Francheska, Celine at Sofia na may nangyari na agad sa amin ni Giyo. Pinagmalaki ko talaga agad sa kanila iyon kasi alam nila na walang lalaki ako na hindi ko nakukuha. Hindi ko naman inaasahang isa sa kanila ay pinagsabi ang nangyari sa amin ni Giyo. Kaya nung mabalitaan nitong gaga na si Marineth ang tungkol sa amin, ayan na naman ang pagiging epal niya. Pinagkalat niya sa mga group chat na wala naman daw talagang nangyari sa amin ni Giyo. Ang totoo pa raw ay mukhang si Marineth pa raw ang makakatikim kay Giyo kasi nagpalitan na raw sila ng phone number nang magkita sila sa palengke.
Kaya ngayong umaga, kahit may hang-over ako gawa nang sobrang pagkakalasing ko dahil sa eksena nila ni Marineth, heto, bumangon talaga ako ng maaga para salubungin siya.
“Ma’am Mia, heto na po ang malamig na malamig na juice na hinihingi niyo,” sabi ng kasambahay nang dalhin na sa akin ang gubayano juice na hinihingi ko. Ganito talaga ang pangtanggal ko ng hang-over sa umaga.
Habang umiinom ako ng juice at habang naghihintay din kay Giyo, biglang dumating si mama. “Aba-aba, himala ata na nasulyapan kita ng ganitong umaga dito sa terrace? Anong mayroon, Mia?”
May dala-dala siyang kape. Mukhang dito pa ata tatabi sa akin para huntahin ako.
“Masakit lang ang ulo at masama ang pakiramdam ko kaya nagpapahangin ako dito,” sagot ko sa kaniya.
“Inom ka kasi nang inom ng alak.” Tama nga ang hinala ko. Naupo na rin siya rito at tumabi pa sa akin. Paano ko makakausap si Giyo kung nandito siya. Nakakainis talaga minsan si mama.
“Mama, please, masakit ang ulo ko. Puwede bang iwan niyo muna ako rito?”
Ngumisi siya at saka umirap. “Kung gusto mo nang katahimikan, doon ka sa kuwarto mo. Tambayan ko na itong terrace tuwing umaga. May inaabangan kasi ako tuwing umaga dito,” sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Huwag niyang sabihing si Giyo rin ang inaabangan niya.
“H-ha, sino naman? Aba, mama, may asawa ka na. Huwag mong sabihin may inaano ka pang lalaki diyan sa labas?” Ganito kami mag-bonding minsan. Surahan at talaga namang bardagulan.
“Si Giyo ang hinihintay ko. Ewan ko ba, iba ang tingin ko sa binatang ‘yon. Napakaguwapo at napakabait. Kung dalaga ako, naku baka ako pa ang manligaw sa kaniya.”
What the fvck. So, tama nga ako ng hinala. Sa totoo lang, may nabalitaan ako dati kay mama. Hindi ako naniniwala kasi alam kong mas kilala ko si mama. Si mama raw kasi, mahilig daw talaga sa mga binatang lalaki, lalo na kapag guwapo. Ginagawa raw nito ang lahat para mapapayag ang lalaking binata na mapatikim siya. Pero, kasi, hindi talaga ako naniniwala. Hindi ganoon si mama. Pero ngayon, dahil sa mga narinig ko, hmmmm, parang gusto ko na atang maniwala. At balak pa ata akong agawan ni mama kay Giyo. Makikisali pa siya sa amin ni Marineth.
“Nga pala, mama. Alam niyo po ba na galing sa casino sa Manila si papa?”
Sorry, papa. Ito na lang ang tanging paraan ko para mapapasok sa loob si mama.
“Ano?! totoo ba ‘yan?”
Ang taas agad ng boses niya. Halatang kumulo agad ang dugo niya. Ayaw na ayaw kasi ni mama na nababalitaang nagsusugal si papa. Hindi alam ni mama na nagsusugal na ulit si papa. Hindi na nga lang dito sa baryo namin, kundi dumayo pa sa Manila.
“Oo, mama, nabanggit po sa akin ng papa ni Celine nung magkita kami kagabi sa birthday party ng kaibigan ko. Ayoko na sanang sabihin sa ‘yo, pero gaya niyo, ayaw ko rin na nalululong sa sugal si papa,” sabi ko pa. Pero bago siya umalis, sinabi ko kay mama na huwag sabihin kay papa na ako ang may sabi kasi ako naman ang malalagot. Tumango na lang siya, pagkatapos ay nilayasan na ako kaya mission accomplished, nagawa kong mapapasok sa loob si mama.
Sakto, pagpasok ni mama, natanaw ko na sa may gate na may tricycle na huminto roon. Naghanda agad ako kasi sure akong siya na ‘yan.
Iniwan ko ang iniinom kong juice sa terrace at pagkatapos ay tumakbo na ako papasok sa room na kung saan ay pinipinturahan niya.
Nag-abang ako sa likod na pinto. Maya maya, narinig kong binati na rin siya ng mga malalanding kasambahay namin na tila trip din si Giyo. Pagpasok niya rito, dali-dali kong sinara ang pinto at saka ni-lock.
“Ay, nagulat naman ako sa ‘yo, Mia. B-bakit?” sabi niya agad habang namimilog ang mga mata.
Lumapit ako sa kaniya at saka ko binuksan ang zipper ng pantalon niya. Hindi muna ako nagsalita. Nilabas ko muna sa brief niya ang titë niya.
“So, wala palang nangyari sa atin, ganoon?” pag-uumpisa ko habang sinisimulan ko nang himasin ang lantang-gulay pa niyang tite. Paparusahan ko siya ngayon dahil sa ginawa niyang ‘yon.
“A-alin ba? Hindi kita maintindihan,” sagot naman niya habang hinahayaan akong laruin ang ạri niya.
“Sinabi mo kay Marineth na walang nangyari sa atin. At hindi lang ‘yon, nalaman ko pa na nagpalitan kayo ng phone number. Napahiya ako sa mga kaibigan ko kasi pinagkalat niya na walang nangyari sa atin.”
“So, pinagkalat mo na rin pala sa kanila na may nangyari na sa atin?” tanong niya rin sa akin.
“Actually, sa mga close friend ko lang sinabi. Hindi ko naman inaasahang makakarating din sa iba. At nakarating na rin pala ‘yon kay Marineth. Si Marineth na mortal kong kaaway. Ang gusto ko, gusto rin niya.”
Matigas na ‘yung tite niya. Galit na rin ito gaya nang nararamdaman ko sa kaniya.
Maya maya, ngumiti siya. “Ang totoo niyan, hindi ko talaga sinabi sa kaniya ang totoo kasi akala ko ay bawal. Baka kasi makarating sa mga parents mo. Iyon talaga ang concern ko.”
“Eh, bakit nakipagpalitan ka pa ng phone number sa kaniya?” tanong ko pa kasi medyo tanggap ko na ‘yung dahilan niya.
“Sa totoo lang, maganda kasi siya. Kaya, sakaling wala manlang akong mapala sa ‘yo, ayon, may reserba na ako,” matapang niyang sagot kaya bigla kong hinigpitan ang paghawak sa katawan ng ari niya.
“Ah, ganoon, reserba pala, ha!”
Hindi na ako napagpigil, lumuhod ako sa harap niya at saka ko kinagat ang katawan ng titë niya. Napasigaw siya kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng room na ‘yon.
Mabuti nga sa kaniya. Sana, magsugat ang ạri niya.
Pag-alis ko, sakto nagtatakbuhan na ang mga kasambahay para tignan kung anong nangyari sa kaniya. Pati si mama napalabas ng kuwarto nila ni papa kasi narinig niya rin ata ang sigaw ni Giyo. Natatawa na lang tuloy ako. Kaya lang parang kinarma rin ata ako. May nasabit kasing bulbol sa mga ngipin ko. Kaasar, dahil sa buwisit na Marineth na ‘yan, inaway ko tuloy ang guwapong si Giyo. Baka, hindi na niya ako pansinin at pagbigyan kasi pakiramdam ko, magsusugat talaga ang titë niya.