chapter 3

2269 Words
ALTHEA Araw ng miyerkules at wala ang professor namin sa pinakahuling subject ng araw na 'yon. Napagkasunduan namin magkakaibigang , Krisha and Jhen na magliwaliw muna sa kalapit na mall. Kasama rin namin ng araw na 'yon ang nobyo ni Krisha na si Richard at ang dalawang kaibigan nitong si Gino at Jake. Na naging kaibigan na rin namin since lagi naman namin silang nakakasama. Mababait naman kasi ang mga ito. Nasanay na rin kami sa kakulitan nila at sa madalas namin pagsasama, naging magaan na rin ang loob ng bawat isa sa 'min. Masaya kaming pumasok sa coffee shop na madalas namin tambayan. Usual, pinili na naman namin ang pang limahang mesa sa isang sulok, malapit sa entrance. Humila na lamang ng isang upuan si Gino sa kalapit na mesa para maging anim ang upuan do'n. Maya maya pa'y nag umpisa na namang bumanat ng biro si Jake. "Ano na Thea, kailan mo 'ko sasagutin?" Ang pagpapa-cute pa nitong tanong. He pouted his lips na animoy naging puwet na iyon ng manok. Napapailing na lang ako. Actually lagi naman ganito ang eksina tuwing magkakasama kami. Palagi akong pinagdidiskitahang diskartihan nito. Pero 'di naman talaga pormal na nanliligaw ito kun'di panay palipad hangin lamang sa 'kin. Siguro dahil umpisa pa lamang ay alam na n'yang wala pa 'kong balak magpaligaw at magka-boyfriend. Noong una ay naiinis ako dito lalo na sa walang tigil na palipad hangin nito, kalaunan ay nasanay na rin ako rito, at nagagawa ko pa ngang makipag tagisan ng biro nang 'di naiinis or naiilang man lang, panatag na talaga ang loob ko dito, ganun rin kay Richard at Gino. "Bakit nanliligaw ka ba? Oh Sige, ikaw ang taya ngayon ah, para maramdaman kong nanliligaw ka nga," ang pabiro kong sagot at nagawa ko pang umabri seite sa isa n'yang braso. Bahagyang nagtawanan ang grupo, napakamot naman sa batok si Jake. "Maganda ka lang talaga Thea, pero wala kang puso." Ang hirit pa nito na tinutop ang isang palad sa kaliwang dibdib at umaktong nasasaktan. " Hindi mo ba nararamdaman ang mga pagpaparamdam ko sa 'yo?" Ang pangalawang hirit pa nito. "Hindi naman kasi ako espiritista kaya 'di ako nakakaramdam ng multo!" Ang pangbabara ko at kasunod ang tawanan namin muli. Pumihit na 'ko habang hila siya sa kan'yang braso papuntang counter. Tumayo na rin si Richard, Gino at Jhen. Si Krisha naman ang naiwan sa table namin. Nauna na ang tatlo sa counter, nag-iinarte pa kasi si Jake na hila hila ko pa rin sa braso nito. " Halika ka na order na tayo para mahimasmasan ka," ang tudyo ko pa sa kanya. Hanggang sa counter panay asaran pa rin namin. Mabait si Jake kahit pa panay palipad hangin nito at aminado itong may gusto sa'kin, ni minsan hindi ako nakaramdam na may malisya ang mga hawak nito.. He's quite gentleman. Kaya naging komportable na rin ako dito. Pabalik na kami ng mapatingin ako sa dalawang lalaking nakaupo sa pandalawahang mesa, malapit lamang sa mesang inuokupa namin. Bahagya pa akong nagulat at napahinto ng magtama ang mata namin ni Kuya Carl at ngumiti ito sa'kin. Awtomatikong napahinto rin si Jake na nasa likod ko lamang. "Hi Althea," nakangiting bati sa 'kin ni Kuya Carl sa akin. Naka O pa rin ang labi kong nakatingin sa kan'ya. Kapagkuwa'y binati ko rin ito pagkatapos kong mahimasmasan. "Hello kuya," natitigilan kong sagot bahagya kong binalingan ang kaharap nitong upuan. Si Kiel! Napamura ako sa isip. Agad kong naramdaman ang pagserko ng puso ko. Para pa ngang may karera ng kabayo sa loob nun sa sobrang bilis ng t***k nito. "Hi, K--kuya Kiel," ang napipilitang kong bati sa kanya. Tumango lang ito sa 'kin. Kuya daw! Kuya mo mukha mo! Ang kastigo ng isang bahagi ng utak ko! Eeh ano sasabihin ko? Hi Kiel? Nakakahiya naman nun... Kay kuya Carl nga Kuya e, 'tas sa kanya Kiel lang? Magbigay ka ng respeto sa mas nakakatanda sa'yo! ang kuntra ko sa bahaging 'yon ng utak ko. Baka isipin pa niya, may gusto ako sa kanya. Bakit wala nga ba? Tudyo pang muli ng bahagi 'yon ng utak ko. So, meron na ba talaga akong gusto sa kanya? Ang balik tanong ko naman sa sariling isip. Bigla akong napapilig ng ulo sa isiping iyon. Too early to say I guess. Ang pinal kong pag kundina sa sariling utak. Pero para bang nakaramdam ako ng bigat sa dibdib, nang tawagin ko itong Kuya. Hindi bagay, parang mas bagay na maging kami. Hindi siya nababagay sa paggalang ko. Parang mas bagay niyang maging jowa ko. Damn. Ano ba 'tong pumapasok sa kokote ko? Nababaliw na nga siguro ako dahil, parang di ko matanggap. Hanggang kuya lang ba talaga? "Kanina pa kayo dito?" ang untag kong tanong ng makabawi sa pagkabigla. " Oo, kaya lang nahihiya kitang batiin, mukha kasing nagkakasiyahan ang grupo n'yo." Bahagya pa niyang nilingon ang grupo namin. "Ah, mga schoolmates and classmates ko Kuya, wala kasi 'yong prof namin sa huling subject, kaya nagliwaliw muna kami dito sa malapit na mall. Si Krisha, Jhen, Richard, Gino turo ko sa kanila. Nakatingin rin ang mga kaibigan ko at kumaway pa sila. "Ako Babe? pakilala mo naman ako, " ang tila kunwari nagtatampong sabi ni Jake. Nilingon ko siya at bumaling ulit kay kuya Carl at Kiel. "At heto, wala 'to." Ang napaseryoso kong sagot. "Babe naman ako magiging future boyfriend mo eh. Huwag naman ganyan nasasaktan ako!" Pagmamaktol nito at nanghahaba pa ang nguso.. Bahagyang natawa si Kuya Carl pero ang naman ng mukha ni Kiel parang ang dilim pa nga ng mukha nito. Well, kailan ba umaliwalas ang mukha ng isang 'yan? Puwede na nga itong bansagang Mr. Salubong ang kilay. Pero s**t, napakaguwapo pa rin niya. Not fair... Pero bakit hindi man lang natawa sa joke ko? Ano 'yon 'di niya nagustuhan 'yong joke? Well, mula 'ata no'ng una ko 'tong nakita bilang ko lang sa daliri ko ang ngiti nito. Kala mo laging pasan ang mundo. "I'm Carl and this is Kiel mga kaibigan kami ng pinsan ni Thea, si Noah. Pagpapakilala ni Kuya Carl. " I'm Jake, future boyfriend ni Thea nice to meet you Kuya Carl at sa'yo, Pare." Baling nito kay Kiel. Ni hindi sumagot si Kiel sa kaniya. Ni hindi niya 'to tinignan. "Nice to meet you," ang agaw sagot naman ni Kuya Carl. "Sige, Kuya. Maiwan na namin kaya." He just nodded at naglakad na naman kami papunta sa'min mesa. 'Di ko na nagawang tignan si Kiel, 'di ko alam pero parang pakiramdam ko ayaw nito sa'kin na parang may problema siya sakin. Baka hindi nya talaga feel ang prensensya ko. Aw, that's hurt... I think I like him... Oops natigilan din ako sa aking naisip... Do I really like him? Tumigil ka nga Althea. Lumalandi ka na! Pagkakastigo ko sa sariling isip. 'Di ako sigurado kung magagawa ko pa ulit itong tawagin ng Kuya, tulad ng iba nilang mga kaibigan. Parang 'di kayang tanggapin talaga ng damdamin ko, na tawagin ko siyang kuya, na hanggang kuya ko lang siya. What?! Ibig mong sabihin gusto mo talaga siya? Muling atake ng isip ko! Bigla akong namula sa isiping iyon.Gusto ko nga yata talaga siya, crush ko siya kahit pa sobrang suplado at antipatiko niya. Kahit na buntong hininga pa lang niya natitiklop na 'ko. Bahagya ulit akong tumingin sa table nila at nagtama ang paningin namin shiiit! Bakit gano'n na lang siya makatitig sa 'kin. Binulungan ako ni Krisha . " Sino sila Besh? s**t! ang guguwapo ha, ang alam ko Beshe tayo pero bakit ka nagtatago ng mga prensipe sa 'kin?" Humagihik pa ito na parang kilig na kilig. "Oo nga pakilala mo naman kami Thea damot nito," ang hirit din ni Jhen. " Ano ba kayo, mga kaibigan 'yan ni Kuya Noah." Mahina kong saway sa kanila. At iniwas na ang tingin sa puwesto nila Kiel. ** Dalawang Linggo na nang huli kong makita si Kiel. Pero walang araw na 'di ko ito naiisip. Tila ba isang tukso ang imahe nitong basta na lamang lumilitaw sa isipan ko. Ang napaka guwapo niyang mukha, ang napaka ganda niyang tindig. Ang sumisigaw na kaguwapuhan nito kahit pa madalas ay buhol buhol ang kilay nito sa pagsasalubong. Ang malapad nitong balikat, ang tila batak sa ehersiyo nitong katawan, na makikita batay sa pagkakayakap ng suot nitong polo sa kanyang katawan. Haay... Lahat 'ata ng kaguwapuhan nasalo na niya. Suplado lang talaga. Para na akong temang na napapangiti na lang ng mag-isa, habang iniisip ko siya. Kasi naman ang lola nyo, madalas na ngayon magpantasya. Hindi naman ako ganito noon pero ewan ko ba, napansin ko na lang na madalas na akong mag-day dreaming nitong mga nagdaang mga araw. At sa pantasya ko pa nga eh, ibang Kiel ang nakikita ko. Kiel na malambing, laging naka ngiti, at Kiel na mahal na mahal ako. What?! Sure ka teh, may alam ka na ngayong mahal, mahal? Kala ko ba aral muna? Noon gusto lang, ngayon mahal na? Aba matindi! Napakagat labi ako sa sariling naisip. Nagparamdam na naman ang kontrabida sa isip ko. Kinakastigo at binabara na naman ako nito. Siguro ang daming naghahabol sa kanya? Malamang! Bakit makikiagaw ka? Ang bigla kong naisip. Halata naman eh, sino ba naman 'di magkakagusto do'n? Super guwapo na, super sexy pa. Idagdag pa ang taas nito na siguro sa tantsa ko'y di lalampas at kukulangin na anim na talampakan, plus super rich pa ito. So, malamang marami talaga magkakagusto do'n. Patay marami ngang kaagaw.. Kainis parang ang hirap niyang abutin. Ang isa pa sa nagpapabigat ng dibdib ko ay ang isiping magkalayo ang edad namin. Para naman sa akin ay hindi iyon big deal, naniniwala ako sa kasabihan na, age doesn't matter. E, siya kaya gano'n rin? Ang isipin na 'yon ang nagpabalik sa 'kin sa reyalidad. Napabuntong hininga na lang ako. Parang napakaimposible talaga niyang abutin. Napapamura ako sa isip, s**t! kanina pa 'ko dito pero wala pa rin akong masakyan. Punuan ang mga dyip at kahit mga taxi ay punuan na rin. Palakas nang palakas ang hangin at bugso ng ulan. Friday pa naman ngayon kaya mas maraming tao. Idagdag pa sa nakakapagirita sa'kin ang walang humpay na buhos ng ulan na may kasamang, panakanakang lakas na bugso ng hangin. Mahigpit ang hawak ko sa aking payong habang ang aking bagpack naman ay, ikinawit ko sa dalawa kong braso sa harap ng aking dibdib. Medyo basa na ang pang ibaba kong suot, school uniform. Nakakaramdam na rin ako ng lamig. Ang sabi may bagyo raw at signal no:1, pero bakit parang ang lakas lakas pa rin nito. Medyo natatangay na ng hangin ang payong na hawak ko. Hinigpitan ko pa lalo ang hawak. Matibay tibay naman ang payong ko pero pag nagpatuloy ang lakas ng hangin ay 'di ko na ito kakayanin. Baka pareho kami ng payong kong tangayin ng hangin. Padukot pa lang ako ng cellphone mula sa aking bulsa, nang bigla naman itong tumunog, at agad ko itong sinagot "Hello Kuya," ang worried tone kong bungad. " Hey Baby, Wala ka pa daw sa bahay?" May pag-aalala rin na tanong niya. " Wala akong masakyan eh, 'tas ang lakas pa ng ulan. Kahit taxi wala," ang malungkot at nagaalala kong sagot. "Just stay in the safe and dry place, ' yong matao. Antayin mo ako susunduin kita," ang medyo aburido niyang sagot. "Okay, I will." Ang maikli kong tugon at ibinigay ang address ng isang sikat na fast food chain na nasa tapat ko lamang. Nagpaalam na ako sa kabilang linya. Agad naman akong pumasok sa loob at nag-oder ng hamburger, french fries and coke habang naghihintay. Nahirapan pa akong maghanap ng mauupuan sa sobrang dami ng tao then, finally may tumayo na sa pang dalawahang mesa malapit sa entrance. Agad akong umupo ng makaalis ang dalawang naka-upo doon. Mahigit isang oras na akong naghihitay, sinipat ko ang oras sa 'king cellphone 9:30 na ng gabi. Nakakainis gabing-gabi na ako. Maya maya pa ay na- beep na ang cellphone ko. An unregestered number poped up. Nagtataka man ay binuksan ko na rin at binasa ang text message. " Where are you? I'm here waiting in front," 'Di na ako nag-aksaya pa ng sandali, nagmamadali akong lumabas at sinipat ko ang sasakyan kong gamit ni Kuya Noah, pero 'di ko ito makita. Isang itim na Audi ang nasa harap at sobrang kintab nito at halatang bagong bago pa. Nasaan ba si Kuya? Huminto sa pag-ikot ang mundo ko, nang bumukas ang bintana at bahagyang dumungaw ang driver nito. Bigla akong natigilan. Si Kiel?! Bakit siya? Pipi at naguguluhang tanong ng isip ko! Kasunod ng paglakas ng kabog ng dibdib ko kasabay ng tila paglipad ng mga paro paro sa 'kin tiyan. "Hali ka na," ang simple niyang agaw pansin sa 'kin habang nakayuko patingin sa aking kinaroroonan. Nabibigla man ay dali dali kong tiwawid ang ulan at pumunta sa nag-aantay nitong sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pintuan sa likod ng marinig ko ang medyo malakas nitong sabi. "Come here, sit here in front please," dali dali akong lumipat sa harap at sumakay agad. " Ayaw kong mag mukhang driver mo," ang medyo pabiro nitong sabi. Kala ko galit or nakabusangot pero himala maaliwalas ang kanyang mukha ngayon. Mukha 'ata siyang masaya at parang maganda ang araw nito, kahit pa bumabagyo. Ang bulong ng isip ko. "Sorry... Naabala pa kita, " ang hinge ko ng paumanhin at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Its okay, my pleasure," ang masaya ulit nitong sagot. Wow, ha! Parang hindi siya itong, kaharap ko... Sino kayang butihing nilalang ang sumapi dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD