MILES
He stepped forward. And I stepped backward.
"Kumusta ka, Miss Number 1? Namiss mo ba ako? Isang linggo rin tayong hindi nagkita."
"Sino ka para mamiss ko?"
Muli siyang umabante. At muli naman akong umatras. And before I could make another move, he was already in front of me and grabbed my left arm. He smirked devilishly.
Pasimple akong tumingin sa paligid, nagbabaka-sakaling may makita pa kong estudyante. Pero, wala nang dumadaan dito sa hallway.
"Let me go," mariing utos ko habang pinipilit kumawala sa kanya. Hindi ko ipinahalata na sobra na kong natatakot at kinakabahan sa maaari niyang gawin.
"Why would I? Ito na ang pagkakataon ko para makaganti sayo at hindi ko na papalagpasin pa."
"Ano bang sinasabi mo diyan?" Muli kong sinubukang kumawala sa kanya. Halos mapasigaw ako sa sakit nang mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Akala ko ba matalino ka? Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sakin last week?"
"Magkaiba ang taong matalino sa taong nakalimot."
"Aba at nakukuha mo pa kong pilosopohin, ha? Tingnan natin kung may masabi ka pa pagkatapos ng gagawin ko sayo."
Itinulak niya ko at idinikit ang mga kamay ko sa pader habang mahigpit niya iyong hawak sa itaas ng ulo ko. Mas lalo akong binundol ng kaba at takot nang may maaninag akong pagnanasa sa mga mata niya.
Nagpumiglas ako, pero masyado siyang malakas. Sinubukan ko rin siyang tuhurin, pero nakaiwas lang siya.
Mas lalo siyang ngumisi nang nakakaloko. "Nice try, Miss Number 1. Pero, hindi ko hahayaang makawala ka sakin ngayon. Kung hindi ka madadaan sa landi, s*******n na lang kitang kukunin."
Halos mag-panic ako nang unti-unting bumaba sa mukha ko ang mukha niya. Ipinaling ko ang ulo ko sa kabilang direksyon at mariing pumikit kaya naman sa may pisngi ko lang dumampi ang labi niya. Muli kong sinubukang kumawala pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya.
Halos maiyak na ko nang muli niya akong subukang halikan. Impit akong tumili at muling umiwas. Tulong! Nate! sigaw ko sa isip ko.
Bago pa man lumapat ang labi niya sa leeg ko, naramdaman ko na lang na naalis ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. May narinig din akong malakas na tunog ng isang suntok.
And I saw Nate. Nang gumuhit ang kidlat, nakita ko ang galit sa mukha niya habang hawak-hawak nito sa kwelyo si Lyd at nakasalampak sa sahig.
"You asshole! Gagawa ka na rin lang ng katarantaduhan, dito pa sa eskwelahan at kay Miss Number 1 pa! Talagang gusto mong mapatalsik, ano? Tarantado kang hayop ka!" sabay suntok ulit sa mukha ni Lyd.
Nakita kong ngumisi ito at hinawakan ang isang kamay ni Nate na nasa kwelyo ng polo niya. May dugo sa gilid ng labi niya. "Pareho lang tayo, Nathan. Gawain mo rin naman 'to, di ba? Ang lagay ba ay ikaw lang ang pwedeng mang-akit ng mga babae rito sa eskweklahan at gumawa ng mga katarantaduhan?"
Muling sinuntok ni Nate si Lyd. "Siraulo ka pala talagang gago ka eh! Hindi tayo pareho! Kahit kailan, hindi ko ginawa ang ginagawa mo! Hindi ko ipinipilit ang sarili ko sa babaeng ayaw sakin! At never akong nang-akit dahil sadyang kaakit-akit na talaga ako! Wala man akong gawing pang-aakit, yung mga babae ang patuloy na naaakit sakin. Iyon ang isa sa pinagkaiba natin! Effortless ang pang-aakit ko, pero ikaw, kailangan mo pa ng maraming kagwapuhan at effort para lang makaakit ng babae!"
"Kahit kelan napakayabang mong gago ka!"
"Oo, alam kong kahit kelan ay napakagwapo ko na!"
Muling kumidlat at kasunod niyon ang malakas na kulog. Nataranta ako kaya naman agad akong tumakbo palabas ng building at iniwan na yung dalawang mayabang na nando'n.
Sa sobrang takot ko, dire-diretso lang akong tumakbo at hindi inalintana ang lamig at malakas na buhos ng ulan. Ang tanging gusto ko lang gawin ay makalayo at makauwi na.
Mariin akong napapikit at napatakip sa tainga ko nang muling kumidlat at kumulog. Tumakbo ako sa waiting shed at doon ako sumiksik sa gilid. Di ko na napigilan pang umiyak habang nakasubsob ang mukha ko sa mga tuhod at mahigpit na yakap ang sarili ko. Magkahalong lamig at takot ang nararamdaman ko ngayon. "Mama...Papa..." mahinang tawag ko.
Ilang sandali pa, bahagya akong natigilan nang may maramdaman akong jacket sa balikat ko. Pag-angat ko ng tingin, nag-aalalang mukha ni Nate ang nabungaran ko.
"Hey, are you okay?"
Mas lalong nangilid ang luha ko pagkakita sa kanya. At nang muling gumuhit ang kidlat, hindi ko na napigilan pang yumakap sa kanya. "Nate...." mahinang sambit ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
~~~~~
NATHAN
Sa huling pagkakataon, sinuntok ko si Lyd na tuluyang nagpatulog sa kanya. Tutal ay ito na rin lang naman ang huling beses na makikita ko siya, hahayaan ko na siyang mag-overnight dito dahil sisiguraduhin kong hindi na siya makakabalik pa sa university na 'to.
Gago siya. Hindi na nagtanda. Na-warning-an na nga siya noon na kapag gumawa pa siya ng katarantaduhan dito, tuluyan na siyang maki-kickout sa school. At iyon naman yata talaga ang gusto niya kaya ibibigay ko na.
Tumayo na ko at iniwan ang gago na nakahandusay sa sahig. Nagsalubong ang kilay ko nang paglingon ko ay wala na yung babaeng iniligtas ko.
Saan naman kaya nagpunta 'yon? takang tanong ko sa sarili ko at saka lumabas na rin ng building. Sumugod na ko sa ulan at agad siyang hinanap.
Natagpuan ko siyang nakasiksik sa waiting shed habang nakayuko. Nanginginig ang katawan niya. Naririnig ko rin ang mahina niyang pag-iyak.
"Mama...Papa..."
I clenched my fist and cussed silently. Buti na lang talaga at may tinapos akong gawain dito sa school kaya hindi pa ko nakakauwi. Hinding-hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung hindi ko siya nailigtas sa masamang intensyon ni Lyd. At baka mapatay ko pa ang hayop na 'yon kapag nangyari iyon.
Lumuhod ako sa harap niya at ipinatong ang suot kong jacket sa balikat niya. At parang piniga ang puso ko nang makita ang luhaan niyang mukha. "Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ko.
I panicked when she cried again. Hindi ko malaman kung paanong comfort ang gagawin ko sa kanya. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba siya o yayakapin. Takte naman eh. Hindi ako sanay makakita ng babaeng umiiyak, bulong ko sa isip ko.
Mas lalo akong nakaramdam ng galit kay Lyd nang maisip kung anong trauma ang maaaring maramdaman nitong babaeng ito. Baka isipin na niya na lahat ng lalaking lalapit sa kanya ay ganun ang gagawin. Tsk.
Pero, nagulat at natigilan na lang ako nang bigla siyang yumakap siya sakin. My heart is pounding so hard and loud.
"Nate..."
Hindi agad ako nakagalaw sa kinapupwestuhan ko dahil pina-process pa ng utak ko ang itinawag niya sakin.
Nate? Ako ba yun? Kung iisipin kong mabuti, malapit nga ang Nate sa nickname kong Nathan. At siya lang ang tumawag sakin ng Nate.
Hindi ko na napigilan pang mapangiti nang malaman ko na may endearment na agad siya sakin. I hugged her back. I'm not taking advantage here. Siya ang unang yumakap kaya siya ang nagte-take advantage sakin.
"Hey, it's alright. You're safe now," sabi ko habang marahang tinatapik siya sa balikat.
Nang muling kumulog at kumidlat, sumiksik at humigpit ang yakap niya sakin. Mas lalong nanginig ang katawan niya at bahagya ring lumakas ang iyak.
Wait. Don't tell me sa kidlat at kulog siya natatakot? takang tanong ko sa sarili ko.
Hinayaan ko muna na nasa ganito kaming posisyon. Besides, malakas pa rin ang hangin at ulan. Kailangan namin ang init ng isa't-isa para maibsan ang lamig. Ang ginagawa ko ngayon ay human blanket. Mahirap na at baka magkasakit pa kami pareho.
Di nagtagal, humina na ang ulan. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago nagsalita. " Tama na 'yang tsansing mo sakin. Kalahating oras mo nang inaabuso ang katawan ko. Ihahatid na kita pauwi."
Saglit siyang natigilan at bahagyang lumayo sakin. Tumayo siya at marahas na pinunasan ang mga luha niya. "Feeling ka naman. Hindi kita tsinatsansingan."
Aba at nakuha pa kong irapan ng babaeng 'to. Ako na nga ang naabuso at napagsamantalahan ang katawan, siya pa ang may ganang magsungit sakin? Tsk.
Tumayo na rin ako. "Wow, ha? Hindi pa pala tsansing ang pagyakap mo sakin nang matagal. Ano ba ang definition ng tsansing sayo? Kapag hinalikan ka na?" sarkastikong pahayag ko na agad ko ring pinagsisihan.
Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya at ilang sandali pa, yumuko siya. Mukhang naisip niya ulit yung nangyari kanina. Damn it! Ang tanga ko naman.
Itinaas ko ang kamay ko para sana hawakan siya, pero mariin kong ikinuyom iyon at muling ibinaba. "H-hey. I didn't mean it," I muttered, stammering.
Nag-angat siya ng tingin. "I know. So, palagi kang nananantsing ng mga estudyante rito?"
"Hindi ah! Sabi ko nga, ako ang palaging tsinatsansingan ng mga babae rito," depensa ko.
"At nagpapatsansing ka naman."
"Hindi ko kayang mag-reject."
"Kaya nagpapaasa ka?"
"Hindi ko sila pinapaasa."
"Nagbibigay ka ng motibo para umasa sila."
Hindi ko na napigilang mapangisi sa itinatakbo ng usapan namin. "Nagseselos ka ba?" I teased.
Pinandilatan niya ko. "At bakit naman ako magseselos?"
"Kasi ang gwapo ko," sabay tawa ko.
"Ewan ko sayo. Ang yabang mo talaga," sabay irap niya ulit sakin.
Nang muling kumidlat at kumulog, napasigaw at muli siyang yumakap sakin. I'm laughing when I hugged her back. Ang lagay ba ay siya lang ang pwedeng tsumansing sakin?
"Hoy, Miss Number 1! Para-paraan ka, ha?"
She looked up and glared at me. "Natatakot lang ako! At hindi ako yayakap sayo kung walang kulog at kidlat."
"Yeah, right. Whatever. Basta tsinatsansingan mo ko. By the way, I like your endearment to me. Very unique."
"Anong endearment ang sinasabi mo?" she asked, frowning.
I grinned widely. "You called me Nate. At dahil diyan, ikaw lang ang tatawag sakin no'n."
Buti na lang talaga na may ilaw dito sa shed kaya hindi nakaligtas sakin ang pagkagulat at bahagyang pamumula ng mukha niya. Napanganga pa siya at parang may gustong sabihin, pero walang lumalabas sa bibig niya.
"Tara na. Ihahatid na kita pauwi bago pa tayo magkasakit dito," sabi ko na lang sabay hila sa kanya papuntang kotse ko, kahit ang tanging gusto kong gawin sa mga oras na ito ay halikan siya at ikulong sa mga bisig ko.
Napailing na lang ako sa itinatakbo ng utak ko. Hindi ko na rin pinansin ang reklamo niya nang sumugod kami sa ulan. Ngayon pa siya magrereklamo, eh pareho na naman kaming basa.