Napalunok na sumunod ako sa gwapong lalaki na Jeff daw ang pangalan sabi ng guardia.
" Sinabi na ba sayo ni Margo ang mga dapat mong gawin dito? " tanong sa akin ng binata.
"Ha? " wala sa sariling sagot ko sa kanya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang mukha.
" What is your name again? " ulit na tanong niya sa akin pero nanatili akong nakatingin sa gwapo niyang mukha. Para akong na hypnotise sa kagwapuhan nito.
"Hey, miss okay ka lang ba?" Natauhan ako ng bigla niya tinapik ang pisngi ko.
"Ho? Ano po iyon?" Namumula ang mukha na tanong ko sa kanya. Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa pagkapahiya sa kanya.
"Ang sabi ko kung ano ang pangalan mo?" Aniya na medyo may naiirita.
"Mary Joy Gonzalez po sir." Nakayukong sagot ko sa kanya.
"So, miss Gonzalez, naituro na ba sayo ni, Margo ang dapat mong gagawin dito?" Seryosong saad niya sa akin.
"Ah, hindi pa po sir. Pero sinabi po niya na ituturo niya daw po ang lahat na gagawin ko dito sa office at dito na lang kami magkita." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Good! " aniiya at lumabas na ng elevator. Habang nanatili naman ako sa loob ng elevator at hindi alam kung saan floor ako pupunta.
"Hey, what are you going to do? What? aren't you going out yet?" Halos mapatalun amo sa gulat ng marinig ang galit na boses nito.
"Po?"
"Hindi ka pa ba lalabas diyan?" Inis na sabi niya sa akin, kaya naman napilitan akong lumabas ng elevator. "Idiot" dinig kong sabi niya bago nag patuloy sa paghabang papasok sa isang opisina. Dahil hindi ko alam ang gagawin ay sunod ako sa kanya.
"Make me some coffee and bring it here." Agad na utos niya sa akin. Napaikot naman ang mata ko sa kanyang opisina at napako sa pangalan na nakalagay sa kanyang mesa.
"Jeffrey R. Monticello." Doon ko lang napagtanto na siya pala ang boss ko.
"Naku sir, Jeffrey sorry po, hindi ko po alam na kayo po pala ang magiging bossko." Hingin paumanhin ko at naupo sa upuan na nasa harapan ng kanyang mesa.
"What are you doing Miss Gonzales? Hindi ba sinabi ko na dalhan mo ako ng kape dito." Kunot ang noo na sabi nito.
"Ay sorry, po sir, hindi ko po kasi alam kung saan ako kukuha ng kape niyo." Pilit akong ngumiti sa kanya kahit na kinakabahan ako.
"Oh, paglabas mo ng opisina nasa may dulo kaliwa makikita mo ang mini kitchen doon." Aniya na itinuro sa akin kung saan ako pwede mag timpla ng kape. Inayos ko ang salamin ko saka tumayo. Pero bago pa man ako nakalabas ng opisna niya ay nagsalita ulit ito.
"One more thing Miss Gonzales, ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang tatanga tanga lalo na sa oras ng trabaho." Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa sinabi niya at tuluyan ng lumabas ng kanyang opisina.
"Ang sungit naman niya, ang gwapo sana pero suplado, kaya minus gwapo points, kung kanina 10 siya ngayon ay 9 and /14 na lang." Bulong ko sa aking sarili sabay bungisngis mag isa.
Nang matapos akong magtimpla ng kape niya ay agad akong bumalik sa kanyang opisina, nakangiti ako habang naglalakad nag bigla nag rewind sa utak ko ang sinabi niya kanina ng lumabas kami sa elevator.
"Idiot!"
"And One more thing Miss Gonzales, ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang tatanga tanga lalo na sa oras ng trabaho."
" Tatanga tanga" " Idiot" paulit ulit na na naririnig ko sa utak ko ang mga sinabi niya.
"Makatanga naman siya at maka idiot sa akin akala mo naman sobrang gwapo niya." Inis na bulong ko
"Pero gwapo din naman kasi talaga siya." Sigunda ng kalahati kong utak.
"Oo nga, gwapo din naman talaga siya." Bulong ko sabay tawa.
"Hey, miss Nerd, bago ka dito? " tanong sa akin ng nakasalubong kong babae. Maputi ito maganda naman kung hindi lang malaki ang mata. Para itong kwago na gising sa araw. Napa hagikhik ako dahil sa na isip ko.
"Hey! Baliw ka ba? Bakit ka tumatawa mag isa?" Inis na tanong nito sa akin.
"Ha, ano nga pala ulit yun?" Tanong ko sa kanya.
"Ang sabi ko bago ka ba dito? Dahil ngayon lang kita nakita. " aniya.
" Ah, oo ako yung bagong secretary ni Mr. Monticello." Naka ngiti kong sagot sa kanya.
" Mr. Monticello? Si sir Jonathan Monticello ba ang tinutukoy ko mo?" Saad niya na siyang kinakunot ng aking noo.
"Jonathan Monticello? Sino yun?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Eh, hindi ko naman kasi kilala ang sinasabi niyang Jonathan Monticello.
"Si sir Jonathan? hindi mo siya kilala?" Takang tanong niya.
"Si sir, Jonathan ang may ari nitong kumpanya. Boba" aniya na binulong ang huling salita pero narinig ko pa rin.
"Aba makaboba tong owla na to, kala mo hindi malaki ang mata ang pangit pangit naman niya." saad ng isip ko.
"Hindi eh, si sir Jeff ang sinasabi ko." Ani ko at peking ngumiti dito.
"Ah, si Sir Jeff pala, wow ang swerte mo ha, dahil ikaw ang napiling secretary niya, pero good luck sayo nerd." Anito na tinapik pa ang aking balikat bago umalis. Iiling iling na tinignan ko ito habang naglalakad palayo sa akin.
"Hey, Miss Gonzales, tutunganga ka nalang ba diyan at hihintayin mong lumamig ang kape bago mo ihatid dito?" May iritasyon sa mukha na saad niya sa akin, agad naman akong tumakbo papasok sa kanyang opisna.
"Sorry po, sir, may nag tanong po kasi sa akin kung bago lang ako dito, gusto ko rin po kasing maki pag kaibigan kaya kinausap ko muna." Sagot ko sa kanya.
" Let, me remind niyo MISS GONZALEZ, trabaho ang ipinunta mo at hindi ang makipag kaibigan, naiintindihan mo?" aniya sa akin at umupo sa kanya swivel chair.
"I'm sorry po sir, hindi na po mauulit." Nahihiyang saad ko sa kanya.
"Dapat lang, now pumunta ka na sa table mo" utos niya sa akin.