NATHAN
Tahimik lang kami dito sa loob ng kotse, pero paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa direksyon niya. Nakaupo siya sa tabi ko at mariing nakapikit habang mahigpit ang hawak sa seatbelt. "Saan ka nakatira?" naalala kong itanong.
"Sa Thunder Village Subdivision. Doon mo na lang ako ibaba sa tapat no'n. Huwag ka nang pumasok," she answered without looking at me.
Napailing na lang ako at hindi na nagsalita pa.
Makalipas pa ang ilang sandali, narating na namin yung lugar na sinasabi niya. Napangisi ako nang makitang nakapikit pa rin siya at mukhang nakatulog pa.
Nagbigay ako ng ID sa guard para makapasok. Nakilala naman nito ang kasama ko kaya hindi na nagtanong pa. Tinanong ko na rin ang eksaktong bahay ng babaeng ito. Hindi ako makakapayag na ibaba lang siya dito sa kanto at hayaan siyang maglakad mag-isa pauwi. It's still raining. May kulog at kidlat pa.
Nang matunton ko ang house number nila ay inihinto ko ang kotse sa tapat niyon. I unbuckled my seatbelt and looked at her.
Itinaas ko ang kamay ko para tanggalin ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. Alam kong may pagkamataray at pilosopo siya, but seeing her right now? She looks vulnerable.
Agad akong napalayo at napaayos ng upo nang bigla siyang gumalaw. Muli na namang bumilis ang t***k ng puso ko. At pansin ko lang, napapadalas na itong mangyari kapag nasa malapit siya. Bakit ba ganito na lang ang epekto niya sakin?
"Nasaan na tayo?" tanong niya habang kinukusot-kusot pa ang mga mata.
"Tapat ng bahay niyo."
Natigilan siya at agad na tumingin sa labas. "Sabi ko sayo sa tapat lang ng subdivision, di ba?"
"Gusto mo bumalik pa tayo? Sige. Doon kita ibababa."
"Huwag na. Nandito na rin naman tayo eh," pigil niya.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nandun na naman yung pamilyar na kuryente na naramdaman ko noong unang beses kaming magkaroon ng physical contact.
Bumitaw na siya. "S-salamat. Maaari ka ng umuwi." And she unbuckled her seatbelt.
"So ganun na lang? Pagkatapos kitang iligtas at ihatid dito sa inyo, salamat lang ang makukuha ko? Pagkatapos mong abusuhin ang kagwapuhan at katawan ko, itataboy mo na lang ako? Sa panahon ngayon, hindi na ko tumatanggap ng simpleng salamat lang."
"Ano pa bang gusto mo?"
"Ang gusto ko, papasukin mo ko sa bahay ninyo at bigyan mo ko ng kape. Can't you see? Basang-basa ako at kailangan ko munang magpatuyo. Mahirap na kung magkasakit ako habang nasa byahe."
She rolled her eyes at me. "Fine. Gaya ng gusto mo, pumasok ka muna at magkape. Magpatuyo ka na rin dahil baka sisihin mo pa ko kapag nagkasakit ka," puno ng sarkasmong sabi niya bago bumaba ng kotse.
Napanganga na lang ako. Kita mo yun? Ako na nga ang naabuso at nagmagandang-loob, ako pa ang natarayan at nasungitan. Nasaan ang hustisya roon? Tsk.
"Hoy! Hindi ka pa ba bababa diyan? Akala ko ba gusto mong pumasok, magkape at magpatuyo?"
Bumaba na ko ng kotse. Nakasimangot na tumingin ako sa kanya. "Hindi ka man lang magpanggap na hindi ka napipilitang papasukin ako sa bahay niyo, ano?"
"Dami mong reklamo. Psh!" At pagkasabi no'n, binuksan na niya yung pinto ng bahay at pumasok. Sumunod na lang ako.
Isang binatilyo ang nabungaran kong nakaupo sa sala habang nagbabasa ng libro. Tumingin siya sa direksyon namin at nagsalubong ang kilay. "Ate, bakit basang-basa kayo?"
"Umuulan."
"Alam ko. Pero, may payong naman para gamitin. Unless trip niyo talagang magpakabasa sa ulan."
I winced. Hindi na ko magtataka kung magkapatid nga ang dalawang ito. Parehong pilosopo eh.
"Nasaan si Mama?" pag-ignora niya sa sinabi nung bata.
"Nasa kusina. Teka, tatawagin ko." Tumayo ito at nagtungo sa kusina. "Mama, nandito na si Ate. May kasamang boyfriend."
Hindi ko napigilang mapangisi sa sinabi ng batang 'yon. Bakit parang natutuwa pa kong isipin nila na boyfriend ako ni Miss Number 1? Mukhang magkakasundo kami nitong kapatid niya, I muttered to myself while laughing silently and gorgeously.
"Shut up, Miller. Hindi ko siya boyfriend."
"Talaga? May kasamang boyfriend ang Ate mo? Gwapo ba 'yan?" Narinig kong sagot ng isang babae.
"Hindi siya guwapo."
Napalis ang ngisi ko nang marinig ang sagot na iyon ng binatilyo. Binabawi ko na ang sinabi kong magkakasundo kaming dalawa.
Napadiretso ako ng tayo nang may lumabas na babae mula sa kusina at matamang tumingin sakin. Siya na yata ang Mama nila. Hawig ni Miss Number 1 eh.
"Good evening po, Ma'am," nakangiting bati ko. Siniguro kong napakagwapo ko para mapatunayan sa kanila na mali yung sinasabi ng isang bata rito. "Ako po si Nathan," pakilala ko na rin. Mukhang walang balak ang babaeng ito na ipakilala ako eh.
Pero, agad ding nabura ang gwapong ngiti ko sa sinabi ng Mama nila. "Tama ka nga, anak. Hindi gwapo ang boyfriend ng ate mo." At tumingin ito kay Miss Number 1. "Anak, bakit hindi mo sinasabi na napakagwapo pala ng boyfriend mo?"
Ayun naman pala. Hindi ako gwapo dahil napakagwapo ko pala. I like you already, 'Mama'!
"Mama! Hindi ko nga boyfriend ang mayabang na 'yan!"
"Kung hindi mo ko boyfriend, ano mo ko? Ano tayo?"
"Anong ano tayo? Simpleng mag-schoolmates lang tayo at nagkakasalubong sa campus. Ikaw yung lalaking nag-uumapaw sa kayabangan at yung malanding lalaki na palaging may nilalandi sa school."
"Hanep ang description mo sakin, ah? Kahit simpleng magkaibigan lang naman ang sabihin mo kung ano tayo, okay na eh. Tsk," kunwari ay nagtatampong sabi ko.
"Mamaya niyo na ituloy ang LQ o FQ nyo. Maligo muna kayo at magbihis. Baka magkasakit pa kayo," awat samin ng Mama nila. "Miller, kumuha ka ng damit ng Papa mo sa kwarto namin. Ipahiram mo muna sa ating bisita."
Tahimik naman itong sumunod. Nag-abot din sila ng tuwalya at itinuro sakin ang banyo para makaligo at makapagbihis.
~~~~~
MILES
Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ko sa sala. Nadatnan kong kausap ni Mama si Nate habang ang kapatid ko namang si Miller ay nakaupo sa kabilang sofa.
"Ilang babae na ang naging girlfriend mo, Nathan?"
Nakatalikod sa direksyon ko ang pwesto ni Nate, pero nakita at narinig ko ang pagkasamid niya sa tanong na iyon ni Mama.
Psh! Mukhang nasasanay na nga akong tawagin siyang Nate, mahinang bulong ko sa sarili ko.
"Bakit niyo naman po naitanong, Tita?"
Bahagyang tumaas ang kilay ko nang marinig kong tinawag ni Nate na Tita si Mama.
"Sa gwapo mong 'yan, imposibleng wala ka pang nagiging girlfriend. At malamang marami ka na ring napaiyak na babae, ano?"
Tumikhim siya bago sumagot. "Hindi sa pagmamayabang, Tita, pero mas marami po akong napaligayang babae. And besides, wala pa po akong nagiging serious girlfriend. Pihikan po ang puso ko."
Ano raw? Pihikan siya? Ang sabihin niya, malandi siya. At sa sobrang landi niya, mas gusto niyang lumandi ng maraming babae kaysa magkaroon ng isang seryosong girlfriend.
"Naks! Choosy ka pala, ha? Sabagay, napakagwapo mo naman. Dapat lang na maging pihikan ka sa pagpili, ano?"
"Oo naman po, Tita. Mahirap nang mapagsamantalahan ng mga babae diyan. Ano pang maipagmamalaki ko sa babaeng mamahalin ko kung naabuso na ang kabaitan lalo na ang kagwapuhan ko?" At sabay silang tumawa ni Mama.
I rolled my eyes. Ang yabang talaga.
"Yabang," komento ng kapatid ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasang libro.
Binalingan ito ng tingin ni Nate. "Kausap ba kita?"
Tiningnan din naman siya ni Miller. "Kausap din ba kita?"
Napailing na lang ako nang magsukatan sila ng tingin. Pati bata, pinapatulan niya.
"Anong balak mo sa anak kong si Miles? Pinapaasa mo lang ba siya? Hindi ka ba seryoso sa kanya?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong na iyon ni Mama. Lumapit na ko sa kanila. "Mama! Ano bang sinasabi niyo diyan?"
"Nagtatanong lang ako, anak. Sabi niya, wala pa siyang nagiging serious girlfriend. At bilang ina, hindi naman siguro masamang itanong kung anong balak niya sa relasyon ninyo, di ba?"
Sasagot na sana ako nang magsalita si Nate. At ang sinabi niya ang tuluyang nakapagpagulo sa takbo ng isip at t***k ng puso ko.
"Yung anak niyo lang naman po ang hinihintay ko, Tita."