CHAPTER 24: The Quarrel

1122 Words
MILES Hindi maganda ang gising ko ngayong umaga. Medyo masakit ang puson ko because of my period. At kapag ganitong meron ako, mas madaling uminit ang ulo ko. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang mayunknown number na tumatawag sa phone ko. "Hello?" bungad ko sa kabilang linya. "Miles, si Cloud 'to." Ilang sandali rin akong natigilan at hindi agad nakapagsalita. "Are you still there?" "Y-yes. I'm still here. W-where did you get my number?" "Can we talk?"  He didn't answer my question. "We're already talking." "I mean, can we talk personally? I have something to tell you." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang harapin at kausapin. Without thinking and saying anything, I ended the call.  Alam kong hindi ko siya maiiwasan habang-buhay lalona at nasa iisang university na kami pumapasok. Pero, sakako na iisipin kung ano ang dapat kong gawin kapag nagkitaulit kami sa campus. Sinalubong ako nina Max at Sam pagdating ko sa school. Anger, but at the same time, concern were written all over their faces. "Kilala mo na ba kung sino ang new transferee student? It's no other than Cloud Montenegro." "I'm not surprised," simpleng sagot ko kay Sam. "Nagkita na kami kahapon. And he even called me earlier this morning," dugtong ko nang mabasa ang pagtataka sa mukha nila. "That good-for-nothing jerk. Talagang may lakas pa siya ng loob makipagkita at makipag-usap sayo after what he did four years ago," nanggagalaiting sabi naman ni Max. Pumunta sa harap ko si Sam. "What did he say?" Napabuga ako ng hangin. "He wanted to talk to me. Of course, I don't know how to face and talk to him, that's why I'm still avoiding him." "When will you talk to him?" tanong pa niya. "When I'm ready?" hindi rin siguradong sagot ko. "Alam na ba ni Nathan ang tungkol kay Cloud?" tanong ni Max. Umiling ako. "What?! You didn't tell him?" gulat nilang reaksyon. "Actually, nagtanong siya kagabi kung sino ang taong nanakit sa'kin noon. Nabanggit daw kasi sa kanya ni Miller iyon. At ang tanging sinabi ko lang sa kanya ay 'yung first love ko iyon." Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga 'yung dalawa. "When will you tell him?" "What will you do when he finds out?" sabay na tanong nila. "I will think about it when we get there," tanging naisagot ko bago muling naglakad papasok sa first class namin. ~~~~~ "Miles, mag-usap naman tayo oh." Napatigil ako sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa taong nagsalita. Nakatayo si Cloud sa harap ko at diretsong nakatingin sa'kin, nakikiusap ang mga mata niya. Nakaupo kami nina Max at Sam sa student lounge at hinihintay namin ang boyfriend nila pati na rin si Nate nang dumating siya. At bago pa man ako makapagsalita, tumayo na si Max at hinarap si Cloud. "Long time no see, Could Montenegro. And it's not nice seeing you here. At hindi ka pa rin pala nagbabago. Hanggang ngayon ay makapal pa rin ang mukha mo." "I'm just here to talk to her," sagot ni Cloud sabay tingin ulit sa'kin. "And do you think our best friend wants to talk to you?" mataray namang sabat ni Sam. "Look, girls. I'm not here to argue with you. I just wanted to talk and apologize to her." "Wow! Talk and apologize? You hurt our Bhest and broke her heart four years ago. Don't you think it's too late now to apologize after what you've done to her?" Max said mockingly. "Max was right. Kung gusto mo talagang humingi ng tawad kay Bhest, bakit ngayon lang? Dapat noon mo pa ginawa, Cloud." "Guys, stop it!" saway ko sa kanila. "So, it was him?" Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Bahagya akong natigilan nang makita si Nate kasama sina Juice at Deus. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya sa mga oras na ito habang nakatingin siya sa direksyon ni Cloud. Pero, alam kong narinig niya ang mga sinabi nina Max at Sam. Nagsukatan sila ng tingin habang nakatingin lang ako sa kanila. At hindi ko na nagawang lumingon pa sa mga kaibigan namin nang hilahin ako ni Nate paalis sa lugar habang nakatingin lang sa likod niya. ~~~~~ Sa kauna-unahang pagkakataon, sobrang tahimik at walang nagsalita sa'ming dalawa habang nasa biyahe pauwi. Ilang sandali pa, inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Diretso lang siyang nakatingin sa harap. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago tumingin sa direksyon ko. "That guy was your first love?" seryosong tanong niya. I just nodded and didn't say a word. Nagsisimula na ring sumakit ang ulo at puson ko kaya hindi ako sigurado kung wala akong masasabing hindi makakasakit sa kanya. At hangga't maaari, ayokong mabaling sa kanya ang init ng ulo ko. "And he broke your heart?" I still nodded. "That guy was our new classmate," he stated. "I know," I answered, almost a whisper. He frowned. "You know, but you didn't tell me that he was your first love and the same person who broke your heart. I asked you last night." "You just asked who he was and not for his name." "Do I have to be specific in my question?" "If you want specific answer." "Kung hindi ba ako dumating kanina, sasabihin mo sa'kin na siya ang lalaking nanakit sayo?" "Malalaman mo ang sagot kung hindi ka dumating." Hindi ko na maiwasang pilosopohin siya. Hindi ko na rin kasi mapigilan pa ang pag-iinit ng ulo ko lalo na at ang dami niyang tanong. "I don't want your sarcastic answers right now." Ramdam ko sa tinig niyang iyon na parang nagtitimpi narin siya ng init ng ulo. "Then, don't ask." "Ano bang problema mo?" "Ikaw, anong problema mo?" "I'm just asking! Masama na bang malaman kung sino ang lalaking naging bahagi ng buhay mo, ha?! Masama bang malaman kung sino ang lalaking nanakit sa'yo?! At kalabisan din ba kung hihilingin ko pa sa'yong lumayo ka sa kanya?! Na umiwas ka sa kanya?!" "Sino ka para sabihin sakin ang mga 'yan?! Sino ka para hilinging lumayo ako sa kanya?! Na umiwas sa kanya where in the first place, siya naman ang lumalapit sa'kin?! You're not even my boyfriend!" Hindi ko na rin napigilang sumigaw. At doon ko lang na-realize ang mga salitang lumabas sa bibig ko at huli na para bawiin ko pa ang mga iyon. Nakita ko ang lungkot at sakit na gumuhit sa kanyang mga mata. At ilang sandali pa, napalitan iyon ng malamig na tingin.  "Yeah, you're right. Sino nga ba ako? Isang manliligaw lang naman ako," he said coldly. At pagkasabi no'n, pinaandar na niya ulit ang kotse. I wanted to say sorry. I wanted to say that I didn't mean what I said earlier at dala lamang iyon ng mood swings ko. Pero, alam kong hindi siya maniniwala. Nang maihatid at maibaba niya ko sa'min, pinaharurot niya agad ang sasakyan at hindi na nagpaalam pa. Malungkot akong ngumiti. Napahawak rin ako sa tapat ng puso ko at hindi namalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil nasaktan ko si Nate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD