CHAPTER 16: Max and Juice, LQ?

2163 Words
MAX It's Monday morning and I'm in a bad mood right now. Sinamaan ko ng tingin ang mga estudyanteng nakakasalubong ko na masama rin kung makatingin sa'kin. Subukan lang nilang kausapin ako, talagang sasamain ang mga pangit nilang mukha sa'kin. Pagkarating ko sa classroom, agad akong umupo sa pwesto ko. Nakatingin lang ako sa unahan at hindi pinagtuunan ng pansin ang mga taong nasa paligid ko. Agad na nag-iwas ng tingin sa'kin at parang nanginginig pa sa takot ang kaklase kong babae. Titingin-tingin tapos takot naman palang makipagtitigan sa'kin. Tsk, naiinis na bulong ko sa sarili ko. Umiwas na rin sa'kin ang iba ko pang kaklase. Kahit ang dalawa kong best friends na katabi ko lang, hindi ako pinansin at kinausap. Alam nila kapag ganitong mainit ang ulo ko, ayoko ng kausap. Hindi rin ako lumabas during vacant time. Wala akong ganang kumain o gumala. Naramdaman kong lumapit sa pwesto ko sina Bhest at Sam. Nanatili lang akong nakayuko at nagsulat sa notebook ko. "Max, gusto mo ng Juice?" Napatigil ako sa pagsusulat at mahigpit na napahawak sa ballpen. Bakit pa kailangang banggitin ni Sam ang taong dahilan ng pagka-bad mood ko? His name or anything to do with him was the least thing I wanted to hear right now. "I hate him. I really hate him," mariing pahayag ko nang hindi tumitingin sa kanila bago muling ipinagpatuloy ang pagsusulat. "We are not referring to Juan Crisostomo Carredano. Inaalok ka namin ng inumin." Buhat sa sinabing iyon ni Bhest, nag-angat ako ng tingin. They were seriously looking at me while holding juice drink in their hands. Great. Just great. At talagang Apple flavor pa, sarkastikong bulong ko sa isip ko. "Are you okay? What happened?" tanong ni Bhest. Bumuntong-hininga ako bago muling itinuon ang tingin sa notebook ko. "I'm okay. And seriously, nothing happened. The hell I care about Juan Crisostomo. Tsk." "You sounded bitter, Max," komento ni Sam. I looked at her. Kitang-kita ko ang mapanuksong tingin at ngiti niya. "No, I'm not. Bakit naman ako magiging bitter? It's not as if there's something going on between us." "You already said it. There's nothing going on between you and Juice. But based on your reaction, as if you are his girlfriend. Well, a jealous girlfriend to be exact." "Yeah, yeah. Whatever, Sam," I said while rolling my eyes at her. Hindi ko na lang pinansin pa ang mga sinabi ni Sam. Pero maya-maya pa, mukhang nainis na rin siya sakin. "Jusko naman, Max! Umayos ka nga diyan." What the hell did she say? Marahas akong tumayo at tiningnan si Sam nang masama. "He's not your Juice! Huwag mo siyang angkinin! He's not yours, Sam!" She frowned. "What are you saying? I'm not referring to him, Max. Hindi ko inaangkin si Juice mo. It's just my expression, okay?" "Hindi lang pala nakakabulag ang pag-ibig, nakakabingi rin pala." Narinig kong komento naman ni Bhest. I groaned in frustration bago muling umupo at isinubsob ang mukha sa desk. I'm sure iniisip na talaga nilang I have feelings for that Juan Crisostomo. Waaahhhh! I hate this feelings! "Okay? Mind to tell us what really happened between the two of you? Hindi ka magkakaganyan ngayon kung walang nangyari." Narinig kong sabi ni Sam. Again, I heaved a deep sigh before I told them what happened. Paglabas ko sa mall, isang pamilyar na lalaki ang napansin kong nakaupo sa isang bench. Naglakad ako at lumapit nang konti sa kinapupwestuhan niya. Hindi ko naiwasang mapangiti habang pinagmamasadan siya. Gwapo pa rin siya kahit halatang-halata ang pagkainip sa mukha niya habang maya't-maya ang pagtingin sa relo. Ilang sandali pa, nagsalubong ang kilay ko nang may magandang babaeng lumapit sa kanya. "You're late. Sabi mo sandali ka lang. What took you so long? Alam mo bang kanina pa ko naghihintay sayo rito?" Narinig kong bungad ni Juice dun sa babae. "Nag-ikot-ikot pa kasi ako. Hinanap ko kung may iba pang brand nitong binili ko. Sorry kung pinaghintay kita," nakangising paliwanag nito. Nagpakawala na lang siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Tsk. Woman. I really don't understand you." "Because you're a guy. Hindi mo talaga kami maiintindihan." "Yeah, whatever." At tumayo na siya bago kinuha ang mga paper bags na hawak nung girl. He's really a gentleman. "Let's go, baby," nakangiting sabi ni girl bago kumapit sa braso ni Juice. I gasped. Baby?! "Apple! How many times did I tell you not to call me baby anymore?" "And how many times did I tell you that I will call you baby whenever I want?" "Coming from you, it sounded gross." Nanlalaki ang mga matang bumitaw si girl at humarap kay Juice. "Gross?! You think it's gross calling you a baby?! Now I will show you what gross really means." Natulala na lang ako sa sunod na ginawa ng babae. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang may mga patalim na sunud-sunod na bumaon sa puso ko. "Ah, ganun naman pala ang nangyari," sabay na komento nina Bhest at Sam pagkatapos kong magkwento. "'Yan lang ang masasabi niyo?" "Ano bang gusto mong sabihin namin?" tanong ni Sam. "At least give me some advice, you know?" I said sarcastically while rolling my eyes at them. Pero, agad din akong natigilan sa sinabi ni Bhest. "What kind of advice? Hindi naman kayo ni Juice, di ba?" Yeah, right. Hindi nga naman kami ng lalaking 'yon. Bakit ako magseselos? We're just friends. He could kiss all the girls he wanted, mapait na bulong ko sa sarili ko. "But you know what, Max? Mas mabuti sigurong tanungin mo si Juice kung ano nga bang relasyon nila. Malay mo, na-misunderstood mo lang 'yong nakita mo kahapon, di ba?" "Na-misunderstood? They kissed, Sam! They kissed!" I blurted out. I couldn't help myself, but feel jealous. "They didn't kiss. Based on your story, the girl was the one who initiated the kiss. And she said something like 'I will show you what gross really means' before kissing Juice, right?" Tumango lang ako sa sinabi ni Bhest. "Well, don't you think that kissing Juice was a gross thing for that girl because somehow they are related to each other?" Come to think of it, she has a point there. Kung kay Juice ay gross ang pagtawag ni girl sa kanya ng baby, baka yung paghalik naman ni girl sa kanya ang gross dito. Kung ganun, magkaanu-ano sila? I asked myself. "Tama si Bhest. Ang mabuti pang gawin mo ngayon ay tanungin si Juice bago ka magselos diyan, okay?" sabi naman ni Sam. Well I think, that's the best thing to do. ~~~~~ JUICE Badtrip naman oh! naiinis na sambit ko sa isip ko. Nandito ako ngayon sa gym at nakaupo, mariing hawak ang bola habang nanonood lang sa pagpa-practice ng iba kong teammates. Akala ko pa naman ay magiging maganda na ang simula ng araw ko ngayon, pero nagkamali ako. "Good morning, Max," nakangiting bati ko sa kanya nang makasabay ko siya pagpasok ng gate. She glared at me. "What's good in the morning? Go away," pagtataboy niya. And it confused me somehow. "May problema ba, Max?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Yes. You." "What did I do to you?" "Ask yourself, fool." "What? Kaya nga ikaw ang tinatanong ko para malaman ko eh. Wala akong matandaan na ginawang masama sa'yo." "Really? How pathetic. Tsk." At nauna na siyang naglakad. I still followed her and grabbed her right arm. "Let's talk, Max," I still manage to say before I stepped backward because of her cold stare. Ipiniksi niya ang braso dahilan para mabitiwan ko siya. "If you want to talk to me, talk to my lawyer." After that, tuluy-tuloy na siyang naglakad palayo sakin. Naiwan akong naguguluhan. Seriously, what did I do to her to deserve that cold treatment? Bakit ba parang galit na galit siya sa'kin? Hindi pa nga kami, nag-aaway na agad kami. Paano pa kaya kung niligawan at sinagot na niya 'ko? Tsk.  Hays! Girls would always be girls. Mahirap intindihin, I muttered to myself before dribbling the ball. "Hoy, Gagong Juice. Ayaw mo ng Maxx? Akin na lang 'to." What the hell? Napahigpit ang hawak ko sa bola at sinamaan ng tingin si Nic. "Hindi ko pinamimigay si Max. Akin lang siya," mariing pahayag ko. Nakatayo sa unahan ang mga ka-teammates ko at bahagyang nagsalubong ang mga kilay nila. Pero di rin nagtagal, nagsi-ngisihan ang mga loko. "Selfish ang gago," narinig kong sambit ni Aaron. "Possessive 'kamo," komento naman ni Cyprus. "Kelan pa siya naging sa'yo? Hindi mo nga nililigawan yun eh." I glared at Jaiden when he said those words. "And I'm not referring to her. Masyado kang assuming," natatawang sabi ni Nic. "Oo nga. Inaalok ka lang ni gagong Nic ng candy," wika naman ni Kent sabay pakita ng iba't-ibang flavor ng maxx candy. "Huwag bingi minsan."  At si Dave naman ang binalingan ko ng masamang tingin. Kahit kelan talaga, hindi maganda ang mga salitang lumalabas sa bunganga ng gagong 'yan. "So, si Maxene Lalaine Fortalejo ba ang iniisip mo? The editor-in-chief of our campus newspaper?" "Ay hindi. Si Sam ang iniisip ko," sarkastikong sagot ko sa tanong na iyon ni Leonne. "What did you say?" At pagtingin ko sa direksyon ni Deus, salubong ang kilay niyang nakatingin sa'kin. Bakit nga ba nakalimutan ko na sa kanya nga pala si Sam? "What I'm saying, si Miles ang iniisip ko." Pagkasabi ko no'n, naramdaman ko namang parang may patalim na tumutusok sa likod ko. At nang lumingon ako, sobrang sama ng tinging ibinibigay sakin ni Captain. "Oy, gago. Makuha ka raw sa masamang tingin ni Captain," sabi ni Aaron. "Oo nga. Kita mo ang tingin niya? Don't you dare," sabay tawa ni Cyprus. Akala ko ba friends lang sila ni Miles? Pauso 'tong si Captain eh. Tsk. "Of course si Max ang iniisip ko, gago. May iba pa ba?" medyo inis ng sagot ko kay Leonne. "O tapos? Anong problema mo sa kanya?" tanong ni Kent. "Wala akong problema sa kanya. Siya ang may problema sa'kin." "Ano naman daw 'yon?" "Hindi ko nga alam eh," frustrated na sagot ko kay Jaiden. "At iyon ang hindi ko maintindihan sa kanya. The way she talked and looked at me earlier, para bang galit na galit siya sa'kin. Tinanong ko siya kung anong problema niya sa'kin, ask myself daw. At ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko, wala naman akong maisip na dahilan para magalit siya sa'kin nang gano'n," I explained. "Eh kundangan ka ba namang isang tanga at kalahati eh." "Idagdag mo pang isa kang malaking gago. Hindi mo nga talaga maiisip yun." Binalingan ko ng tingin sina Deus at Leonne. "Coming from the both of you, para bang ang sarili niyo lang ang mga tinutukoy niyong mga tanga at gago." "Gago. Tinutukoy ka rin nila." "Shut up, Dave. Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." "I'm stating a fact here, not giving an opinion." "Tama na 'yang kagaguhan. Si Max ang pinoproblema mo, di ba? Huwag mo ng problemahin pa ang gago na 'yan," awat ni Nic bago lumapit sakin at inakbayan ako. "You know, girls are complicated. Kahit anong intindi ang gawin natin sa kanila, may mga panahon pa rin na hindi natin sila maiintindihan." "Yeah, right. Kung minsan pa, sasabihin nila na alam na raw natin kung bakit sila nagkakaganito at nagkakaganyan. Ako namang gwapo at kayong mga gago, mapapaisip kung ano iyon. Gagawin pa tayong manghuhula," pagsang-ayon ni Captain. Tumango-tango si Leonne. "Oh ayan na, gagong Juice. Makinig ka sa mga babaerong 'yan. They were talking based on their experiences from their girlfriends." "Hindi ako babaero, sadyang friendly lang." "Parang hindi rin, Captain," Aaron and Jaiden said in chorus. "Kung hindi babaero si Captain, mas lalo na ko. Sadyang gwapo at mapagmahal lang talaga." "Ang sabihin mo, sadyang malandi ka talagang gago ka!" sabay-sabay na pagkontra namin sa sinabing iyon ni Nic. "Oo na lang kahit hindi totoo. Tsk," sabi niya bago muling sumeryoso. Hindi bagay sa kanya. "Isa lang naman ang kadalasang dahilan ng mga babae kapag ganyang nagagalit sila sa'tin eh." I frowned. "Huh? Ano namang dahilan 'yan?" "Seriously? Ignorante lang? Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko. At alam kong alam rin ng mga gagong 'to ang sinasabi ko. Pare-pareho tayong mga lalaki, dude." "I think I know what are you trying to say, Nic," pagsang-ayon ni Captain. "Oo, pareho tayong lalaki, Nic. Pero, hindi tayo parehong babaero kaya hindi ko alam 'yang tinutukoy mo," sagot ko. "Kapag talaga parehong malandi, pareho rin ang itinatakbo ng isip." And they glared at Dave. Lihim akong napangisi. Nice one, Dave. Keep doing that. "Tama na nga 'yan. Ano nga ba kasi ang dahilan nitong babaeng pinoproblema ni gagong Juice? Pwede bang sabihin niyo na agad, Captain? Tama na ang kagaguhan at kalandian niyo na 'yan ni Nic. Be serious." "At talagang ikaw pa ang nagsabi na magseryoso tayo, ha? Hindi katanggap-tanggap," Cyprus commented on what Leonne said. "She's jealous." Nagsalubong ang kilay ko sa sabay na pagsagot nina Captain at Nic. "Jealous of what?" Nic shrugged. "Siguro dahil nambababae ka? Or worst, nanlalalaki ka." "Hindi ako nambababae at nanlalalaki. Siya nga lang ang babae sa buhay ko eh." "Tinatanong?" "Shut up, Deus." Huminga ako nang malalim. "So, what should I do now?" "Huh! Bakit kami ang tinatanong mo? Problema mo ngayon 'yan." Then, Aaron laughed. "Oo nga. Kailangan pa ba naming problemahin 'yang problema mo?" segunda naman ni Kent. "At gaya nga ng sabi sayo ni Max, ask yourself," dagdag pa ni Jaiden. "Mga gago! What I'm trying to say, paano ko malalaman na nagseselos siya?" Isa pang panggagago nila sa'kin at malilintikan talaga sila. Kibit-balikat lang ang isinagot ng mga gago habang sumipol naman si Captain at nagtungo na ulit sa court para magpractice. Pero maya-maya pa, narinig kong nagsalita si Dave. "Simpe lang naman ang kailangan mong gawin." I looked at him. "Ask her."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD