MILES
As usual, kakaiba na naman ang ibinibigay na tingin ng mga estudyante. What's new? Ganyan na naman talaga sila makatingin. Pero, parang kakaiba ngayon. Mas dumoble yata ang matatalim nilang tingin sa 'kin.
Hindi ko naman kasabay pumasok si Nate at hindi rin kami magkasama. So, what did I do now to deserve that kind of glare?
Naramdaman ko ang pag-agapay sa 'kin nina Max atSam.
"Bhest, kumusta? Okay ka na ba? Wala ka ng sakit?" sunud-sunod na tanong ni Sam.
"Yes. I feel better now," I replied.
"Of course, who wouldn't?" nakangising saad ni Max bago iginala ang paningin sa paligid. "Ikaw ba naman ang alagaan at bantayan ni Errol Nathaniel Montecaztres, hindi ka ba magiging okay nun?" sabi niya sa malakas na tinig sabay tawa.
Hindi ko na lang pinansin iyon. Pero ilang sandali pa, hindi na rin ako nakatiis magtanong. "What's with their faces? Bakit ganyan na naman sila makatitig sa 'kin?" tukoyko sa mga estudyante.
Nanlalaki ang mga matang pumwesto sila sa harap ko dahilan para mapahinto kami sa paglalakad. "You don'tknow?!" di-makapaniwalang sigaw nila.
"Maybe I know that's why I'm asking, right?" I answered sarcastically.
"Naiinggit sila sayo dahil sa nangyari kahapon," sagot ni Sam.
"Huh? Naiinggit sila sa pagkakasakit ko?"
"Sira! Ang kinaiinggitan nila ay ang pagbubuhat sayo ni Errol Nathaniel Montecaztres mula sa classroom hanggang sa isakay ka niya sa kotse! Duh!" Max said while rolling her eyes at me.
"Now you know kung bakit mas dumami ang haters mo ngayon? At hindi lang basta-basta kung sino ang bumuhat sayo, Bhest. It's Nathan. The most popular heartthrob. Yung pinagpapantasyahan ng maraming kababaihan at kabaklaan dito sa university," pahayag pa ni Sam.
"Ah, okay," tanging nasambit ko na lang. Kung gano'n, hindi lang pala panaginip yung nakita kong pagbuhat sakin ni Nate bago ako mawalan ng malay kahapon?
"And speaking of that gorgeous guy. I think, he's heading this way." Narinig kong sambit ni Max.
Nakatingin sila sa likod ko. At paglingon ko sa direksyong tinitingnan nila, naglalakad si Nate kasama sina Juice at Deus.
Malakas na tilian ng mga kababaihan at kabaklaan ang sumalubong sa kanila habang papasok ng campus ang tatlong lalaki. At napataas ang kilay ko nang makitang kumaway si Nate na parang artista lang sa mga babaeng nadadaanan nila at nagpapapansin sa kanya.
Tumingin siya sa direksyon ko at ngumisi. At bakit ibaang pakiramdam ko sa ngisi niyang iyon? Para bang tuwang-tuwa siya na nang-iinis.
Then, it hit me. Yung sinabi ko sa kanya kagabi. Hindi kaya iyon ang ikinatutuwa niya? Pero, nagpasalamat lang naman ako at sigurado rin akong hindi ko pinuri ang kayabangan niya. Well, except that minsan nasasabihan ko siyang gwapo sa isip ko.
Bago pa man siya tuluyang makalapit sa 'kin, tumalikod na ko at naglakad palayo. Bigla kasing bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ko alam kung paano siya haharapin ngayon. Narinig ko pa ang pagtawag ng dalawa kong kaibigan.
"What's wrong with her?" Narinig kong tanong ni Juice.
"Let her be. Masasanay rin siya sa presence ko. Sisiguraduhin ko na sa susunod na paglapit ko, hindi na niya maiiwasan at matatakbuhan ang kagwapuhan ko." Kasunod niyon ang nakakalokong tawa niya.
Kilala niyo na naman siguro kung sino nagsabi no'n, diba? Sino pa ba? E, di yung lalaking makapal ang mukha para ipagyabang ang kanyang kagwapuhan? Psh!
~~~~~
Pagkatapos kong maligo, bumalik na ko sa kwarto at nahiga sa kama. I checked my phone and received a text from an unknown number.
Tulog ka na? Text muna tayo.
Kadalasan, hindi ko na lang pinapansin at hindi nirereply-an ang mga nagte-text sakin na hindi ko kilala. Pero sa pagkakataong ito, parang may nag-uudyok sa 'kin na reply-an ang unknown number na 'to. And I did.
I'm awake, so stop texting me.
Message sent. At makalipas lang ang ilang segundo, nag-reply ito.
Hanggang sa text ba naman, pipilosopohin mo ko?
Sino ka ba? I replied.
Sa gwapo kong 'to, hindi mo ko nakikilala?
Hindi nakikita sa text ang kagwapuhan.
Eh di basahin mo at i-type ang mga salitang 'ang gwapo mo'. Then isend mo sakin.
Hindi ko napigilang mapangiti sa text niyang iyon. Mukhang kilala ko na kung sino ito. Hanggang sa text, halatang-halata ang kayabangan niya. At imbes na sundin ang utos niya, ito ang ni-reply ko. ANG YABANG MO, ERROL NATHANIEL MONTECAZTRES. Yeah. All capital letters para ramdam naman niya.
Ok. Iisipin ko na lang na ang binasa kong reply mo ay ANG GWAPO MO, ERROL NATHANIEL MONTECAZTRES. Yeah, I know, Mine. Basang-basa naman natin ang ebidensya, di ba? Bwahahaha!
Nagkamali ako. Knowing him, ipagyayabang niya pa rin ang kagwapuhan niya sa anumang paraan.
Yeah, whatever. Iyan lang ang ni-reply ko sa kanya.
Matutulog ka na ba? Kwentuhan muna tayo, muling text niya.
Pinag-isipan ko munang mabuti kung makikipagkwentuhan nga ba ako sa kanya. Well, hindi naman siguro masama, di ba? Besides, kaya ko namang i-handle at ignorahin na lang ang kayabangan niya. Ok. Where did you get my number? I asked him.
Kapag gusto, maraming paraan.
You didn't answer my question.
Tsk. Fine. Kay Max.
Ok, I simply replied.
Then, nagpalitan pa kami ng mga texts. Kung anu-ano na lang ang pinag-usapan namin. Hindi pa rin nawala ang pagyayabang niya, ganun din naman ang pambabara at pamimilosopo ko sa kanya.
It's already 11:30pm, Mine. Di ka pa ba inaantok?
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita nga kung anong oras na. Hindi ko namalayan na dalawa't kalahating oras na pala kaming magka-text.
Well, I'm a bit sleepy now. Thanks for reminding me, text ko sa kanya.
Ok. Thanks for your time. And I guess, see you tomorrow. Good night, Mine.
Good night, reply ko na sa kanya kahit may bahagi ng utak ko ang gusto pa siyang makausap. Napailing na lang ako bago bitawan ang cellphone at ilapag sa bedside table.
Umayos na ko ng higa at tumingin sa kisame. At ilang sandali pa, pumikit na rin ako. Nakatulog ako nang may ngiti sa labi.