"MJ anak, mag iingat ka doon sa Manila ha. Tawagan mo kaagad ako kapag nandoon ka na sa bahay ng pinsan mo." Mangiyak ngiyak na paalala sa akin ni mama. Ngayon ang araw na alis ko dito sa Davao, para lumuwas ng Manila at maghanap ng trabaho doon. Graduate naman ako ng sa kursong BSED. Pero dahil wala pa kaming pera para makakuha ako ng board exam, na isipan ko munang mag trabaho sa Manila. Dahil kung hindi ko gagawin yun baka araw araw na lang talaga kami kakain ng nilagang kamote, saging at nilagang mais. Pag buwanan ng mais swerte mo dahil may bigas na mais kaming makakain at pinirito na tuyo, yon kasi ang masarap na partner sa kanin na mais o kaya ay ginataang labong. Napa buntong hininga ako ng makita ko ang tatlo kong kapatid na barako. Ang lalaki ng mga katawan nito pero ang tatamad. Ewan ko ba kay mama at papa kung bakit nila kinukunsinti ang mga kuya ko samantala may kanya kanya na itong pamilya at buntis pa ang kanilang mga asawa. Naiiling na umiwas ako ng tingin sa mga kapatid ko ng lumapit ang mga ito sa akin.
"Mag ingat ka dun bunso ha, wag ka muna mag boyfriend doon ha, para naman makapag padala ka kaagad ng pera." Naiinis na tumingin ako sa kuya kong si Marvin, ang kapal talaga ng mukha nila.
"Sino naman ang magkagusto sa akin doon aber? Sa itsura kong to may mag magkakagusto pa kaya, maliban na lang kung bulag yung manliligaw sa akin." Pabalang na sagot ko sa kanya. Natawa naman ito kasama ng dalawa ko pang kapatid. Ako kasi ang bunso sa aming apat at ako lang ang nag iisang babae, pero parang ako pa ata ang inaasahan nila nabubuhay sa kanila.
"Aba sino ba nag sabing pangit ka ha? Ang ganda ganda kaya ng bunso namin, kapag tinanggal mo yang malaking salamin mo, makikita ang maganda mong mata lalo na ang mahaba mong pilikmata na siyang nagdadala ng kagandahan mo." Saad naman ni mama at yumakap sa akin.
" Sige na anak, halika na at baka maiwanan ka pa ng barko." Singit ni papa na siya ang mag hahatid sa akin sa station ng bus.
" Sige ma, aalis na po ako. Kapag nakahanap na po ako ng trabaho doon magpapadala po agad ako dito. " paalam ko kay mama at gumati ng yakap sa kanya. Nag paalam na rin ako sa mga kapatid ko na may kung ano ano pa ang binilin sa akin. Hindi pa nga ako nakaka alis may mga request na silang lahat sa akin.
Hinatid na ako ni papa station ng bus papuntang Cagayan de oro kung saan ang daungan ng barko. Pagdating ko sa loob ng barko agad na akong nahiga sa kama. Economy plus lang ang kinuha kong ticket kaya marami akong nakakasama na tao dito sa barko. Inayos ko ang aking salamin at lumakad papunta may gilid ng barko at tumingin sa dagat.
Halos dalawang araw din paglalayag ng barko bago kami nakarating sa Manila. Agad kong tinawagan ang pinsan ko gamit ang de keypad kong cellphone para malaman kung nasaan na ito.
"Hello, insan nasaan ka na? Pababa na ako ng barko." Tanong ko kay Milot na pinsan ko.
"Nandito na ako sa may baba ng pantalan pinsan kung saan nag hihintay ang mga nagsusundo pag baba nh barko, dito sa may waiting area." Sagot nito sa akin kaya naman agad kong kinuha ang dalawa kong bag. Ang isa nilagay ko sa aking likod at ang isa naman ay binuhat ko. Ang problema ko na lang ang karton kong dala na may laman na mga prutas at danggit.
"Sige insan magkita na lang tayo diyan. Sige na at baba na ako." Agad kong pinatay ang tawag at binuhat naman sa sa kabilang kamay ang dala kong karton kahit na sobrang bigat.
"Miss, tulungan na kita sa dala mo." Ani sa akin ng isang lalaki. May itsura naman ito at malaki din ang katawan. Nakasuot lang ito ng simpleng sandong pula at naka pantalon at may maliit na bag na dala.
"Naku wag na po, nakakahiya naman sayo." ani ko at inayos ang aking salamin na medyo nahulog.
"I, insist miss," aniya na agad kinuha ang aking karton na dala ko.
"Ang bigat pa naman nito para buhatin mo pababa ng barko." Dugtong niya at na una nang nag lakad pababa ng barko. Agad naman akong sumunod sa lalaki at nakatingin lang ako sa malapad na likuran nito. Nang nasa baba na kami na gulat pa ako ng bigla itong humarap sa akin.
"Nasaan ang sundo mo? Saan ko pwede ilagay itong dala mo para hindi ka na mahirapan?" Tanong niya sa akin. Kaya naman agad kong hinanap ang pinsan kong si Milot kung nasaan ito.
"Mary Joy!" napatingin ako sa tumawag ng buo kung pangalan.
"Milot!" Natutuwang binitawan ko ang bag kong dala at tumakbo sa kanya para yakapin siya.
"Milot, na miss kita, ang ganda ganda muna." Masayang saad ko sa kanya.
"Naku, ano kaba, pumuti lang ako pero maganda ka pa rin sa akin." Aniya na gumanti ng yakap sa akin.
"Sandali nasaan pala ang mga dala mo?" Maya maya ay tanong niya.
"Ay nandoon halika." Hinila ko siya palapit sa lalaking tumulong sa akin na buhatin ang dala ko.
" Naku mister, maraming salamat sa tulong mo ha" pasalamat ko sa lalaki. " Insan siya ang tumulong sa akin na buhatin itong dala kong karton, ang bigat kasi at hindi ko kaya." Ani ko kay Milot.
" Naku salamat sir, sa pagtulong dito sa pinsan ko." Saad ni Milot dito.
" It's okay, by the I'm Kurt." Pakilala nito sa amin.
"Ako nga pala si Milot, at ito naman si Mary Joy ang pinsan ko. Naku maraming salamat talaga Kurt sa pagtulong dito sa pinsan ko." Ani ni Milot na halatang nag papacute kay Kurt.
"It's my pleasure. Samahan ko na kayo sa sasakyan niyo para hindi na kayo mahirapan sa pag buhat nito." Anito na binuhat ulit ang karton.
"Sandali at kukuha pa lang ako ng taxi, sandali lang at tatawag ako." Agad na tumalikod si Milot at humanap ng taxi.
"Maraming salamat sa pag tulong mo sa akin Kurt ha." Nahihiyang saad ko sa kanya.
"Okay lang, anyway if you don't mind, pwede ko bang makuha ang number mo?" Tanong niya sa akin kaya napatulala ako.
"Ha? Naku nakakahiya naman, pero sige." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Agad kong binigay sa kanya ang number ko at agad naman niyang dial ang aking numero para tawagan at maka sigurado.
"Save it, yan ang number ko. If you need anything, trabaho o ano man ang pwede kong maitulong sayo ay pwede mo akong tawagan." Aniya sa akin at nilagay sa bulsa niya ang kanyang cellphone.
"Sige, salamat ulit Kurt ha, sana mag kita pa ulit tayo." nakangiti na saad ko. Nag paalam na sa akin si Kurt at tumawag na din siya ng taxi at sumakay.