MILES
"Nate, ayusin mo ang pagtuturo sa'kin! Kapag binitawan mo 'ko, sasamain ka talaga sa'kin!" nagpa-panic na sigaw ko habang mahigpit na hawak ang mga kamay niya.
Magkaharap kami at gaya ng sinabi niya, tinuturuan niya 'kong mag-skating. "Ano pa ba sa palagay mo ang ginagawa ko? Ikaw itong hindi maayos tumayo diyan," sabi niya habang patalikod siyang nag-i-slide at hinihila naman ako. "Ang sabi ko, paghiwalayin mo 'yang mga binti mo at bahagya mong i-bend ang mga tuhod mo para makapag-balance ka," muli niyang paliwanag sa'kin at sinunod ko naman. "That's right. I will pull you, okay? Try to relax and don't panic. Straight lang ang braso at huwag mong ibe-bend."
I just nodded. Ang buong atensyon ko ay kung paano ibabalanse ang buong katawan ko para hindi matumba. Pero, ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang maramdamang bumilis ang pag-slide namin ni Nate. Pagtingin ko sa kanya, nakangisi siya nang nakakaloko.
"What do you think you're doing?! Slow down!" sigaw ko, pero mas lalo lang niyang binilisan. Kinabahan ako kaya naman sa sobrang pagpa-panic ko at sa kagustuhang huminto, nagdikit ang mga tuhod ko at nai-bend ang mga kamay ko. Kasabay nang mariing pagsigaw ko ang pagbagsak ng pang-upo ko sa matigas na yelo. Nakapikit na hinimas ko ang likuran ko.
Narinig ko ang malakas na tawa ni Nate. At pagtingin ko, nakatayo na siya sa harap ko at nakatuon ang mga kamay sa tuhod niya habang bahagyang nakayuko. "Okay ka lang ba, Mine?"
I glared at him. "Pagkatapos kong madulas at bumagsak sa matigas na yelo, sa tingin mo magiging okay lang ako? Kung mangyari kaya sa'yo ang nangyari sa'kin, sa tingin mo magiging okay ka pa rin?" naiinis na sabi ko sa kanya.
"Oh, relax lang. Sinabi ko naman sa'yo na relax lang and don't panic, di ba?"
"So, it's my fault?"
"Wala akong sinabi. Tumayo ka na diyan," sabi niya sabay lahad ng kamay. Naiinis man ay tinanggap ko pa rin iyon. Kailangan ko pa rin ang tulong niya kung gusto kong matuto.
Muli niyang ipinagpatuloy ang pagtuturo at sumunod lang ulit ako. Hindi na naman niya ginawa 'yung kanina. Naging maingat na siya.
"Now you know how to balance your body. So now, I will teach you how to slide." And I nodded.
Pumwesto siya sa tabi ko at isang kamay ko na lang ang hawak niya. "Oh, relax. Nandito lang ako sa tabi mo at hawak ko pa rin ang kamay mo. Hindi kita bibitiwan," sabi niya nang maramdaman yata na nagpa-panic na naman ako.
Oo, kinakabahan ako. But at the same time, parang may kakaiba ring dahilan kung bakit kanina pa malakas at mabilis ang t***k ng puso ko. Was it because of him? Simula kasi nang hawakan niya ang kamay ko, hindi na naging normal ang t***k nito.
Ipinilig ko ang ulo ko. I need to concentrate. Ang pinag-aaralan ko ay kung paano matuto ng ice skating, hindi kung bakit abnormal ang t***k ng puso ko kapag nasa malapit lang si Nate.
"Are you ready?"
I let out a deep sigh before I answered him. "Ready."
"Okay. Try to slide your right foot, then left foot. Do it slowly," utos niya na sinunod ko naman.
Ilang sandali pa, sabay na kaming nag-i-slide nang magkahawak ang kamay. Nakangiting lumingon ako sa kanya. "Nate, mukhang marunong na ko."
"Yeah. Keep doing it." At ipinagpatuloy nga lang namin ang ginagawang pag-slide. Pero di rin nagtagal, naramdaman ko na lang na binitawan niya yung kamay ko. Salubong ang kilay na sinundan ko siya ng tingin, pero patuloy pa rin ako sa pag-slide.
"Tumingin ka sa harap mo, huwag dito sa likod!"
I did as he said. At nanlaki ang mga mata ko nang makitang may isang lalaki na patungo ngayon sa direksyon ko.
"Mine, stop!"
"I can't stop!" natatarantang sigaw ko. At napapikit na lang ako at iniharang ang mga braso ko sa mukha nang malapit na 'kong mabangga sa lalaki. Pero, naramdaman ko na lang na may mga brasong pumulupot sa'kin at sabay kaming bumagsak sa ice rink.
"Okay ka lang ba, Mine?"
Agad akong napamulat at napatingin kay Nate. Pareho kaming nakahiga sa rink at ako ang nasa ibabaw habang ang mga kamay niya ay nasa bewang ko.Nang maging aware ako sa posisyon namin, agad akong lumayo sa kanya. "O-okay lang ako. S-salamat."
Narinig ko ang malakas niyang pagtikhim. "Good." Tumayo na siya at muling inilahad ang kamay para tulungan akong tumayo. Nang tanggapin ko iyon, hinila na niya 'ko patayo. At mukhang napalakas ang paghatak niya dahil muntik na naman kaming matumba, pero buti na lang at nakapag-balance siya.
Our eyes met. His face was just inch away from mine. Now, I'm wondering kung naririnig ba niya ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko.
Hindi ko rin naiwasang mapatingin sa labi niya. At nang ibalik ko ang tingin sa mga mata niya, siya naman ang nagbaba ng tingin at parang tumingin sa labi ko. Napalunok ako. Waaahhh! Anong gagawin ko? Lalayo na ba ako sa kanya?
"Hey! Look out!" Narinig ko na lang na sigaw ng isang babae. At bago pa 'ko lumingon ay naramdaman ko na lang na may malakas na tumama sa likod ko.
Naputol ang pagsigaw ko nang mag-landing sa kung saan ang labi ko sa pagbagsak ko. At lumapat iyon sa labi ni Nate!
I couldn't move. Nasa ganoon lang kaming posisyon at parehong nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat. At ilang sandali pa, kumurap-kurap siya. At doon lang din ako natauhan. Agad akong lumayo at napaupo sa matigas na yelo.
Bumangon rin naman siya at bahagyang lumapit sa'kin. "Hey, are you okay?" tanong niya na bahagya nang mag-register sa utak ko.
Tulalang napahawak ako sa labi ko. What happened? Did we just kiss in front of so many people here? But, it was accident, right? parang wala sa huwisyong tanong ko sa sarili ko.
I looked around. Halos lahat ng taong nasa loob nitong ice rink ay nakahinto at nakatingin sa direksyon namin ni Nate. Idagdag pang open ang itaas nitong rink kaya marami rin ang nakakita sa nangyari.
Yumuko ako para itago ang mukha ko. Gusto ko ng lumubog ngayon sa pagkakasalampak ko dahil sa sobrang kahihiyan.
"H-hey. May masakit ba sa'yo, Mine? Sabihin mo sa'kin." Narinig kong tanong ni Nate. Hinawakan niya rin ako sa balikat. Halata sa boses niya ang pagkataranta at pag-aalala.
Hinawakan ko ang laylayan ng jacket niya. "Nate, I think I'm gonna die here. Ilayo mo 'ko rito. Hindi ko sila kayang harapin," mahinang bulong ko sa kanya habang nakayuko pa rin.
"Okay, okay. I get it. Tumayo na tayo. Aalis na tayo." At inalalayan niya nga akong tumayo.
Nagsimula kaming maglakad habang akbay niya 'ko at lalo ko namang itinago ang mukha ko.
"Pasensiya na. Nahihiya kasi siya dahil sa nangyari sa'min. Pasensiya na sa abala," narinig kong sabi pa ni Nate doon sa mga taong nakakasalubong siguro namin.
"How cute couple."
"Ang sweet nila."
"Bagay sila, ano?"
At kung anu-ano pa ang narinig ko mula sa mga tao roon bago kami tuluyang makalabas ng rink. Inakala pa nila na may relasyon kami ni Nate.
~~~~~
Tahimik lang kami ni Nate habang nasa byahe pauwi. Wala ni isa sa amin ang nagbanggit tungkol sa nangyaring 'aksidente' sa ice rink. Mas mabuti na 'yun dahil ayoko na rin namang pag-usapan pa. Baka magka-ilangan lang kami pag nagkataon.
It was my first kiss. Sabi ko noon sa sarili ko, ibibigay ko lang iyon sa magiging boyfriend ko. Pero, bakit gano'n? Bakit parang hindi ako nagsisisi na napunta ang first kiss ko kay Nate? Bakit hindi ko magawang magalit?
Was it because our 'kiss' was just an accident? Hindi namin parehong ginusto? But accident or not, still, it was considered a kiss, right?
"We're here." Naputol ang malalim kong pag-iisip nang marinig ang sinabi niyang iyon. Nakahinto na ang kotse niya sa tapat ng bahay namin.
I looked at him and smiled. "Thanks. Ingat sa pag-uwi," sabi ko bago buksan ang pinto at bumaba ng sasakyan.
"Mine!" Lumingon naman ako sa pagtawag niya. Bumaba rin siya ng kotse at lumapit sa'kin. "Thank you rin sa pagsama mo sakin ngayong araw. Nag-enjoy akong kasama ka. And I hope na nag-enjoy ka rin ngayong araw."
"Bukod sa pagkakabagsak ko sa ice rink dahil sa kagagawan mo, nag-enjoy naman ako," sagot ko na ikinatawa naming pareho.
"Hindi na mauulit 'yon."
"At mukhang may balak ka pang ulitin, ano?"
"Ngayong alam mo na, wala na kong balak."
"Dapat lang. Ang sakit kaya lalo na kung alam mong walang sasalo sa'yo." Tinutukoy ko 'yung pagbagsak ko dun sa yelo.
"Don't worry. Hindi ka na ulit masasaktan," he said seriously.
Was it just me or may iba pa siyang ibig sabihin do'n?
"Nakapagdesisyon na 'ko at nangako sa sarili ko na hindi ko na hahayaang masaktan ka pa. Gagawin ko ang lahat para makalimutan mo ang taong nanakit sa'yo noon," dagdag pa niya na lalo lang nagpalito sakin.
What did he mean by that? At bago ko pa man iyon maitanong, muli siyang nagsalita.
"I lied," biglang sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "I just made an excuse para makasama kita ngayong araw. At 'yung paghingi ng pabor ang naisip kong gamitin. Wala rin akong bibilhin sa mall. Dahil ang totoo, 'yung oras mo ang binili ko."
"So, you're saying?"
"I asked you out on a date. So basically, first date natin ito at hindi lang basta pabor. Hindi ko direktang sinabi sa'yo dahil alam kong tatanggihan mo ako."
"So, Max and Sam were right after all. You really asked me out on a date, and not because of a favor," I stated.
Bahagya siyang tumango at alanganing ngumiti habang napapakamot sa batok. Para bang nahihiya siya. Seriously? Ang sikat na mayabang at malanding si Errol Nathaniel Montecaztres ay mahihiya at hindi direktang magyayaya ng date sa isang babae? Bago yun, ah.
I sighed. "Okay. If it's really a date, so be it. Pero huwag mo na ulit itong uulitin, okay?"
"Oo naman! Huwag kang mag-alala. Hindi na talaga mauulit. Kung gusto kitang yayaing mag-date, didiretsuhin na kita at wala nang paliguy-ligoy pa." Then, he grinned. "Bakit ko nga ba naisip na tatanggihan mo ako? Noon ngang humiling ako sa'yo ng pabor na samahan ako sa mall, walang pagdadalawang-isip na um-okay ka. What more kung niyaya kita sa isang date, di ba? Baka hindi pa man kita natatanong ay tumataginting na yes na agad ang isagot mo."
Okay. Kayabangan alert. "Gabi na. Umuwi ka na at huwag ka nang masyadong magkalat pa ng kayabangan."
He pouted. "Kunwari ang narinig kong sinabi mo sa'kin ay 'Good night and I'm looking forward on our second date'. Sige, good night na rin. Salamat. Dream of me, Mine."
Natatawang napailing na lang ako sa pagka-aasuming niya. "Good night. Ingat sa pag-drive," paalala ko.
Kumaway lang siya bago sumakay sa kotse. Hinintay ko munang makalayo at mawala sa paningin ko ang sasakyan niya bago pumasok sa loob ng bahay.
Thank you, Nate. I really enjoyed our date.