ALTHEA
Nasa kahabaan ako ng traffic nang tumunog ang cellphone ko.
Tinignan ko at agad na rumihistro ang pangalan ng pinsan ko.
I opened it and read the messages. Napabuntong hininga na lang ako nang mabasa ang text n'ya.
Nasa isang disco bar daw siya sa Quezon City. Nakikiusap na sunduin ko ng mga bandang ala una ng madaling araw.
Kadarating pa lamang nito galing America noong isang araw, at nasa bar nga ngayon na pagmamay-ari ng isang nitong kaibigan.
Ilang sandali pa ay muling nag-beep iyon. It was again from him. Marahil nainip sa pag aantay ng sagot ko kaya magkasunod ang ginawa nitong pag-text. "Please baby?" with pa cute emoji pa. Sinagot ko na lang ito ng simpling,
"okey" .
Wala naman akong magagawa sino pa nga ba ang susundo sa kanya kun'di ako lang naman 'di ba?
Kaming dalawa ang pinakamalapit sa isa't isa sa lahat ng magpipinsan.
Pagdating ng bahay dumiretso agad ako sa kuwarto at nagbihis.
Pagkatapos ay bumaba na rin ako agad at pumuntang kusina.
Nadatnan ko si ate Jing na nagluluto na ng panghapunan, isa siya sa dalawang kasambahay namin.
Binati ko siya habang binubuksan ko ang ref para kumuha ng malamig na tubig,
"hi teh, si mommy?" I asked. She smiled at me while browsing her phone.
"Nasa tindahan , umuwi 'yong isang tindera at masama ang pakiramdam kaya tumulong ang mommy mong tumao. 'Yong, sa puwesto n'yo sa Makati?" Tukoy nito sa hardware store namin na nakabase sa makati. We owned a hardware stores.
We have three branches, two in Taguig where we live, and one in Makati. Siguro mga alas siete y medya na 'yon sila makakauwi. Daraanan pa ng daddy mo ang mommy mo sa Makati e," marahan lamang akong napatango.
" Nasa kuwarto lang ako Ate Jing. Pakitawag na lang po ako 'pag dumating sila mommy at daddy." magalang kong bilin.
She just nodded and smiled.
"okey, para sabay sabay na rin tayong kumain." Malapit si ate Jing sa pamilya, kasama na namin ito since maliit pa'ko. Malapit siya, lalo na sa 'kin. 36 anyos pa lamang ito.
May asawa na ito at dalawang anak sa Laguna. Umuuwi ito isa or dalawang beses sa isang buwan.
Ang pinsan naman nitong si Gigi ay 32 taon gulang may isang anak at asawa , nakatira lamang ito malapit sa subdivision na tinitirhan namin.
Umuuwi ito sa kanila ng ala sais at babalik din kinabukasan. Sumasabay sa 'min si Ate Jing para kumain tuwing dinner at during the day naman sabay sila ng pinsan niya or ni mommy dahil malimit wala kami sa bahay at sa gabi na kami nagkakasalo salo.
I decided to do a bit of research para sa assignment na binigay sa 'min today. Sa isang linggo pa naman ang dead line nun but since wala naman akong ginagawa, ay magre-research na lang ako at mag-aaral ng kaunti.
I was in third year college and taking business administration. Nag-iisa lang din akong anak.Kaya malamang tutulong din ako sa negosyo pagkatapos kong mag-aral.
Ang pinsan ko namang si Kuya NOah ay tumutuloy naman sa 'min pansamantala habang nasa Pilipinas ito. Sa America na naninirahan ang mag-anak.
Ang Tito Norman na ama ni Kuya Noah ang panganay sa tatlong magkakapatid na puro lalaki.
Si Tito Norman at ang pamilya nito ay naka base na sa America. Si Tito Ronald naman ay naka base sa switzerland at ang pamilya nito. Ang bunso ay si Daddy na piniling manatili naman sa pilipinas.
Masaya ako at muling bumalik dito sa Pilipinas si Kuya Noah. Ito ang pangalawang beses niyang bakasyon at ayon sa kan'ya, this time, matatagal ito sa pilipinas.
Malapit kaming dalawa sa isa't isa. SA lahat ng pinsan ko, siya ang pinaka close ko. Siguro dahil nanirahan siya sa' min noon habang tinatapos ang kurso nito bago sumunod sa magulang nito sa America.
Binabagtas ko na ang Edsa patungong Quezon city, kung saan ang disco bar na tinutukoy nito base sa binigay n'yang address.
Pumarada ako sa 'di kalayuan. Maganda ang lugar at halatang puro mayayaman ang nagpupunta, base sa mga sasakyang nakaparada sa paligid.
I took my phone and let my cousin know that I was parked my car and just waiting near by. I'm planning to wait for him inside the car dahil wala rin sa ayos ang suot ko.
Ilang sandali pa'y tumatawag na ito sa aking cellphone.
"Hey baby. Puwede bang pumasok ka mo na dito? I decided to stay a bit more longer." Malumanay at may halong lambing na sabi nito.
Dinig ko pa sa kabilang linya ang kuwentuhan at tawanan ng mga kaibigan nito. Siguro nagkakasiyahan pa nga sila. Kung sabagay matagal tagal din na hindi nagkasama ang mga ito. At marahil ay na miss nila ang bawat isa.
Napabuntong hininga na lang ako at nag isip saglit. Medyo nag-aalangan ako sa ideyang iyon. Papasok ako ng ganito ang ayos? Well wala naman akong choice.
Naka pantulog na kasi ako. Isang paris ng padjama ang suot ko na kulay puti na puno ng teddy bears print na kulay asul.
Buti na lang at nagsuot pa 'ko ng flat shoes at hindi tsinilas.
" Okey." Simpling sagot ko. Ayaw ko namang mag-antay ng ilang oras sa loob ng sasakyan at medyo may kadiliman din sa bandang iyon ng parking lot.
Sinabi nito na binilinan na niya ang isa sa bantay sa entrance para ihatid ako sa VIP room na kinaroroonan nila. Kalaunay napag pasyahan ko na rin na lumabas ng sasakyan at magtungo sa entrance.
Agad akong nagtanong sa dalawang lalaking nakabantay roon, and they immediately nodded ng sabihin ko ang pangalan ni Kuya Noah. Napangiti ang isa habang sinisipat nito ang aking suot. Napangiti na lang din ako ng alanganin, at nagkibit balikat.
"Dito tayo Ma'am," anang isang lalake at iminuwestra nito ang daan. Binagtas namin ang gilid ng napakaingay na dance floor, lahat ay nagwalala sa daloy ng malakas na musika habang nakataas ang mga kamay.
Ang karamihan ay lumulundag pa at humihiyaw . Honestly, mahilig ako sa musika. I love playing guitar , making songs . I love singing! pero 'di talaga makayanan ng tainga ko ang heavy music.
I hate too much noise 'di ako makahinga at naaalibadbaran ako. Iginaya niya ako papunta sa isang pinto.
"Dito tayo Ma'am," ang sabi nito na tinuro ang pinto nasa tapat namin.
"thank you Kuya," I said and he just nodded and walked away.
Binuksan ko nang bahagya at dahandahan ang pinto. Sumilip, nilinga at nilibot ang aking paningin sa loob at saka ako tuluyang pumasok ng makita ko na si Kuya Noah.
Makikita sa bandang gitna ang kuwadradong sofa na pang-apatan , sa kaliwat, kanan ay dalawang sofang pang isahan at carpet na pinapatungan ng 'di kalakihang glass table kuwadrado din ang hugis nito .
Kulay itim lahat ng kagamitan. Kumpara sa labas kung saan nadaanan namin ang maingay na dance floor, mabining tugtogin lamang ang maririnig mo dito. Anim lamang sila sa loob na puro lalake.
Napalingon ang isa sa kanila at tinuro ako kay Kuya Noah. Bumaling ito sa pintuan at napangiti nang makita ako.
"Hi baby." Masayang bati nito at naglakad patungo sa 'kin, para salubungin ako.
Naglakad na rin ako ng marahan para salubungin siya.Napanguso ako at sinipat ang oras sa hawak kong cellphone.
"Sabi mo ala una pero alas dose singkwenta na. May sampong minuto ka pa," pag bibiro kong sagot sa tila pang-aasar nanaman nitong pagtawag sakin ng baby.
Hindi inalintana ang mga mata nararamdaman kong nakatingin lahat sa akin.
Para daw kasi sa kanila, ako ang pinaka baby ng pamilya.
"Nice outfit!" sabi naman ng isang boses na kilang kilala ko. Bumaling ako sa kan'ya at napangiti ako.
"Hi Kuya Carl long time no see," bati ko sabay fistbump. 'Yon na kasi ang nakasanayan kong gawin 'pag nagagawi ito sa bahay dati.
Kilala ko na siya dahil madalas itong magpunta sa bahay kasama ang pinsan nitong si Kuya Matt, noong nag-aaral pa si Kuya Noah, at pati nang una itong mag bakasyon sa Pilipinas.
Agad ko rin naispatan si kuya Matt na nakaupo sa gitna ng pang-apatang sofa. Napatingin din ito sa 'kin at 'di tulad ni Kuya Carl, ay bumibeso ito sa 'kin kahit ayaw ko.
Well, honestly sa kanilang dalawa ni Kuya Carl mas ka-close ko talaga siya at 'di ako nahihiya sa kan'ya.
"Hey sweetheart long time no see! dalagang dalaga ka na." Masayang bati nito sa 'kin saka lumapit at bineso ako, sinipat sipat pa niya ako nang nakangiti pagkatapos.
Napangiti rin ako. At pabirong hinampas siya ng marahan sa dibdib.
"Puwede ba Matthew, tigilan mo na 'yang kaka-sweetheart mo sa pinsan ko tumataas balahibo ko e,"
Maktol ni Kuya Noah. Kilala kasi si kuya Matt sa image nito bilang isang dakilang babaero. Well, kuya lang naman ang turing ko dito tsaka ang tatanda na nila! Malalayo ang agwat ng mga edad namin!
19 yrs old pa lang ako at sila eh, nasa late 30's na 'ata. Ngunit hindi maipagkakaila na ang babata pa rin ng mga itong tignan.
And they are looking so hot and gorgeous... Natigilan ako sa aking naisip, kailan pa ako natutong tumingin ng hot and gorgeous men? Bumaling si Kuya Noah sa tatlo pang naroroon.
"Thats Vince, turo nito sa isang lalaking naka -upo rin sa pang apatang sofa. Napatingin ito sa'kin at ngumiti.
"Hi," simpling bati nito sa'kin.
"That's Uno," baling naman nito sa isa pang nakaupo sa kaliwang upuan.
"Hello nice to meet you." Magiliw na bati rin nito and he winked.
" Nice to meet you too,"sagot ko habang naka ngiti rin ng hilaw.
"And this is Kiel," turo naman nito sa lalaking nakasuot ng kulay itim na ternong business suits, pinapailaliman ng puting polo na bukas na ang dalawang magkasunod na botones sa bandang leeg. He looks freakingly gorgeous. Para akong namamalikmata.
Napalunok ako, dahil sa matiim nitong tingin.
Tumango lang ito sa 'kin. Bigla akong natauhan.
"This is my cousin Althea Olivarez," pakilala ni Kuya kahit ang ilan nga ay personal ko nang nakilala.
"Hi, nice to meet you all," nahihiya kong bati sa kanila. Habang pilit ang ngiting kumawala sa aking labi.