Pagdating ng kinabukasan ay excited akong makuha ang aking sahod. Kaya naman kahit late na akong umuwi kagabi ay maaga ako v nagising para pumasok sa opisina. Ito kasi ang unang sahod na matatanggap ko dahil hindi naman ako nakaranas pa magtrabaho noon sa amin. Ginagawa ko lang noon para maka tulong kina mama at papa ay ang pamimitas ng mga gulay at itinda sa bayan. O kaya naman tutulong sa kanila sa pagbubungkal ng lupa at magtanim. Kaya sobrang excited akong makatanggap ng sahod. Kapag nakuha ko ang sahod ko mamaya yayain ko bukas si milot na mamili ng mga damit ko. Medyo nakakahiya kasi ang dalang kong damit puro na luma ang iba may butas na ang kili kili at tinahi ko na lang. Pasalamat na rin lang ako kay Milot dahil may binigay siyang lumang damit sa akin. "Oh, Mary Joy ang aga mo n