Giyo’s POV
Linggo ngayong araw kaya kahit tanghali na ako gumising ay ayos lang dahil wala akong trabaho. Ang una kong ginagawa kapag gigising ako ay binubuksan ko muna ang mga bintana ng bahay-kubo ko. Kapag sinalubong na ako ng sariwang hangin galing sa labas, hihinga ako ng malalim kasi iba talaga ang hangin sa umaga, nakaka-relax at nakaka-good mood talaga. Pagbukas ko naman ng pinto ng bahay-kubo ko, may nakita na naman akong isang maliit na box. Bago ko ‘to pulutin, tumingin muna ako sa paligid.
Hindi ito ang unang beses na nangyari ‘to. Maraming beses na. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang magpakilala sa akin. Puwede naman siyang magpakilala. Pumapayag naman akong makipagkaibigan o makipaglandian, basta maganda.
Kadalasan kapag nangyayari ito at titingin ako sa paligid, wala, mga taong naglalakad papuntang bayan ang nakikita ko at ang mga kapitbahay ko na umagang-umaga ay nagchichismisan sa labas habang may kani-kaniyang hawak. Bawat isa ay may hawak na walis-tingting, may basket, may bag at mayroon pang may hawak na sandok. Ganito sila. ‘Yung tipong kahit may dapat silang gawin, basta may nasagap ang isa sa kanila na chismis, handa silang bitinin muna ang kanilang ginagawa para lang sumagap ng chismis.
Pinulot ko na ang maliit na box. Pinasok ko na ito sa loob at saka binuksan. This time, polo, panyo ay wallet ang laman. Mukha itong mamahalin kaya natuwa ako. Nung mga nakaraan kasi ay puro chocolate lang. Alam kong galing ito sa taong may gusto sa akin. Ang sa akin lang, gusto ko siyang makilala kung sino siya para naman mapasalamatan ko siya.
Hindi pa ako nag-aalmusal kaya lumabas ako para pumunta sa kanto. Mayroon kasing nagtitinda sa kanto ng street namin ng mga umagahan at tanghalian.
Pagdating ko sa karinderya ni Aling Menda, nadatnan kong kumakain doon ang kaibigan kong si Hubert. Si Hubert ‘yung madalas kong kasama kapag sa farm ako nagwo-work. Farm boy kasi siya. Kapag wala akong trabaho bilang pintor, nagiging farm boy din ako minsan.
Tinapik ko ang balikat niya. Namiloy ang mga mata niya nang makita ko.
“Hoy, Giyo, ikaw pala ‘yan,” sabi niya saka tumayo para makipag-apir sa akin. “Tara, kain. Sagot ko na,” aya pa niya. Napakabait ng taong ito. Kahit mababa lang ang sahod niya at kahit wala siyang pera ay madalas niya akong ilibre. Kaya naman kapag alam kong ako naman ang may pera, siya naman ang nililibre ko.
“Sige lang, ako naman ang taya ngayon, Hubert,” sabi ko.
“Hindi, ako na, bagong sahod ako, Giyo,” pagtatanggi pa niya pero hindi ako pumayag.
“Aling Menda, bigyan niyo nga po ako ng lugaw na manok at lumpiang gulay. Ito po ang bayad, kuninniyo na rin po ang bayad nitong kay Hubert,” sabi ko sabay abot ng pera ko kay Aling Menda.
“Ikaw talaga, Giyo, hindi ka rin nagpapatalo,” sabi niya na halatang natuwa sa ginawa ko.
“Itabi mo na lang ‘yang sahod mo. Mag-ipon ka rin para in case na magkasakit ka, may bubunutin ka, Hubert.” Naupo na ako sa tabi niya. Parang kuya na ako nitong si Hubert. Mag-isa na rin siya sa buhay kasi maagang nawala ang mga magulang niya. Bilang bata-bata pa ito at hindi rin siya nakapag-aral ng highschool, minsan ay pansin ko na hindi rin talaga siya marunong mag-isip ng tama. Lalo na sa pera. Basta marami siyang pera, para siyang one day millionaire. Kung ano-ano ang pinagbibibili. Kapag lunes, martes at miyerkules ay masasarap ang ulam niyan. Pero pagdating ng huwebes at biyernes, ayan, diyan na siya taghirap. Puro asin na lang ang inuulam. Kung minsan ay bibili na lang siya ng chichirya na puwedeng ulamin. Kapag kasi Sunday, kung ano-ano ang binibili. Inom din nang inom ng alak. Eh, kapag lasing, todo abot pa ng pera sa kainuman. Nauuto na rin kung minsan kaya maaga talagang nauubos ang pera niya.
Habang nag-aalmusal kaming dalawa, napag-usapan namin ang tungkol sa farm na pinagtatrabahuhan namin. Marami-rami raw inaani ngayon kasi halos lahat ng tanim ay may bunga. Kung free raw ako, anytime ay puwede akong pumasok. Saya nga lang at mukhang magtatagal pa ako sa manisyon ng mga Montalban. Nag-iba na naman kasi ang isip ni Donya Ferlie. Paiiba raw niya ulit ang kulay nung pintura sa room na ‘yon. Sa akin ay pabor naman kasi susuweldo pa rin ako. Ang laki pa naman ng sahod ko roon. Bukod doon, nasusulyapan ko pa palagi si Mia.
Pagkatapos kong mag-almusal, nahiwalay na kami ni hubert. Tumuloy naman ako sa palengke para mamili ng iluluto kong tanghalian at pang-dinner.
Dahil mapera ako ngayon, sumakay ako ng tricycle. Masakit na rin kasi sa balat ang sikat ng araw.
Pagdating ko sa palengke, ito na naman ‘yung mga matang nagtingin sa akin. Karamihan sa mga tindera sa palengke ay titig na titig palagi sa akin. Sila ‘yung pinag-aagawan ako palagi. Gustong-gusto nila na sa kanila ako bumibili. Kapag nag-aabot ako ng pera sa isang tindera, pinipindot nila ang kamay ko. Hudyat na gusto nilang magpakasta sa akin. Natatawa na lang ako kasi ganoon sila katakam sa akin kahit na alam kong may mga asawa na sila.
Pauwi na ako nang biglang may humintong sasakyan sa harap ko. Bumukas ang bintana at saka ko nakita ang isang magandang binibini.
“Ikaw ba si Giyo?” malandi nitong tanong sa akin.
“Oo, ako nga. Ikaw, sino ka?” tanong ko naman.
“Taga kabilang bayan ako. May gusto lang akong itanong.” Sinenyasan niya ako na ilapit ko ang tenga ko sa bibig niya kaya ginawa ko naman. “Totoo bang nag-sëx na kayo ni Mia?”
Nagulat ako sa tinanong niya. Hindi ko alam kung sino ito at bakit alam niya ang tungkol doon. Natakot naman akong umamin kasi baka sabihin nitong babaeng ‘to sa mga magulang ni Mia na may nangyari na sa amin, malintikan pa ako.
“W-wala, kung saan mo man ‘yan narinig, hindi totoo ‘yan,” sagot ko na lang.
Tumango siya at saka ngumiti. “Okay, pero totoo nga ang balita. Ang guwapo mo, para kang artista. Minsan, shot tayo, puwede ka ba?” tanong naman niya na tila ba gusto ring pakasta sa akin.
“Okay lang naman sa akin,” sagot ko na lang. Maganda, e. Marupok pa naman ako kapag magandang babae ang nag-aaya sa akin.
Nagpalitan kami phone number. Pagkatapos ay umalis na siya at tumuloy na rin ako pauwi sa amin.