Isang linggo na mula ng dumating ako dito sa Manila, at ngayong araw nga ay sasama ako ng pinsan ko sa kanyang pinag ta-trabahuang kumpanya. Hiring daw kasi doon at susubukan ko mag apply para hindi naman masayang ang araw kong paglalagi dito lalo na at tawag ng tawag ang mga batugan kong kapatid at nagtatanong kung may trabaho na ako.
"Handa ka na ba insan?" Tanong sa akin ni Milot habang nakatayo sa pintuan ng kwarto naming dalawa. Umuupa lang din kasi siya dito sa makati ng isang maliit na kwarto, at pinagkasya na lang namin ang sarili naming dalawa dito.
"Handa na, ako insan. Sana naman matanggap ako doon ng may ipadala akong pagkain sa mga alagang baboy ko." Natawa siya sa sinabi ko.
" Grave ka naman kila ante, baboy talaga ha? "Aniya na umiiling sa akin.
" Hindi naman sina mama ang tinutukoy ko, kundi ang mga barakong baboy kong alaga. Hay, naku! ewan ko ba kung bakit ang tatamad nila tapos ang lalakas ng loob na mag sipag asawa. Tapos wala naman pala ipapakain at aasa lang kina mama at papa. Tapos ngayon ako na ang kukulitin nila na mag bigay sa kanila." Pag lalabas ng sama ng loob ko sa kanya. Nakakainis lang kasi ang dapat na isipin ko ay sina mama at papa na lang eh, dumagdag pa ang mga kapatid ko.
" Ewan ko din ba diyan kay uncle, kung bakit kinukunsinti yang mga kapatid mo. Aba eh ang lalaki na ng katawan ng mga yun tapos aasa pa sa kanila, buti sana kung malaki ang kita nila sa pagbubungkal ng lupa sa bukid." Saad niya sa akin at na una ng pumasok sa loob ng tricycle. Dahil sa sinabi niya lalong bumigat ang dibdib ko sa isiping kumakayod ng todo ang mga magulang ko tapos ipapakain lang nila sa anak nila na siya na ang dapat gumagawa sa kanila. Hindi na ako umimik pa sa sinabi Milot sa akin at tahimik na lang na tumingin sa matataas na building dito sa makati.
"Pina pangako ko na hinding hindi na ako kakain ng kamoteng kahoy na nilaga pag na kahap ako ng trabaho." Wala sa sarili na sabi ko habang nakatingin sa isang billboard kung saan makikita ang isang artista na nag e-endorso ng isang sikat na sabon.
"Mary Joy halika na." Untag niya sa akin. Kaya bumaba na ako ng tricycle.
"Ito ang Magallanes, galing tayo kanina sa Vito St. Kaya tandaan mo lagi kong sinasabi para hindi ka maligaw ha." Wika niya habang mabilis na naglalakad patungo sa isang mataas na building.
"Magandang umaga, kuya." Masayang bati ni Milot sa guardia.
"Mas maganda ka pa sa umaga Mary Rose." Nakangiting bati din ni kuya guard kay Milot. Mary Rose kasi ang totoong pangalan niya.
" Ay sus kuya binola mo pa ako, siya nga pala kuya ang pinsan ko, si Mary Joy, mag apply siya dito, diba naghahanap si ma'am ng assistant manager? Baka pwede ang pinsan ko, total graduate naman ito ng teacher." Saad ni Milot na may pagmamalaki.
"Naku! pwedeng pwede siya doon dala na ba niya ang lahat ng requirements niya?" Tanong ni kuya guard kaya agad naman akong umoo sa kanya.
Matapos namin makausap ang guardia ay pumasok na kami sa loob at hinatid ako ni Milot sa hr kung saan ako pwede mag apply.
"Basta tandaan mo lagi ang sinasabi ko ha, sige na maiwan na kita at baka malate na ako" aniya sa akin.
"Okay lang, insan i tetext na lang kita kung ano man ang magiging resulta, pero sana ay matanggap ako." Kinakabahan na saad ko. Pag katapos ng mga bilin ni Milot sa akin agad na din itong umalis at pumasok sa kanyang department. Habang hindi pa nag uumpisa ay marami pa ang dumadating na mag a-apply kaya mas tumindi ang kaba ko na baka hindi ako matanggap lalo na ng makita ko na magaganda ang babae. Buntong hininga kong inayos ang aking salamin ng sabihin sa amin na mag umpisa ng interview.
Pawis ang mga kamay ko ng tawagin ako sa loob, at napalunok ako ng tingnan ako ng isang babaeng sopistikada.
"Mary Joy right?" Seryoso ang mukha na tanong nito sa akin. Pero sobrang ganda niya at nakakamangha ang kutis niya. Parang gusto ko tuloy siyang lapitan at hawakan ang balat niya kung totoo ba.
"Miss Gonzalez, are you with us?" Ilang beses pa akong napakurap ng mata saka humingi ng paumanhin sa kanya. Gosh nakakahiya,
" Ah, yes ma'am, I'm sorry po na starstruck lang po ako sa ganda niyo." Pagsasabi ko ng totoo.
" Okay, Miss Gonzalez, ang sabi dito sa resume mo ay graduate ka ng BSED, my I ask kung bakit hindi ka natuloy sa pag te teacher?" Tanong niya sa akin.
"Hindi pa po kasi ako naka kuha ng board exam ma'am dahil po wala pang pera, kaya naisipan ko po munang mag apply ng trabaho habang nagrereview ako para maka ipon din po sa pag tatake ko nang exam." Nakangiti pero kinakabahan na sagot ko sa kanya.
"Willing ka ba matutunan ang lahat ng trabaho Miss Gonzalez?" Mabilis akong tumango sa kanya.
"Yes ma'am kahit ano pa po yan ay willing na willing po akong matutunan." Ani ko at inayos ang salamin ko.
" Okay, you're hired." Aniya sa akin. Natulala pa ako dahil nabigla ako na ganun lang niya ako kabilis matanggap.
"Naku, thank you so much ma'am wag po kayong mag alala mag sisipag po ako." Halos yakapin ko na siya sa tuwa ko.
"You're hired Miss Gonzalez, pero hindi bilang assistant manager dito, kundi bilang secretary ng fiancee ko. Anyway si Margo na ang bahala magbigay ng address sayo kung saan ka papasok bukas, at gusto ko na maaga kang dumating doon bukas para ma train ka ni Margo ng mga dapat mong gawin. " saad niya at tumayo na. Nang lumabas na siya, ay tinawag naman ako ng isang babae.
"Dito Miss Gonzalez, ito ang address na pupuntahan mo at kailangan bago mag 8 ng umaga ay nandoon ka na. Ayaw na ayaw ni sir Jeff ang na lalate sa trabaho kaya dapat agahan mo. Anyway congratulations sayo." Saad niya at binigay sa akin ang address ng building na sinasabi niya sa akin.