CHAPTER 1: Miles, The Miss Number 1

415 Words
MILES Alas-siete na ng umaga nang tumingin ako sa relo. Sakto lang ang dating ko sa school. Bago magsimula ang araw ko, nais ko munang magpakilala. Ako nga pala si Millicent Buencamino, Miles for short. Second year college and taking up BS in Information Technology in Montes Escholastica University, one of the most well-known and prestigious university in the country. At halos lahat ng pumapasok na estudyante rito ay mga sosyal. Ninety-nine percent population of this university ay galing sa kilala at mayayamang angkan. Ako? Well, mayaman din naman ako. Nabibilang din ako sa angkan ng mayayaman. Mayaman sa--- "Girls, after today's class, let's go shopping. I need to buy new bags, shoes, sandals, accessories, and more." Narinig kong sabi ng sosyal at mukhang maarteng babae na nakasalubong ko. "Yeah, sure. I also need those stuffs, too," sagot naman ng kasama nito. Tumaas ang isang kilay ko. Tama ba ang dinig ko? Need? Napailing na lang ako. The stuffs that they wanted to buy are only wants, not needs. Hays! Hindi na nila alam ang pagkakaiba ng pangangailangan sa luho. Psh! Hindi ko na lamang pinansin ang dalawang babaeng iyon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Ilan lang sila sa maraming estudyante rito na nabibilang sa mayayamang pamilya. At tulad din nang sinasabi ko kanina, isa rin akong mayaman. Mayaman sa kaalaman. Hindi man ako nanggaling sa kilala at mayamang pamilya, mayaman naman ako sa kategoryang iyon. At iyon ang tanging maipagmamalaki ko. Habang naglalakad, nasalubong ko ang dalawang basketball varsity players ng university. Alam kong mali ang mag-eavesdrop, pero hindi ko maiwasang marinig ang pinag-uusapan nila. "Captain, paano pala laro natin sa Friday? Wala yung isang gago." "Don't worry. Kayang-kaya 'yun. Kahit nga ako lang mag-isa ang lumaban, I'm sure mananalo pa rin tayo." Lihim akong natawa sa narinig kong sagot nung basketball captain. May nakalimutan akong sabihin. Hindi lang pala mayayaman ang nandito. Most of the boys here ay nag-uumapaw rin sa kayabangan. At ang buong basketball team nila ang halimbawa niyon. Although, may maipagmamayabang naman talaga sila. Yung mayabang na lalaking tinawag na captain, his name is Errol Nathaniel Montecaztres, the most popular heartthrob in this university. And well, the most flirt guy in the campus. And he's with Juan Crisostomo, the other basketball player. Nilagpasan ko na sila. At ewan ko ba, may pwersang nagtulak sakin para lumingon sa direksyon nila. At paglingon ko, nasalubong ko ang mga mata ng basketball captain na 'yon. Hindi ko na lang siya pinansin at muling ibinalik ang tingin ko sa harapan. Tuluy-tuloy na kong pumasok sa building para sa first class ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD