NATHAN
Pagkarating sa tapat ng bahay nina Mine ay muli ko siyang binuhat palabas ng sasakyan. Kung may malay lang ang babaeng ito, malamang hindi siya magpapabuhat sakin. If Iknow, baka nga ang sabihin pa niya sakin ay 'Nilalagnat lang ako at hindi baldado. Kaya kong maglakad'. Tsk. Kaya buti nalang talaga at tulog siya ngayon.
Nag-doorbell ako at ang kapatid niyang si Miller ang nagbukas. Hindi na ko nagpaalam pa at idineretso na si Mine sa kwarto niya. Nang maihiga ko sa kama, agad kong hinawakan ang noo niya. Mainit pa rin siya at pinagpapawisan. Hinawi ko ang buhok sa mukha niya bago kinumutan. Muli ko siyang pinagmasdan habang natutulog.
"Sa tingin mo, bababa ang lagnat niya kapag tinitigan mo lang siya?"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Isang seryosong Miller ang nabungaran kong nakatayo sa maypintuan.
"Sabi ko nga pupunasan ko siya," sarkastikong sagot ko bago tumayo. "Pupunta na ko sa kusina niyo para kumuha ng hot water and towel, ha?" dagdag ko pa.
"Dapat lang. Hindi naman kasi lalapit sa'yo ang kusina namin para ibigay sayo ang hot water at towel na kailangan mo."
"Oo na. Bantayan mo muna 'yang ate mo."
"Ano pa nga ba sa tingin mo ang ginagawa ko?"
Hindi na 'ko sumagot. Nilagpasan ko na siya at dumiretso sa kusina. Kung ano ang ikinasarkasmo ni Mine, doble naman ang pagkasarkasmo niya. Tsk.
Bumalik ako sa kwarto na may dalang tuwalya at maligamgam na tubig sa palanggana. Sinimulan ko nangpunasan ang noo niya bago ang leeg at braso. Nakita ko sa peripheral vision ko ang matamang pagtingin sakin ni Miller.
"Gusto mo bang ikaw na ang magpunas sa kanya?"
"Kung gusto ko, kanina ko pa sana 'yan kinuha sayo."
"Wala ka bang pasok?" tanong ko na lang kaysa patulan pa siya.
"Makikita mo ba ako ngayon dito kung may pasok ako?"
Napahigpit ang hawak ko sa towel. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago muling ipagpatuloy ang pagpupunas kay Mine, kaysa kausapin ang binatilyong hindi naman matinong kausap.
"May gusto ka ba sa Ate ko?" maya-maya ay narinig kong tanong niya.
Kunot-noong lumingon ako sa kanya. "Bakit mo naman naitanong?"
"Question is not answered by another question. Yes or no lang ang isasagot mo, Kuya Nathan."
I gritted my teeth. Muli kong pinagmasdan ang mukha ni Mine. Do I like her? hindi ko rin naiwasang itanong sa sarili ko.
"I care for her." Iyan ang lumabas sa bibig ko. Hindi pa rin naman kasi ako sigurado kung gusto ko na nga siya. Basta ang alam ko lang sa ngayon, gusto kong mapalapit sa kanya sa anumang paraan. And I have this urge to protect her.
"If you really care for her, don't do anything that will hurt her. Don't make her fall for you if you don't have any plan to catch her." Muling bumalik ang tingin ko kay Miller. "Ayoko nang makitang nasasaktan ulit si Ate dahil lang sa isang lalaki," dugtong pa niya bago lumabas ng silid.
I was left shocked and dumbfounded.
MILES
Naalimpungatan ako sa mahimbing na pagkakatulog at tinanggal ang towel na nakalagay sa noo ko. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko ngayon kumpara kanina.
Iginala ko ang tingin ko at bahagyang nagsalubong ang kilay nang makitang kwarto ko ito. Nang tingnan ko naman ang relo ko, alas-syete na ng gabi. Ang natatandaan ko lang, pumasok pa 'ko sa school kaninang umaga. At sa sobrang sama ng pakiramdam ko, pumikit at sumubsob ako sa mesa. After that, hindi ko na maalala pa ang sunod na nangyari sakin. Paano ako nakauwi sa bahay? takang tanong ko.
Napahinto ako sa akmang pagbangon nang mapansing may nakaupo at nakahilig ang ulo ng isang lalaki sa gilid ng kama ko. Pinagmasdan kong mabuti ang nakapikit niyang mukha. At napakunot-noo na lang ako nang mamukhaan siya. Si Nate.
Then, nakita ko sa tabi niya ang isang palangganang may tubig. Siya ba ang nag-alaga at nagbantay sakin?
Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa gwapo niyang mukha. Wait. Did I just compliment him? Siguradong magyayabang na naman siya kapag narinig niyang sinabihan siya ng gwapo.
Napakunot-noo ako nang bigla siyang ngumiti. Bahagya rin akong nagulat nang magmulat siya ng mga mata. Agad akong lumayo. "Inaabuso mo na naman ang kagwapuhan ko, Mine. Pasalamat ka at hindi 'yan natutunaw," nakangising pahayag niya.
Conceited alert, I told myself while rolling my eyes at him. "Magyabang ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising,"I said sarcastically.
Tumawa lang siya bago umayos na ng upo at nag-inat. "Okay na ba pakiramdam mo?"
I nodded. "Yeah. I feel better now."
"Let me see."
Natigilan na lang ako at napatitig sa mukha niya nang hawakan niya ang noo ko. "Bumaba na nga nang konti ang lagnat mo," sabi niya habang nakapatong pa rin sa noo koang isang kamay niya. At biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang mga mata namin.
"Tama na 'yang titigan n'yo. Buti sana kung mabubusog kayo diyan." Sabay pa kaming napalingon ni Nate sa may pintuan nang sabihin iyon ng kapatid ko. "Kakain na raw sabi ni Mama," dugtong pa nito bago umalis.
Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko sa sinabing iyon ni Miller. Di ko alam na masyado na palang matagalang pagkakatitig ko kay Nate.
"Mine, mukhang bumabalik ang lagnat mo, ah? Namumula ka."
Sinamaan ko ng tingin ang mayabang na lalaki bago tuluyang tumayo sa kama. He's being sarcastic here. Dahil kung hindi, mag-aalala siya sa 'kin at hindi tatawa nang nakakaloko.
~~~~~
Tahimik lang ako habang kumakain kaming apat. Wala na naman si Papa. One month din siyang hindi makakauwi dahil sa business na inaasikaso niya sa Davao.
Kasabay namin sa mesa ang mayabang na lalaking ganadong-ganadong kumain sa tapat ko. Ang kapal lang talaga, di ba? Pero, wala akong magagawa kundi ang pakisamahan siya. Ayon kay Miller, siya lang naman ang nagbantay at nag-alaga sa 'kin habang maysakit ako kanina.
Si Mama ang kumakausap kay Nate. Panay ang tanong, pero mas marami pa ang ipinagpapasalamat nito sa mayabang na lalaki. Salamat at naroon daw siya sa school para ihatid ako dito sa bahay, sa pag-aalaga at pagbabantay sakin, sa pagpupunas, and so on and so forth. The way she thanked him, para bang buong buhay ko na ang iniligtas ng lalaking 'to. Ang OA lang ni Mama.
"Umuwi ka na," pagtataboy ko kay Nate pagkatapos naming kumain at makapagpahinga nang konti.
Sumimangot siya, pero tumayo na rin at nagpaalam nakina Mama at Miller. Hanggang sa maihatid ko siya sa labas ng bahay namin ay nakasimangot pa rin ang mukha niya.
"Uuwi na 'ko."
"Dapat lang. Alangan namang tumambay ka pa rito sa labas, di ba?"
Mas lalo pa siyang sumimangot. Bakit gano'n? Kahit nakasimangot, ang gwapo niya pa rin? Sana naging mayabang na lang siya at hindi na gwapo.
Gwapo na naman? Psh! sambit ng kabilang utak ko.
"You're supposed to reply a good night, you know?"
"Well, I don't know because what you said was not answered by a good night, you know?" balik-sarkastikong sagot ko.
Muntik na kong matawa nang makita ang reaction niya. Did he just roll his eyes at me?
"Parehong-pareho kayo ng kapatid mo. Tsk. Sige na. Good night."
"Okay. Good night," I replied. Mahirap na at baka lalo siyang mainis sa 'kin. Pero ilang sandali pa, nakatayo pa rin siya at hindi sumasakay sa kotse niya. "You're supposed to leave now, you know?"
Hindi siya sumagot. Mataman lang siyang tumingin sa 'kin. And the way he stares at me right now, para bang may gusto siyang sabihin sa 'kin.
"What now?" basag ko sa katahimikan namin.
Ibinuka niya ang bibig, pero napahinto rin sa akmang pagsasalita. Then, nagpakawala na lang siya ng isang malalim na buntong-hininga bago ngumiti. "Nothing. Good night ulit, Mine. See you tomorrow," sabi na lang niya bago tumalikod at binuksan ang pinto ng kotse.
"Thank you for taking care of me, Nate. Ingat sa pag-uwi. Good night," sabi ko bago tumalikod at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko nahinintay pa ang sagot niya dahil baka yabangan at tuksuhin pa niya 'ko.
Napasandal ako sa likod ng pinto at napahawak sa tapat ng dibdib ko. My heart is beating so fast and loud. Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?