NATHAN
I'm sitting here at student lounge with Charito, the hottest girl in campus. Nag-aaral habang nagkukwentuhan na rin. Nagsimula ang 'friendship' namin nang pareho kaming maging representative ng university sa isang contest.
Hindi lang naman siya ang girl friend ko. Halos lahat ng babae rito sa campus, itinuturing ko na ring girl friends. Sino ba naman ako para tanggihan ang ino-offer nilang friendship? That's how friendly I am.
Sa paningin ng iba, hindi friendliness ang ipinapakita ko kundi kalandian. Well, hindi ko na rin itinama pa ang paniniwala nilang iyon. Wala naman akong pakialam sa kung anuman ang gusto nilang isipin tungkol sakin.
Napatingin ako sa kamay niya na biglang pumatong sa kamay ko at pinisil iyon. Pasimple ring tsumansing ang babaeng ito eh. See? I'm not the one who's taking advantage here. She's the one taking advantage of me, just so you know.
Nginisihan ko lang siya at patay-malisyang ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa kanya. At ilang sandali pa, nahagip ng paningin ko ang isang babae na naglalakad patungo dito sa direksyon namin. And just like the first time our eyes met, nando'n na naman yung kakaibang tingin niya sakin.
Seriously? What the hell is her problem? Bakit ganun na lang siya kung makatingin sa 'kin? I asked myself, scornfully.
Hindi rin nakaligtas sakin ang pagngisi niya nang nakakaloko bago lumagpas sa kinaroroonan namin.
Okay, that's it. I stood up.
"Wait, Nathan! Where are you going?!"
Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag ni Charito at sinundan ang direksyong tinungo ni Miss Number 1. I forgot her name, but it doesn't matter now as long as I do remember her face.
Walang araw sa loob ng isang linggo na hindi kami nagkasalubong o nagkatinginan sa loob ng campus. Ganung tingin palagi ang ibinibigay niya sakin and it pissing me off big time. At first, I just ignore it and let her. But this time, I will not tolerate it anymore. I'm going to deal with her once and for all. I don't like how she stares at me and I don't give a damn.
Hinawakan ko siya sa braso at iniharap sakin nang maabutan ko siya. Pero, agad din akong napabitaw nang may maramdamang kuryeteng dumaloy sa kamay ko. What was that? takang tanong ko sa sarili ko.
Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha bago bahagyang lumayo at nagsalita. "What do you want?"
"You."
She frowned. "I'm asking what do you want, not who do you want."
"What's your problem?" diretsong tanong ko sa halip na patulan pa ang sinabi niya.
"And why would I tell you what my problem is?"
"Ano bang problema mo sakin?"
"Marami na kong problema, bakit pa kita idadagdag sa problema ko?"
Mariin akong pumikit at ikinuyom ang kamao. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago muling tumingin sa kanya. "Your look. Why do you always give me that kind of look?"
"Huh? What kind of look?"
'Langya naman. Kanina namimilosopo, ngayon naman ay nagpapakainosente. She can't fool me.
Hindi ko naituloy pa ang anumang sasabihin ko nang may sumagi sa isip ako. Wait. Don't tell me it's her way for me to notice her? Hmmm. Now that I realized it, effective ang ginagawa niya, ha? Talagang nakuha niya ang atensyon ko.
"Are you jealous? Iyan lang kasi ang naiisip kong dahilan kung bakit ka palaging nakatingin sakin. Nagseselos ka dahil mas pinapansin ko ang ibang babae kaysa sayo," nakangising pahayag ko. Huh! Alam kong nahuhumaling din siya sa kagwapuhan ko katulad ng ibang babae at itinatago niya lang.
Biglang tumaas ang isang kilay niya. "Are you on drugs? Iyan lang kasi ang naiisip kong dahilan kung bakit ka nagha-hallucinate ngayon. At pakibabaan minsan 'yang kayabangan mo. Hindi lahat ng babae ay magpapapansin sayo."
"Kilala mo ba kung sino ako?" mariing tanong ko. Say no and I assure you; you missed half of your life, dugtong ko sa isip ko.
"Now you're asking me who you are. You're really into drugs, aren't you? Because, you don't even know who you are. Stupid."
Bago pa man siya makatalikod sakin, muli ko siyang hinawakan sa braso at hindi pinansin ang kuryenteng dumaloy na naman sa kamay ko. The nerve of this girl to call me stupid!
"And who do you think you are to say those words to me? I'm not on drugs. Hindi por que tinatanong ko sayo kung kilala mo ko, hindi ko na kilala ang sarili ko. Naniniguro lang ako kung kilala mo nga ako."
"Hindi mo naman pala ako kilala, bakit mo pa ko kinakausap? Hindi mo ba alam ang kasabihan na 'Don't talk to strangers'?"
"I don't know and I don't care. Just answer my question."
"Bakit? Kapag ba sinagot ko ang tanong mo, makikilala mo ko?"
Aba at talagang pilosopo ang babaeng 'to ah! Kaya nga wala sa listahan ko ng ideal girl ang matatalino dahil mahirap silang kausap. Siya ang best example no'n. Tsk.
"Kaya ka nga tinatanong para malaman ko eh. Dami mo pang sinasabi, sasagutin lang naman---Aba talaga naman! Hoy! Kinakausap pa kita!" sigaw ko.
Bastusan? Tama ba namang talikuran ako habang nagsasalita pa ko? Sinundan ko na lang siya nang masamang tingin at hinayaan na lang lumayo. Kailanman ay hindi ako naghabol sa babae. It's the other way around. Tsk.
"Anong tinitingin-tingin niyo diyan?" sikmat ko sa mga estudyanteng nakatingin sakin.
Agad naman silang umiwas ng tingin. Bwisit! naiinis na sambit ko sa isip ko bago naglakad at tinungo na ang daan papuntang gym.
~~~~~
"Juice!" agad kong tawag nang makita ko siya sa gym. "Ano nga ulit pangalan ni Miss Number 1?"
Napahinto siya sa akmang pag-shoot ng bola at kunot-noong tumingin sa direksyon ko. "Hindi ba at nasabi ko na sayo 'yan noong magtanong ka, Captain?"
"Tatanungin pa ba kita ulit kung natatandaan ko?" sarcastic kong balik-tanong sa kanya.
"Millicent Buencamino. Why the sudden question, Captain? Interesado ka ba sa kanya?" he asked, smirking.
I glared at him. "Tinanong ko lang ang pangalan, interesado agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang malaman ang pangalan ng babaeng nakakapagpainit ng ulo ko? Tsk."
Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. "Oh. Chillax lang, Captain. Ano ba kasing ginawa niya sayo para painitin niya ang ulo mo nang ganyan?"
Muli ko na namang naalala ang mga ibinigay na tingin sakin ng babaeng iyon kanina at nitong mga nakaraang araw. Ikinuwento ko iyon sa kanya at mataman naman siyang nakinig.
"What?" maya-maya ay tanong ko nang makitang nakangisi na naman siya nang nakakaloko.
"Kung makapagreklamo ka, Captain, parang masyado niyang inabuso ang pagtingin sayo ah? Tiningnan mo rin naman siya, di ba?"
"Paanong hindi ko siya titingnan, eh kapansin-pansin ang kakaibang tingin niya sakin?"
"Kaya nagpapansin ka sa kanya? Mga paraan mo, Captain ha?" sabay tawa niya.
"Gago. Tigilan mo ko, ha? Tsk," naiinis na sabi ko. "Pagkarating ng iba, sabay-sabay kayong tumakbo sa buong court ng fifty laps," dugtong ko na ang tinutukoy ko ay yung mga ka-team namin at itinuturing ko na ring mga gagong kaibigan.
"What? Bakit naman, Captain?"
Tumayo muna ako at kinuha ang bola bago sumagot. "Punishment sa mga late na kagaya nila."
"Hindi naman ako late. Bakit kasama ako sa kanila na tatakbo?" takang tanong pa niya.
"Parusa mo dahil ginatungan mo ang inis ko sa babaeng 'yon," I said before running and dunk the ball on the basket ring.
~~~~~
MILES
"What's with the face?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Max at diretsong umupo pagkapasok sa classroom namin.
"Bad mood?"
"Yeah. And please, don't ask me why," mariing sagot ko kay Sam.
Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. At talaga namang bumabalik ang lahat ng iyon dahil sa mayabang na lalaking nakaengkwentro ko kanina. The nerve of that guy na lumapit sakin at ipagyabang ang kagwapuhan kuno niya.
"Are you jealous? Iyan lang kasi ang naiisip kong dahilan kung bakit ka palaging nakatingin sakin. Nagseselos ka dahil mas pinapansin ko ang ibang babae kaysa sayo."
Naalala ko na naman 'yang sinabi niya at ang nakakaloko niyang ngisi kanina. Ang kapal lang talaga ng mukha. Akala ko pa naman malandi at mayabang lang siya, eh numero unong assumero rin pala ang lalaking 'yon.
At tama ba namang tanungin ako kung anong problema ko sa kanya? Bakit ko naman siya poproblemahin? Ang hirap na ngang solusyonan ng iba kong problema, magdadagdag pa ba ako ng problema na hindi ko naman dapat problemahin? Psh!
"Uy, narinig mo ba ang balita?"
"Anong balita?"
"May babaeng kinausap si Nathan kanina sa campus."
"Hindi lang basta kinausap, hinawakan pa raw niya."
"What? Sino? Sino yung girl?"
Biglang tumingin sa direksyon ko ang dalawang kaklase namin na nag-uusap tungkol doon.
I rolled my eyes. Please. I don't want to hear anything about that conceited guy. He already ruined my morning; I don't want him to ruin my whole day, mahinang bulong ko sa sarili ko.
"Well, if it isn't the popular heartthrob they were talking about, sino pa kayang Nathan ang tinutukoy nila?" narinig kong sabi ni Max.
"At kung si popular heartthrob nga ang tinutukoy nila, what's new? Para namang hindi nila nakikita na palaging may kausap at kahawakan na babae si Nathan, di ba?" segunda naman ni Sam.
"Pero, sino nga kayang babae ang tinutukoy nilang kinausap at hinawakan daw ni Nathan? Parang napaka-big deal naman para sa kanila no'n."
"Well, everything is a big deal if it's about Nathan."
Pati ba naman sila? I clenched my fist and heaved a deep sigh. "Guys, please. Huwag niyo na siyang pag-usapan pa. Ayoko nang makarinig pa ng kahit ano tungkol sa mayabang na 'yon."
Tumingin sila sakin ng puno ng pagtataka bago nagkatinginan. Then ilang sandali pa, "Bhest, ikaw ba?" nanlalaki ang mga matang tanong sakin ni Sam.
"OMG! Bhest, don't tell us ikaw nga yung babaeng tinutukoy nila na nakausap at nahawakan kanina ni Nathan?" di-makapaniwalang tanong pa ni Max.
"Okay. I won't tell you," I answered sarcastically bago muling ibinaling ang tingin sa harap.
Muntik na kong mapalundag sa kinauupuan ko nang bigla na lang silang tumiling dalawa at lumapit sa harapan ko. At halos maalog ang utak ko sa pagyugyog nila sa balikat ko.
"Bhest! Hindi nga? Ikaw nga?" they asked in chorus.
I rolled my eyes at them. "Girls, it's not what you think it is. Hindi gano'n---"
Naputol na ang ano pa mang sasabihin ko nang muli na naman silang tumili. Muntik na yatang mabasag ang eardrums ko dahil do'n.
"Ikaw yung babaeng kinausap ni Nathan! Ikaw ang maswerteng babaeng hinawakan ng ating popular heartthrob!"
Dahil sa sigaw nilang iyon, napukaw ang atensyon ng mga estudyanteng narito sa loob ng classroom namin. Binigyan lang naman ako nang matatalim at masasamang tingin ng mga babae.
Great. Just great. May mas sasaya pa ba sa araw na ito? sarkastikong bulong ko sa sarili ko.