NATHAN
It's Friday morning at nandito ako ngayon sa student lounge at hinihintay si Juice. Paimportante ang gago. Ang dami tuloy nakakasilay sa kagwapuhan ko.
"Hi, Nathan!"
"Hello," ganting bati ko. Ilan lang sila sa mga babaeng bumabati sakin dito.
"Hello, Nathan. Lalo kang gumugwapo, ah?"
I smiled gorgeously. At mukhang kilig na kilig na sila bago lumagpas sakin.
Napabuntong-hininga na lang ako. Ang hirap talagang maging guwapo. Hays!
Iginala ko ang aking paningin, nagbabaka-sakaling paparating na ang gagong hinihintay ko. At ayun siya! Napangiti ako nang makita ko siyang nakaupo sa isa sa mga tables and chairs na medyo malapit lang sa kinauupuan ko.
Don't get me wrong, ha? Hindi si Juice ang nakita kong nakaupo, kundi si Miss Number 1 na abala sa pagbabasa ng makapal na libro. Kaya lalong tumatalino eh, naiiling na sambit ko sa sarili ko.
Nagsalubong ang kilay ko nang may biglang lumapit na lalaki sa pwesto niya. And he was no other than Lyd Espino. Kung mayabang ako, mas mayabang siya. At kung gwapo siya, di hamak na mas gwapo naman ako.
Halos matawa ako nang makitang hindi man lang tinatapunan ng tingin ni Miss Number 1 si Lyd. Mukhang hindi rin siya interesado sa kung anumang sinasabi ng lalaking yun. At tipid lang din ang pagsagot niya rito base sa buka ng bibig niya.
Serves him right. Saksakan ng yabang ang lokong 'yan eh. At hindi rin maganda ang reputasyon niya rito sa campus. Pero, kilala at popular din siya sa mga babae.
Ilang sandali pa, umalis na rin si Lyd. Tumayo ako at tinungo ang kinaroroonan ni Miss Number 1. It's my turn.
"Leave me alone." Iyan lang naman ang bungad niya paglapit ko sa kanya.
Pero dahil gwapo ako, hindi ko pinansin ang sinabi niya. Umupo pa ko sa bakanteng upuan na nasa tapat niya.
"I said 'leave me alone', not 'sit down' there."
"Hindi ako utusan para sundin ko ang utos mo."
"Hindi ka pwede diyan kaya umalis ka na."
"As far as I know, pag-aari ng school itong upuan. So, any students can sit here."
Tiningnan niya ko nang masama bago muling ibalik ang atensyon sa pagbabasa. I just stared at her.
"Ano pa bang kailangan mo?" maya-maya ay tanong niya habang nakatingin pa rin sa hawak na libro.
"Anong sinabi sayo ng lalaking lumapit sayo kanina?" tanong ko na lang kahit gustung-gusto kong sabihin na tumingin naman siya sakin kapag kinakausap ko.
"Chismoso much?"
"No. Just asking."
"Hindi mo na kailangang alamin dahil wala ka namang kinalaman sa pinag-usapan namin."
Sungit naman nito. "Just beware of that guy. Delikado siyang tao."
"And why?"
"Mayabang siya at babaero."
Nag-angat siya ng tingin. "Just like you?"
"I'm not like him. Mas mayabang siya sakin at lalong hindi naman ako babaero. Magkaiba ang pambababae sa lumalandi. At lalong hindi ako katulad niya dahil lamang na lamang naman ako ng kagwapuhan sa lalaking 'yon. Kitang-kita naman ang ebidensiya, di ba?" sabi ko sabay lapit pa ng mukha ko sa kanya.
Bahagya siyang lumayo at nagsalubong ang kilay. Mataman siyang tumitig sakin. Tumikhim ako at umayos ng upo. Bigla kasing bumilis ang t***k ng puso ko.
"Huwag kang mag-alala. Kaya kong i-handle ang mayayabang na tulad niyo," sabi niya sabay balik ng tingin sa libro.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga para pakalmahin at ibalik sa normal ang t***k ng puso ko.
"Just leave. Everyone's staring. Again."
Ramdam na ramdam ko ang mariin niyang pagkakasabi sa huling salita. I looked around. And she was right. Nakatingin nga samin ang halos lahat ng estudyante.
I just shrugged at prente pang umupo sa kinauupuan ko. "Don't mind them. Masasanay rin sila lalo na at magiging madalas na ang pagkakita nila sating magkasama. We're friends, remember?"
She put the book on her bag and looked at me. "Ayokong masanay sila dahil hindi na nila tayo makikitang magkasama. And we're not friends. Kung hindi ka aalis dito, ako na lang. So, enjoy your stay here," mariin niyang pahayag bago tumayo.
"Delikado siya. Stay away from him, Miss Number 1."
I shook my head when she just waved her hand, ignoring what I said.
~~~~~
MILES
"Bhest, tara. Uwi na tayo."
"Oo nga. Hatid ka na namin sa inyo," pagsang-ayon naman ni Sam kay Max.
"Okay," tipid kong sagot. Hapon na rin at kakatapos lang ng last subject namin.
Pagkalabas namin ng classroom, agad na humarang sa daraanan namin si Lyd. "Hi, Miles. Labas tayo."
"Hanep magyaya, ah? Bakit hindi mo muna tanungin si Bhest kung sasama siya sayo?" sarkastikong tanong ni Max.
"No need to ask that question. Lahat ng babaeng niyayaya ko, sumasama sakin."
"And what makes you think na sasama sayo ang best friend namin?" taas naman ang isang kilay na tanong ni Sam.
"She's like any ordinary girls here. Madaling mahulog sa mga gwapong kagaya ko."
So, tama nga si Mr. Conceited and Popular Heartthrob. Mas mayabang pa nga sa kanya ang lalaking nasa harapan namin ngayon. Pero, pareho sila sa pagiging assumero.
"Wooohhhh! Heater please. Masyadong malakas ang aircon dito," sabay na pagbanat nina Max at Sam.
Nginisihan ko si Lyd. "Sorry to disappoint you, but I think you don't really know me. Dahil kung kilala mo ko, hindi ako katulad ng mga babaeng sinasabi mo. At hindi ko rin nakikita ang kagwapuhan mo kaya hindi ako madaling mahuhulog sayo. So, if you'll excuse us, mauuna na kami. Mas gugustuhin ko pang gugulin ang oras ko sa pag-aaral kaysa aksayahin iyon sa mayabang na katulad mo." At nilagpasan na namin siya.
Pero bago pa kami makalayo, hinablot niya ang braso ko dahilan para agad kong ipiksi iyon at lumayo sa kanya. Nakaramdam ako ng takot lalo na nang masalubong ko ang matalim niyang mga mata.
"Pakipot ka rin, ano? Kanina habang magkausap tayo ay bahagya mo na kong tingnan at kibuin, samantalang nang si Nathan ang kumausap sayo, ang dami mong sinabi at halos makipagtitigan ka pa sa kanya. Pareho lang naman kami, pero bakit magkaiba ang pakikitungo mo samin? Ano ang ipinagkaiba namin?"
Marami. At malaki ang ipinagkaiba ninyong dalawa. Iyan sana ang gusto kong sabihin, pero mas pinili ko na lang tumahimik at hindi pansinin ang mga sinabi niya.
"Malaki ang pinagkaiba niyo, dude. Huwag ka nang mangarap diyan na pareho kayo ni Nathan," turan ni Sam.
Humakbang papalapit si Lyd. Pinigilan ko namang humakbang paatras.
"Tell me. Anong nakita mo sa kanya na wala sakin? Gwapo at popular din naman akong kagaya niya. Sa dami ng babaeng naghahabol sakin, pasalamat ka pa dahil ikaw ang napili kong pansinin."
"At utang na loob pa pala ng best friend namin ang pagpansin mo sa kanya? Wow lang, ha?" Max said sarcastically.
"At maupo ka naman, Lyd. Hindi ka ba napapagod magbuhat ng sarili mong bangko?" segunda naman ni Sam.
I couldn't take it anymore. "Max, Sam, mas mabuti pang lumayo-layo na tayo at maghanda ng salbabida bago pa tayo malunod sa kayabangan niya."
Pagkasabi no'n ay tuluyan na kong naglakad papalayo sa kanya. At ilang sandali pa, nasa tabi ko na sina Max at Sam.
"Gravity ka, Bhest. You should've seen his face after your banat there."
"Oo nga. Ang epic lang." Sabay tawa nilang dalawa.
"Wala akong panahon sa nag-uumapaw niyang kayabangan. Psh!"
Mukhang tama nga si yabang. Delikado si Lyd at dapat ko itong iwasan.
~~~
Isang linggo na rin ang nakakalipas nang huli kong makita at makausap si Errol Nathaniel Montecaztres. Hays! Napakahaba naman ng tawag ko sa kanya. Ano ba dapat? Errol? Nathan? Nathaniel? Very common.
I shook my head. Bakit ba ako nag-iisip ng pangalang pwedeng itawag sa kanya? At ano naman ngayon kung isang linggo na kaming hindi nagkikita? Mabuti nga iyon dahil walang nanggugulo at nagyayabang sakin.
Pero kasi, parang hindi ako sanay. After our first and second encounter, palagi na kaming nagkakasalubong sa campus. Nasanay na kong makita ang lantaran niyang pakikipaglandian sa mga babae sa kung saan-saang sulok nitong campus. Nasanay na kong makita ang pagngisi niya nang nakakaloko at paglapit sakin para lang mang-asar at magyabang.
Seriously, Miles? You're really thinking about him now? Oh geez.
"Huwag kang masyadong mag-isip, Bhest."
"Hindi ko iniisip ang mayabang na yun."
"Wala akong sinabi na tao ang iniisip mo."
Natigilan ako at napalingon sa direksyon ni Max. Ngiting-ngiti siya.
"So, iniisip mo siya ngayon?" nanunudyong tanong ni Sam.
"Hindi ko nga sabi iniisip si Errol Nathaniel eh!"
"Wala akong sinabi na si Nathan ang iniisip mo, Bhest." At ngumisi rin siya.
"Ewan ko sa inyo. Tigilan niyo ko, ha?" I scowled at them before looking outside the window. It's raining and I hate it.
"Do you miss him?"
I rolled my eyes before looking at Max's direction. "At bakit ko naman mamimiss ang lalaking 'yon? Mas mabuti ngang wala siya para hindi ko nakikita at naririnig ang mga kayabangan niya."
"Ah, iyon pala ang namimiss mo sa kanya. Yung kayabangan niya," turan ni Sam.
"Hindi ko nga sabi siya namimiss eh!" patuloy na pagtanggi ko.
Nagkatinginan silang dalawa at makahulugang mgumiti. "If you say so. By the way, sasabay ka ba saming umuwi mamaya? Malakas ang ulan. Ihahatid ka na namin pauwi sa inyo."
Buti naman at iniba na nila ang topic dahil ayoko na ring maisip pa ang lalaking yun.
I sighed. "Thanks, but no thanks, Max. May tatapusin pa kong gawain mamaya eh. Pinapa-rush na ng club namin."
"We'll wait for you, then."
"Salamat, Sam pero 'wag na lang. Hindi ko rin alam kung what time yun matatapos eh."
"Ganun ba? Sige, ingat ka na lang. Ang alam ko, mas lalakas pa ang ulan mamayang gabi eh."
"Yeah. May kasama pang kulog at kidlat."
"Tinatakot niyo ba ako?" I asked emphatically.
"Hindi, 'no? Bakit ka naman namin tatakutin?" nakangising sagot ni Max.
Napailing na lang ako.
"Basta ingat ka na lang, Bhest. Kapag ginabi ka at kailangan mo ng sundo, itext mo na lang kami ni Max."
I just nodded.
~~~
Pagkatapos ng klase, agad na kong nagtungo sa office ng club namin para gawin ang dapat kong gawin. Ako lang mag-isa ngayon dito dahil mukhang nagsi-uwian na ang mga ka-miyembro ko. Ang sisipag nila eh. Kung bakit kasi ako pa ang naging presidente ng club na ito. Note the sarcasm. Psh!
Binuksan ko ang computer. Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang magtrabaho.
I typed the last sentence and clicked the save button. Napatuwid ako ng upo at nag-inat. Napatingin ako sa wall clock nitong silid. At bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang quarter to eight na ng gabi.
Ang bilis naman ng oras. Pagka-save ng ginawa ko sa flash drive, nag-shut down na ko ng computer. Tumayo na rin at inayos ang mga gamit ko.
Mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan. Nagpasya akong magpasundo na sa mga kaibigan ko.
At may two messages akong natanggap galing sa kanila. Binasa ko ang unang text galing kay Sam.
Bhest, nakauwi ka na ba? Kung nandiyan ka pa sa school at balak mong magpasundo, itext mo si Max. Hindi ako makakapunta diyan para sunduin ka kasi isinama ako ng parents ko sa isang party. Ayaw ko nga sanang sumama dahil umuulan, but I don't have any other choice. So, i-text mo si Max, okay? Baka masundo ka niya. Ingat ka!
Ganda ng timing ng lakad niya. Siya pa naman nagsabi na kung magpapasundo ako, i-text ko lang daw sila. But well, it's okay. Nandiyan pa naman si Max.
Bhest, andyan ka pa ba sa school? Wala na naman siguro, di ba? Hindi ka naman siguro magpapagabi diyan kung alam mong umuulan, tapos may kulog at kidlat pa. Hindi na rin kita masusundo kasi may pinuntahan ako ngayon eh. Sige, good night. Ingat!
Natatawang napailing na lang ako sa text niya. Paano kaya niya nagagawang mag-alala sakin, and at the same time, mang-asar at manakot pa? Hays!
Wala akong choice kundi umuwing mag-isa. Tumingin ako sa labas ng bintana. Kitang-kita ko ang pagguhit ng kidlat kasunod ang pagkulog.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Kaya mo 'yan, Miles. Huwag kang matakot, mahinang usal ko bago pinatay ang ilaw at lumabas nitong silid.
Wala ng mga estudyante at medyo madilim pa sa paligid dahil patay ang ilaw dito sa hallway. Humigpit ang hawak ko sa bag nang maramdaman kong parang may nakatingin at sumusunod sakin. Bigla akong kinabahan.
Huminto ako sa paglalakad at lakas-loob na lumingon sa likod. May isang bulto ng tao ang naglalakad patungo sa direksyon ko. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero sa tindig at kilos pa lang, sigurado akong lalaki siya.
"What a coincidence. Kapag sinuswerte nga naman ako. Long time no see, Miss Number 1."
Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang pamilyar niyang boses. Nakilala ko lang siya nang muling gumuhit ang kidlat at bahagyang tumama sa mukha niya ang liwanag.
It's him. Ang mayabang na lalaking huli ko ring nakita at nakausap noong isang linggo.