CHAPTER 3: Nathan's and Miles' Best Friends

1577 Words
MILES Mga nakangiting mukha nina Max at Sam ang nabungaran ko pagpasok ko sa first class ko. They are my two bestfriends. Nabibilang din sa literal na mayayaman. "Bakit ganyan kayo makangiti?" I asked. Agad akong hinila ni Max para makaupo sa upuang malapit sa kanila. "Bhest, napag-isipan mo na ba?" Bhest stands for best friend. "Napag-isipan ang alin?" takang tanong ko pa. "Sinabi ko sayo na ikaw ang gusto kong maging headline news sa schoolpaper natin. So, napag-isipan mo na ba?" "Sorry, I forgot." "You forgot or you didn't think about it?" Sam asked, raising an eyebrow. "Both," walang gatol na sagot ko. "Grabe ka talaga, Bhest. Hindi ka man lang nagdalawang-isip na magsinungaling samin. You just hurt our feelings." "I'm just being honest, Max. And sorry. Ayoko talaga. Na-feature mo na naman ako sa article mo, di ba? Dalawang beses pa." "But twice is not enough! As much as possible nga, ikaw lang palagi ang gusto kong isulat sa mga articles ko eh." "Tama si Max, Bhest. And my camera also loves your beautiful face. Ikaw lang ang gustong kuhanan para sa headline article ni Max." I just rolled my eyes and ignore them. Si Max ang editor-in-chief ng schoolpaper ng university namin at si Sam naman ang kadalasang feature photographer. Mga classmates ko rin sila noong high school kami. Kung tutuusin, ang dalawang beses na pag-feature ko sa schoolpaper na yun ay s*******n pa. Pinagbigyan ko sila dahil mga kaibigan ko sila. At ngayon nga, hinihingi na naman nila ang permiso ko na ma-feature sa article na isusulat ni Max. And this time, I refused to do it. Ano pa bang gusto niyang isulat tungkol sakin? And as if namang may magiging interesado para basahin ang tungkol sa buhay ko. Mas gugustuhin pa ng mga estudyante rito ang makipagchismisan, makipagsosyalan, makipagyabangan at makipaglandian, kaysa basahin ang article na may kinalaman sakin. I'm not rich and just the number one student in this university. That's all they know about me. Nothing more, nothing less. "Sorry, guys. My answer would always be the same. No." "Fine. If you say so." They said in chorus, defeated. ~~~~~ MAX Grabe ka talaga, Millicent Buencamino. Mga best friends mo kami, tapos ayaw mo kaming pagbigyan ngayon? I muttered to myself. Nang hindi na namin siya makumbinsi pa, umayos na ko nang upo at itinuon ang tingin sa hawak kong notebook. First of all, let me introduce myself to you. I'm Maxene Lalaine Fortalejo, Max for short. And one of Miles' best friends since high school. May connection ako sa may-ari ng school na 'to kaya huwag na kayong magtaka pa kung marami ang nasisindak sakin. But, I'm not a bully. Hindi ako katulad ng ibang estudyante rito na mang-aaway at magpapaka-b***h na lang kapag walang magawa. Lumalaban ako kapag may umaaway at nang-aapi sa mga kaibigan ko, lalo na sa Bhest namin. I love writing. Kahit second year pa lang ako, editor-in-chief na ko. At kung iniisip niyo na nakuha ko ang posisyon na 'yon dahil sa connection ko, well it's up to you. I don't have much time to prove myself to you. I was born to be a writer and you can't do anything about it. Pero, mga piling tao lang ang ini-interview at pini-feature sa article na sinusulat ko. Hindi naman kasi ako magsusulat ng mga bagay o tungkol sa isang tao na hindi ako interesado. At ang mga kaibigan ko ang top choices ko para sa article ko. Hangga't maaari nga, gusto kong isulat ang tungkol sa mga buhay nila. Gusto kong malaman ng lahat how amazing and interesting my best friends are. Interesado rin ako sa isang lalaki rito sa campus. Well, ibang pagkainteresado ang ibig kong sabihin diyan. You know Errol Nathaniel Montecaztres? He's simply known as Nathan. At siya lang naman ang pinakasikat at pinakakilala sa university namin. At kung tawagin nga siya, The Most Popular Heartthrob. Sa gwapo ba naman niya, sinong babae ang hindi mahuhumaling at magkakagusto sa kanya? Iyon din siguro ang dahilan kung bakit The Most Flirt Guy ang tawag sa kanya ni Bhest. Well, na-feature ko na naman si Nathan sa article ko ng isang beses. It was all about the basketball and his team. But, once is not enough! I wanted to know what kind of guy he is, his ideal girl and if he had a serious girlfriend before. Pero, katulad din siya ni Bhest. Mailap siya sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa personal niyang buhay, naiiling na sabi ko sa sarili ko. Pag-angat ko ng ulo ay napadako ang tingin ko sa labas ng classroom namin. Isang lalaking nakapamulsa at nakasandal sa pader ang nabungaran ko. Well, a gorgeous guy to be exact. I know him. Si Juan Crisostomo Ibarra! Kidding. Pero, kapangalan niya talaga yung bida sa Noli Me Tangere. Ang buong pangalan niya ay Juan Crisostomo Carredano, one of the basketball varsity players. And as far as I know, he's one of Nathan's friends at mas kilala sa nickname na Juice. Tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti. Gravity! Ang cute niya mag-smile. Waaahhh! Ako ba? Ako ba ang nginingitian niya? Lumingon ako sa likod. Ang lapad nang ngiti ng lola niyo habang nakatingin sa direksyon ni Juice. Umabot hanggang likod ng ulo. Di ko napigilang iikot ang aking mga mata. Eh di siya na! Siya na ang nginingitian ni Juice! As if I care kung magngitian sila sa harap at likod ko. Psh! ~~~~~ JUICE Nandito ako ngayon sa tapat ng classroom ng crush ko, gwapong nakatayo at nakapamulsa habang nakatanaw sa kinaroroonan niya. Nakaupo siya habang kausap sina Miles at ang isa pa nilang kaibigan. Yes, yung EIC ng university schoolpaper ang ultimate crush ko kaya imposible ang sinasabi ni Captain kanina na kay Miss Number 1 ako interesado. Kelan ko siya naging crush? The first time I laid my eyes on her. Freshman siya at Sophomore naman ako. So technically, tinamaan ako ng crush at first sight sa kanya. Hindi ko nga alam kung kilala niya ako at kung alam ba niya na may isang Juice Carredano na nag-eexist sa university na 'to. Mahigit isang taon ko na rin siyang tinititigan mula sa malayo at hinahatid lang nang tanaw. Never akong lumapit sa kanya para makipagkilala. Isipin niyo ng torpe ako, gwapo naman. Marinig ko lang ang tawa at boses niya, buo na ang araw ko. Masilayan at matanaw lang siya araw-araw, kontento na ko. Pero, noon 'yon. Hindi na ngayon. Gusto kong makilala na niya ako at mapalapit sa kanya sa kahit na anong paraan. Gusto ko ring ngumingiti at tumatawa siya sa harap ko. Gusto kong kinakausap niya rin ako gaya ng pakikipag-usap niya sa mga kaibigan niya. Gusto kong hawakan ang mga kamay niya, yakapin at halikan siya. Marami akong gustong gawin sa kanya at sisimulan ko na iyon ngayon. What I feel for her right now was beyond crush. At wala naman akong planong pigilan pa ang kung anumang nararamdaman ko para sa kanya. Halos mapatuwid ako sa kinatatayuan ko nang lumingon siya dito sa direksyon ko. Ito na siguro ang hinihintay kong pagkakataon para mapansin niya. Diretso akong tumingin at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. She looked back. At nang sinundan ko ang tinitingnan niya, may babaeng malapad ang ngiti at nakatingin din sakin. Napansin ko ang pag-ikot ng mga mata ni Max bago muling ituon ang tingin sa hawak nitong notebook. Hays! Epal naman ang babaeng nasa likod niya eh. Akala yata siya yung nginingitian ko. Para lang kay Max 'yon. Tsk. Di bale na nga. Wrong timing lang siguro ako sa pagpapapansin sa kanya. Babawi na lang ako next time, sabi ko sa sarili ko bago umalis at naglakad papunta sa first class ko. ~~~~~ SAM The moment na wala na kaming makuhang sagot kay Bhest, umayos na lang ako nang upo at kinalikot ang hawak kong DSLR camera. Ako nga pala si Samantha Nicole Samonte - short for Sam, 'yan ang tawag sakin ng karamihan. Isang tao lang naman ang kilala kong tumatawag sakin ng Samantha or Nicole at hindi na siguro importante pa kung sino iyon. Magkakaibigan na rin kami nina Max at Bhest since high school days. If Max loves writing, I love photography. Since elementary, nakahiligan ko nang kumuha ng mga pictures. And so far, I'm good at taking pictures at nag-eenjoy ako sa ginagawa ko as a photographer in our schoolpaper. Tandang-tanda ko pa, may pinangakuan akong isang tao noon na siya lang ang magiging model ko sa pagkuha ng mga larawan. And I wonder where he is now. Anyway, enough about me. Let's talk about Miles. At ang masasabi ko lang, masaya at mahirap magkaroon ng matalinong kaibigan na gaya niya. Barado ka palagi sa kanya. Kapag tinanong mo siya, paiiralin niya ang logic sa pagsagot. Paano ko nasabi? It's based from our own experiences. Minsan tinanong siya ni Max kung sasabay pauwi, ang sagot niya ay 'Hindi. Mahirap ang sumabay lang kaya sasakay ako sa kotse mo'. Minsan tinanong ko rin siya kung nakita niya ba ang nawawalang payong ko, ang sagot niya sakin ay 'Hindi ako hanapan ng mga nawawalang bagay'. Then I asked again kung masama bang magtanong, ang sagot ba naman sakin ay 'Hindi, kaya nga sumagot ako, di ba?'. Ilan lang 'yan sa mga pambabara niya samin at marami pa na hindi na namin mabilang. Kaya kung tatanungin o kakausapin mo siya, be more specific and logical. Paano na lang kaya kapag may nanligaw at nagpick-up line sa kanya? I'm sure barado ang taong iyon. Mukhang di eepekto ang cheesy at pick-up lines sa kanya. Wala masyadong kasweetan sa katawan ang babaeng 'yan eh. And now that I thought about it, sino kaya ang lalaking makakapagpalabas ng sweetness sa katawan ni Bhest? Yung makapagpapatahimik at hindi makapagpapagana sa matalino niyang utak? I'm so excited to know who would be that unlucky guy, I muttered to myself while giggling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD