CHAPTER 12: Basketball Game

1117 Words
MILES "Sam, may laro ang basketball team bukas. Nood tayo." "Talaga, Max? Sige, nood tayo. First time nating manonood ng laro nila pag nagkataon. Bhest, sama ka samin." "No, thanks," I answered without looking back at them. Kakatapos lang ng huling klase namin at pauwi na rin. "Bhest, huwag kang KJ diyan. Sumama ka samin. Manonood tayo ng game after class." Hinarap ko sila. "Hindi niyo ugaling manood ng laro ng basketball team ng school." "Juice invited me." "Nag-invite si Dervin." Hindi ko napigilang magtaas ng kilay sa sabay na sagot nilang dalawa. Medyo naging close na rin pala sina Max at Juice. And according to her, nagsimula ang friendship nila nang mga panahong nasa rooftop silang dalawa at inakala raw ni Juice na magpapakamatay siya. At ito namang si Sam, classmate noong elementary at friend-s***h-enemy si Dervin. "Hindi ka ba inimbitahan ni Nathan manood ng game?" tanong ni Sam. "Actually, he invited me---" "Iyon naman pala eh. Inimbitahan ka ni Nathan. Sumama ka na samin." "But, I refused. Sinabi kong mas gugustuhin ko pang mag-aral kaysa manood ng game nila," pagpapatuloy ko sa sinasabi ko at hindi pinansin ang sinabi ni Max. "Bhest, you need to come with us. Nathan needs you. I-cheer mo siya." I rolled my eyes at them. "Hindi ako malaking kawalan sa kanya kung hindi ako manonood ng game nila. And why would I cheer for him? Sandamakmak ang fans niya na handang mag-cheer sa kanya." Hinawakan ni Max ang balikat ko. "Pero, iba pa rin yung support na makukuha niya mula sayo. Basta sumama ka samin. Ichi-cheer natin sina Juice, Deus at Nathan." "No. I will not come with you. And that's final." ~~~~~ NATHAN Sabay-sabay kaming lumabas ng buong team sa locker room at nagsimulang maglakad patungo sa gym kung saan naghihintay ang kalaban naming taga-kabilang university. Dito sa school namin gaganapin ang laro at sisiguraduhin kong mailalampaso namin sila. Habang papalapit kami roon, dumadagundong ang malakas na pagchi-cheer ng mga estudyante. Isinisigaw nila ang mga pangalan ng members, pati na rin ang pangalan ng team namin. At mas lalong lumakas ang hiyawan nang makita nila kami at maglakad papunta sa pwesto namin. "Kyaaaahhhhh! Fighting, Blue Orions!" "Galingan niyo!" "Ang gwapo niyong lahat! Waaahhhh!" I looked around and smiled gorgeously nang makita ang isang malaking banner kung saan may nakasulat na 'We love you Nathan! . Isa lang sila sa mga fans club ko dito sa school. Kinawayan ko sila at kinindatan. Mas lalo silang kinilig at may ilan pang hinimatay. Natawa na lang ako at kumaway na rin sa iba kong fans. Kailangan ko pa bang sabihin ang dahilan nang mas lalo nilang pagwawala at paghihiyawan? Huwag na. Kitang-kita naman ang kagwapuhan ko at hindi na iyon maitatago pa. Muli kong iginala ang aking paningin sa paligid, nagbabaka-sakaling makita ang isang taong inaasahan kong manonood ng laro ko. I invited her to watch our game, but she didn't think twice to refuse my invitation. Akala ko ba magkaibigan kami? Kung magkaibigan kami, hindi niya dapat tine-turn down ang gwapong tulad ko. Hays! Bahala nga siya. Kung ayaw niyang manood, fine. Siya naman ang manghihinayang dahil pinalagpas niya ang pagkakataong makita kung gaano ako kagaling lalo na kung gaano ako kagwapong maglaro. Tsk. Nagwarm-up na kami at pati na rin ang kabilang team. "Di ba, si Miles 'yun?" Napahinto ako sa pagdi-dribble ng bola nang marinig ang sinabing iyon ni Jaiden. "Oo nga 'no? Si Miss Number 1 nga at kasama ang dalawa niyang kaibigan," turan naman ni Kent. Sinundan ko ang direksyong tinitingnan nila at nando'n nga si Mine. Nakangiting kumaway samin yung dalawa niyang katabi na sa tingin ko ay yung mga kaibigan niya. Sila ang madalas kong makitang kasama niya eh. Nang magsalubong ang mga mata namin ni Mine, binigyan ko siya nang nagtatakang tingin at ipinarating sa kanya kung anong ginagawa niya rito. At isang irap lang ang isinagot niya sakin. Pambihirang buhay naman oh. "Max, you're here!" sigaw ni Juice at agad na lumapit sa direksyon ng mga babaeng 'yon. "Nandiyan na nga sina Miles," narinig ko namang sabi ni Deus. Tumingin muna siya sa direksyon ko at ngumisi nang nakakaloko bago naglakad din papunta roon. Binitiwan ko ang bola at sumunod na rin sa kanila. Hindi ako makapapayag na maunahan niya kong makalapit kay Mine. Naramdaman kong pumatong ang isang kamay ni Cyprus sa balikat ko. "Chillax lang, Captain." "Tama. May game pa tayo, Captain. Mamaya mo na pairalin 'yang selos mo," nakangising panggagatong naman ni Aaron na nasa kabilang side ko. "Manahimik kayo diyan." At tuluy-tuloy akong naglakad. Inunahan ko si Deus sa paglapit kay Mine. Narinig ko ang tilian ng mga babae na nasa malapit lang. "Hi, Nathan!" Hindi ko pinansin ang pagbati ng dalawang kaibigan niya. Nakatuon lang sa kanya ang buong atensyon ko at nakatingin din naman siya sakin. "What are you doing here?" "Sabi nila may basketball game dito. So technically, manonood ako ng game." "I invited you, but you refused. Then, why are you here?" "Yes. But these two dragged me here so, I don't have any other choice, but to come and watch the game." "So, panonoorin mo kung paano ako maglaro?" nakangising tanong ko. "Hindi lang naman siguro ikaw ang maglalaro, di ba?" Aba at talagang pilosopo ang babaeng ito. "Hep hep! Tama na ang sagutan na 'yan," pigil ng babaeng tinawag na Max ni Juice nang akmang magsasalita pa ko. "Hi, Miles. It's so nice to finally meet you." Napalingon at napakunot-noo ako sa sinabing iyon ni Deus nang makalapit siya samin. "You're Deus, right? Nice meeting you, too." Huh? Ngayon lang ba sila nagkakilala? tanong ko sa isip ko. Kita ko rin sa peripheral vision ko ang pagtataka sa mukha ng iba naming kasama. "Hoy, Dervin! Kanina pa ko rito. Pagkatapos mo kong imbitahan sa game niyo, hindi mo ko papansinin?" "Selos ka naman diyan, Samantha Nicole? Don't be. Nagpapakilala lang naman ako sa mga kaibigan mo. Hello din sayo, Max. Nice meeting you." "Yeah. Same here, Deus," sagot naman nito. "Weird. Akala ko ba---" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang sumingit si Dave. "Maraming namamatay sa maling akala, Captain." Umakbay sakin si Leonne. "Hindi mo naman pala karibal si pareng Deus kay Mine mo, Captain eh." Tumabi naman sa kanang panig ko si Nic. "Oo nga. Hindi ka na masyadong mahihirapang manligaw niyan kay Miles," sabay ngisi pa niya. Siniko ko sila. "Shut up." Tapos binalingan ko ng tingin yung mga lalaki. "Back to the court, team. Ituloy na ang warm-up," sabi ko at sumunod naman sila. At bago pa ko tumalikod kay Mine, inihagis ko sa kanya ang towel ko. Sapul siya sa mukha. Naiiinis na tumingin siya sakin. "Ano ako, sampayan? Anong gagawin ko rito?" "Sayo muna 'yan. Kukunin ko na lang after the game." Pagkasabi no'n, bumalik na rin ako sa court at muling nagwarm-up. She's watching, so I need to impress her. Kailangan kong ilabas ang lahat ng itinatagong galing ko. At hindi ko hahayaang tumingin siya sa ibang players, bukod sakin. The referee whistled and the basketball game begins. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD