Chapter 3

1104 Words
Kinabukasan maaga akong gumising at nag ayos para pumunta sa sinabing address sa akin ni ma'am Margo. Pinahiram din muna ako ni Milot ng susuotin kong damit dahil wala naman akong damit pampasok sa opisina at wala rin naman akong pera pa para bumili. "Naku, Mary Joy, dapat galingan mo ha, ang swerte mo at ikaw ang napili ni ma'am Christina para maging secretary ng fiance niya. Alam mo ba na ang sobrang gwapo ni sir Jeffrey. Minsan lang yun pumunta sa kumpanya pero kilalang kilala na siya namin dahil sa sobrang kagwapuhan niya." Kinilig na saad sa akin ni Milot habang inaayusan niya. "Mabait ba?" Tanong ko sa kanya dahil kinakabahan ako baka masungit at suplado ang magiging boss ko. Wala naman akong pakialam kung gaano ito ka gwapo, basta maging okay lang ang trato nito sa akin. "Hmmm" nag isip muna ito bago sumagot sa akin. "Hindi ko masasabing mabait eh, lagi kasing seryoso ang mukha nito." Dahil sa sinabi niya mas lalo lang lumakas ang kaba ng dibdib ko. "Insan paano kung hindi niya ako magugustuhan bilang secretary niya at magpahanap siya kay, ma'am Cristina ng pwedeng ipalit sa akin? yung presentable tingnan." Kinakabahan na saad ko kay Milot. " Ano ka ba? Ang ganda ganda mo kaya. Tanggalin mo lang itong salamin at kunting ayos lang sayo dadaigin mo pa ng ganda ni ma'am Christina." Aniya at pinagpag ang kamay sa damit ko. "Ayan ayos na ang sexy mo tignan dito sa uniform ko. Basta ang gawin mo lang ngumiti ka sa kanila at maki bagay ka. Kung baga makisama ka." Bilin niya sa akin at nilagyan ako ng lipstick sa akin labi. "Ah, sige salamat Insan ha, mauuna na ako sayo at baka late ako, ayaw na ayaw pa naman daw nun ng na lalate sa trabaho." Ani ko at agad na dinampot ang aking may kalumaang bag, ito pa kasi ang bag ko noong nag aaral pa ako. Pwede pa naman pagtiyagaan kaysa wala akong magamit. "Sige, halika na at ihatid na kita sa sakayan ng jeep. Baka mamaya kung saan ka pa sumakay at maligaw ka." Aniya na kumapit sa aking braso at hinila ako palabas ng aming kwarto. "Salamat talaga insan ha, naku hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka. Lalo na at first time ko dito sa Manila." Madamdaming wika saad ko sa kanya. Totoo naman din kasi yun, hindi niya talaga alam kung anu ang gagawin niya kung wala ang pinsan niya. "Naku wala yun, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong mag pipinsan. Saka na tayo mag dramahan no, kapag nag kasahod ka na ng malaki." Natatawang saad niya sa akin kaya natawa na rin ako. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa sakayan ng jeep. Napansin kong kilala na si Milot ng barker dito, dahil agad siyang kinawayan nito. "Toto, sabihin mo kay kuya driver na ibaba itong pinsan ko sa RCBC Ayala ha. Saka diyan muna siya sa unahan paupuin para marinig niya ang sinasabi ng driver. " wika ni Milot sa barker. "Walang problema babe, basta pinsan mo ay pinsan ko na rin. " sagot naman ng barker kay Milot, kaya kumunot ang noo dahil sa tinawag nito kay Milot. May relasyon ba ang dalawang to? bakit babe ang tawag nito sa pinsan ko? "Mabuti naman kung ganun. Mary Joy, may pera ka pa ba dyan para sa lunch mo mamaya?" Baling niya sa akin. "Ah, may isangdaan pa ako dito." Sagot ko at bahagyang ngumiti sa kanya. "100? Naku! hindi kakasya yan, ito isangdaan idagdag mo dyan sa baon mo." Aniya na dumukot ng isang daan sa kanyang wallet. " Salamat Milot," nahihiyang yumakap ako sa kanya. "Sige na sumakay ka na sa jeep at uuwi na rin ako para makapag handa sa pagpasok ko. Bukas magluto na lang tayo sa umaga para maka baon tayo sa lunch at maka tipid tayo." Saad niya at nag babye na. Kinakabahan na pumasok ko sa harapan ng jeep. "Miss RCBC ka hindi ba?" Tanong sa akin ng driver ng huminto kami sa isang stop light. "Ah, opo." Kiming sagot ko at tiningnan ang lugar. Mas maraming matataas na building dito. "RCBC na ito miss." Aniya. Kaya naman agad akong napakapit sa bag ko at bumaba ng jeep. "Naku, thank you po talaga kuya." Ani ko ng nakababa na ako. Agad kong inikot ang tingin ko sa buong lugar at sinubukang hanapin ang sinabing address ni Margo, pero nahihirapan akong hanapin yun dahil sa dami ng building sa RCBC ayala. Nang makakita ako ng guard ay agad akong lumapit dito at Tinanong ko ng address. Agad naman niya akong tinuruan papunta doon. Hinihingal na tumingil ako sa isang mataas na building. Nang basahin ko ang nakalagay sa taas ng building doon ko na sigurado na ito na nga yung kumpanya na papasukan ko. "Good morning po, kuya." Bati ko sa guard ng makalapit na ako sa harap ng gusali. "Good morning din po ma'am ano po ang maitutulong ko sa inyo?" Sagot naman nito sa akin. "Ah, kuya ako po si Mary Joy Gonzalez, ako po ang pinadala ni ma'am Christina Tamayo, para maging secretary ni sir Jeffrey Monticello." Hinihingal na sagot ko. " Ganun ba ma'am sandali lang po at tatawagan ko lang po ang sa itaas-" " Let her in." Putol ng isang gwapong lalaki dito. Napa tanga naman ako ng tingnan niya ako at nakita ko ang mata niya. "Hala ang gwapo niya at ang ganda ng mata niya kulay abo. Para siyang Greek god na bumaba mula sa langit." Bulong ko sa aking sarili habang naka tulala nakatingin sa lalaking nasa aking harapan. "Kayo po pala Sir, Jeff. Good morning po, siya daw po ang magiging secretary niyo at pinadala daw po siya ng fiance mo." Dinig kong sabi ng guard pero hindi ko iyon naintindihan dahil naka focus ako sa kausap nito. "Miss, Okay ka lang? Miss?" Bigla naman akong natauhan ng biglang kinaway ng ng guardia ang kamay niya sa aking harapan. "Ah, ano po ulit yun kuya?" Tanong ko sa kanya. "Sabi ko kung okay ka lang ba?" "Opo, kuya okay lang po ako." Sagot ko at ngumiti sa kanya. " Mabuti naman kung ganun, kanina ka pa kasi hinihintay ni sir, Jeff sa harap ng elevator." Napatingin naman ako sa harap ng elevator kung saan nakatayo na doon ang lalaki na nasa aking harapan kanina. " Ano sabi mo kuya? Sir Jeff po?" Ano ko habang salubong ang kilay. " Diba sabi mo ikaw ang magiging secretary niya? Dalian muna miss at pina kaayaw ni sir Jeff yung pinakahihintay siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD