MILES
Tahimik at nakatingin lang ako sa labas habang nasa biyahe pauwi. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita kami ni Cloud kanina. Nang sinabi niyang gusto niya 'kong makausap, agad akong tumanggi at mabilis na umalis.
Buti na nga lang at hindi na siya humabol pa. It's been four years the last time I saw him. At hindi pa naging maganda ang huli naming pag-uusap noon.
Hinihintay namin nina Max at Sam si Cloud. Kakatapos lang ng basketball game at kasalukuyang nasa locker room ang mga players.
"Ang tagal naman ni Cloud mo, Bhest," narinig kong sabi niSam.
"He's not my Cloud." Yet, mahinang dugtong ko sa isip ko.
"Hays! Kelan mo ba kasi siya balak sagutin para maging sayo na 'yang Cloud mo?"
"Malapit na siguro. Sa ngayon kasi, nag-e-enjoy pa rin ako sa kung anong meron kami at hindi naman ako nagmamadali," nakangiting sagot ko kay Max. At inaamin ko, medyo nakakaramdam ako ng kilig sa tuwing sasabihin nila na sa akin si Cloud. Pero, ayokong tawagin siyang 'Cloud ko' hangga't hindi pakami.
Max rolled her eyes. "Baka kaka-enjoy mo diyan sa ligawan n'yo, hindi mo namamalayan na nasulot na siya ng isang malanding babae diyan. Alam mo naman dito sa school natin, nagkalat ang mga haliparot at ahas. And the best example na diyan ay si Charlotte-haliparot. Head over heels ang kalandian ng isang 'yon sa Cloud mo eh. Tsk."
"Tama si Max, Bhest. Kung puntahan mo na kaya sa locker niya? Napansin ko rin kanina na agad na sumunod si Charlotte sa mga players nang mag-alisan sila after the game."
Buhat sa sinabi ni Sam, medyo nakaramdam ako ng takot. Kahit na sinabi na sa'kin ni Cloud na ako ang gusto niya at wala siyang nararamdaman para kay Charlotte, iba pa rin kapag nilandi na siya ng babaeng 'yon. Eksperto sa Flirt department ang isang iyon kaya nga maraming magkasintahan dito sa school ang nagkakahiwalay. Ginagawa niya ang lahat ng alam niyang kalandian para makuha ang mga lalaking nagugustuhan niya. At nagpapadala naman sa tukso ang mga lalaking iyon.
Tumayo ako at nagpaalam sa kanilang dalawa. Mas mabuti pa ngang puntahan ko na si Cloud dahil baka kung anong panlalandi pa ang gawin nito sa kanya. May tiwala naman ako sa kanya na hindi siya basta-basta magpapadala rito.
Pero, hindi ko akalain na masisira rin pala ang tiwala kong iyon.
Napahinto ako sa paglalakad nang makitang may dalawangtaong naghahalikan sa labas ng locker ng mga basketball players. 'Yung likod ng babae ang nakikita ko sa direksyon ko at mukhangalam ko na kung sino ang nagmamay-ari niyon.
Bahagyang humiwalay si Charlotte at doon ko lang nakita kung sino ang lalaking kahalikan niya na nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko.
"Kiss me, Cloud," narinig kong sabi ni Charlotte sa malanding tinig. Ang sumunod na eksena ang tuluyang nakapagpamanhid sa buong katawan ko. Parang may mga karayom na tumutusok sa puso ko.
Cloud responded to her kisses. Umikot siya kaya naman likod na niya ngayon ang nakikita ko at si Charlotte naman ang nakasandal sa pader habang patuloy silang naghahalikan.
Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanila at ihakbang ang mga paa ko palayo. Tumingin sa direksyon ko si Charlotte at parang nang-aasar pa ang paraan nang pagkakatingin niya sa'kin.
"Looks like we have audience here," sabi nito sabay ngisi nang nakakaloko.
Agad na lumingon sa direksyon ko si Cloud. Kitang-kita ko ang pagkagulat at paninigas ng katawan niya. "M-Miles."
I tried my best to act as if it was just nothing, even though it really affected me. I tried to look at them as if it was not a big deal for me, even though it was. I tried my best not to cry, even though it was really heartbreaking. I won't cry in front of Charlotte. Never.
"Pasensiya na kung nakaistorbo ako sa inyo. Paalis na rin naman ako kaya maaari n'yo nang ipagpatuloy ang kung anumang ginagawa ninyo," walang bahid ng anumang emosyon na sabi ko sa kanya bago tumalikod. At nagpapasalamat din ako dahil hindi ako nautal sa harap nila.
"Miles, wait!" narinig kong tawag ni Cloud pero, hindi ko na lang siya pinansin at nagtuluy-tuloy lang sa paglalakad. "Miles, let me explain." Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa braso ko and the next thing I knew, dumapo na ang kamay ko sa pisngi niya.
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya bago niya hinawakan iyon. "Well, I think I deserved that."
Marahas kong pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Hindi ko na napigilan pang ilabas ang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman ko ngayon. "You don't need to explain, Cloud. What I saw earlier, that already explains everything."
"I-It's just a mistake."
"You want my answer, right? It's a no. So, you can stop courting me and continue your flirting with that girl as if I care now," mariing pahayag ko sa kanya at hindi pinansin ang sinabi niya.
Malungkot siyang ngumiti. And I don't know if it was pain that I saw in his eyes. "That's it? Dahil lang sa isang pagkakamali ko, ipagtatabuyan mo na 'ko? Hindi ko ba pwedeng itama muna ang pagkakamaling iyon bago mo 'ko husgahan nang ganyan?"
"Ang isang pagkakamali ay maaaring maulit muli. Hindi pa man tayo, nagpapatukso ka na. Paano pa kaya kung naging tayo na?" sumbat ko sa kanya bago mapait na ngumiti. "Akala ko, iba ka sa ibang lalaki. Akala ko, kilala na kita. At akala ko, ikaw na. Akala ko lang pala talaga ang lahat ng iyon. Sinira mo ang tiwalang ibinigay ko sa'yo. At iyon ang masakit sa'kin, Cloud. Sobrang sakit dito," umiiyak na sabi ko sabay turo sa tapat ng puso ko.
Yumuko lang siya at walang sinabi. Muli kong pinunasan ang luha ko at saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Sabi nila, everybody deserves a second chance. Kaya ba sinasayang ng ibang tao 'yung first chance nila dahil sa second chance na 'yan?" Iasked bitterly. "Minsan lang ako magbigay ng second chance, Cloud. At iyon ay sa taong sa tingin ko ay karapat-dapat."
He looked at me.
"But sorry. You don't deserve that second chance." Then, I left him.
After that incident, Cloud and I avoided each other. Medyo hindi na rin ako naglalapit sa ibang lalaki. At halos isumpa na nga nina Max at Sam si Cloud nang malaman nila ang nangyari sa'min. Pero syempre, mas galit na galit sila sa malanding si Charlotte. Sagad daw talaga sa kakatihan ang babaeng iyon.
Sinabi ko na lang sa kanila na hayaan na lang ang nangyari at mag-move on na. Kahit hindi sila magtanong, alam nila na nasasaktan ako. Of course, I'm hurt. Cloud is my first love, after all.
Naputol ang pagbabalik-tanaw ko nang mapansing nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. "N-nandito na pala tayo," sambit ko sabay tingin kay Nate. Medyo natigilan ako nang makitang mataman at seryoso siyang nakatingin sa'kin. "M-may problema ba?" tanong ko nang makaramdam ako ng pagkailang sa paraan nang pagtitig niya.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan. May problema ba, Mine? You're not in your usual self today. Ni hindi mo nga namalayan na limang minuto na tayong nakahinto sa tapat ng bahay ninyo."
Pilit akong ngumiti. "Okay lang ako."
Mataman pa rin siyang tumingin sa'kin bago nagsalita. "Let's talk." At pagkasabi no'n ay lumabas siya ng kotse.
I heaved a deep sigh before I get out of the car. Umupo siya sa bumper ng kotse at tumabi naman ako. Ilang minuto rin kaming tahimik lang at nakatingin sa harap.
"May new classmate kami. Lalaki. Hindi ko matandaan ang pangalan kasi hindi naman kagwapuhan," basag niya sa katahimikan.
Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Talagang hindi lilipas ang isang buong araw na hindi ko maririnig ang kayabangan niya.
"Narinig kong sabi ng lalaking 'yun, may hinahanap siyang babae kaya siya lumipat ng school. Hindi daw kasi naging maganda ang paghihiwalay nila. Hindi ako chismoso, ha? Narinig ko lang talaga nang interview-hin siya ng ilan naming kaklaseng babae. Ang gwapo ko kaya para maging chismoso lang," sabay tawa niya.
Unti-unting napalis ang ngiti ko sa sinabi niyang iyon. Come to think of it, nakita ko rin kanina si Cloud. Hindi kaya ito talaga ang new transferee at classmate pa ni Nate? It's possible, dahil wala na naman akong ibang maisip na dahilan para makita ko sa school si Cloud eh.
Kung doon na ito pumapasok, imposible na 'kong makaiwas ulit. Magkikita pa rin kami sa campus anumang oras at araw.
Alam ko sa sarili ko na wala na 'kong nararamdaman sa kanya. Pero, iba pa rin 'yung pakiramdam na makita mo 'yung first love mo sa hindi inaasahang pagkakataon, di ba?
Nabalik ang atensyon ko kay Nate nang marinig ang malakas niyang pagtikhim. "What?" tanong ko sa kanya. 'Yung tingin niya sa'kin, para bang may gusto siyang itanong at sabihin. Ganyan din 'yung tingin na ibinigay niya sa'kin nang pauwi na siya noong magkasakit ako.
"Mine, matagal ko na rin sana itong gustong itanong sa'yo kaya lang, natatakot ako dahil baka hindi mo sagutin eh. At ngayon nga, hindi ko na kaya pang itago na lang sa sarili ko. Gusto kong malaman mula sa'yo."
"Ano ba 'yon?"
Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago muling nagsalita. "Miller said that someone hurt you. I just wanted to ask who could be the jerk that broke your heart."
Few minutes of silence.
"It's okay kung ayaw mong sabihin sa'kin ngayon. Kung hindi ka pa handang sabihin---"
"My first love. That guy was my first love," sagot ko sa kanya.
Tahimik lang siya at matamang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. "Sino siya?" he asked.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at hindi agad sumagot. Or should I say, hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niyang iyon. Paano ko sasabihin sa kanya na si Cloud ang lalaking 'yon? Paano ko sasabihin lalo na at may posibilidad na ito nga ang bagong kaklase nila? Paano ko sasabihin iyon nang hindi siya nasasaktan?
Kelan mo pa sasabihin? And what would be the difference kung ngayon o sa ibang araw mo sasabihin sa kanya kung masasaktan mo pa rin siya?
Tumingin ako kay Nate at pilit na ngumiti. "Nasagot ko na, di ba? Besides, it was already in the past, Nate. I don't think it's fair to you if we talk about him," I said, ignoring my conscience.
Nakahinga ako nang maluwag nang tumango siya athindi na nagtanong pa. Pero sabi nga, walang lihim na hindi nabubunyag at may tao ka pa ring hindi maiiwasang masaktan.