NATHAN
Nandito kami ngayon ng buong basketball team sa gym. Ipapakilala samin ni Coach ang bagong miyembro. At habang naghihintay sa kanila, nagwawarm-up at nagpapractice yung iba kong kasama. Ako? Eto. Nakaupo sa isa sa mga bleachers habang nagdi-dribble ng bola. Di ko na kailangang magpractice. Bukod sa magaling na ko, napakagwapo ko pa.
Di nagtagal, dumating na si Coach. Napatingin kaming lahat sa kanya at natuon ang atensyon namin sa kasama niya.
"Boys, meet the new member here."
"Yow. I'm Deus Shervin Roncillo. You can call me Deus. Transferee student. Sana maging magkakaibigan tayo," pakilala nito at inilahad ang kamay.
"I'm Juice. Nice meeting you, pare." At tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Ganun din naman ang ginawa ng iba pa.
"Same here. And I'm Nic."
"Cyprus here."
Inobserbahan ko siyang mabuti habang nagpapakilala ang mga kasama ko. Hmmm. Not bad. May angas at dating din siya. At mukhang makakasundo rin namin siya.
"Yow. I'm Leonne."
"And I'm Jaiden."
"Kent, pare."
"And Aaron here."
"Dave."
"Nathan, the basketball captain. Nice meeting you, Deus." At pagkasabi ko no'n, tinanggap ko rin ang pakikipagkamay niya.
"Nice meeting you, too, Captain."
"Iwan ko muna kayo rito, boys. May importante lang akong aasikasuhin para sa next game niyo. I'm giving you the time para makilala niyo si Deus at para makilala niya rin kayo. Nathan, huwag mong tuturuan ng kayabangan at kalokohan ang bago nating member. I'm expecting you to handle this team nicely, okay?"
Ngumisi ako kay Coach. "Sure, Coach. Trust me."
Pagkaalis ni Coach, sinimulan na nga naming kilalanin itong si Deus. Mga basic questions lang naman gaya ng kung saang school siya galing, bakit siya sumali sa basketball team at bukod sa galing niya sa pagbabasketball, ano pa ang ibang katangian na maipagmamalaki niya para mapabilang siya samin.
Nasagot naman niya ng tama ang huling tanong namin. At dahil do'n, pasok siya sa samahan namin. Ito ang gusto ko sa mga gagong 'to eh. Bukod sa sumusunod sila sa taglay kong kagwapuhan, natural na rin silang mayayabang.
"Anong course mo?" patuloy na pagtatanong ni Cyprus kay Deus.
"Engineering course."
"Really? Engineering din ang course namin ni Captain. Baka maging kaklase ka namin sa ibang major subjects," sagot naman ni Juice.
"Anong dahilan mo at lumipat ka ng university?" Kent asked him.
Bahagya muna siyang ngumiti bago sumagot. "Because of a girl."
"Woah!" reaction nung walo.
"That girl you're talking about, she's also here in this university, right?" pagkumpirma ni Jaiden.
"Yes."
"Who's this girl?" tanong naman ni Dave.
"You know Millicent Buencamino?"
Napahigpit yata ang paghawak ko sa bola nang marinig ang sinabing iyon ni Deus.
"Oo naman!" maagap na sagot ni Aaron.
"Who wouldn't? She's the number 1 student here in school," segunda naman ni Kent.
Tumingin sa direksyon ko si Juice. "And not to mention na nali-link din siya kay Captain. Sila ngayong dalawa ang usap-usapan sa buong campus, eh," nakangising pahayag niya.
I glared at him.
Ilang sandali rin silang tumahimik bago sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila. "Don't tell us si Miles ang babaeng tinutukoy mong dahilan kung bakit ka lumipat dito sa school?!"
"Kung siya nga, what about Captain? Di ba kayo na ni Miles?"
Tumayo ako at matalim na tiningnan si Leonne. "Shut. Up. Saan mo naman nakuha ang balitang kami na ng babaeng 'yon?"
"Oh? Hindi ba kayo ni Miles? Pero, bakit inaangkin mo na agad siya? Di ba mine ang tawag mo sa kanya?" nakangising turan naman ni Nic.
"Mine ang tawag ko dahil sa pangalan niyang Millicent. Common sense lang, pwede? Naturingan kayong mga gago, wala naman kayo no'n. Tsk. And just so you know, ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng Mine."
"Hindi pa kayo sa lagay na 'yan, Captain, ha? Pero, possessive ka na agad sa kanya," tumatawang pang-aasar pa ni Cyprus.
"Hindi nga kami. Friends lang kami ni Mine."
Umingos si Jaiden. "Showbiz. Just so you know, hindi ka artista, Captain."
"I know. Overqualified ako para maging artista."
"Ulol ka, Captain. Friends my a*s. May nalalaman ka pang ganyan. Sinong niloko mo?"
"Kayo," simpleng sagot ko kay Aaron.
"Mukha mo, Captain," wika naman ni Juice.
"Gwapo."
"In-denial ka lang, Captain."
Tinapunan ko ng masamang tingin si Dave. Anong in-denial ang sinasabi niya? Hindi nga kami ni Mine. Magkaibigan lang kami. At wala akong gusto sa kanya.
Sige lang. Lokohin mo pa ang sarili mo. Hindi ko pinansin ang mahinang bulong na iyon ng kabilang utak ko. Si Deus naman ang binalingan ko ng tingin. "Si Mine nga ba ang dahilan nang paglipat mo rito sa school?" mariing tanong ko.
At nakakaloko lang ang pagngisi niya sakin. "Why would I tell you, Captain?"
Tinalikuran ko na siya at nagtungo sa court. Bwisit siya. Akala ko pa naman ay magkakasundo kaming dalawa.
"May gusto ka ba kay Miles?" narinig kong tanong niya.
Huminto ako sa pag-dribble ng bola at nakangising nilingon siya. "And why would I tell you, Deus?" I said smugly before I run and dunk the ball.
~~~~~
DEUS
Umaga pa lang ay nandito na ko sa IT Department building, nakatayo at nag-aabang sa pagdating ng isang babae. The last time I saw her was in our elementary days. Palagi pa kaming nag-aaway at nag-aasaran ng mga panahon na 'yon.
Ilang sandali pa, may ilang babaeng lumapit sa kinatatayuan ko. "Hi, gorgeous. Ikaw yung transferee student, right?"
I just nodded and didn't look at them. Pero, agad ding nabaling ang atensyon ko sa kanila nang tumili sila sa harapan ko.
"Kyyaaahhhh! Ikaw rin yung bagong member ng basketball team, di ba?"
Alanganin akong ngumiti at muling tumango sa tanong ng isang babae.
"Nadagdagan na naman ng gwapo sa basketball team," sabi naman ng pangatlong babaeng kasama nila bago muling tumili.
"Anong ginagawa mo rito sa tapat ng classroom namin?"
"May hinihintay ako," tipid kong sagot sa kanila bago muling ibinalik ang tingin sa classroom. At saktong nakita kong naglalakad na papalapit ang babaeng kanina ko pa inaabangan. "Excuse me lang, girls, ha?" pasintabi ko at lumayo na sa kanila.
"Samantha!" I called, but she didn't look back. "Nicole!" I called again, but she just continued to walk in her classroom. "Hey! I'm calling you, Samantha Nicole Samonte!" sigaw ko na ikinalingon din ng ibang mga estudyante dito sa hallway.
Hindi ko sila pinansin. Ang buong atensyon ko lang ay nasa babaeng tinawag ko na sa wakas ay huminto at lumingon din sa direksyon ko. Nagsimula akong maglakad habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Nang matitigan ko siya sa malapitan, nakita ko kung gaano na siya kaganda ngayon. Gaya ng dati, naramdaman ko na naman ang pamilyar na pakiramdam na 'to. Siya lang naman ang tanging babaeng nakakapagpabilis ng t***k ng puso ko.
"Long time no see, Samantha Nicole," I said, smiling.
"Do I know you?" she asked, frowning.
My smile widened. "Of course, you know me. Pero, hindi kita masisisi kung hindi mo ko nakilala. Mas nadagdagan ang kagwapuhan ko ngayon eh."
She raised an eyebrow. "Mayabang much?" Then, she rolled her eyes at me. "Seriously, who are you? You look familiar, but I don't remember you."
"Madali lang 'yan. Ipapaalala ko sayo kung sino ako. I'm Deus Shervin Roncillo. You prefer to call me Dervin. And we were classmates during our elementary days. And we were childhood sweet---" At bago ko pa man matapos ang sinasabi ko, sumingit na siya.
"Ah! Ikaw na ba yan, Dervin?" sabay hawak niya sa mukha ko. "Ang laki na ng ipinagbago mo ah!" dagdag pa niya sabay tawa.
"I know. Mas gwapo na ko ngayon, di ba?"
"At mas lalo ka ring yumabang. Ano palang ginagawa mo rito sa school?"
"New transferee student," I simply replied. Then, tumingin ako sa wristwatch ko. "I have to go. Talagang dumaan lang ako rito para magpakita sayo. See you around, Samantha. Pakikumusta na rin si Miles para kay Captain," pahabol ko pa sa kanya.
"You mean Nathan?"
"Oo," nakangising sagot ko bago tuluyang tumalikod. Pasipol-sipol pa ko habang naglalakad papunta sa klase ko.
Naalala ko yung pakikipag-usap ko kay Captain kahapon. Naitanong ko lang naman kung kilala nila si Miles dahil sasabihin ko sana na yung isa sa mga kaibigan nito ang dahilan ko kung bakit ako lumipat ng school. Pero nang magsimulang tanungin ng ibang miyembro kung ano ang real score sa pagitan nilang dalawa, idagdag pa na tinanong din ako ni Captain kung si Miles nga ba ang babaeng tinutukoy ko, bigla na lang akong nakaisip ng kalokohan. Hindi ko kinumpirma sa kanila na si Miles nga iyon.
Di ko na napigilang mapangisi. Well, they're all wrong. Dahil si Samantha Nicole talaga ang totoong dahilan ko kung bakit ako lumipat dito sa Montes Escholastica University.