MILES
Nakahiga ako sa kama at iniisip ang mga nangyari kanina sa school. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari. Parang kailan lang, nagbabangayan at nagkakasagutan pa kami ni Nate. At hindi pa rin ganun katagal nang magsimula kaming maging magkaibigan. Tapos ngayon, liligawan daw niya 'ko?
At kanina rin, sinundo niya 'ko at inihatid pauwi. I asked him some questions that still confusing me.
"Nandito na tayo sa bahay ninyo.""A-anong drama n'yo kanina?" tanong ko bago pa man ako bumaba sa kotse niya.
"Mine, hindi drama 'yon. Kumanta at sumayaw kami."
"Bakit ninyo nga ginawa 'yon?"
"Nasabi ko na, di ba? Liligawan nga kita."
"Bakit?"
"Anong bakit? Bakit ba nililigawan ng isang lalaki ang isang babae?"
"That's why you tell me. Ikaw ang lalaki at nanliligaw diyan eh."
"I like you."
Hindi agad ako nakapagsalita sa direkta niyang sagot. At mukhang hindi naman siya nagbibiro nang sabihin ang tatlong salitang iyon. Nakikita at nababasa ko sa mga mata niya na seryoso siya.
"Bakit ako?" maya-maya ay tanong ko sa kanya.
"Bakit hindi ikaw?" he answered back.
"I'm just an ordinary student. And to be more specific, a poorstudent. Ibang-iba ako sa mga babaeng nakakasalamuha mo---"
"That's why I like you. You're really different from all the girls I know," pagputol niya sa sinasabi ko. "And you're Miss Number 1, the top student in our campus. So, don't you ever think that you're just an ordinary student because definitely, you're not," he continued, then smiled. "Alam mo ba ang ipinagkaiba mo sa mga babaeng nakilala at nakasama ko?"
"Let me guess. Mas mayaman sila sa'kin?"
He nodded. "Ano pa?"
"Hmmm. Mas maarte sila kaysa sa'kin."
"At sweet sila."
Sumimangot ako. "Baka malandi ang ibig mong sabihin. Psh!" sabay irap ko sa kanya at tumingin sa labas.
Tumawa lang siya tapos ilang sandali pa, naramdaman kong hinawakan niya ang isang kamay ko na bahagya kong ikinagulat. Naramdaman ko ang pamilyar na kuryenteng nararamdaman ko noon kapag nagdidikit ang mga balat namin.
I looked at him. Dinala niya ang kamay ko sa dibdib niya at ipinatong doon. Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso niya. Just same with mine.
Ngumiti siya at matamang tumitig sa mga mata ko. "Ito ang pinagkaiba mo sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. Sa'yo lang tumitibok nang ganito kabilis at kalakas ang puso ko."
Halos magwala at parang lalabas na ang puso ko dito sa dibdib ko dahil sa sinabing iyon ni Nate. Idagdag pa ang nakakatunaw at nakakalunod niyang titig sa'kin.Hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko, walang lalabas na salita kundi malakas na tili lang kapag ibinuka ko ang bibig ko.
"Mine, madali akong makuha sa tingin. Baka hindi pa natatapos ang araw na ito, sinagot na kita dahil napa-oo mo na agad ako."
Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya. "Umuwi ka na at magpahinga, Nate. Nagha-hallucinate ka na naman," sabi ko sabay labas sa kotse niya. See? Panira talaga siya ng kilig. Psh!
Muli kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko. Napapikit at napahigpit ang yakap ko sa unan at ibinaon ang ulo ko doon para pigilan ang pag-alpas ng tili ko.
Oo, para akong sira. Pero, anong magagawa ko? Kinikilig talaga ako kapag naaalala ko 'yon, maliban sa huling hirit niya na may kasamang yabang. Ngayon lang ulit ako kinilig nang ganito after high school.
Agad akong napamulat nang maalala ko iyon. Hindi ko rin naiwasang isipin ang taong minsan naging parte ng buhay ko. 'Yung unang lalaking nagparamdam sa'kin ng saya at kilig, but at the same time, ng lungkot at sakit.
Napabuntong-hininga ako at ipinilig ang ulo. Hindi ko na siya dapat isipin pa. I already moved on. And besides, alam kong magkaiba silang dalawa.
~~~~~
It's been a week since nagsimulang manligaw sa'kin si Nate. At medyo nasasanay na 'ko sa pag-irap at matatalim na titig sa'kin ng mga estudyante dito sa campus. Lalong dumami iyon nang maglabas pa ng article si Max regarding sa 'courtship stage' kuno namin. Well, hindi naman ako masyadong nababagabag dahil hanggang masasamang titig lang naman sila. Hindi nila ako sinasaktan. Siguro talagang hindi pa nila matanggap na may nililigawan at sineseryosong babae na ang tinagurian nilang pinakamayabang at pinakamalanding lalaki sa campus.
At sa loob ng isang linggo na 'yon, nabalitaan na lang namin na sina Max at Juice na pala. And the day after Max and Juice announced their relationship, sumunod naman sina Sam at Deus. They announced that they were now a couple officially. And I'm happy for them. Alam ko namang mamahalin nina Juice at Deus ang dalawa kong best friends. Sila lang ang sa tingin kong makakatagal at makakaintindi sa dalawang iyon.
Kami ni Nate? Okay naman. Nasa courtship stage pa rin. Hindi naman kami nagmamadali, eh. Pareho kaming nag-e-enjoy sa level of closeness namin ngayon. Medyo nasasanay na rin ako sa biglaan niyang pagpapakilig, then babanatan niya ng kayabangan. It's in his nature and I can't do anything about it.
At ito pa ang balita. May new transferee student na naman sa university. Kamakailan lang ay si Deus ang nadagdag sa Engineering department at madadagdagan na naman sila. Hindi pa lang sigurado kung babae o lalaki ba ang bagong estudyante.
Nagsalubong ang kilay ko at bahagyang napahinto nang may matanaw akong parang pamilyar na mukha. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa lumiko at pumasok sa Engineering department building.
Naipilig ko na lang ang ulo ko bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa building namin. Hindi naman siguro ang taong 'yon ang nakita ko. Baka nagkakamali lang ako, mahinang bulong ko sa isip ko.
"Lalaki daw ang new transferee student," pagkumpirma ni Max sa kumakalat na balitang iyon.
"Okay," tipid lang na sagot ko bago umupo sa upuan ko.
"At ang balita pa, babae raw ang dahilan nang paglipat nito sa university. Dito rin daw kasi pumapasok iyon."
Bahagya akong napangiti sa tinuran ni Sam at makahulugang tumingin sa kanya. "Like your Deus?"
Halos matawa kami ni Max nang mamula si Sam. Inlove nga talaga siya.
"Change topic tayo. Kumusta naman kayo ni Nathan, Bhest?"
"We're okay," sagot ko kay Max.
"Kailan mo siya balak sagutin?" tanong naman ni Sam.
"When the right time comes. Sa ngayon kasi, nag-e-enjoy pa kami pareho sa company ng isa't-isa. No pressure."
Sam raised her eyebrow. "At kelan naman ang tamang panahon na 'yan?"
"Bakit mo pa ba pinatatagal ang panliligaw ni Nathan kung sasagutin mo rin naman siya? Baka kakahintay mo sa tamang panahon na iyan, may dumating pang aberya sa inyong dalawa, ha? Dami pa namang babaeng may pagnanasa diyan sa manliligaw mo. At mamaya niyan, sulutin sa'yo ng isang malanding babae si Nathan gaya nang nangyari noong high school---"
"Maxene Lalaine Fortalejo," mariing pagtawag ni Sam na ikinahinto naman nito sa pagsasalita.
Alanganing ngumiti si Max sabay peace sign sa'kin."Sorry, Bhest."
"It's okay. Don't worry. Wala na sa'kin 'yun dahil matagal na ring nangyari iyon," sabay ngiti ko sa kanilang dalawa.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa club office namin para tapusin ang isang report. Nang matapos, t-in-ext ko si Nate para sabihing palabas na 'ko ng building. Nate insisted na hihintayin niya 'ko pauwi kaya naman wala na rin akong nagawa kundi pumayag. At ngayon nga, naroon siya sa parking lot ng university at hinihintay ako.
Nang maiayos ko na ang mga gamit ko, pinatay ko na 'yung ilaw. Bahagya pa 'kong nagulat nang sa paglabas ko ay may lalaking nakasandal at nakapamulsa sa tapat ng pinto. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ang lalaki.
Umayos siya ng tayo at bahagyang ngumiti sa'kin. "Hi, Miles. Kumusta? Long time no see."
Natitigilang nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko magawang magsalita. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa muli naming pagkikita. Hindi ko ine-expect na dito ko pa siya makikita.
Anong ginagawa niya rito? Bakit nandito siya sa school? Siya ba ang new transferee student? sunud-sunod na tanong ko sa isip ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya.