Chapter 7

1170 Words
Giyo’s POV Pasa ang inabot ng ari ko. Mabuti na lang at hindi nagsugat. Hindi ako makapaniwalang magagawa sa akin ‘to ni Mia. Habang nagpipintura tuloy ako ng wall, panay ang hawak ko sa ari ko, hinihimas-himas ko ‘to kasi masakit pa rin hanggang ngayon. “Anong balita, okay ka lang ba diyan?” Napalingon ako sa likod ko nang makita ko si Madam Ferlie. Ngumiti ako. “Oho, ayos lang naman po,” sagot ko kahit na gusto kong isumbong ang anak niyang babae na kinagat ang titë ko. “Anyway, narinig kitang sumigaw kanina. Ano ba ‘yon, bakit may pagsigaw ka kanina?” tanong pa niya. “Ipis, bigla hong dumapo sa mukha ko kaya napasigaw ako,” pagsisinungaling ko na lang. “Ipis? Seryoso ka ba diyan? Ang alam ko, ni isang ipis ay wala rito sa bahay ko. Kasi, araw-araw ay nagpapakalat ako ng gamot para sa mga insekto na ‘yan,” sabi niya kaya nagulat tuloy ako. “No sure po ako kung ipis ba o kung paro-paro ba, basta, takot ho ako sa insekto,” sabi ko na lang tuloy kaya natawa siya. “Honey?” Tinawag siya ng asawa niya kaya nahinto na rin ito sa pag-usisa sa akin. Mabuti na lang, kasi hindi ko makamot ang titë ko. Ang sakit pa rin kasi talaga. ** “Giyo, ready na ang tanghalian mo sa dining area,” sabi sa akin ng kasambahay nang pasukin ako dito sa room na pinipinturahan ko. “Sige ho, susunod na lang po ako,” sagot ko saka ko na binitawan ang brush na hawak ko. Tumuloy ako sa banyo para mag-ugas muna ng kamay. Pagkatapos, sinilip ko na rin ang titë ko nung umihi ako. Pagtingin ko, medyo maga at parang namumula pa rin hanggang ngayon. Napapailing na lang tuloy ako. Muntik na akong mawalan ng titë Nung papunta na ako sa dining area, nakita kong papunta naman sa kusina si Mia. Ni isang tingin ay hindi manlang niya magawa sa akin. Hindi niya ata alam na magaling akong makipagsurahan. Nung maupo na ako sa dining table, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Habang nasa loob pa siya ng kusina, tinawagan ko sa cellphone ko si Marineth. “Oh, Giyo? Bakit napatawag ka?” bungad na tanong ni Marineth sa kabilang linya. Sinadya kong naka-loudspeaker ang cellphone ko para marinig ni Mia. “Ah, Marineth, busy ka ba mamayang gabi?” tanong ko kaya narinig ko ang mga nagmamadaling hakbang palapit sa akin. Pagtingin ko sa likod ko, nandoon na si Mia. Lukot na lukot ang mukha at halatang nagalit agad. “Free naman ako, bakit, gusto mo bang makipagkita?” tanong naman ni Marineth. Lalo tuloy nalukot ang mukha ni Mia. Hindi niya magawang lumapit at magsalita kasi nagkalat sa kusina ang mga kasambahay nila. “Seven ng gabi, magkita tayo. Message ko na lang sa ‘yo kung saan tayo magkikita.” Tumawa si Marineth sa kabilang linya. “Sabi na e, type mo ako. Hindi hamak naman kasi na mas maganda ako kay Mia. Tama ‘yang desisyon mo, Giyo. Ako ang piliin mo kasi kayang-kaya ko rin ibigay ang lahat sa ‘yo.” Dinig na dinig ni Mia ang sinabi ni Marineth kaya padabog na lang itong naglakad paalis sa dining area. Tinignan pa niya ako nang nanlilisik ang mga mata kaya binaba ko na rin ang linya ko at hindi sinagot ang sinabi ni Marineth. Buti nga sa kaniya, dahil sa ginawa niya, talagang makikipagkita ako kay Marineth. Minsan, masarap din namang paglaruan ang mga babae. Hindi naman siguro masama kung makikipag-bonding ako kay Marineth. Tuturuan ko lang ng leksyon si Mia. Na dapat ay hindi niya ako ginaganoon. Ang gaya kong klase ng lalaki na hinahabol ng mga babae ay dapat pinapahalagahan at sinasamba. Kumain na ako ng tanghalian, pagkatapos kong makipagsurahan kay Mia. Kapag dito ako kakain sa bahay na ‘to, sarap na sarap at enjoy na enjoy ako. Ang sarap kasing magluluto ng mga kusinera dito. ** Nung hapon na at tapos na ang trabaho ko, hindi ko na talaga nakita si Mia. Hindi na siya nagparamdam. Nagkulong na ‘to sa kuwarto niya at tila kinimkim na ‘yung mga narinig sa amin kanina ni Marineth. Nakaligo na ako at paalis na sa bahay nila nang bigla kong makita na nakaparada sa malayo ang isang magarang kotse. Bumusina ito pero hindi ko agad napansin kung sino ‘yon. Tuloy-lakad lang ako pauwi sa bahay namin nang matapat na ako sa mismong kotse na iyon. Bumukas ang bintana at nakita kong nakasakay doon si Mia. “Pasok,” galit niyang sabi. Gusto niyang maging sunud-sunuran ako kaya hindi ko siya pinansin. Hindi dapat ganoon. Siya dapat ang maging sunud-sunuran sa akin. Tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa sumunod na ang kotse niya. “Pasok sabi e,” sabi pa rin niya pero tuloy lakad lang ako. Matapang siyang sundan ako palibhasa’t wala pang mga bahay dito sa dinadaanan namin. “Hoy, sabi ko pumasok ka sa loob!” sabi pa niya. “Hanggang hindi ka nagso-sorry, hindi ako papasok diyan at hindi kita papansinin,” sagot ko sa kaniya. “Damn you, Giyo! Damn you! Hindi ako pinapahirapan ng mga nagiging kalandian ko, ikaw palang!” sabi niya na inis na inis na talaga sa akin. “Puwes, di tigilan mo ako. Madami ka namang lalaki ‘di ba, sila na lang. Huwag na ako,” sabi ko habang natatawa ako. Ngayon ko siya pagmamalakihan kasi napatikim ko na siya sa kama. Eh, ako, kapag napatikman ko na ang isang babae sa kama, doon sila mas lalong nahuhumaling sa akin. Doon sila lalong ma-attach sa akin kasi alam nila na masarap at magaling ako sa kama. Kaya ako, kapag may bago akong ka-sëx na babae, ginagalingan ko talaga para tumatak sila sa akin. Bukod doon, mas lalo nila akong mamahalin at hahabulin kasi masarap ako. “Fine, sorry na. Sorry na, Giyo. Huwag ka nang magalit diyan,” sabi niya habang mababa na ang tono nang pananalita. Dahil doon, huminto na ako sa paglalakad at saka ko siya tinapunan nang tingin. “Yan lang naman ang hinihintay ko. Ang mag-sorry ka.” Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan niya at saka ako pumasok sa loob ng kotse niya. “At kung puwede lang, huwag ka na sanang umasta na parang bata. Kanina, hindi tama ‘yung ginawa mo. Kailangan pa bang gawin mo ‘yon?” Tumingin siya sa akin nang parang nahihiya. “Kaya nga nag-sorry na e, sorry na. Saka, huwag ka na sanang makipagkita kay Marineth ngayong gabi. Samahan mo na lang akong mag-stroll. Pumunta tayo sa malayong lugar hanggang mag-umaga,” aya niya kaya natuwa ako. “Ano, game ka ba o makikipagkita ka na lang kay Marineth?” “Tara na, nandito naman na ako kaya umalis na tayo bago pa magbago ang isip ko,” sagot ko kaya nakita kong ngumiti na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD