CHAPTER 13: Sick

841 Words
MILES  Nahilot ko ang ulo ko nang muling kumirot iyon, pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa first class ko.  Natapos ang basketball game kahapon sa score na 145-100. Who won? Blue Orions. Halos mabingi ako sa hiyawan ng mga schoolmates naming mga babae na sumusuporta sa basketball team. At mas lalong lumalakas ang tilian nila sa tuwing nakaka-shoot ng bola si Nate. If Iknow, nagpapakitang-gilas lang siya sa mga babae niya at nagyayabang. At tandang-tanda ko pa ang nangyaring iyon.  Kasabay nang pagpasok ng three-point shot ni Nate ang malakas na pagtunog ng buzzer bilang pagtatapos ng laro. Dumagundong ang malakas na hiyawan ng mga estudyante.  "Kyaaaahhhhh! Ang galing niyo, Blue Orions!"  "Ang gwapo pa! Waaaahhhh!"  "Nathan! I love you! Ang gwapo-gwapo mo!"  "Nathan myloves! Marry me! Kyaaahhhh!"  Naiikot ko na lang ang aking mga mata sa tilian ng mga fans ng mayayabang na lalaki na 'yon, lalo na ng mga fans ni Nate. At napasunod na lang ako kina Max at Sam nang bigla nila akong hilahin papunta sa direksyong tinungo ng buong basketball team pagkatapos nilang kumaway at magpasalamat sa mga sumuporta sakanila.  "Congrats, Blue Orions! Ang gagaling ninyo!" sabay na pagbati nina Max at Sam.  Ngumisi si Aaron. "Naman! Kami pa?"  "Idagdag pang ang gwapo namin. Di ba, Max?"  "Napanood mo ko, Samantha? Ang galing ko, di ba?"  Napailing na lang ako sa pagyayabang na iyon nina Juice at Deus.  "Naging mabait pa nga kami sa kanila. Di namin pinaabot sa 200 yung score," nakangising wika naman ni Leonne.  "Hindi na namin sila masyadong tinambakan. Wala na nga silang kagwapuhan, wala pa ba silang mukhang ihaharap sa ibang tao? Di ba, Captain?" tumatawang pahayag ni Cyprus at nakipag-apir kay Nate.  "Hindi man lang kami pinagpawisan," pagyayabang pa ni Kent.  "Parang warm-up game lang yun eh," turan naman ni Jaiden.  "Effortless ang pagkapanalo," dagdag pa ni Nic.  "Sisiw,"simpleng pagyayabang ni Dave.  Boys would always be boys. Hindi na ko magtataka kung mayayabang ang mga lalaking 'yan. Manang-mana sa Captain nila eh. Psh!  Nang lumapit sakin si Nate, agad kong inihagis ang towel niya at sapul siya sa mukha.  "Hindi mo man lang ba pupunasan ang pawis ko?"nakasimangot na tanong niya.  "Hindi mo ko yaya. At sabi nga ng mga teammates mo, hindi man lang kayo pinagpawisan, di ba?" nakataas ang isang kilay na sagot ko sa kanya.  Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga bago umiling-iling. "Hays! Siguro nang magsabog ng kasweet-an sa mundo, nagtatago ka, ano? Hindi ka man lang nabiyayaan eh."  I just rolled my eyes at him.  Agad akong naupo at isinubsob ang mukha ko sa desk pagkarating sa classroom. Pakiramdam ko ay umiikot na ang paligid ko sa sobrang hilo.  Then, naramdaman ko ang pagdating nina Max at Sam. Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi nila, pero naramdaman kong hinawakan nila ako. Hindi ko na kaya pang umayos ng upo at mag-angat ng tingin dahil habang tumatagal, lalong sumasama ang pakiramdam ko. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko at mas lalo akong nilalamig.  Ilang sandali pa, naramdaman ko na lang na parang may bumuhat sa 'kin. At sa nanlalabong mga mata, hindi ako sigurado kung si Nate nga ba ang nakita ko bago tuluyang mawalan ng malay.  ~~~~~ NATHAN  Naglalakad kami ngayon nina Juice at Deus papasok ng campus. After that basketball game, medyo gumaan na ang loob ko sa bagong miyembro. Mukhang makakasundo ko na siya, lalo na at yung kaibigan pala ni Mine na si Sam, kababata niya, ang totoong dahilan kung bakit siya nandito sa school.  Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko kahapon. Nag-uumapaw sa excitement at energy ang buong katawan ko habang naglalaro. At iyon ang unang pagkakataon na hindi ako nakaramdam ng pagod after the game. Siguro dahil nasa paligid lang si Mine at nanonood.  Hindi ko rin napigilang mapangiti nang maalala ko ang pag-uusap at pagkakalapit namin. Kahit medyo masungit at mataray pa rin siya sakin, okay lang. Kahit medyo nakakainis ang pambabara at panonopla niya sakin, hindi maitatangging nag-e-enjoy ako sa sagutan namin. Pakiramdam ko, talagang magkaibigan at close na kami.  "Nathan!"  Napahinto kami sa paglalakad at nilingon ang pinanggalingan ng tinig na iyon.  "Oh, Max. May nangyari ba?" tanong ni Juice rito pagkalapit samin.  Hinihingal na tumingin siya sakin. "Nathan, we need your help. Si Bhest kasi."  Bigla akong binundol ng kaba nang marinig iyon sa kanya. "What happened to her?" nag-aalalang tanong ko.  "Inaapoy siya ng lagnat. Nando'n siya sa classroom namin at mukhang hindi na kayang bumangon pa."  "Captain, wait!"  Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag ni Deus at agad na tumakbo. Hindi ko na rin pinansin pa ang pagbati sakin ng mga estudyante. At nang marating ko ang classroom ni Mine, agad siyang hinanap ng mga mata ko.  "Nathan, dito!"  Nilingon ko ang tumawag na iyon. Naroon si Sam at kaharap ang isang babae na nakaupo at nakasubsob ang mukha sa desk. Agad akong lumapit sakanila. "Mine?"  Hindi man lang siya sumagot at nag-angat ng tingin. Ipinatong ko ang palad ko sa noo niya at sobrang init niyon. Hindi na ko nagdalawang-isip pang buhatin siya. "I'll take care of her," sabi ko kay Sam bago lumabas ng silid nila.  Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang malakas na pagsinghap at pagkagulat ng mga estudyanteng nasasalubong ko habang buhat si Mine. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD