chapter 2

1327 Words
ALTHEA "Maupo ka muna," alok ni Uno sabay tayo at lumipat sa pang-apatang sofa katabi ni Vince. "Thank you," I simply said. At umupo na rin sa upuang binakante nya. "What do you want to drink?" Baling naman na tanong ni kuya Carl sa 'kin. " We have juices, softdrinks and mocktail?" Pagpapatuloy nito.Habang iniisa isa ang mga available na inuming pang babae. " Can I have water?" Ang mababa boses kong tanong.Nakakahiya dahil nakapantulog lamang ako. Nakakaramdam ako ng kaunting nerbyos. Hindi ko alam kung bakit. Kaya kailangan ko ng tubig baka sakaling mawala ang nerbyos ko. Medyo nanunuyot na rin kasi ang lalamunan ko. And I prefer cold water at this moment. "Are you sure?" Paniniguro niya at bahagya pang naka kunot ang nuo. "Yes, just water please," at kimi akong ngumiti. "Ok then," simple naman niyang sagot. Tumalikod na ito at nagtungo siya sa isang di kalakihang refrigerator na naka tayo lamang sa gilid ng mini bar at agad din itong bumalik. "Here, " at marahan nitong inabot sa 'kin ang isang basong tubig at nilapag naman sa table ang bote na may laman ding tubig. " Thank you," ang tipid kong sabi. "Youre always welcome," ang nakangiti naman niyang sagot. Uminon ako ng tubig pero para bang nahihirapan akong lunukin iyon kaya konti lang din ang nabawas ko sa aking baso. Kahit pa'no ay naginhawaan ang pakiramdam ko nang mabasa ang aking lalamunan. Parang sinisilihan ang puwetan ko dahil sa pagka-asiwang nararamdam dahil sa tiim na titig na pinupukol sa akin ng lalaking katapat ko. Ramdam na ramdam ko ang pagsirko ng puso ko sa tuwing magtatama ang mga mata namin. Sino nga ba ulit ito? Ah Kiel? Kiel Fuentaville... Ang pag-alala ng isip ko sa buo niyang pangalan. Pano naman kasi napapansin ko panay ang titig nito at 'di ako komportable sa paraan ng pagtitig nito sa'kin. Masyadong matiim. Para bang tagos hanggang kaluluwa. PARANG sinusukat lahat ng aking lamang loob, ganon siya makatitig. "Ano ba problema nito," ang mahina kong bulong sa sarili. Nag uumpisa na rin akong makaramdam ng iritasyon para dito. Pilit kong kinalma ang sarili at itinuon ko na lang ang atensyon sa aking cellphone. Gusto kong umiwas sa mapanuri nitong mga titig. Siguro nawe-weirdo-han ito sa suot kong padjama 'di kaya? Kastigo pa ng isip ko. Huh I don't care, bahala siya! Sino ba siya? Panay browse ko sa f*******: ko pero wala naman talaga do'n ang atensyon ko para lang 'tong hangin na dumaraan sa paningin ko pero walang rumirihistro sa utak ko. Ang utak ko'y naka tuon sa kanilang lima. 'Di ako makapaniwala na may ganitong group of friends na wala kang itulak, kabigin. Para silang mga modelo sa ganda ng tindig, mukha at idadag pa na mukhang galing sa mayayamang pamilya ang mga ito. Well, guwapo naman si Kuya Noah, ang tanda ko pa nga na maraming naghahabol na babae noong nag-aaral pa ito. Mayaman din ang pamilya nito lalo na sa mother side na naka base lahat sa America ang negosyo. Marami akong Love letters na nakikita sa kuwarto niya dati galing sa ibat ibang babae. Lapitin din ito ng chicks pero di tulad ng iba si Kuya Noah, ito ay pinaka seryoso pagdating sa relasyon. Naalala ko pa na umabot ng dalawang taon ang huling relasyon nito at mula noo'y wala nakong napabalitang naging karelasyon niya pang muli. In short,matinong lalake ang pinsan ko. Mayaman din ang pamilya nito na naka base na sa America. Ilang hotel din ang pag mamay-ari nila sa america at ibang panig ng Europe. Naputol ang aking pagmumunimuni nang muling mapagawi ang paningin ko kay Kiel. Napapamura ako ng lihim, s**t! Nakatitig pa rin ito sa 'kin. Nakakaadik ang mukha nito, yong tipong mukhang 'di mo pagsasawahan titigan, kahit pa parang laging salubong ang kilay. Matangos na ilong, makapal na kilay manipis at mapulang labi, makapal na buhok na nangingitab pa. Napaka kinis din ng mukha nito at ang katawan na para bang kay sarap sarap yakapin... At ano naman ang alam mo sa mga yakap yakap na 'yan eh unan lang naman ang na experienced mong yakapin aber? kastigong muli ng utak ko. Tumikwas tikwas ang kilay nito at lalong nag salubong... Doon lamang ako nagising, nawala na pala ako sa sarili at nakikipagtagisan na rin pala ako ng titig sa kan'ya, kaya siguro lalong napatiim ang titig nito sa 'kin. Ako rin ang sumuko at ibinalik ulit ang atensyon sa cellphone ko. "Ilang taon kana ulit Thea?" Untag na tanong ni kuya Carl. May ngiti itong humarap sa'kin. "Nineteen, po. Nasa third year college na po ako." Ang naka ngiti ko ring sagot. " Wow parang kailan lang ang bata bata mo pa. Look at you now, you've grown such a beautiful lady." His very honest compliment. "Thank you kuya,"ang nahihiya kong sagot. Alam kong namula ang pisngi ko sa simpling papuri nito. "May boyfriend ka na ba?" Ang baling naman na tanong sakin ni Uno. Nakita ko pang umarko ang kilay ng pinsan ko sa tanong na 'yon ni Uno. "Naku wala pa 'yan sa isip ko, gusto ko munang makapagtapos then, maybe saka ko na 'yan iisipin," my simple but very serious answered. Napangiti siya. Then, he just nodded.. " Oo bawal pa talaga 'yang mag boyfriend at ako ang unang kikilatis sa magiging boyfriend niya kung saka sakali," Ang malakas na singit ni Kuya Noah nang marinig ang tanong na yon ni Uno. I rolled my eyes sa sinabi niya iyon at binalik ulit ang atensyon sa cellphone. " Eh paano kung isa sa'min ang manligaw sa kan'ya?" Ang may pang aasar na tanong sa kanya ni kuya Matt. Bahagyang natigilan ang pinsan ko at naging seryoso ang mukha. " Ang tatanda nyo na mahiya naman kayo sa'kin, hindi naman sugar daddy hanap ng pinsan. " Bahagyang nagkatawanan. Pakiramdam ko namumutok ang pisngi ko sa sobrang pula. Napatingin ako kay Kiel sa lahat 'ata ito lang ang hindi natawa. "Huwag mong masyadong titigan Kiel baka matunaw ang mga teddy bears," ang pahabol na tudyo ni Kuya Matt. Habang nakangisi ito kay Kiel. Napailing-iling na lang ang pinsan ko sa kakulitan ng mga kaibigan n'ya. Nagrambulan naman ang t***k ng puso ko. So, napansin din ni Kuya Matt ang titig nito sa'kin? Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano ba kasi ang problema ng isang 'to at gano'n na lang kung makatitig sa 'kin? Mag-alas tres na rin ng madaling araw kami nakauwi, pero nakakapag takang 'di pa ako makaramdam ng antok kahit na konte. Tila tinatangay parin ng alapaap ang aking balingtataw. Samantalang medyo nalasing naman si Kuya Noah pero kaya pa naman nitong maglakad ng walang nakaalalay. Agad itong nagpaalam sa akin, at nag tuloy na sa kanyang kuwarto. Buti na lang Sabado bukas at wala akong pasok sa school, makakatulog ako ng mahaba haba. Muli kong inalala ang mga nangyari kanina. Sa buong buhay ko 'yon lang ako humanga sa lalake pagdating sa physical appearance. Masyado itong perpekto para sa aking taste. Pero 'di ba sabi nga nila looks can be deceiving? Super guwapo nga pero mukha naman antipatiko, kastigo ko sa mapanuksong isip ko. Kiel Fuentaville twenty nine years old and at the very young age, he's already very successful at his field. Galing ito sa mayamang pamilya, pag mamay-ari nila ang ilang malls ang hotels sa bansa bukod pa sa mga negosyo nila sa labas ng bansa like in America and europe. Bukod pa sa ilang karadig na bansa sa Asya. Pag-alala ko sa kuwento ni Kuya Noah, habang nasa biyahe kami kanina. Inaalok din daw siya ni Kiel para maging manager sa isang mall na pagmamay-ari nila. 'Di pa daw niya ito tinanggap at pinag-iisipan pa lang ang naturang offer. Balak din kasing magtayo ng maliit na negosyo ni Kuya Noah bilang panimula. 'Di ko na namalayan ang paghila ng antok sa 'king kamalayan. Nakatulog ako ng mahimbing at tanghali na rin ako nang magising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD