CHAPTER 20: Sam and Deus, It's Our Turn

2219 Words
SAM "How was your date with Nathan?" tanong agad ni Max pagkalapit namin kay Bhest. "Okay naman," simpleng sagot naman niya. Nagkatinginan kami ni Max at sabay na napangisi. "So, it was really a date and not a favor?" pagkumpirma ko pa sa kanya na kibit-balikat lang ang isinagot niya. Natawa na lang kami ni Max. Kung alam kasi ni Bhest na hindi pa rin date ang paglabas nila ni Nathan, siguradong itatanggi niya ulit iyon. Hindi na kami nagtanong pa sa kanya kung ano ang mga ginawa nila ni Nathan. Knowing Bhest, hindi rin naman siya magkukwento sa nangyari sa date nila. Pero, malalaman din naman namin iyon dahil nag-hire kami ni Max ng isang tao para sundan silang dalawa. Professional ang taong 'yon kaya alam namin na nakuhanan nito ang lahat ng ginawa nina Bhest at Nathan nang hindi napapansin. Napansin kong parang may pinagkakaguluhan sa labas ng classroom namin.  "Hey, Sam. Si Deus ba 'yun?" Narinig kong tanong ni Max.  Sinundan ko ng tingin ang direksyong tinitingnan niya. Si Dervin nga 'yung pinalilibutan ng mga babae. "Hindi ko alam na isa na rin pala si Deus mo sa pinagkakaguluhan ng mga estudyante rito." "Yeah, right. Hindi ko rin alam," sagot ko lang kay Bhest at saka tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ni Max. "Sa property ko. Ang daming tresspassers eh." Tumaas ang isang kilay ni Bhest. "Since when?" Since ma-realize ko na in love ako kay Dervin. Hindi ko na isinatinig pa ang sagot na iyon. Lumabas na 'ko sa classroom at lumapit sa taong pakay ko. "Sino ang pinuntahan mo rito, Deus?" Narinig kong tanong ng isang babae na parang ahas kung makalingkis sa isang braso ni Dervin. "Ako ba?" tanong naman ng isa pang babae na parang linta kung makakapit sa kabilang braso niya. "Of course not! Ako kaya ang pinuntahan ni Deus dito." Halos matawa ako sa pagka-assumera ng isa pang babae na halos ipagduldulan na ang hinaharap sa mukha ni Dervin. Mabuti na lang at mukhang hindi naman naaakit sa fake boobs niya si Dervin. At subukan lang niyang magpaakit, naku! Mata lang niya ang walang latay. "Hoy, Miss." Bored na nilingon ko 'yung babaeng kumulbit sakin. "Anong itinutunganga mo rito? Hinihintay mo rin bang mapansin ka ni Deus? Sorry, girl. Pero, mas mapapansin niya 'ko kaysa sayo," maarteng sabi niya sabay irap sakin at lumapit din kay Dervin. Wow, teh. Taas ng confidence natin, ah? Kagandahan ka? Di hamak naman na mas maganda pa ang balahibo ng pusa ko kaysa sayo. Tsk, sarkastikong bulong ko sa sarili ko. Pagtingin ko sa direksyon ni Dervin, nakatingin siya sa'kin at parang nagmamakaawang alisin ko siya sa sitwasyong iyon. Apat na kasing babae ang kumakapit at humihila sa kanya. In short, hina-harass na siya ng mga iyon. I have no choice, but to help him. Ayoko na rin namang makitang pinalilibutan siya ng mga babae. Hindi kaaya-aya sa'king paningin. "Hey, girls!" sigaw ko na ikinalingon ng apat na babae. "You, you, you and you!" Habang isa-isa ko silang itinuturo. "Stay away from him," mariin kong pahayag. They raised their eyebrows at me. "And who do you think you are? Sino ka para makialam sa'min?" mataray na tanong ng babaeng linta. "Bakit hindi ang lalaking 'yan ang tanungin mo kung sino ako?" balik-tanong ko sa kanya. At lumingon ulit sila sa direksyon ni Dervin. Agad naman siyang lumapit sa'kin at umakbay. "This girl beside me, is my loving girlfriend. Mukha lang siyang ordinaryong babae, pero malakas siya. If you don't want something bad happen to all of you, you better listen on what she said earlier. Don't you dare mess with her," seryosong pahayag niya na mukhang naging effective naman. Namutla sila sa takot at mabilis na nagsi-alisan. Siniko ko siya sa tagiliran. "Anong pinagsasabi mo sa kanila?" "Pinagsabihan ko lang sila. Well, konting pananakot na rin. At kita mo namang natakot sila, di ba?" "Pero, bakit kailangan mo pang sabihin na girlfriend mo 'ko? A loving girlfriend to be exact?" taas ang kilay na tanong ko. Pinilit kong magtaray kahit medyo kinilig at natuwa ako nang marinig iyon mula sa kanya. "Para maging makatotohanan. Kailangan silang sindakin para hindi na ako lapitan at landiin," sabay tawa niya. I smiled bitterly. "Okay, I get it. Pero hindi mo na kailangan pang magsinungaling para lang idispatsa sila. Maraming paraan para hindi ka na nila landiin pa." Medyo nasaktan ako. Hindi kasi iyon ang inaasahan kong isasagot niya. DEUS As usual, papunta ulit ako sa tapat ng classroom ni Samantha. At bago pa man ako makalapit doon, may mga babaeng humarang na sa daraanan ko. Ang hirap talaga maging gwapo. Palagi na lang may mga babaeng humahabol sayo. Now I know ang palaging pinagdadaanan ni Captain. Hindi ko siya masisisi kung malandi talaga siya dahil may mga babaeng malandi rin. Nakita kong nakatayo lang sa labas ng classroom nila si Samantha. Then, tumingin siya sa direksyon ko at nagtama ang aming mga mata. Ipinarating ko rin sa kanya na kailangan ko ang tulong niya. At mukhang na-gets naman niya kaya sinigawan niya itong mga babaeng nakapalibot sa'kin. Nang makuha ni Samantha ang atensyon nitong mga babaeng ito, agad akong lumapit sa kanya at umakbay. Sinamantala ko na ang pagkakataon habang hindi pa siya pumapalag. "This girl beside me, is my loving girlfriend. Mukha lang siyang ordinaryong babae, pero malakas siya. If you don't want something bad happen to all of you, you better listen on what she said earlier. Don't you dare mess with her," seryosong pahayag ko nang tanungin nila kung sino ang babaeng katabi ko ngayon. And how I wish it was true. Na isang mapagmahal na girlfriend ko si Samantha Nicole. At pagkasabi no'n, nahihintakutang tumakbo palayo ang apat na babae. "Anong pinagsasabi mo sa kanila?" "Pinagsabihan ko lang sila. Well, konting pananakot na rin. At kita mo naman natakot sila, di ba?" "Pero bakit kailangan mo pang sabihin na girlfriend mo ko? A loving girlfriend to be exact?" "Para maging makatotohanan. Kailangan silang sindakin para hindi na ako lapitan at landiin," sabi ko kahit ang gusto kong sabihin sa kanya ay 'Iyon kasi ang matagal ko ng pangarap. Ang maging girlfriend ka.'. Natatakot lang akong umamin dahil baka hindi siya maniwala. "Okay, I get it. Pero hindi mo na kailangan pang magsinungaling para lang idispatsa sila. Maraming paraan para hindi ka na nila landiin pa." At tumalikod na siya. I was taken by surprise. Ramdam ko ang kalamigan sa boses niya. At ang malamig niyang tingin, parang iyon din ang ibinigay niya sa'kin nang unang beses na magkaroon kami ng matinding away at hindi pagkakaunawaan noong elementary pa kami pitong taon na ang nakararaan. "Ui, Samantha. Kausapin mo naman ako. Sorry na," pagkausap ko sa kanya habang sinasabayan siya sa paglalakad. Agad din akong napahinto nang tapunan niya lang ako ng malamig na tingin. Naiwan akong nakatayo hanggang sa makapasok siya sa classroom namin. During lunch time, muli ko siyang hinanap. Nakita ko siya sa canteen at mag-isang kumakain. Agad akong lumapit at naupo sa katapat niyang upuan. "Nicole, sorry na talaga. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Kung ayaw mo talagang malaman ng mga kaklase natin at ng iba pang estudyante ang lihim mong pagtingin sa'kin, fine. Ililihim ko na talaga. Tayong dalawa na lang ang makakaalam no'n." Mas lalo lang yatang napasama 'yung sinabi ko. Sobrang talim ng tingin niya sakin at medyo nakaramdamdam ako ng takot nang makitang mahigpit ang pagkakahawak niya sa bread knife and fork. Para bang anumang oras, kayang-kaya niyang itusok sa'kin ang mga iyon hanggang sa malagutan ako ng hininga. On instinct, napapikit ako at naiharang ang mga kamay ko sa mukha ko nang bigla siyang tumayo dahil baka nga tusukin niya ko nun. Nang wala naman akong naramdaman, nagmulat ako at nakita ko siyang naglalakad na palayo. Hindi pa rin ako sumuko. After class, muli ko siyang sinundan hanggang sa bahay nila. Agad akong humawak sa gate bago pa man niya iyon maisara. "Ayaw mo ba talaga akong kausapin, Samantha Nicole?" Isang malamig na tingin na naman ang ibinigay niya sa'kin at walang anumang sinabi. Mas gugustuhin ko pang makatanggap ng masasakit na salita sa kanya, kaysa tahimik lang siya at iniignora ako. Lalong humigpit ang hawak ko sa gate nila at pinigilan siyang isara iyon. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo 'ko kinakausap at pinapatawad." "Do what you want and I don't care," mariing pahayag niya bago marahas na hinila ang gate pasara at naglakad na papasok ng bahay nila. Gaya nga ng sinabi ko, hindi ako umalis sa tapat ng gate nila. At ilang sandali pa, naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng tubig sa ulunan ko. Pagtingala ko, makulimlim ang kalangitan at tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan. Malungkot akong ngumiti at yumuko. Buti na lang at umuulan kaya naitatago ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Sana natatangay din ng ulan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas. Gabi na at patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi pa rin ako umalis dito sa kinatatayuan ko. Kahit unti-unti na 'kong nakakaramdam ng lamig, hindi pa rin ako natinig. Nakatingin pa rin ako sa bahay nila at umaasang lalabas siya para puntahan ako. Habang tumatagal, lalong sumasama ang pakiramdam ko. Sobrang nahihilo at nilalamig na 'ko. Pero ilang sandali pa, narinig ko ang pagbukas ng gate nila at sa nanlalabong tingin ay inaninag ko ang taong iyon. At natuwa ako nang mapagsino ang babaeng nakatayo sa harap ko ngayon. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Nagpapakamatay ka ba? Umuwi ka na!" Bago pa man ako makapagsalita ay natumba na 'ko. Narinig ko ang pagsigaw at pag-aalala sa boses niya. "Uy, Dervin! Okay ka lang ba? Oo na! Pinapatawad na kita! Iyon naman ang gusto mong marinig, di ba? Bumangon ka na diyan! Huwag kang mamatay dito! Dervin!" Iyan ang mga narinig ko sa kanya bago tuluyang mawalan ng malay.  At ang mga sinabi niyang iyon ang tuluyang nagpagaan at nagpawala ng sakit dito sa puso ko. Nang makabawi, agad kong sinundan si Samantha at hinawakan sa braso. "What's wrong, Nicole? May nasabi ba akong masama?" nag-aalalang tanong ko. Ayoko nang maulit pa ang nangyari noon. Ayoko nang magpaulan at tiisin ang lamig. Ayoko na ulit magkasakit. "Wala. Wala kang sinabing masama. Sabi mo nga, sinabi mo lang na girlfriend mo 'ko para wala ng lumandi sayo. Na-gets ko 'yun. Malinaw kong naintindihan," hindi tumitinging sagot niya. "Galit ka ba?" Lumingon siya sakin. "Hindi ah! Nakangiti pa nga ako, oh," sabay ngiti niya na halata namang pilit lang. "Besides, bakit naman ako magagalit? Ano mo ba ako? Ano ba kita? Ano ba tayo? Friends lang naman tayo, di ba? Wala akong pakialam kung may lumandi sayong mga ahas at linta. At mas lalong wala akong pakialam kung magpalandi ka sa kanila!" Hindi ko napigilang ngumiti. "Nagseselos ka ba?" At halos matawa ako nang nanlaki ang mga mata at namula ang mukha niya. "Ako? Nagseselos? Huh! Bakit naman ako magseselos? Ni wala nga sa kalingkingan ko ang kagandahan ng mga ahas at linta na 'yun. Psh!" defensive na sabi niya bago umirap sa'kin. She's really cute. "Okay, sabi mo eh. By the way, natatandaan mo pa ba ang ipinangako mo sa'kin noon?" pag-iiba ko ng usapan namin. "Huh? Nangako ba ako sa'yo noon? Parang wala akong matandaan." "Oo, nangako ka sa'kin. Sabi mo, ako lang ang lalaking magugustuhan mo kaya hindi ako pwedeng mapunta sa iba." "Hoy, sinungaling ka! FYI lang, ang tanging ipinangako ko sa'yo ay 'yung ikaw lang ang kukuhanan ng camera ko at ang magiging male model ko. Wala akong ipinapangakong ganyan," pagtatama niya, pero namumula pa rin ang mukha niya. "Oh? Akala ko ba wala kang natatandaang ipinangako mo?" I said, teasing her. "Tse! Bwisit ka," sabay irap niya ulit sakin na ikinatawa ko lang. Muli akong sumeryoso. "Tinanong mo 'ko kanina kung ano ba tayo," simula ko na muling ikinalingon niya sakin. "At sabi mo, friends lang tayo. Pero kung ako ang tatanungin mo, gusto ko may 'tayo'," dagdag na sabi ko. "A-ano bang s-sinasabi mo, Dervin?" "Noong magkaklase pa lang tayo sa elementary, sa tingin mo ba ay inaasar at kinukulit lang kita dahil gusto kong nakikitang naiinis ka sa'kin? Sa tingin mo ba ay gwapong epal lang ako noon kaya patuloy akong nagpapapansin sa'yo? Di mo lang alam, pero iyon ang paraan ko para manligaw sa'yo." "What? Panliligaw ang tawag mo do'n?" di-makapaniwalang tanong niya. "Oo. Modernong panliligaw ng mga gwapong tulad ko. Hindi uso sa'kin ang panghaharana, pag-iigib ng tubig, at pagsisibak ng kahoy para lang ligawan ang isang babae. Kaya kung tutuusin, pwedeng-pwede mo na akong sagutin dahil ang tagal ko nang nanliligaw sa'yo." Napanganga na lang siya. I know. Nakakalaglag ng panga talaga ang kagwapuhan ko, mahinang bulong ko sa sarili ko. "I can't believe this," naiiling na sambit niya. "Hoy, Mister! Walang 'tayo' dahil hindi ka pa nanliligaw nang maayos. At kung alam ko lang na nanliligaw ka, noon pa lang ay binasted na kita. Akala mo, mapapasagot mo 'ko sa ganoong paraan ng panliligaw? Mag-isip-isip ka." "Tsk, tsk, tsk," palatak ko. "Kita mo na. Sabi mo walang tayo at ni hindi pa 'ko nanliligaw, pero ano ang narinig ko? Tinatawag mo na agad akong mister mo. Well, 'Misis', hindi naman ako tutol kung iyan ang itawag mo sa'kin. Ang tanong ko lang, kailangan ko pa bang manligaw sa'yo kung ang turingan na natin ay mag-asawa?" nakangising pahayag ko sa kanya. At mas lalong lumapad ang ngisi ko sa naging reaction niya. Nakanganga na naman siya at nanlalaki ang mga mata. Idagdag pang sobrang pula ng mukha niya. I pinched her right cheek. "Anyway, see you around, 'Misis'. Sunduin na lang kita after class," paalam ko at naglakad na palayo sa kanya. Mahirap na dahil baka masuntok pa 'ko at mamura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD