CHAPTER 17: A Favor, Not a Date

1251 Words
MILES One week had passed. At sa loob ng mga panahong iyon, walang araw na hindi nang-asar at nagyabang sakin si Nate. Kung hindi sa school, sa text or tawag siya manggugulo tuwing gabi. Magyayabang siya, hindi ko naman papansinin. Ibibida kuno ang kagwapuhan niya, babarahin ko naman. At ayoko mang aminin, pero unti-unti na kong nasasanay sa presence niya. Para bang hindi na kumpleto ang isang araw ko nang hindi siya nakikita at nakakausap man lang. At para bang normal na rin samin ang magtalo at mag-asaran sa isa't-isa. But last weekend, wala akong natanggap na tawag o text man lang mula sa kanya. And this Monday, hindi ko pa rin siya nakikita dito sa school simula pa kaninang umaga. And I wonder why he was not around. Ayoko namang tanungin sina Max at Sam dahil baka iba pa ang isipin nila sa paghahanap ko kay Nate. And speaking of Max, okay na sila ni Juice. Mukhang nagkainitindihan na rin sila. At ang kwento niya pa sa'min, kapatid or kakambal to be exact, 'yung babaeng nakita niyang kasama ni Juice. Iyon ang paliwanag ni Juice, although sa tingin ko naman ay walang dapat na ipaliwanag ang lalaki dahil magkaibigan lang silang dalawa. But in Max's case, meron siyang pagtingin kay Juice. At sa tingin ko naman, the feeling is mutual between the two of them. Then this afternoon, nagyaya silang dalawa na pumuntang gym. Manood daw kami ng basketball practice game. Pumayag naman ako kasi baka nando'n si Nate. Hindi ko na lang pinansin ang makahulugang tingin at ngiti sa'kin nung dalawa. Pero pagdating sa gym, sina Juice, Deus at iba pang mga kaibigan nila ang nakita kong nagpa-practice. Wala si Nate. Medyo nakaramdam ako ng lungkot at pagkadismaya. Hindi ba siya pumasok ngayon? hindi ko naiwasang itanong sa sarili ko. Pinigilan ko ring itanong sa kanila kung nasaan ang Captain nila, pero mukhang nahalata pa rin nila na hinahanap ko siya. "Wala si Captain ngayon," sabi ni Juice. "At hindi namin alam kung bakit siya wala, eh," dagdag pa ni Deus. "Tanungin mo na lang siya bukas, Miles. Nandito na 'yon," nakangising pahayag naman ni Kent. "I'm not asking," sabi ko sabay irap. And they all laughed. ~~~~~ Alas-otso pa lang ng gabi, nasa kwarto na ko at nakahiga sa kama. Kapag ganitong mga oras, magka-text o magkausap na kami ni Nate. Muli kong tiningnan ang phone ko. No texts and missed calls. Di ko namalayan na kakatitig ko sa phone at kakahintay sa text or call niya, nakatulog na 'ko. Naalimpungatan ako nang marinig ang pag-vibrate ng phone ko. At tuluyan akong nagising nang makita ko sa screen kung sino ang tumatawag. Bahagya akong bumangon at huminga nang malalim. I calmed myself para masigurong hindi ako mukhang excited na makausap siya. "H-hello?" "Hey. Alam kong late na ang pagtawag ko. At pasensiya na kung naistorbo ko man ang pagtulog mo." Halos tatlong araw ko rin siyang hindi nakausap. I glanced at the wall clock. It's already two in the morning. "It's okay. Bakit ka nga pala napatawag? May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya. "Ahh...that. Ano...I j-just wanted to hear your voice." I smiled widely. Not just because he was stammering, but also because of what he said. "And I wanted you to know that I missed you." My heart beats fast and loud. Para ring may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko dahil sa sinabi niyang iyon. "Namiss mo ba ako?" tanong niya mula sa kabilang linya. "Hindi," direktang sagot ko na ikinatahimik lang niya. "Hindi ka nagkakamali," maya-maya ay dugtong ko bago i-end yung call. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Bakit ko ba nasabi 'yon? Did I also miss him? Isang malakas na yes ang narinig kong isinigaw ng isang bahagi ng utak ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga iyon. Kung nakikita ko lang ang sarili ko ngayon, siguradong namumula na 'ko. These feelings that I feel for him. The fast heartbeat of my heart. Gusto ko na ba siya? tanong ko sa sarili ko. ~~~~~ It's another day for school. Nandito kami nina Max at Sam sa student lounge. Puno na sa library kaya dito na lang ang napili naming tambayan para gawin ang isang project. "Good morning, Mine!" narinig kong bati mula sa tinig ng isang lalaki. Sino pa nga ba? Isang tao lang naman ang tumatawag sakin sa gano'ng pangalan. Tinapunan ko lang siya saglit ng tingin bago muling ituon ang atensyon sa ginagawa ko. "Good morning." Hindi ko rin pinansin ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang makita kung gaano siya kalapit sa'kin. "Iyan lang ang masasabi mo? Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng hug?" Kahit hindi ako tumingin, alam kong nakangisi siya nang nakakaloko. "No," patuloy na pag-ignore ko sa kanya. "Sorry about last weekends and yesterday. Hindi ko nasabi sa'yo na mawawala ako ng tatlong araw. We attended family reunion and gadgets were not allowed for three days. Number 1 rule yun sa'ming magpipinsan. Hindi kami pinayagan ni Lola na gumamit ng phone, tablet, and even laptop." "I'm not asking." "I know. That's why I'm explaining, just so you know." "You don't owe me an explanation, just so you know." "Bakit hindi mo ko tinitingnan? Hindi naman ako pangit. At kung tutuusin nga, mas lalo pa 'kong gumwapo ngayon eh." Bakas sa tinig niya ang kunwaring pagtatampo. "At akala ko ba namiss mo ko? May pagtawag-tawag ka pa sa'kin kaninang madaling araw para lang sabihin iyon, tapos ngayon iignorahin mo 'ko? Ang sakit mo sa gwapong mukha," dugtong pa niya na ikinalaki ng mga mata ko. Max and Sam gasped. "Tinawagan mo siya para sabihin ang mga iyon, Bhest?!" di-makapaniwalang bulalas nilang dalawa. "Of course not! Siya ang tumawag sa'kin kaninang madaling araw and not the other way around!" pagtatama ko bago balingan nang masamang tingin si Nate. "Ayusin mo 'yang pananalita mo. Alam kong saksakan ka ng yabang, pero huwag mo na ring ipangalandakan sa'kin ang iyong kasinungalingan." He pouted his lips. And I find him cute. "Fine. Pero, sinabi mo rin namang namiss mo ko, eh. Di ba? Di ba?" parang batang pagmamaktol pa niya. Hindi ko nagawang magsalita at kontrahin ang sinabi niya. Because somehow, it's true. Hindi ko man direktang sinabi iyon, pero ganun pa rin ang dating nung huling sinabi ko sa kanya. Maya-maya lang, muli siyang nagsalita. "Mine, favor naman. May gagawin ka ba this coming Saturday?" "Nothing. Where's the favor there?" "Sandali naman. Wag kang excited. Ang favor ko lang naman ay samahan mo 'ko sa mall. May bibilhin kasi ako." "Okay," tipid na pagsang-ayon ko bago muling itinuon ang tingin sa ginagawa ko. "Really? Ang sabi ko samahan mo 'ko sa mall." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "I'm not deaf. And I said okay. Gusto mo bawiin ko?" "Of course not. So, susunduin kita sa inyo sa Saturday, ha?" aniya. "Dapat lang. Ikaw ang humingi ng pabor eh." "Okay. See you later," pagpapaalam niya bago tuluyang umalis dito sa pwesto namin. Pagtingin ko kina Max at Sam, nakanganga at nanlalaki ang mga matang nakatingin sila sa'kin. "Did you just say yes to him?" tanong ni Sam. "I think so," salubong ang kilay na sambit ko. "You just agreed to go on a date with him." "It's a favor. Not a date," mariing pagtatama ko kay Max. "No. He asked you out on a date," paggiit pa niya. "Didn''t you hear what he said? Ang tanong ay kung pwede ko siyang samahan sa mall at hindi ang makipag-date sa kanya. So technically speaking, it's a favor." "That's not what he meant by that. Ang mga lalaki, minsan ay hindi nila direktang niyayaya sa isang date ang mga babae." I rolled my eyes at Sam. "How many times do I have to tell you that it's just a favor and not a date?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD