CHAPTER 18: First Date (PART 1)

1919 Words
MILES Ngayong araw ang usapan namin ni Nate na sasamahan ko siya sa mall. "Ate, nandito na ang sundo mo!" Narinig kong sigaw ni Miller mula sa labas. Muli akong tumingin sa salamin at bahagyang sinuklay ang buhok ko bago lumabas ng silid. Nadatnan kong nakaupo sa sofa si Nate. I took a deep breath, trying to calm myself. Nagsisimula na naman kasing bumilis ang t***k ng puso ko eh. Ilang sandali pa, lumapit ako sa kanya. Tumayo naman siya at bahagyang ngumiti nang makita ako. Pero, agad ding nawala iyon at napalitan nang pagtataka. "Bakit ganyan ang suot mo?" Tiningnan ko ang sarili ko bago muling tumingin sa kanya. "What's wrong with my outfit? Inaasahan mo bang naka-dress o naka-gown ako? Mall ang pupuntahan natin at hindi party." "Aish! Pumi-pick up ako at hindi iyan ang inaasahan kong isasagot mo. Dapat ang itatanong mo lang sakin ay 'Bakit?', then ang isasagot ko sa'yo ay 'Kasi kahit simple lang ang suot mo ngayon, ang gwapo ko pa rin'. Tsk. Hindi ka magaling, Mine." "Ay, pick up ba 'yon? Buti na lang pala at hindi ako sumagot ng bakit," I answered sarcastically, then rolled my eyes at him. Sasabihing pumi-pick up siya, pero para rin naman sa kayabangan niya ang isasagot. Psh! "Tara na nga. Nawalan na ko ng ganang mag-pick up," sabi niya bago bumaling ng tingin sa may kusina. "Tita Miley! Hihiramin ko po muna ang anak n'yo! Lalabas na po kami!" paalam niya sa Mama ko. Lumabas mula roon si Mama. "Okay. Ingat kayo sa date n'yo. At huwag mong pababayaan ang dalaga ko, ha?" nakangiting paalala ni Mama kay Nate. Ayan na naman. Narinig ko na naman ang salitang 'date' na 'yan. Bago ko pa maitama kay Mama na hindi ito date ay nagsalita na si Nate. "Yes, Tita. Don't worry. Ako na pong bahala sa anak ninyo. I'll take care of her," sabi niya sabay hila na sa'kin papalabas ng bahay namin. "This is not a date, right? You just asked for a favor," pagkumpirma ko sa kanya. Max and Sam kept telling me these past few days that Nate asked me out on a date. And now, my mother also thought that we were really out on a date. So, I just want to make sure that we're out for a favor, and not a date. Lumingon siya sa'kin bago ngumisi nang nakakaloko. "It's for me to know, and for you to find out." Kinindatan pa niya 'ko bago sumakay sa kotse niya. Confirmed. It's really a favor and not a date. Dahil kung date ito, magpapaka-gentleman siya at pagbubuksan niya 'ko ng pinto. Psh! sarkastikong bulong ko bago sumakay sa passenger's seat. ~~~~~ Pagpasok pa lang namin sa mall, kapansin-pansin na agad ang pagsulyap at pagtitig ng mga kababaihan kay Nate. May mga sumusunod pa nga ng tanaw sa kanya kahit malayo na sila eh. Oo. Ganun kalakas ang dating ng kagwapuhan nitong mayabang na lalaking kasabay ko ngayong maglakad. I glanced at him. Para siyang isang sikat na artista. At pakiramdam ko, hamak na alalay niya lang ako. Lumingon siya sa'kin at ngumiti. "Don't mind them. Ngayon lang kasi sila nakakita nang ganito kagwapo kaya ganyan na lang sila makatitig sa'kin. And besides, hindi nila ako makukuha sa titig lang. Ano ako, cheap? Ang gwapo ko kaya!" pagyayabang niya sabay tawa. Napailing at napaingos na lang ako sa sinabi niya. Kelan ko kaya siya makakausap nang matino at walang halong kalandian at kayabangan? Psh! Pero, mukhang malabong mangyari 'yon, I muttered to myself. "Tara, Mine. Doon muna tayo sa una nating pupuntahan," sabay hila niya sa'kin.  Nanlalaki ang mga matang napasunod na lang ako at napatingin sa magkahawak naming kamay habang tumatakbo sa kung saan man ako dadalhin ng lalaking ito. "Ito na 'yun." Napatingin ako sa tapat ng isang photo booth na hinintuan namin. At bago pa ko makapagtanong, pumasok na kami sa loob. Binitiwan niya yung kamay ko at may pinagpipindot sa isang maliit na screen. "Okay, naka-set na. Pwesto na tayo, Mine," sabi niya at hinila ako sa tabi niya. "Four shots 'yan kaya mag-smile ka," dagdag pa niya bago tumingin sa harap. Bahagya na 'kong ngumiti nang makuhanan kami ng camera. After a few minutes, lumabas na kami at hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o i-react. At parang gusto kong burahin ang nakakalokong ngisi niya nang ipakita niya sa'kin ang mga pictures. "Mine, ang ganda ng mga kuha natin. Pero, the best itong last shot," he said, still grinning like an idiot. "Akin na nga 'yan. Susunugin ko na." Agad niyang inilayo at itinaas ang kamay na may hawak sa mga larawan namin bago ko pa man maagaw ang mga iyon sa kanya. "Sige, subukan mong sunugin ang mga ito. Magpapakuha ulit tayo at hindi lang ang mga nasa larawang ito ang kalalabasan ng next picture natin," pagbabanta niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na kinuha pa ang mga iyon. Mahirap na kung totohanin niya. Ayoko nang magpakuha pa ng larawan na kasama siya. I groaned when he stared our picture together. Again. Ang first shot namin ay pareho kaming nakangiti, pero mas malapad ang ngiti niya. Ang second shot naman ay nagulat ako dahil sa biglaang pag-akbay niya habang siya ay nakangiti pa rin. Ang third shot naman ay nakatingin na 'ko sa direksyon niya. At 'yung last shot ang masasabi kong worst picture namin. Namumula ako at ang lapad naman ng ngiti niya habang pareho kaming nakatingin sa isa't-isa. Siguro naman ay may karapatan akong sunugin ang mga pictures na 'yon, di ba? Lalo na 'yung last shot? Iyon ang pinakaayaw kong kuha namin. Argh! Iniabot niya sa'kin yung mga larawan. "Sayo na 'yan para may kopya ka rin. Itago mo nang mabuti, ha? Remembrance mo sa first date natin." Kita mo na. Dalawang kopya naman pala 'yung mga pictures namin. But, wait. Tama ba ang narinig ko o nabingi lang ako? "What did you say?" takang tanong ko. "Ang sabi ko, may date ang mga larawan natin para hindi mo makalimutan kung kelan 'yan kinuhanan. Tara na sa next na pupuntahan natin," sabi niya bago tumalikod at naglakad na. Hindi na 'ko nagtanong pa at sumunod na lang din sa kanya. ~~~~~ Inabot na kami ng tanghali dito sa mall. Nang tanungin ko siya kung ano ang bibilhin niya, hindi pa raw niya nakikita. Nang matapos din kaming mag-lunch, muli kaming naglibot-libot. At nang muli ko siyang tanungin kung bibilhin na ba niya yung dapat niyang bilhin, sabi niya ay oo at hahanapin na raw namin. Napahinto ako sa paglalakad nang mapadaan kami sa ice skating rink. Mga family, couples, and group of friends ang nasa loob. "You want to try it?" Narinig kong tanong ni Nate na ikinalingon ko sa kanya. "H-hindi ako marunong," mahinang sabi ko sa halip na sagutin ang tanong niya. "Huh? Hindi ka marunong niyan? Akala ko ba, lahat ay alam ng matatalinong gaya mo?" "Hindi kasama sa school curriculum ang ice skating kaya paano ako matututo? And besides, wala akong extra time para matuto niyan." "Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko. Tsk. Halika na." At pumunta siya sa may counter at nagbayad. "Anong ginagawa mo?" Pagkaabot ng ticket sa kanya nung babaeng nasa counter, lumingon siya at ngumiti. "Mag-a-ice skating tayo para matuto ka." At pagkasabi no'n, hinila na niya 'ko papunta sa loob ng rink. Kumuha muna kami ng mga gamit bilang proteksyon sa lamig. "Wear it. Malamig sa loob ng rink." "I know," simpleng sagot ko bago isinuot yung makapal na jacket at gwantes sa kamay. Umupo rin ako para palitan ang sapatos ko. "Ako na magsusuot sa'yo." Bago pa man ako makatanggi, lumuhod na siya sa harap ko at tinanggal ang sapatos ko para isuot ang ice skates. "Ang sweet naman ng guy." "Sinabi mo pa. Ang swerte ng girlfriend niya." "Kakainggit si girl, ano?" Iyan lang naman ang ilan sa mga naririnig kong sinasabi ng mga taong malapit sa'min. At alanganin lang akong ngumingiti sa kanila kapag nakikita kong nakatingin sila sa direksyon namin. Itinuon ko na lang ang tingin ko sa ginagawa ni Nate. Mahigpit niyang isinisintas ang ice skates sa kaliwang paa ko. Hindi ko rin naiwasang mapatitig sa mukha niya. Kapag ganitong seryoso siya at hindi nakangisi nang nakakaloko, pakiramdam ko ay hindi siya yung mayabang at malanding Errol Nathaniel Montecaztres na kilala ko. Ang pinakagusto ko sa kanya ay ang mga mata niya. Madaling mabasa ang nararamdaman niya at nakakalunod kapag tinititigan mo. Ganun ka-transparent ang mga iyon. Bahagya akong nagulat nang bigla siyang mag-angat ng tingin. And my heart skipped a beat because of his smile. "Buti na lang at hindi ako ice cream. Hindi ako natutunaw sa mainit mong titig. So, you can stare at me as long as you want." At saka muling ipinagpatuloy ang pagsisintas sa kabilang paa ko naman. At mas ideal guy siyang tingnan kung nananahimik na lang at hindi nagyayabang. Bwisit! At nahuli pa niya kong nakatitig sa kanya. Argh! Few minutes later, natapos ding isuot ang ice skates sa paa ko. Ganoon din naman si Nate. Nakaayos na rin siya kaya tumayo na siya. Tumayo na rin ako, pero agad din akong napakapit sa kanya nang mawalan ako ng balanse. "Mine, pansin ko lang na palagi mo na lang pinagsasamantalahan ang katawan ko. Aba! Ang lagay ba ay ganyan na lang? Ako na lang palagi ang naaabuso? Paano naman ang puri ko?" Agad akong lumayo sa katawan niya at muling umupo. "Kung makapagsalita ka, akala mo palaging ikaw ang dehado. If I know, nagte-take advantage ka naman. Psh!" Sabay irap sa kanya. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. "Hindi ka naman mabiro diyan. Tumayo ka na diyan. Mag-ice skating na tayo," natatawang sabi pa niya. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago nagsalita. "Sige na, mauna ka na. Dito muna ako." "Mine, hindi lalapit sa'yo ang ice rink dito. Tumayo ka na diyan. Aalalayan kitang maglakad papunta do'n," sabay turo niya sa rink. "Hindi nga kasi ako marunong." "Kaya nga tayo nandito para matuto ka. Bilis na." "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" takang tanong ko nang tumalikod siya sa'kin. Bahagya lang siyang lumingon. "Kumapit ka sa balikat ko para makapaglakad ka papunta sa ice rink." "No, thanks. I can manage." "Kakapit ka sa balikat ko o bubuhatin kita diyan?" "You're not serious, right?" Tuluyan na siyang muling humarap sakin. "Saan? Sa pagbuhat sa'yo? I'm serious." "You can't do that." "Try me," seryosong saad niya habang nakatingin sakin. Nakipaglaban pa ko sa titig niya, pero ako na rin ang sumuko. I hate it when he's serious. Not so like him. "Fine," I gave up while rolling my eyes at him. "Tumalikod ka na." And he did. Muli akong tumayo at kumapit sa balikat niya. ~~~~~ "Anong ginagawa mo diyan? Dito tayo sa gitna," puna ni Nate nang mapansing nandito lang ako sa gilid at nakahawak sa railing. I glared at him. Anong tingin niya sa'kin? Na kapag nakatapak na 'ko sa rink, matututo na 'kong mag-ice skating? Ni hindi pa nga ako maka-balance eh. Pagkatapak ko kasi sa rink, agad lang akong tumayo at kumapit sa hawakan dito sa tabi. "Hindi mo ba nakikita? Sinusubukan kong matuto," sarkastikong sagot ko bago muling inihakbang ang mga paa ko habang nakakapit pa rin sa bakal. "Paano ka matututo kung nandiyan ka lang sa gilid? Tuturuan nga kita, di ba?" "At paano? Tititigan at pagtatawanan mo ako? Yeah, great. Matututo nga ako sayo. Psh!" "Aish! Ang tigas naman ng ulo oh," aniya, pero agad naman siyang lumapit sakin. Napahinto ako at napatitig sa kanya nang mataman siyang tumingin sa'kin. "Hindi ko 'yun gagawin sa'yo. Do you really think na pagtatawanan lang kita? Of course not. Tuturuan nga kita kaya magtiwala ka sakin," seryosong pahayag niya bago inilahad ang kanang kamay. "W-what if matumba ako?" "Tutulungan at itatayo kita. I will hold your hand and never let go." At tinanggap ko iyon. Maniniwala ako sa sinabi niya. Maniniwala akong hindi niya bibitiwan at pakakawalan ang kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD