Chapter 6

1108 Words
Mabilis lumipas ang ang hanggang sa nag isang buwan na ako sa kumpanya bilang secretary ni sir Jeffrey. Ang akala ko nung una ay hanggang isa o dalawang linggo lang ako sa pagiging secretary niya dahil kung minsan hindi ko maiwasan na sumagot ng pabalang sa kanya. Minsan nga nag kakasagutan pa kaming dalawa. Paano ba naman kasi lagi na akong late nakaka uwi at napapamahal ko sa aking pamasahe dahil imbes na jeep ang sasakyan ko ay naging taxi. At bukas nga ang sahod namin kaya tuwang tuwa kami ni Milot lalo pa at Friday bukas. Sinabi ni Milot na ipapasyal niya daw ako at lalabas kami bukas ng gabi para masubukan ko naman daw makapag sosyal life at hindi puro bundok ang nasa isip ko. "You're late, Miss Gonzales." Bungad sa akin ni Sir Jeff ng makarating ako sa mesa ko. Nakatayo na kasi siya roon at halatang inaabangan ko. "Excuse me po sir, ang alam ko po ay hindi pa ako late, 7:45 pa lang po at maaga ako ng 15 kaysa sa oras ng pasok ko." Nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. Aba napa unfair naman ata niya, ang pasok ng ibang empleyado dito ay 9am tapos ako pina papasok niya ng ng maaga pa sa alas otso. Nag agree naman ako dati sa usapan na yun na 8am ang pasok ko kaya lang masyado atang abosado itong boss ko. "Dapat nga po 9 ang pasok ko eh, pero ito ako, kahit kulang sa tulog dahil gabi mo na ako pina pauwi dahil sa over time." Saad ko at binuksan ang aking computer. "Come to my office." Hindi niya pinansin ang reklamo ko, at inutusan pa akong pumasok sa opisina nito. Bago ako pumasok sa loob ng office niya ay nag timpla na muna ako ng kape para sa kanya. Alam ko naman na yun ang iuutos niya sa akin. "Ito na ang kape niyo sir." Ani ko at nilapag ang kape sa harap niya. Nag taas naman siya ng tingin sa akin. "Alam mo sir dapat talaga may extra yung sahod ko eh, imagine ang 5pm na uwi ko nagiging 10 at ang ang 9 na pasok ko eh naging 8. Bali may anim na oras akong over time. Kaya dapat bayaran mo yun, dahil kung hindi ipapa DOLE kita. " banta ko sa kanya. Totoo naman kasi na higit anim na oras ang over ko kung bibilangin ko. "Wala akong pakialam kung sa pangulo ka pa ng Pilipinas mag sumbong. Ngayon i review mo ang presentation na nakalatag diyan sa mesa." Galit na utos niya sa akin. Isa pa ito sa kinaiinisan ko sa kanya. kanya naman ng trabahong yun pero sa akin niya pinapagawa. Kaya minsan nandito lang ako sa opisina niya ng buong araw dahil sa mga pinapagawa niya. Ayaw niya rin naman kasi na doon ko gawin sa mesa ko labas. "Pero sir, hindi ba trabaho nyo naman yun? Bakit sa akin niyo pinapagawa ang trabaho na ikaw ang dapat gumawa? " reklamo ko sa kanya. Hindi pa nga ako kumakain at plano ko sana bumili ng sandwich sa canteen. "Gusto mo ba talaga ng trabaho ha? O baka gusto mo mawalan ng trabaho?" Seryosong saad niya sa niya sa akin. "Ay! sabi ko nga po sir, kayo maman po hindi na mabiro. Pero pwede po ba namamaya ko na po gawin kakain lang po ako? Alam niyo kasi sir pangit ako mag trabaho na walang laman ang tiyan ko." Ngumiti pa ako sa kanya ng pilit kahit na gusto ko na siyang irapan. "Okay. " Sagot niya bago pumasok sa kanyang private room dito sa kanyang opisina, kaya naman lumabas na ako at dumerecho na sa canteen. "Nerd!" Napatingin ako kay owla ng tawagin niya ako. "Bakit owla?" Kumunot naman ang noo niya sa tinawag ko sa kanya. "Sinong owla?" Natawa ako sa tanong niya. "Ikaw, eh, ikaw lang naman ang malaki ng mata sa ating dalawa, ay kasama mo pala si Jerry." Bungisngis ko ng makita ko sa likod siya ang kaibigan niyang daga. "Jerry?" Sabay na tanong nilang dalawa. "Ay hindi niyo ba kilala si Jerry? Ung kaaway lagi ni tom, hindi ba siya yun? Tingnan mo naman kasi ang ipin niya sa harap nakausli sa kaka ngatngat ng cheese, tapos ikaw naman ang owla na gising sa umaga samantala tulog ang mga kalahi mo." Natatawa kong komento sa kanila. " Aba't bastos ka! " asik sa akin ni jerry na halatang na pikon sa sinabi ko. Eh, totoo naman kasi na para siyang daga kulang na lang magkaroon siya ng mahabang tenga. "Bastos? Ako ba ang bastos? Sige! sige! Hindi kana si jerry ikaw na lang si doding daga na laging kasama ni b1 at b2. Wow! Ganda ng team niyo, may kwago na may daga pa!" Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang malakas na tawa. "Walang hiya kang Nerd, ka! Sa ganda kong to tatawagin mo akong kwago." Saad ni owla at akmang susugurin ako. " Sige, subukan mo, para malaman mo kung sino ang nerd na sinasabi mo." Seryosong wika ko. "Nerd nga siguro ako, pero pag tinanggal ko tong salamin ko mas maganda pa rin ako sayo eh, Ikaw wala nang mag babago diyan sa pagmumukha mo." Ani ko at tinanggal saglit ang aking salamin sa mata. " See? Napatulala kayo sa ganda ko, hindi ba?" Pang aasar ko pa sa kanila. Bwesit kasi talaga ako sa kanya mula pa noong unang araw ko dito sa kumpanya. Paano ba naman tinawag akong bobo at lagi nila akong ping ti-tripan ng mga kaibigan niya. Akala siguro nila porket galing akong Probinsya ay hindi na ako lalaban sa kanila. "Miss Gonzales, tapos ka na ba bumili ng almusal mo?" Bigla akong nagulat ng makita dito sa canteen si sir Jeffrey, inayos ko ang aking salamin at ngumiti sa dalawa. " Saglit lang po sir, bibili na po." Sagot ko dito at humarap sa dalawa. "Bye sa inyong dalawa." Ani ko at umalis sa harap nila *** NGAYON ALAM NIYO NA KUNG BAKIT WALANG KAIBIGAN SI MARY JOY SA KWENTO NI VANESSA AT JONATHAN SA PAGSALUHAN ANG INIT. LAITIRA TALAGA SIYA AT WALA LANG SIYANG. MAILALAIT KAY VANESSA KAYA NAKIPAG KAIBIGAN SIYA. HAHA. SA GUSTO PONG BASAHIN ANG STORY NI VANESSA AT JONATHAN PWEDE NIYO PONG BASAHIN ANG "PAGSALUHAN ANG INIT" hello sorry about mga mga panlalait sa story na to. hindi ko po intensyon na may ma offend dito. kung may maoffend man po ako ngayon pa lang po humihinge na po ako ng paumanhin sa inyo.. katuwaan lamang po ito sa aking story sana maintindihan niyo.. maraming salamat po..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD