NATHAN
Wala ako sa mood um-attend ng klase kaya naman nandito lang ako sa gym at naglalabas ng sama ng loob sa gitna ng court. At nakakainis lang dahil hindi ako makapag-shoot ng bola sa ring.
"Anong meron?"
"Ewan. Kanina pa parang wala sa sarili si Captain eh."
"Mukhang badtrip na badtrip siya, ah?"
"Sinabi mo pa. Kanina pa ring sablay ang mga tira niya."
"Ano kayang ipinagkakaganyan ni Captain?"
"Mukhang problemado siya. Pero, ano namang poproblemahin niya? Siya kaya ang kadalasang pinoproblema natin lalo na ng mga kababaihan dito."
"At imposibleng problemahin ni Captain ang kayabangan niya. He's used to it."
"And living with it."
"Hayaan na lang muna natin siya."
Hindi ko pinansin ang mga usapan ng mga gago kong kaibigan. May problema ako sa puso kaya wala akong ganang patulan ang mga kagaguhan at katangahan nila.
"Damn that ring!" naiinis na sigaw ko nang muli na namang tumama sa gilid ng ring ang inihagis kong bola. Mas lalong nag-init ang ulo ko nang marinig ang hagalpak na tawa ng mga gago habang nakaupo sa bleachers. Sinamaan ko sila ng tingin.
"Captain, tanga lang?" sabay tawa ulit ni Cyprus habang nakahawak pa sa tiyan.
"Talagang 'yung ring pa ang sinisi? Pauso ka, Captain!" segunda naman ni Aaron.
"Pagsabihan mo 'yang best friend mo, Gagong Juice ha? Por que mukhang problemado lang sa babae, natatanga na," sabi naman ni Leonne na may pagpalo pa sa balikat ni Juice at muling humagalpak sa tawa. Nice. Wagas lang makatawa ang gago, sarkastikong bulong ko sa sarili ko.
"Binasted ka na ba, Captain? Sinabi na naman kasi namin sa'yo noong una pa lang, hindi effective ang paraan ng panliligaw mo sa kanya. Kung ang ibang babae ay nadadaan mo sa kayabangan mo, aba! Ibahin mo si Miles. Iyan ang ikaka-turn off niya sa'yo."
Naikuyom ko ang kamao ko nang banggitin ni Nic ang pangalan ng babaeng naging dahilan ng pagka-bad mood ko ngayong araw.
"Maniwala ka sa gagong 'to, Captain." Binalingan ko ng tingin si Jaiden na may pagturo pa kay Nic. "Kilala mo naman siya, di ba? Dakilang babaero 'yan. Hindi niya ginagamit ang kayabangan at kagaguhan niya sa mga babae. Mas umiiral ang kalandian ng hayop na 'yan."
"Kaya kung kami sa'yo, huwag mong paiiralin 'yang kayabangan mo, ha?" narinig kong sabi ni Kent, tapos parang napaisip siya. "Pero, di nga, Captain? Anong nangyayari sa'yo? Talagang binasted ka na ni Miles?"
"Manahimik!" pagsaway ni Juice. "Ganyan ba talaga kayo kagago, ha? Nagpapakita na nga ng katangahan si Captain, dadagdag pa kayo? Tsk."
"Oo nga. Do you really have to ask the obvious, guys? Be sensitive naman. May kinalaman ba yung nangyari kahapon kaya ka nagkakaganyan ngayon, Captain?"
I glared at Deus. "And do you really have the guts to ask that question, huh? Fifty laps to all of you," mariing pahayag ko sa kanila.
"Aba naman, Captain. Personalan? Huwag gano'n. Concerned na nga kami sa'yo, eh," pagrereklamo ni Cyprus.
"Hindi ko 'yan kailangan. Sixty laps to all of you."
"Mukhang binasted ka nga talaga, ah? Huwag mo sa'ming ibunton ang init ng ulo mo, Captain."
Tumingin naman ako kay Leonne. "Make it seventy laps."
Nawala ang ngisi sa kanilang mga mukha. "Seryoso ka diyan, Captain?" parang di-makapaniwalang tanong pa nila.
"Isa pang tanong at reklamo n'yo, gagawin ko ng one hundred laps 'yan."
"Sige. Magtanong at magreklamo pa kayo. Basta ako, tatakbo na." Tumayo na nga si Dave at nagsimulang tumakbo sa court.
"Wala ka talagang pakisama, Dave!" sigaw nung walo bago sumunod na rin sa pagtakbo.
Umalis ako sa court at umupo sa bleachers kung saannaroon ang gamit ko. Uminom ako ng tubig at pinanood ang pagtakbo ng mga gago.
"Ano bang problema mo?"
"Ikaw? Anong problema mo?"
"I'm just asking! Masama na bang malaman kung sino ang lalaking naging bahagi ng buhay mo, ha?! Masama bang malaman kung sino ang lalaking nanakit sayo?! At kalabisan din ba kung hihilingin ko pa sayong lumayo ka sa kanya?! Na umiwas ka sa kanya?!"
"Sino ka para sabihin sakin ang mga 'yan?! Sino ka para hilinging lumayo ako sa kanya?! Na umiwas sa kanya where in the first place, siya naman ang lumalapit sa'kin?! You're not even my boyfriend!"
Mapait akong ngumiti nang maalala ko ang huling pag-uusap naming iyon ni Mine two days ago. Hanggang tanaw lang sa malayo ang ginagawa ko kay Mine nitong mga nakaraang araw. At ang mas lalong nagpapawala ng mood ko para lapitan siya ay ang patuloy na paglapit sa kanya at pakikipag-usap ng sinasabing first love kuno niya na bagong kaklase namin. Huwag niyo ng itanong sa'kin kung sino 'yon dahil tinanggal ko na sa bokabularyo ko ang pangalan ng siraulong 'yun. Don't make me say his ugly name. Tsk.
I admit, gusto kong lapitan si Mine at ilayo sa taong nanakit sa kanya. Pero kapag bumabalik sa'kin ang mga salitang binitiwan niya na hindi niya 'ko boyfriend, hindi ko na magawang ihakbang pa ang mga paa ko. That truth was holding me back. Sino nga ba naman ako? Isang gwapong manliligaw lang naman niya 'ko kaya wala akong karapatan para pigilan siya. And the fact na nalaman ko rin na iyon ang first love niya, mas lalo lang akong na-bad vibes sa lalaking 'yun. The hell I care kung magsama at mag-usap pa sila ng first love niya magdamag. Tsk, naiinis na bulong ko sa sarili ko.
Napabuntong-hininga ako. Medyo nagulat ako nang makitang nakatayo na sa harap ko ang mga gago at matamang nakatingin sa'kin. "What? Tapos na agad kayong tumakbo?"
Umupo sila sa bleachers. "Ganyan ba kalaki angproblema mo, Captain para hindi mo mamalayan ang orasat ang matagal naming pagtakbo?" takang tanong ni Jaiden habang nagpupunas ng pawis niya.
"Pati nga 'kamo paglapit natin sa kanya, mukhang hindi niya namalayan," pahayag naman ni Kent sabay inom sa bottled water niya.
Napatingin ako sa direksyon ni Juice nang tawagin niya 'ko. "May nangyari bang hindi maganda sa inyo ni Miles? Para kasing hindi kayo nagpapansinan nitong nakalipas na dalawang araw eh."
"Oo nga. Ano na nga bang nangyari sa inyo ni Miles noong hilahin mo siya habang kausap niya 'yung transferee student?" pagsang-ayon ni Deus.
I sighed again. "Nagkasagutan kami."
"Anong problema do'n, Captain? Natural lang na magkasagutan kayo dahil nagtatanungan naman kayo, di ba?" tumatawang pagjo-joke ni Leonne. But, I didn't find his joke funny today.
At isang tao lang din ang nag-react sasinabi niya. "Harhar."
"Damn you, Dave," naiinis na mura ni Leonne dito.
"What exactly happened, Captain?" tanong ni Aaron.
"Teka. May kinalaman ba si transferee student that happened to be our classmate, that also happened to be Miles' heartbreak four years ago?" kunot-noong tanong niJuice.
I glared at him. "Kailangang ipaalala mo pa sa'kin 'yan?"
"What? 'Yung usap-usapan ngayon sa buong campus na transferee student na si Cloud Montenegro ay ang lalaking nanakit kay Miles?!" gulat na reaction ng mga gago, well, except for Deus since naroon naman sila ni Juice nang marinig namin 'yon mula kina Max at Sam.
At sila naman ang sinamaan ko ng tingin. "Kelangan banggitin sa harap ko ang pangalan ng lalaking first love ni Mine?"
"What?! First love din siya ni Miles?!" mas lalong gulat na reaction nilang lahat.
"Don't make me repeat what I said. Tsk."
"Cloud Montenegro, the new transferee student and your new classmate, that also happened to be Miles' first love and heartbreak. Nice revelation, Captain."
Sobrang talim ng tingin ang ipinukol ko kay Dave. Pero ang gagong hinayupak, hindi man lang natinag at nakuha pang ngumisi sa'kin nang nakakaloko.
"O tapos, Captain? Out of the picture na ba ang pinaniniwalaang kagwapuhan mo?" pang-aasar naman niCyprus.
"Binasted ka na ba ni Miles dahil babalik na siya sa first love niya? Sabi nga nila, love is sweeter for the second time around," tumatawang pahayag naman ni Nic.
Good thing at malapit silang dalawa sakin kaya nagawakong batukan. Ginagatungan pa nila ang inis at selos nanararamdaman ko eh. Tsk.
"Of course not! May LQ lang kami ni Mine. May konting misunderstanding lang kami but, it doesn't mean na mawawala na 'ko sa buhay niya at babalik siya sa gagong nang-iwan at nanakit sa kanya. I will not allow that to happen!" determinadong sabi ko.
"LQ daw oh. Ni hindi pa nga sila ni Miles eh." Narinig kong komento ni Jaiden.
"At konting misunderstanding din daw? Huh! Kung konti lang 'yun, bakit dalawang araw na silang hindi nagkikibuan at nag-uusap?" dugtong naman ni Kent habang nakatingin kay Leonne, na sumagot naman.
"Sus.Naniwala ka naman kay Captain? Eh may pagka-assumero rin naman 'yan, di ba? Baka akala lang niya hindi pa siya bina-basted ni Miles, pero ang totoo no'n, naisampal na sa kanya ang tumataginting nitong hindi at itigil na ang panliligaw niya."
Tumango-tango naman si Aaron. "Pwede. Hindi lang siguro matanggap ni Captain kaya itutuloy niya pa rin ang panliligaw niya kahit magmukha na siyang third wheel kina Miles at sa sinasabing Cloud na 'yan."
Pinulot ko ang bottled water nina Nic at Cyprus at ibinato ko kina Leonne at Aaron. Mga tarantado ang mga hinayupak. Gagawa na nga lang sila ng kwento, iyon pang ako ang magmumukhang kawawa at kontrabida. Sa gwapo kong 'to? Kakawawain at gagawing kontrabida? Tsk.
"Sandali lang, Captain. Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Miles noong araw na 'yun? Paano kayo nagkasagutan? Ganoon ba katindi ang pinag-awayan ninyo para hindi na kayo magpansinan?" balik-tanong ni Deus.
At ikinuwento ko sa kanila ang nangyaring pagkakasagutan at pagsisigawan namin, na nauwi sa masasakit na salitang binitiwan sa'kin ni Mine. Mataman lang silang nakinig sa'kin. At maya-maya pa nang matapos kong idetalye ang nangyari, si Dave ang unang nagsalita.
"Walang masama sa sinabi ni Miles dahil totoo naman ang sinabi niya, Captain. Hindi ka niya boyfriend. At lalong wala kayong relasyon."
The way he said it, para bang nakita ko ulit sa isip ko na si Mine ang nagsabi no'n. At muli, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
"Eh anong ibig sabihin ng relasyon nila ngayon, ha? Nanliligaw siya, di ba? Anong tawag do'n? Landian lang, ganun ba?" salubong ang kilay na tanong ni Juice.
"Pseudo-relationship."
At napatingin kaming lahat sa sinabing iyon ni Nic.
"Pseudo means false. It means, parang kayo, pero hindi. You just treat each other in a special way. Walang sinasagot. Hindi ka sure sa role mo sa buhay nya. You can't expect her to be always there for you. You can't demand, you can't be jealous. There's no us, just you and me. In short, more than friends, but less than lovers. Iyon ang relasyon nina Captain at Miles," he explained.
"Ouch," sabay-sabay na sambit nila.
"Dami mong alam. Tsk," tanging nasambit ko sabay iwas ng tingin sa kanila.
"Anong plano mo ngayon, Captain? Titigil ka na ba sa panliligaw kay Miles?" Narinig kong tanong ni Cyprus na agad kong ikinalingon sa kanya.
"Of course not! Sinong may sabi na titigil ako sa panliligaw? Hindi por que bumalik ang first love ni Mine ay lalayo na rin ako. Ano siya, sinuswerte? Hindi dapat mapunta si Mine sa taong nanakit sa kanya. Doon dapat siya sa gwapo at sweet!"
"At sarili mo ang tinutukoy mo diyan, Captain?" wika niDeus.
"May iba pa ba akong dapat tukuyin, ha? Malalandi kayo at hindi sweet."
"Wow, ha? Parang hindi ka lumandi, Captain ah?" sarkastikong sabi ni Jaiden.
"At nagseselos ka na sa lagay na 'yan, ha? Nakukuha mo pang magyabang eh. Tsk," Aaron commented.
"Alam mo, Captain? Kaysa nagyayabang ka rito sa'min at naglalabas ng sama ng loob at selos sa pamamagitan nang pagshu-shoot ng bola na hindi naman pumapasok sa ring, puntahan mo na si Miles at mag-usap kayo."
"Tama si gagong Leonne, Captain. Kaysa tumunganga ka rito na parang tanga, lapitan mo na siya at kausapin. Baka sa kakaiwas mo at kakatanaw lang sa kanya sa malayo ay makuha ulit siya nang sinasabi mong first love and first heartbreak niyang si Cloud Montenegro," pagtataboy naman sa'kin ni Kent.
"At pasagutin mo muna si Miles, Captain. Nang sa gano'n, may karapatan ka na para sabihin mong lumayo at umiwas siya sa lalaking nanakit sa kanya."
Medyo napangisi ako sa payong iyon ni Dave. Kahit papaano pala, may sinasabi ring matino ang gagong 'yan.
"At sana bastedin ka ni Miles. Nang sa gano'n, makita namin ang pagdurusa at paghihinagpis mo."
"Shut up, Dave. It won't happen and I will not allow that to happen," mariing pahayag ko na ikinatawa pa nilang lahat. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Nakalimutan ko yata ang motto nila na 'Once a gago, Always a gago'. Tsk.