NATHAN
Pagbaba ko pa lang ng kotse, nasalubong ko na si Juice, one of my best friends and teammates in basketball.
"You arrived at the right time, Captain," bungad niya sakin.
"Yeah, I know."
"Musta ba?"
"Eto, napakagwapo pa rin."
He chuckled. "Hindi ka rin mayabang, Captain, ano?"
"May ipagyayabang naman talaga. At kung makapagsalita ka naman, parang ngayon lang ako nagyabang sayo, ah?"
"Kaya lang habang tumatagal, mas lalo kang yumayabang. Tirhan mo naman ng kayabangan ang iba pa diyan."
"Hindi ba at nabigyan ko na kayo?"
"Oo nga pala, nakalimutan ko. Sayo nga pala namana ng buong basketball team ang kayabangan na 'yan."
Napailing na lang akong natatawa sa sinabi niya.
"Captain, paano pala laro natin sa Friday? Wala 'yung isang gago," tanong niya habang sabay kaming naglalakad papasok ng campus.
"Don't worry. Kayang-kaya yun. Kahit nga ako lang mag-isa ang lumaban, I'm sure mananalo pa rin tayo."
"'Yan ang gusto ko sayo, Captain. Ang lakas ng fighting spirit mo! Or should I say, ang kayabangan level mo?"
I just answered him with my gorgeous smirk.
May nakasalubong kaming babae at napansin kong parang nakatingin siya sa direksyon namin at parang nagpipigil ng tawa na hindi ko maintindihan.
I followed her, then she looked back at our direction and met her gaze. Pero, mabilis din niyang ibinalik ang tingin sa harap at tuluy-tuloy na naglakad.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa babaeng yun. Hindi ba niya ako kilala? Ako si Errol Nathaniel Montecaztres. Ang pinakasikat at pinakagwapo sa buong campus na 'to. Ang pinakatini-tilian ng mga babae. Tapos dadaan-daanan at lalagpasan niya lang ako na parang balewala lang sa kanya?
Anak naman ng--! Meron palang isang babae na kagaya niya ang kayang dedmahin ang taglay kong kagwapuhan. Sino ba siya sa akala niya, ha? Sino ba siya para hindi ako pansinin?
"Hindi na siya tanaw, Captain."
Kunot-noong napatingin ako sa katabi ko. "What?"
"Yung sinusundan mo ng tingin ay si Miles. Short name for Millicent Buencamino. Second year IT student," sabi niya na wari bang nabasa ang itinatanong ng isip ko.
"Kilala mo 'yon?"
He smirked. "Not really in person. Pero, sinong hindi makakakilala sa kanya? Siya lang naman ang number one student sa buong campus. At siya rin ang kadalasang laman sa article ng schoolpaper natin."
"Sa tono ng pananalita mo, mukhang interesado ka sa babaeng 'yon, ah?"
Tumawa muna siya bago sumagot. "Hindi naman sa interesado ako sa kanya. Actually, mas interesado ako sa writer kung saan laging si Miles ang feature ng article," sabi niya bago ngumiti ng makahulugan.
"Huh? What do you mean, dude?"
"Wala, Captain. Maiba pala ako, bakit mo naman siya tinitingnan?"
"Hindi mo ba nakita kung paano siya tumingin satin? Nakakainsulto lang. Para bang binigyan niya ko ng ang-yabang-mo-naman-look. Hindi ako makapaniwala na ang isang katulad niya ay kayang balewalain ang nag-uumapaw kong kagwapuhan."
"Nasaktan ang ego mo, gano'n? So, meron din palang immuned sa kayabangan - este kagwapuhan mo, Captain?"
Sinamaan ko siya ng tingin na tinawanan lang niya.
"Ikaw rin naman, Captain. Binigyan mo rin siya ng kakaibang look," sabay akbay sakin.
"What look?"
"Gusto-kita-look," nakangising sagot niya.
"Por que napatingin lang ako, gusto ko na agad siya? So, sinasabi mo bang lahat ng babaeng tinitingnan ko ay gusto ko? Tsk!" I asked sarcastically.
Tinanggal niya ang kamay niya sa balikat ko. "Relax lang, Captain. Masyado ka namang defensive eh."
"Just shut up, Juan Crisostomo."
Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad at iniwan siya roon na tumatawa. Mas lalo lang niyang pinapainit ang ulo ko. Tsk.
Sino nga ulit ang babaeng 'yon? Siya daw ang number one dito sa campus? Nasa third year level na ko, pero bakit ngayon ko lang nalaman yun? Tsk.
At siya? Akala ko ba matalino siya? Kung matalino siya, dapat nasa bokabularyo niya ang salitang 'gwapo'. In short, dapat nasa bokabularyo niya ako.
At anong sabi ni Juice? I like her? Tsk! Nagpapatawa ba siya? Malabong mangyari 'yun. Wala sa listahan ng set of standards ng mga babaeng nagugustuhan ko ang matatalinong gaya niya.
Miss Number 1 and the Popular Heartthrob, together? Huh! Don't make me laugh on that thought. I can't even picture myself to be with her.
At kapag nangyari iyon, siguradong lumilipad na ang mga sasakyan at isda, puti na ang uwak at higit sa lahat, kapag dalawa na ang buwan. I would even consider to like her.