CHAPTER 6: Max and Juice, Finally Meets

1845 Words
MAX "How are you, Maxene? By the way, I'm Spyke Noblejas. Nice to meet you." Nandito ako ngayon sa rooftop with this handsome guy. Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Nice to meet you, too, Spyke, my boyfriend." He smiled. "Actually, your fiancé." And so do I. "Yeah, exactly." Ewan ko ba sa mga parents ko. I'm only seventeen and yet, ipinagkasundo na nila ako sa lalaking 'yan. And I think, nineteen or twenty na siya. At kung tutuusin pa nga, we're still strangers to each other. Ngayon lang kami nagkita personally. At pinuntahan niya ko rito sa school dahil gusto niya kong makausap. Well, dapat lang naman na siya ang pumunta dahil siya ang may kailangan sakin. Ang kapal naman yata ng kagwapuhan niya kung siya na nga ang gustong makipag-usap, ako pa ang pupunta sa kanya? Like duh! Tumingin lang kami sa isa't-isa. At ilang sandali pa, tumikhim ako at nagtanong. "So, what brought you here? May sasabihin ka, right?" "Yes. I just wanted to tell you na matagal na kitang kilala. Maybe I'm a stranger to you, but for me, you're not. Magkaibigan ang mga magulang natin kaya maraming naikukwento sakin ang parents mo tungkol sayo. So technically speaking, matagal ka na nilang ibinibida sakin at palagi nilang sinasabi na ako ang gusto nilang mapangasawa mo sa tamang panahon." "Maybe it's hard for you lalo na at mukhang pine-pressure ka pala ng parents ko. And I guess, magaganda naman ang sinasabi nila sayo tungkol sakin," sabi ko na may alanganing ngiti. Tumawa siya na para bang may naalala. "Well, sapat na siguro yung mga pictures and videos na ipinakita sakin para makilala kita. Walang pinagkaiba sa personal." Naikuyom ko ang kamay ko at mahinang napamura sa isip. Mukhang alam ko na ang iniisip niya sakin. May pagka-b***h at pagkamaldita pa naman ako sa mga pictures and videos nung kabataan ko. "So, what now? Iyan lang ba ang sasabihin mo sakin?" "I'm breaking up with you, Max." "Huh? Why?" "There's another girl. Mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sakin. Sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ko and she's willing to wait for me hanggang sa maging maayos na ang kung anumang bagay na dapat kong ayusin. So, Max, I'm here para tapusin na ang kung anumang relasyong meron tayo." Hindi agad ako nakapagsalita sa mga sinabi niya. Pero, isang bagay lang ang nag-process sa utak ko sa mga oras na ito. "Wait. So that means you're also breaking our engagement, right?" "Yes. Don't worry, nasabi ko na 'yan sa mga parents natin. At wala naman silang magagawa kung ayaw ko na. Pareho lang tayong magiging miserable kapag nagsama tayo." Gravity lang! Hindi ako makapaniwala. I'm free! masayang sigaw ko sa isip ko. Ngumiti ako sa kanya. "Okay. Sana itinawag mo na lang sakin ang bagay na 'yan. Naabala ka pa tuloy sa pagpunta rito." "Hindi naman. Gusto ko lang na pormal tayong maghiwalay." I chuckled. "Naging magkasintahan at mag-fiancé nga tayo sa hindi pormal na paraan, paghihiwalay pa kaya? Sana nilubus-lubos mo na," puno ng sarkasmong sabi ko. Siya naman ang natawa. "So, I hope we can still be friends?" tanong niya at muling inilahad ang kamay. "Sure. Friends. I wish you and your girl all the happiness in the world," sagot ko bago tanggapin iyon. "Thanks. And same here. Sana makilala mo na rin ang lalaking mamahalin mo at magmamahal sayo." "Sana nga magdilang-anghel ka. Kapag ako nainip sa kanya, bahala siyang maghanap at maghabol sakin." "Huwag kang mainip. Darating din siya sa tamang panahon. So, I have to go. Goodbye for now, Max," pagpapaalam ni Spyke sakin. "Okay. Goodbye, my ex-fiancé. Ingat sila sayo!" sabay kaway ko sa kanya. Natatawang napailing na lang siya bago kumaway na rin at umalis. Nang tuluyan siyang makaalis, lumapit ako sa may railing ng rooftop at tumanaw sa ibaba. Ang daming mga estudyanteng naglalakad palabas at papasok ng campus. May mga grupo rin na nagkukwentuhan at nagchichismisan habang may ilang couples ding tagong naglalandian sa isang sulok. I heaved a deep sigh. At muntik na kong mapasigaw at mapatalon sa gulat nang may kamay na humawak sa braso ko at hinigit ako paharap sa kanya. "What do you think you're doing? Kung magpapakamatay ka dahil lang iniwan ka ng fiancé mo, mag-isip-isip ka muna dahil hindi ko hahayaang sayangin mo ang buhay mo dahil lang sa kanya." Napanganga na lang ako sa tinuran ng lalaking nasa harapan ko ngayon. ~~~~~ JUICE "How are you, Maxene? By the way, I'm Spyke Noblejas. Nice to meet you." Naalimpungatan ako nang marinig ang tinig na iyon. Sino ba siya para istorbohin ang pagtulog ko? naiinis kong tanong sa sarili bago tumingin sa direksyong pinanggalingan ng boses. Nakaharap sa direksyon ko yung lalaki habang nakatalikod naman yung babae. Well, may hitsura at gwapo naman ito, pero di hamak na mas gwapo pa rin ako. "Nice to meet you, too, Spyke, my boyfriend." "Actually, your fiancé." "Yeah, exactly." Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang makilala ang pamilyar na boses na iyon. It was Max. My Max. Wala na kong marinig pa sa pinag-uusapan nila nang ang tanging mag-register at mag-echo sa utak ko ay kung sino ang lalaking kausap niya ngayon. Hindi lang basta boyfriend ni Max ang lalaking iyon, fiancé pa niya. Mapait akong napangiti nang makaramdam ng kirot sa puso ko. Now, it's really impossible for us to really meet, huh? At mukhang napakaimposible na rin na magustuhan niya ko. Pero, bakit gano'n sila mag-usap? Bakit parang ngayon lang sila nagkaharap at nagkakilala? maya-maya ay takang tanong ko sa sarili ko. "I'm breaking up with you, Max." Biglang bumalik ang atensyon ko sa kanilang dalawa. Ano raw? Nakikipag-break yung lalaki sa kanya? Gago pala siya eh! Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko na pakakawalan pa si Max! naiinis na bulong ko. "Huh? Why?" Natuon na lang sa likod ni Max ang buong atensyon ko at hindi na pinakinggan pa ang sagot ng gagong lalaking yun. Hindi ko makita ang reaction niya. Nasasaktan ba siya? Umiiyak? Naikuyom ko ang mga kamao ko at pinigilan ang sariling lumabas dito sa sulok at makialam sa kanila. Gusto kong hilahin si Max palayo sa lalaking 'yon. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit at i-comfort. Narinig ko na lang na nagpaalam sila sa isa't-isa. Mas lalo akong nainis nang makitang ngumiti pa yung gagong lalaki na para bang hindi niya sinaktan si Max. Kung malapit lang ako sa kanila, baka nasuntok ko na ang pagmumukha ng gago. Tsk. At si Max naman? Bakit? Sinaktan siya at nakipaghiwalay sa kanya yung boyfriend niya, tapos nakukuha pa niyang tumawa, kumaway at magpaalam nang maayos sa gagong 'yon? Ipinapakita niyang ayos lang siya at hindi nasasaktan? Sa ginagawa niya, nagmumukha lang siyang tanga. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang lumapit siya sa may railing at tumingin sa ibaba. Damn! Don't tell me tatalon siya diyan? Without thinking, mabils akong lumapit sa kanya at agad siyang hinila palayo roon. Shocked was written all over her face when our eyes met. "What do you think you're doing? Kung magpapakamatay ka dahil lang iniwan ka ng fiancé mo, mag-isip-isip ka muna dahil hindi ko hahayaang sayangin mo ang buhay mo dahil lang sa kanya," mariing sabi ko sa kanya. She didn't say anything. Nakanganga lang siya habang nakatitig sa kagwapuhan ko. Nagulat ba siya dahil nalaman ko ang binabalak niyang gawin? Agad din naman siyang nakabawi at kumawala sa pagkakahawak ko. "And you? What the hell do you think you're doing? Nakikinig ka sa usapan ng may usapan." "Nandito na ko sa rooftop bago pa man kayo dumating ng fiancé mo. Kayo ang intruder at istorbo kaya hindi ko kasalanan kung narinig ko ang pinag-uusapan ninyo." "Eh, di sana hindi ka nakinig!" "Sana kasi hindi malakas ang mga boses niyo ng fiancé mo para hindi ko kayo narinig!" I countered back. "Correction. Ex-fiancé ko na siya. At pwede ba? Mind your own business, Juan Crisostomo Carredano." "Sorry, but I still don't have any business to take care of, Maxene Lalaine Fortalejo." At pagkasabi ko no'n, pareho pa kaming natigilan. Did I just hear that she called me by my full name? "You know me?" I cleared my throat. "Of course, who wouldn't? Bukod sa EIC ka ng school newspaper, pamangkin ka rin ng may-ari ng university na 'to. And you? You know me." "Of course, who wouldn't? Bukod sa varsity player ka ng basketball team, kaibigan ka rin ng pinakasikat na heartthrob ng university na 'to," sagot niya habang ginagaya ang tono nang pagsagot ko kanina. "Bakit?" "Huh? Anong bakit?" she asked, frowning. "Bakit mo naiisip na magpakamatay? Kung dahil lang sa hiniwalayan ka ng ex-fiancé mo, huwag mo ng balakin. He's not worth it." Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "And where the hell did it come from? What makes you think that I will commit suicide just because of him?" "Based on your actions." "Wow! Ano ka? Action reader?" "Nakipaghiwalay sayo ang ex-fiancé mo kaya broken-hearted ka. And since heartbroken ka, hindi ka makapag-isip nang maayos at ang tanging naiisip mong solusyon ay magpakamatay. Kapag nabuhay ka, may chance na bumalik sayo ang ex mo kasi magiguilty siya. Iyon ba ang gusto mong mangyari, ha?" She rolled her eyes at me. "Hanep din naman sa imahinasyon 'yang utak mo, ano? Ano ka? Mind reader na rin?" turan niya bago humakbang siya papalapit sakin at tumingin nang diretso sa mga mata ko. "Look at me. Do you really think na magpapakamatay ako nang dahil lang sa iniwan at hiniwalayan ako ng lalaking yun? Do you really think na gagawin ko 'yon para lang bumalik siya sa piling ko? At higit sa lahat, sa tingin mo ba ay broken-hearted ako ngayon?" I stared at her. "No," tanging sagot ko. Para kasing nahipnotismo ako sa mga mata niya. "See? At kung BH man ako ngayon, hindi ako magpapakamatay dahil lang sa kanya. Marami pang ibang lalaki diyan! Bakit ko sasayangin ang luha at ganda ko sa kanya? He's not worth it. Like duh!" she said while rolling her eyes again. "Bakit ka nag-eemote sa pagtingin diyan sa ibaba ng building?" Tumaas ang isang kilay niya. "Emote agad? Hindi ba pwedeng tumitingin lang sa ibaba at pinagmamasdan ang mga kayabangan, kalokohan at kalandian ng mga estudyanteng dumaraan?" "So, hindi ka talaga broken-hearted sa ex-fiancé mo?" "Aish! Kulit naman nito. Bakit naman ako ma-b-BH sa kanya? Hindi ko siya mahal at hindi niya ko mahal! Arrange relationship and engagement lang ang namagitan samin ni Spyke. Kanina ko nga lang siya nakita at nakausap ng personal eh. Anyway, why am I saying this to you? I don't owe you an explanation. Psh!" sabay irap pa niya sakin. Hindi ko naiwasang mapangiti sa mga sinabi niya. Natutuwa akong malaman na wala naman palang namamagitan sa kanila ng lalaking 'yon. At mas lalo akong natutuwa dahil sa wakas, nagkausap na rin kami ng babaeng hinahangaan at minamahal ko. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" kunot-noong tanong niya. "Nothing. But I think, malapit mo nang makilala ang lalaking mamahalin mo." And actually, nakilala mo na siya ngayon, dugtong ko pa sa isip ko. "Ow, really? Magkakilala ba kayo? Sinabi ba niya sayo na siya na ang lalaking mamahalin ko?" Hindi ko pinansin ang sarkasmo sa sinabi niya. "Makikilala mo siya kung magiging magkaibigan tayo. So, friends?" I said and extended my hand to her. Mataman muna siyang tumingin sakin bago niya tinanggap ang pakikipagkamay ko. "Okay. Mukhang hindi naman masamang maging kaibigan ka." "And one of these days, magiging kaibigan mo ang lalaking mamahalin mo. And it's happening now," makahulugang sabi ko sa kanya bago ngumiti nang malapad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD