Chapter 5

1058 Words
Nang araw din na yun ay dumating ang assistant ni ma'am, Christina, na si Margo. Itinuro niya ang lahat sa akin na dapat kong gawin bilang secretary ni sir Jeff, siya rin daw kasi ang tumayong secretary ni sir, ng wala pang mahanap si ma'am Christina. Ang sabi pa niya ay masyado mapili si ma'am sa pagpili ng magiging secretary ni, sir Jeff, dahil selosa ito at ako lang daw ang nakapasa sa taste niya para maging secretary ng fiance niya. Siguro dahil sa itsura kong nerd at klase ng pananamit. Binilinan din ako ni Margo na wag na wag aakitin sir Jeff dahil iyon ang pinaka ayaw sa lahat ni ma'am Christina, at pag nahuli daw ako na inaakit ko sir Jeffrey ay agad na matatanggal ako sa trabaho. "Nakuha mo naman siguro ang lahat hindi ba?" Tanong sa akin ni Margo ng matapos niyang ituro sa akin ang mga gagawin ko. "Opo ma'am Margo." Nakangiting sagot ko sa kanya. " Wag ka mag alala hanggang bukas ay dito pa rin naman ako para i training sa mga gagawin mo. Madali lang naman ang maging secretary ni sir Jeff, basta lagi mong tatandaan ang mga ibinilin ko sayo. Tandaan mo na bawal na bawal ka mag papasok ng ibang babae dito lalo na kung hindi naman iyon si ma'am Christina." Bilin pa niya sa akin. " Opo ma'am Margo, tatandaan ko po." Pagkatapos niya akong turuan ay kinain na kami ng lunch break namin sinabi niya rin sa akin na hindi kumakain si sir Jeff, sa labas kung wala itong meeting at hindi nito kasama si ma'am Christina. Kaya sa opisina na lang ito kumakain at madalas nag papaorder na lang. Kaya ng sabihin niya sa akin na mag order ako ng pagkain ni sir ay pinasobrahan ko na para sa akin. Hindi naman siguro mapapansin ni sir Jeff kung sasama ako sa lunch niya. "Ang sarap talaga kapag libre." Bungisngis ko habang kumakain ng isang putahe na hindi ko naman kilala. Basta ang sarap talaga ng pagkain ng mayayaman. Wala naman ako masyadong ginagawa bilang secretary ni sir Jeff kundi ang maghintay ng iutos sa akin at maghintay kung meron bang magpa appointment sa kanya. "Ang sakit naman ng pwet ko kakaupo. Baka naman maging flat na ang pwet ko nito." Saad ko at tumayo sa aking mesa. Tumingin muna ako sa paligid kung may tao ba bago ako nag swat at kinimbot ang aking pwet. "Iikot mo iikot mo ng ganito. Iupo mo iupo mo ng ganito. Sige ikembot pa ikembot pa ng lumaki ka." Kanta ko habang sinasabayan ito ng pag kembot ko sa aking pwet. " What do you think you're doing miss Gonzales." Ani ng baritono na boses sa aking likuran. Bigla naman ako nanlamig at hindi alam ang aking gagawin. " Gosh! Nakakahiya" ani ko na halos takpan ko ang aking mukha. Tumikhim muna ako at inayos ang aking salamin bago humarap sa kanya. " Kayo po pala Sir, may iuutos po kayo?" Nakangiting tanong ko at binaliwala ang pagkapahiya ko. "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" Kunot ang noo na tinignan niya ako. "Ah, yun ba sir? Sumakit po kasi pwet ko. Eh, ayaw ko naman po na maging flat ang pwet ko kaka upo kaya kinimbot ko." Saad ko sa kanya. Pero ang totoo hiyang hiya na ako sa kanya. "Follow to my office Miss Gonzales.," Seryosong saad niya sa akin bago ako tinalikuran. "Hay, akala mo itong boss ko parang laging may regla. Mainit lagi ang ulo dinaig pa ako eh, naku pag laging ganito ang boss ko baka tumanda agad nito. Kawawa naman ang baby face ko magiging matanda dahil stress sa amo niyang pinaglihi sa sama ng loob." Wika ko at inayos ang suot kong skirt bago pumasok sa opisina ni sir Jeffrey. Nadatnan ko si, sir Jeffrey na tutok na tutok sa laptop niya habang nakakunot ang noo. "May pinapanood ba siya sa laptop niya bakit sobrang seryoso niya?" Tanong ko sa aking sarili. "Ah, sir, may ipapagawa po ba kayo sa akin." Pansin ko sa kanya. Nag angat naman siya ng tingin sa akin, hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o talagang ngumisi siya sa akin "Paki ayos ng mga files na to. Pagsunod sunurin batay sa kayang date. Para mabilis hanapin." Utos niya sa akin at nilapag sa mesa niya ang katirbak na mga papeles. " Okay, po sir," saad ko at binuhat yun para ilipat sa aking mesa. "Where are you going Miss Gonzales?" Napalingon ko sa kanya ng muli siyang magsalita. "Sa mesa ko po sir, doon ko gagawin ang pina gagawa niyo sa akin." Sagot ko sa kanya. "No, need Miss Gonzales, you can do it here in my office. Diyan mo na lang siya gawin sa may mesa." Aniya na tinuro sa akin ang mesa malapit sa kanyang sofa. "Ah, sige po sir. Kung yun po ang gusto niyo." Sagot ko at lumapit sa mesa. Naupo ako sa sofa at inumpisahan na ang trabaho na pinapagawa niya sa akin. Inisa isa ko ang mga iyon. Akala ko kanina pa petiks petiks lang ang trabaho ko bilang secretary niya pero sobrang hirap pala. Kaya naman tinuon ko ang buong pansin ko sa aking ginagawa at hindi ko na napansin ang oras na uwian na pala. Sa sobrang pangangalay ng likod ko ay tumayo ako inunat ko ang aking likod. Nag stretching din ako ng mga kamay ko at mga paa dahil sa pangangalay nito. "Are you done?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang mag salita si sir Jeff sa aking harapan. Hindi ko man lang napansin na nasa harap ko na siya at higit sa lahat nakalimutan kong nasa loob pala ako ng opisina niya. "Ay opo sir, tapos na po na kikita niyo po? Ano? tapos na hindi ba?" May pagka pilosopo kong sagot sa kanya. Alam naman niyang hindi pa ako tapos, tapos mag tatanong pa siya. "Hindi ako nakikipag pilosopohan sayo miss Gonzales." Mariin niyang sabi sa akin. " Ay sorry sir, hindi pa po, marami pa po ang natira." Mahinang sagot ko sa kanya. " Bukas mo na tapos yan at umuwi ka na." Utos niya sa akin kaya naman napa tingin ako sa orasan at doon ko lang nakita na alas 6 na pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD