MILES
Napahinto ako sa paglalakad nang makitang papasok din ng school campus si Mr. Popular Heartthrob. Medyo natigilan pa nga siya nang makita ako.
Pinigilan kong iikot ang aking mga mata. Umagang-umaga, isang mayabang na lalaki agad ang makakasabay ko pagpasok. What a wonderful sight to start my day, sarkastikong bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko na lang siya pinansin, pero agad din siyang sumunod at sumabay sa paglalakad.
"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Talagang pinagtatagpo tayo ng tadhana, ano?" he said, grinning like an idiot.
"Nagkasalubong at nagksabay lang, tadhana agad? OA lang? At malamang magtagpo talaga tayo dahil sa iisang university lang tayo pumapasok."
"Really? Hindi ko alam na nagkakasalubong na tayo noon. Hindi kita napapansin. I know you're aware naman kung bakit, di ba? Maraming babaeng nagpapapansin sakin noon."
"Yes. I'm really aware sa kayabangan at kalandian mo kaya hindi mo na kailangan pang ipagdiinan sakin 'yan," di-tumitingin na sagot ko sa kanya. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad.
"Hey, Miss Number 1! I'm still talking to you so, don't you dare walk out on me again." At pagkasabi niya no'n, hinablot niya ko sa braso kaya naman napaharap ako sa kanya.
Bahagya akong nagulat at hindi inaasahan ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko nang makita kung gaano siya kalapit. "Leave me alone. Can't you see? Everyone is staring," mariin kong pahayag at agad na lumayo sa kanya.
Hindi kasi ako komportable sa mga tinging ibinibigay sakin ng mga estudyante sa paligid namin. Idagdag pa yung mga naririnig kong sinasabi nila tungkol samin.
"Oh my gosh! Kausap na naman ni Nathan ang babaeng yun."
"At hinawakan na naman siya ni Nathan."
"Ano bang nakita ni Nathan sa babaeng 'yon?"
"Bagong modus niya ba 'yan para mapansin siya ni Nathan? Tsk. How pathetic."
"Matalino lang siya at hindi naman kagandahan."
Iginala niya muna ang tingin sa paligid bago muling tumingin sakin. "Stare and chismis all they want, I don't care. I don't give a damn."
"Ano pa bang kailangan mo sakin?"
"Let's talk."
"Ano pa ba sa palagay mo ang ginagawa natin?"
"Huwag mo kong pilosopohin. Kahapon ka pa. Ano ba talagang problema mo sakin, ha? Kung yung kagwapuhan ko lang din naman ang problema mo, wala naman akong magagawa sa bagay na 'yan. Hindi ko na kasalanan kung nang magsabog ng kagwapuhan sa mundo, nasalo ko ang karamihan no'n."
"Huh! Ibang klase rin naman talaga ang saksakan ng kayabangan mo, ano? Nang magsabog rin ng kayabangan sa mundo, gising na gising ka at sinalo mong lahat."
"No, you're wrong. Hindi ko 'yon nasalong lahat dahil may ibang tao pa na mas mayabang sakin. At kung tutuusin nga, nabawasan na ang kayabangan ko dahil ibinigay ko na yun sa iba."
"Wow. Magiging generous ka na nga lang, yung kayabangan pa ang ipinamigay mo. Sa tingin mo, makakatulong 'yan sa mga estudyante rito? Psh!"
Hindi agad siya nagsalita at mataman lang tumingin sakin. "Hindi ko akalain na magiging cute ka sa paningin ko kahit pinipilosopo mo ko," maya-maya pa'y sabi niya.
I rolled my eyes at him. "I don't need your compliments. Go away," pagtataboy ko sa kanya at muling naglakad.
"Let's be friends."
Talagang nakasunod pa rin siya. "I don't want you to be my friend."
"Yes, I know. Pero sa ngayon kasi, pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa inyong mga girls. Let's just be friends muna, bago ko pag-isipan kung pwede tayong maging more than friends."
I stopped. Ngumisi siya sakin bago tuluyang naglakad palayo. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung ano ang sinabi niya.
Just what the heck did he say to me? Akala ba niya kaya ayaw kong makipagkaibigan sa kanya ay dahil gusto ko siya nang higit pa roon? Huh! Saksakan talaga ng kayabangan ang lalaking yun! Argh! naiinis na sigaw ko sa isip ko.
~~~~~
"What was the scene earlier?" bungad sakin nina Max at Sam pagpasok ko sa classroom namin.
"Don't ask me. I'm really pissed because of that conceited guy," sabi ko bago umupo sa upuan.
"So, ikaw nga ang babaeng pinagtutuunan ng atensyon ngayon ni Nathan?" tanong pa ni Max.
Tinapunan ko sila ng masamang tingin. Kakasabi ko lang na huwag nila akong tanungin, pero sige pa rin sila.
"Hmm. Mukhang may panibago na kong topic para sa next article ko. 'The Popular Heartthrob Meets Miss Number 1'. What do you think, Sam?"
"That would be a great article, Max. And I'm sure, maraming estudyante ang magbabasa niyan," she answered while grinning at me.
I rolled my eyes at them. Pansin ko lang, nagiging hobby ko ng gawin 'yon. And thanks to that guy. Psh!
"Umagang-umaga ay agaw-eksena kayo sa campus, ha? At ang daming bitter sayo, Bhest!" malakas na sabi ni Sam. Mukhang pinariringgan ang iba naming classmates na nakatingin nang masama sa direksyon namin.
"Naman! Ikaw ba naman ang lapitan, kausapin, titigan, at hawakan ni popular heartthrob, sinong hindi magiging ampalaya, di ba?" pagsang-ayon naman ni Max sabay irap sa mga ito.
"So how does it feel?" sabay na tanong nilang dalawa.
"What do you mean?"
Max grinned widely. "Anong naramdaman mo nang kinausap at hinawakan ka ni Nathan? Did you feel the sparks? Did your heart beats fast and loud?"
Saglit akong natigilan sa tanong niyang 'yon. "I didn't feel anything." Sa halip ay sagot ko kahit na tandang-tanda ko kung paano nag-react ang puso ko nang magkalapit kaming dalawa kanina.
"What?" takang tanong ko nang bigyan nila ako ng kakaibang tingin.
"Really? You didn't feel anything?" paninigurado ni Sam.
For the nth time, I rolled my eyes again. "Do I need to feel anything or something?"
"Talaga lang, ha? But seeing your reaction earlier, we know that you felt something. We know you more than anyone else here, Bhest. Pero kung wala ka pang balak sabihin samin, it's okay. As long as alam namin ngayon na iba ang epekto sayo ni Errol Nathaniel Montecaztres," nakangisi pa ring sabi ni Max.
"Max was right. Nang makita ka namin habang kausap mo si Nathan, para bang nakita ulit namin ang dating ikaw noong high school pa tayo. Yung mga panahon na pag-aaral lang ang iniintindi natin at hindi mo pa rin nakikilala ang isang Cl-"
"I don't want to talk and hear anymore about him. He's now in the past," putol ko sa kung ano pa mang sasabihin ni Sam.
Tumikhim si Max. " So, as what we were saying earlier, mas maganda nga kung magiging magkaibigan muna kayo ni Nathan. Then, saka mo pag-isipan kung handa ka na nga bang tanggapin siya as more than a friend, right?"
Huh? What are they saying? Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at tiningnan sila nang diretso sa mga mata. "Max, Sam, listen very carefully. Me and that conceited guy we're not close and we will never be close. So, it's impossible for us to become friends and even more than that. I don't have anything to do with him."
This time, Sam rolled her eyes at me. "Huwag ka munang magsalita nang tapos, Bhest."
"Oo nga naman. Bakit ba ayaw mong maging kaibigan si Nathan? Bukod sa gwapo na, sikat pa siya," pagsang-ayon naman ni Max.
"And not to mention that he is a flirt and conceited," I added. "Definitely not my type of guy. He's annoying and pissing me off big time. Sa tingin niyo, gugustuhin ko pa siyang maging kaibigan? Please lang," dugtong ko pa bago sumandal sa kinauupuan ko.
"Given na yung kalandian at kayabangan niya. Well, he's not Nathan kung hindi siya gano'n. Pero, bhest, mukha naman siyang mabait eh. And definitely a boyfriend-material. Oo, malandi siya. But at least, mga babae lang ang nilalandi niya. Nambabae lang siya at hindi nanlalalaki, di ba?"
"Tama si Max. Besides, nakakatuwa pa kung tutuusin ang kayabangan ni Nathan. Hindi siya katulad ng ibang mayabang dito sa campus na nakakainis at nakaka-turn off. Nakakadagdag pa nga sa pogi points niya ang paraan nang pagpapakita niya ng kayabangan eh."
"Oh, c'mon. Give me a break."
"Ano ba kasing ayaw mo kay Errol Nathaniel Montecaztres?" sabay na tanong nila na parang nauubusan na rin ng pasensiya. Hindi ba dapat ako ang mainis? Tsk.
I heaved a deep sigh. "Guys, look at me. Can you really see us to be together? Coz, I can't. So, it's really impossible for us to be together."
Seryoso silang tumingin sakin bago sumagot.
"Actually, we can."
"And it's very possible for the both of you to be together."
I shook my head and rolled my eyes at them.
~~~~~
NATHAN
"Break muna, guys!" sigaw ko sa mga teammates ko bago tinungo ang kinalalagyan ng bag ko.
Nandito kami sa gym at isang oras na ring nagpapractice ng basketball. Umupo muna ako bago uminom sa dala kong bottled water.
"What?" takang tanong ko nang nakatayo silang walo sa harapan ko at binibigyan ako ng kakaibang tingin.
"What's wrong with you, Captain?"
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa tanong na iyon ni Cyprus. At bago pa man ako makasagot, nagsalita na rin si Kent.
"Oo nga. Para kasing ganadung-ganado ka ngayon mag-practice, Captain. May nangyari bang kakaiba?"
"Sinapian ka ba ng mabuting espiritu?"
"Gago. Anong akala mo sakin? Sinasapian palagi ng masamang espiritu?" tanong ko kay Leonne.
"Ikaw ang nagsabi niyan, Captain," sabay tawa ni Jaiden.
"You act like a love sick puppy, Captain. Sabihin mo nga samin, may kinalaman ba si Miss Number 1 sa nangyayari sayo ngayon?"
"Ooooohhhh...." sabay-sabay nilang reaction sa sinabing iyon ni Juice.
"Si Millicent Buencamino ba ang tinutukoy mo, Juice?"
"Tanga lang, Gagong Aaron? May iba pa bang Miss Number 1 bukod sa kanya? Tsk."
"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Nic. Huwag kang epal, gago ka."
Napahimas sa baba si Kent. "Come to think of it. Kayo ni Miles, short for Miss Number 1's name, ang usap-usapan ngayon sa buong campus."
"And now, all the students are wondering kung kailan pa kayo naging malapit sa isa't-isa," sabi pa ni Jaiden.
I frowned. Kilala rin nila si Miss Number 1? Ako lang ba talaga ang hindi nakakaalam ng existence niya rito sa university namin? Tsk.
"Siya ba ang next target mo para landiin, Captain?" Napalingon ako sa tanong na iyon ni Dave. Siya ang masasabi kong pinakatahimik sa grupo namin. Pero kapag nagsalita yan, sagad hanggang buto at kalamnan ang mararamdaman mong inis sa kanya.
Gaya ngayon. The way he asked that kind of question, para bang ako ang palaging lumalandi sa mga babae. They should've known me better than that, I muttered to myself.
"Wala akong planong landiin siya. Pakikipagkaibigan lang ang habol ko sa kanya."
"Friendship my a*s," nakangising turan ni Cyprus.
"Sinong maniniwala sayo? Kami pa ba ang lolokohin mo? Ulol ka, Captain."
"Siraulo kang gago ka. Wala akong pakialam kung ayaw ninyong maniwala sakin," sagot ko naman kay Leonne. Makaulol lang sakin? Tsk.
"Friendship? Not bad. Diyan naman talaga nagsisimula ang lahat bago mauwi sa pakikipaglandian." Then, he laughed.
Nilingon ko si Nic. "Huwag mo kong itulad sayong babaero ka."
"Huwag ka munang magsalita nang tapos, Captain. Baka mamaya niyan, mabalitaan na lang namin na nililigawan mo na si Miles," sabi naman ni Aaron.
"Oo nga. At hindi lang 'yon. Imbes na friendship lang ang hingin mo sa kanya, you will ask for more than that."
Tumayo ako at tumingin nang diretso kay Juice bago siya nginisihan. "Tinatakot niyo ba ako? Then, try harder. Hindi kasi tumatalab sakin."
"Bakit ka naman namin tatakutin, Captain? Ano bang mapapala namin sa pananakot sayo?" tanong ni Kent.
Tiningnan ko sila isa-isa. "Listen to me. Alam niyo noong una pa lang na wala sa listahan ko ang matatalino para landiin na gaya nang sinasabi ninyo. At ang babaeng 'yon, nabibilang sa matatalino. Therefore, wala si Miss Number 1 sa listahan ko para landiin o gustuhin man lang. Siguro kapag nangyari 'yon, lumilipad na ang mga sasakyan."
"Ang eroplano ay sasakyan at iyon ay lumilipad. Therefore, may lumilipad na sasakyan, Captain."
"Shut up, Dave. What I mean is, kapag may mga sasakyang-panlupa na ang lumilipad gaya ng jeep, bus, tricycle, van, kotse, etc. Or nakakalipad na rin ang mga isda, naging puti na ang uwak at kapag dalawa na ang buwan."
"Hindi lang dalawa. May labin-dalawang buwan sa isang taon, Captain."
I just glared at Dave nang humirit pa rin siya. Katulad siya ng babaeng yun. May pagkapilosopo rin minsan.
Napalingon kaming lahat sa may entrance ng gym nang makarinig nang pagpalakpak. Naglalakad papalapit samin si Coach.
"Hey, guys! In just two weeks, darating na ang bago niyong ka-team. Makukumpleto na rin kayong sampu. So, I expect all of you to welcome and be nice to him," anunsyo ni Coach bago bumaling ng tingin sakin. "At paalala lang, Nathan. Huwag mo na siyang bigyan ng kayabangan mo. Okay ng silang walo ang binigyan mo no'n at huwag mo nang dagdagan pa."
I smiled mockingly. "I'll take that as a compliment, Coach."
"Coach, huwag ka namang ganyan kay Captain. Hindi lang naman kayabangan ang itinuro niya samin eh." Narinig kong sabi ni Juice.
"Oo nga," pagsang-ayon nilang lahat na ikinalingon ko.
"Tinuruan niya kami ng mga corny jokes."
"Matagal ka ng corny sa pagjojoke, Leonne."
"Tinuruan niya rin kami kung paano pakitunguhan ang mga babae. Binigyan niya ko ng mga tips kung paano lumandi sa paraang hindi magmumukhang ako ang lumalandi sa kanila."
"Nic, in-born ka ng babaero kaya imposible yatang tinuruan kita ng kalandian."
"Tinuruan niya rin kami ng kalokohan."
"Katarantaduhan."
"Katangahan."
"Kagaguhan."
"I strongly agree."
"As far as I remember, matagal na rin kayong mga loko-loko, tarantado, tanga at gago," sagot ko naman sa mga sinabi nina Aaron, Jaiden, Kent, Cyprus at Juice.
"At malaki ang naging impluwensiya mo para mas lalong ma-improve at ma-develop kami sa ganyang mga aspeto."
I glared at Dave again. Seriously, he never failed to piss and annoy the hell out of me. Anumang salita ang manggaling sa kanya - maikli man o mahaba - ay talagang nakakainis pa rin. Tsk.
"Okay. I heard enough. Basta magpakatino kayo kapag dumating na yung bagong player natin. For once, magpaka-humble naman kayo."
"Humble kami, Coach!" sabay-sabay naming sigaw sa kanya.
"Alam mo 'yan, Coach! Never kaming nagyabang pagdating sa kagwapuhan!"
"Oo nga. Kelan ba namin ipinagyabang ang kagwapuhan namin?"
"Kelan ba namin naging bukam-bibig ang kagwapuhan namin?"
"Kelan ba namin ipinangalandakan ang kagwapuhan namin?"
"Kitang-kita na nga ang kagwapuhan namin, kailangan pa ba naming ipamukha yun?"
"At pilit man naming itago ang kagwapuhan, lalabas at lalabas 'yon."
"Hindi naitatago ang kagwapuhan, Coach."
"They're right," pagsang-ayon ko sa sinabi nilang lahat.
"And that's what you call humbleness, huh? Napakahambog niyo nga. Sige na. Back to your practice." And he left.
"Bitter si Coach satin."
Napailing na lang ako sa sinabi ng mga gago kong kaibigan. "Back to the practice game, guys!" sigaw ko at malakas na ipinasa ang bola kay Dave. Sayang at mukhang hindi man lang nasaktan.