MILES
Ang kagustuhan ni Nate na magkape at magpatuyo lang ay nauwi sa pagkain niya ng dinner. At ang mayabang na lalaki, talagang ipinangalandakan pa sa Mama ko na gutom na siya kaya hindi na tinanggihan ang alok na sabayan akong kumain.
Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya habang maganang kumakain. Was it just me o parang ibang Nate ang nakikita ko sa kanya ngayon? Para bang hindi siya yung malanding lalaking nakikita ko sa school.
Errol Nathaniel Montecaztres, sino ka ba talaga? tanong ko sa sarili ko.
"Kung nakakain lang ang kagwapuhan ko, malamang busog na busog ka na diyan."
Isa ang sigurado ko. Siya pa rin ang mayabang na lalaking nakilala ko.
"Pagkatapos mo diyan, umuwi ka na."
"Talagang gustung-gusto mo na kong palayasin sa bahay niyo, ano?"
"You don't need to state the obvious."
He pouted. "Pag-isipan mo yung sinabi ko kanina."
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang nakapagpatahimik saming lahat, may idinugtong siya na nakapagpabalik sa normal na t***k ng puso ko.
"I mean, yung anak niyo po ang hinihintay ko para tanggapin niya ang iniaalok kong pakikipagkaibigan sa kanya."
Bigla ko ring naalala ang minsang sinabi nina Max at Sam na mabait si Nate. Come to think of it, medyo may punto sila. Dahil kung hindi siya gano'n, hindi niya ko tutulungan kanina. At pagdating naman sa kayabangan, mas nakakainis at nakakaubos ng pasensiya si Lyd kaysa sa kanya. Mas kaya kong i-tolerate at hindi pansinin ang kayabangan ni Nate. Maybe, being friends with him was not bad after all.
"Okay. I'll think about it."
~~~~~
"What?" gulat na sambit ko kay Mama.
Nakita ko sa pheripheral vision ko ang pagngisi nang nakakaloko ng mayabang na lalaking nasa tabi ko.
"Anak, masyado ng gabi. Nasabi pa sakin nitong kaibigan mo na malayo ang uuwian niya. Baka kung ano pang mangyari sa kanya sa byahe. Mas mabuti na 'yong makapagpahinga na rin siya. Besides, schoolmates kayo, di ba? Pwede kang sumabay sa kanya pagpasok bukas."
"Saan niyo siya patutulugin?"
"May banyo, Ate. Pwede siya roon," sabat ni Miller.
"At pwede rin naman siya sa kwarto namin ng Papa niyo. Habang wala pa si Jervis at nasa out-of-town business, pwede siyang tumabi sakin."
"Mama!" sabay na sigaw namin ni Miller.
She chuckled. "Syempre joke lang. Doon muna natin siya patulugin sa kwarto mo, Miller anak."
"At saan niyo ko patutulugin, Mama?"
"May banyo, bata. Pwede ka roon," paggaya ni Nate sa sinabi ng kapatid ko kanina.
"Tapos sa kwarto kita? Baka may mawala pa sa mga gamit ko."
"Anak, kaibigan at bisita ng ate mo ang patutulugin natin sa kwarto mo, hindi magnanakaw. Doon ka sa kwarto ko. Tabihan mo ko dahil wala naman ang Papa mo."
"Hindi niyo maiaalis sakin na iyon ang isipin ko, Mama. Wala akong tiwala sa pagmumukha niya eh."
"Thanks for the compliment," Nate answered sarcastically.
As if namang pag-iinteresan ng mayabang na 'yan ang mga gamit ni Miller. Mayaman na siya at hindi niya kailangang magnakaw.
In the end, wala na kong nagawa pa at pumayag na lang na matulog samin si Nate. And besides, may utang na loob pa rin ako sa kanya. Oh di ba? Hindi lang siya mayabang, ang kapal pa ng mukha niya.
Inihatid ko na siya sa kwarto ni Miller, na katabi lang ng kwarto ko. Hindi naman siguro siya magrereklamo kung hindi ito kagaya ng kwarto na kinalakihan niya, di ba?
"Siguradong malayung-malayo ang bahay namin sa bahay ninyo. Kung hindi mo kayang matulog sa kwarto ni Miller, makakauwi ka na sa inyo," walang gatol na sabi ko sa kanya.
"Don't underestimate me. Gwapo lang ako, hindi maarte," he replied, smirking.
I rolled my eyes at him. Kayabangan alert, mahinang sambit ko bago siya tinalikuran. "Gumising ka nang maaga bukas."
"Okay. Good night, Mine."
I stopped and looked at him, frowning. Nakita kong bahagya rin siyang natigilan. "What did you say?" Baka kasi nagkakamali ako ng dinig sa itinawag niya sakin.
"M-may sinabi ba ako?"
"You said, 'Okay. Good night, Mine'. Bakit Mine ang tawag mo sakin?"
Ilang sandali pa siyang tumitig bago tumawa. "Yun ba? Short for your name."
"Miles ang nickname ko."
"I know. Pero, gusto ko maging unique rin ang nickname na itatawag ko sayo. Millicent ang real name mo, di ba? At iyong Mine nga ang naisip ko tutal, may N at E ka rin naman sa name mo. So, ako lang ang tatawag sayo ng Mine gaya ng ikaw lang ang tatawag sakin ng Nate. What do you think?" nakangising paliwanag niya with matching taas-baba pa ng kilay.
"Ayoko ng tawag mo sakin."
Napalis ang ngisi niya. "Bakit naman? Anong problema roon?"
"It sounds as if I'm yours. And I'm not yours. Huwag mo na ulit akong tatawagin sa pangalan na 'yan," mariing pahayag ko bago muling tumalikod at binuksan ang pinto.
"No. I will call you Mine whether you like it or not. Good night. See you tomorrow, Mine."
I looked back and before I said anything else, nakapasok na siya sa kwarto ni Miller.
~~~~~
Ramdam ko ang kakaibang tingin sakin ng mga estudyante pagpasok ngayong araw. At isang tao lang naman ang palaging dahilan kung bakit ganyan na naman katatalim ang tinging ibinibigay nila sakin.
"Hey, Mine! Wait for me!" paghabol ni Nate sa paglalakad ko. Sabay kaming pumasok sa school. No choice ako eh.
Kapansin-pansin ang panlalaki ng mga mata at malakas na pagsinghap ng mga babae.
"I told you, don't call me Mine," I said while glaring at him, emphasizing the last word.
"And I told you, I will call you Mine."
Napailing na lang ako at mas binilisan ang paglalakad. "Go away. Everyone's staring," pagtataboy ko sa kanya.
"Do you feel uncomfortable with their stare?"
Nilingon ko siya. "Who would feel comfortable if they were not just giving you stare, but death glare? And all thanks to you."
Mukhang hindi man lang siya tinablan ng sarkasmo ko dahil nakuha pa niyang ngumisi. "Gaya nga ng sinabi ko noon, masasanay rin sila. Just don't mind them. Inggit lang sila sayo dahil kasama mo ang gwapong ako. Sige, thanks for the last night. See you around, Mine."
Napabuga na lang ako ng hangin at sinundan siya ng masamang tingin nang maglakad palayo.
Habang papunta ako sa building ng first class ko, naririnig ko ang usap-usapan at bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan ko sa hallway.
"Sila na ba ni Nathan?"
"I don't know. Pero, may nakakita raw sa kanila kagabi na magkasama rito sa school."
"OMG! I can't believe it. Ano kayang pang-aakit ang ginawa niya kay Nathan?"
"Baka ginayuma niya?"
"No wonder. She looks desperate naman kasi para magpapansin kay Nathan."
Hindi ko na lang pinansin ang mga walang katotohanang pinagsasabi nila. Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating sa classroom ko.
"Bhest!" sigaw nina Max at Sam. Agad nila akong hinila sa upuan namin.
"Ano itong kumakalat na balitang magkasama kayo ni Nathan kagabi?" tanong ni Sam.
Pinanlakihan naman ako ng mata ni Max. "Oo nga. Hindi ka lang namin nasundo kagabi, may nangyari na agad sa inyo ni Nathan? Akala ko ba hindi kayo close? Eh bakit magkasama kayo?"
Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari kagabi at kung bakit kami magkasama. Maliban sa aksidenteng pagkakayakap ko sa mayabang na 'yon.
"Oh. My. Gosh. Siraulo at manyak pala talaga ang Lyd na yun eh. Buti na lang pala nando'n si Nathan at iniligtas ka," sabi ni Sam.
"That p*****t asshole. Alam mo bang bali-balita ngayon na nakick out si Lyd? And based on your story, malaki ang posibilidad na iyon ang dahilan kung bakit tuluyan na siyang sinipa dito sa school. And he deserved it. Ang dami na rin kasing kalokohan at katarantaduhang ginawa ang napakayabang na yun," turan naman ni Max.
"So, kayo na ni Nathan?"
"Anong sinasabi mo diyan, Sam? Hindi kami," nanlalaki ang mga matang sagot ko sa tanong niyang iyan.
"Natulog siya sa inyo kagabi, di ba? At narinig namin ang pagtawag niya sayo ng mine," nakangising patuloy ni Sam.
"But, it doesn't mean na kami na ni Nate."
Max raised an eyebrow. "Really? Pero may endearment na agad kayo sa isa't-isa. Nate at Mine. Hindi pa kayo sa lagay na 'yan, ha?" panunudyo niya.
I rolled my eyes at them. "Hindi nga kami. He just insisted to call me by that new nickname. At tinanggap ko lang ang pakikipagkaibigan niya."
Pinag-isipan kong mabuti ang inialok ni Nate. At bago kami makarating dito sa school kanina, sinabi kong tinatanggap ko na iyon. But, it doesn't mean na kailangan na naming mag-usap palagi. I still want distance from him. Enough distance para hindi kami palaging pag-usapan ng mga estudyante lalo na at kilala siya sa school. Pero, mukhang malabong mangyari iyon.
"At ngayon, magkaibigan na kayo? Nasaan na yung sinabi mo samin noon, and I qoute," at nag-quote nga si Sam gamit pa ang kamay niya, "we're not close and we will never be close. Unquote. Ano? Kinain mo na?"
"So, what changed your mind?"
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago sinagot ang tanong ni Max. "After he saved me last night, I think he's not that bad after all."
"Ayie! Diyan nagsisimula ang lahat. Sa pagkakaibigan," panunukso nilang dalawa.
I rolled my eyes again. "Friendship lang ang hinihingi niya at iyon lang ang ibibigay ko," mariing sagot ko.
Ngumisi sila. "If you say so. But let's see kung hanggang magkaibigan nga lang ba talaga kayo."